Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 61 - Vaughn's Oath

Chapter 61 - Vaughn's Oath

Dollar's POV

"R-Rion wag mo naman akong titigan ng ganyan... hindi ako makahinga sa kilig. Hehehe!"

He just smiled. At inalalayan akong bumaba sa sasakyan niya.

"Where will you spend your Christmas?" tanong niya nang nasa tapat na kami ng bahay namin.

"Dito. Ini-invite ako ulit ni Lolo sa inyo pero paano naman sina Uncle? Pero 'yaan mo umaga pa lang ng 26, nasa inyo na ulit ako!"

Mahirap na baka ma-miss mo pa 'ko ng sobra. Hehe!

"I won't be around on 26 so... can you extend your stay till 27?"

HmN... Nag-isip ako kunwari. Kunwari lang, maranasan ko lang na magpakipot. Pero ang hirap eh. "Okay!"

"And..." tiningnan niya 'ko ng diretso.

I stepped closer to him and stood on tiptoes. Sinalubong ko din ang tingin niya. "Hmn? Ano, Rion? Say it." I whispered seductively.

*Beautiful eyes *Pout lips

Lulubus-lubusin ko na ang panlalandi. Malay ko balikan pala 'ko ng vigilante tapos tsugihin? Eh di bye-bye Earth na? Minsan lang 'to, pasko naman eh.

He smiled lazily, tumingala at lumunok. Dang! Bakit ang sexy tingnan ng pagtaas at pagbaba ng adam's apple niya?

"Huy, anu ba yun Rion?" Umayos na 'ko ng tayo, hirap mag-tiptoe, di naman ako pang-Ballerina. At baka malabasan kami dito ni Uncle na ganito kalapit sa isa't isa, eh di tumaas ang BP non.

"Remember the tree house?" tanong niya.

"Oo naman!"

Bakit kaya? Mauuna ba ang honeymoon kesa kasal? Hahaha! Masaya yan!

"Pumunta ka doon ng hapon ng 27, is that all right with you?"

"Kahit umaga nandon na 'ko!"

"Hapon."

"Okay!"

Ngayon pa lang iniisip ko na kung anong mga dadalhin ko. Maraming pagkain, wine, no...gin na lang para malakas agad ang tama at...insect repellant, unan kulambo, kumot at marami pa! At alas seis ng umaga nandon na 'ko!

"And... please, stay away from Vaughn."

Speaking of him... naisip ko na naman ang nangyari kagabi. Bwiset na iyon. Pero bakit nabanggit pa ni Rion ang lalakeng 'yon? Me pagka-psychic talaga tong si Unsmiling prince. Natunugan niya bang may ginawang masama sa'kin ang teroristang na iyon?

"Sure! Faithful ako sa'yo no."

Tumango lang siya at sumaludo lang sa 'kin bilang pamamaalam. Kinaway ko dalawa kong kamay at papasok na sana 'ko sa bahay nang may mapansin ako sa gilid ng bahay namin.

Teka... Ba't may nagdidilig ng mga halaman? Schedule ko ngayon ah. At wala naman kaming hardinero.

"Magandang umaga, hija." Kumaway sa'kin ang may edad na lalake na nagdidilig. He's may be in his early fifties at matikas pa din.

Ah! Natandaan ko na! Nakita ko na siya dati eh. Sa Al's Resto na kausap ni Uncle.

"Hello po! Friend kayo ni Uncle."

"Yes, I'm Daniel Agustin. I'm spending the Christmas with your family, hope you don't mind?" sabi niya nang nakangiti.

"Of course not! Masaya nga po yun eh. Bakit po kayo nagdidilig? Nakapag-almusal na po ba kayo?"

"Yes, hija."

Hmn... parang hindi bagay sa kanya na magdilig. Mas bagay sa kanya na naka-amerikana at may dalang suitcase, yung parang businessman o abogado?

And he's quite familiar. He has this aura that can command an empire na madalas kong makita kay...

"Is he your boyfriend?" tanong niya sa 'kin habang pinapatay ang hose atsaka tumanaw sa pinag-alisan ni Rion.

He has longing in his eyes and... regrets? Ewan. Pero parang nakikita pa rin niya ang sasakyan ni Rion samantalang kanina pa iyon lumiko.

"Ay hindi po... kase fiance ko na siya! Pakakasalan niya daw ako eh, hahahaha!"

Nagpaalam ako sa kanya at pumasok ng bahay habang tumatawa pa din. Pero narinig ko pa din ang sinabi ni Mr. Daniel.

"God bless you both....bless you both..." And he said that with sincerity and full of hope...

^^^^^^^^

Vaughn's POV

"Good morning, Mr. St. Martin."

Bumalik ako sa kwarto ko at padapang humiga sa kama.

So this is how I start my day, huh.

Hindi ko inintindi ang lalakeng napagbuksan ko ng pinto at nililibot ang tingin sa kwarto ko. He's Mr. Wooster, my father's most loyal man.

"Why are you here?" tanong ko at bumangon na. Hindi na rin naman ako makakatulog.

"Your father just wanted me to check all his men here in the Philippines."

Yeah, and I'm one of his men, tauhan lang ang tingin sakin ng sarili kong ama. F*ck you, dad.

Prenteng umupo si Mr. Wooster sa one seater sofa at tiningnan ako. At early 50's, this man sure possessed sharp eyes. Eyes that can smell lies and treachery. Katangian na nakita ni papa kaya ginawa itong kanang kamay. At kapag minamalas ka... di sya mangingiming patayin ka.... before you could ever blink.

That's how dirty our world is. Lumaki na 'ko na normal na nakikita na parusahan ang mga kumakalaban at nanloloko kay Papa. And all because of his huge filthy businesses.

"Have you heard about Rion?"

I smirked. Of course, kausap ko nga kagabi sa cellphone. Pero di ko na sinabi sa kanya. "No. Why?"

Hindi siya ngsalita at ngumiti lang, ngiting demonyo.

Kumuha ako ng T-shirt sa closet. Hindi ko mapigilang isipin kung nalaman na ng grupo ang pantatraydor ni Rion. Pero imposible, malinis trumabaho ang tarantadong iyon.

"Well, the team wants him to work with us. For good."

Mahina akong napamura. Para sa'ming mga tauhan niya, malaking karangalan na iyon. Working with one of the biggest syndicate behind a multi-national company, yeah, that's a f*cking honor!

Tumaas lalo ang galit ko kay Rion at sa Papa ko. Sobrang tiwala ang binibigay ng ama ko kay Rion na sigurado 'kong sisirain niya din sa huli.

"That'll be a great idea. What d'you think Mr. St. Martin?"

Hindi ako nagsalita.

Officially working with the team means leaving this country. Dahil nakabase ang grupo at kompanya ni Papa sa ilang bansa sa Europe at Central America. At hindi na rin mga pipitsuging utos ang tatanggapin ni Rion kung sakali. He'll receive orders directly from my father and that'll involve killing big time personas. And if Rion will agree to it... that'll mean leaving Dollar behind.

Dahil sigurado 'ko na hindi siya bibigyan ng grupo ng dahilan para tumanggi. Damn! Rion's life is more f*cked up than mine, I thought.

Maglalakad na sana 'ko papuntang banyo nang may naalala 'ko. Pero paano kung tumanggi pa rin si Rion? At malaman ng grupo na ang dahilan ay isang babae? They'll kill her!

Sh*t! Humarap ako kay Mr. Wooster at pinanatiling blangko ang ekspresyon ko.

"There's a girl..." I said.

"Oh? Will she be a problem?"

"No." I clenched my fist in control anger. Sorry for putting you in this Mariella. Pero kung hindi ko sasabihin sa kanila ang tungkol sa'yo, kikilos agad sila para alisin ka sa daan ni Rion.

Nagsindi si Mr. Wooster ng sigarilyo gamit ang golden lighter na eksklusibo para sa mga miyembro ng ama ko. It was like the lighter Dollar had. Meron din ako niyon pero binigay ko na sa kanya nang malaman kong tinapon niya ang kanya.

"D'you remember what your father told you, boy? Fairy tales aren't for us. And the cliche that says behind every man's downfall... is a bitch."

"Believe me, Mr. Wooster, I said that to Rion myself." I said with sarcasm.

"Hmn... so you're implying that Flaviejo, one of our best men, is head over heels with this girl? How about we kill the girl in front of him to turn him to the soulless killer the team wants him to be?"

"No." If looks could kill, this man will be lying dead here in my house. Katulad nga ng mga iniisip ko kanina. Damn it! Criminals and their sh*tfull brains!

"And why so?" he cocked his brow. He's so damn calm na parang simpleng bagay lang ang pinag-uusapan namin.

Because of Dollar, Rion can now feel compassion. Hindi ko alam kung tama ang hinala ko na lumalambot na si Rion. Pero hindi ko gustong madamay dito si Dollar dahil iniisip ko ang mararamdaman ni Rion. No! Pakelam ko sa gagong iyon. It's more of personal reason. Pero wala 'kong balak ipaalam iyon sa kausap ko.

"Yes, killing her girl will turn him to a soulless bastard but not only that...He'll also turn to a very demon in your eyes and before you knew it, he'll be plotting your death in his own hands."

"And we should be scared, why?"

"Di ko sinasabing matakot kayo. I just don't want internal conflicts in the team lalo na kung ang gulo ay magsisimula kay Flaviejo na kayo na rin ang may sabi na isa sa mga magagaling. Why don't you leave it to me? Ako ang kakausap sa kanya tungkol sa pagtatrabaho sa 'tin."

Sandali syang nag-isip at hinithit-buga ang tabaco. "D'you think, hindi ko siya kayang mapapayag?"

"No. But you're working with something, right? At may isang taon pa para tapusin ni Rion ang pag-aaral niya, that'll be a long time. Kaya ako na ang susubaybay sa kanya at sisiguraduhin kong pagkatapos ng isang taon ay sa atin ang diretso niya."

Dinikdik ni Mr. Wooster ang sigarilyo sa salaming bubog ng center table at tumayo na para lumabas. Pero tumigil siya sa pinto para humarap sa'kin.

"You have a point, boy. 'Kay, I'll leave it to you then and I'll tell your father about this. And about the girl..." ibinitin nito ang huling sasabihin.

"What about her?" balewala 'kong tanong sa kanya.

Ang kahulihulihan kong gustong mangyari ay malaman niya na may nararamdaman din ako sa tinutukoy kong babae.

"We wont harm her... yet. Pero binigyan mo kami ng ideya kung pano hahawakan sa leeg si Rion. Good day St. Martin." then he went out of my house.

Yeah. F*ck yourself as*hole. And you Rion Flaviejo.

Dahil sisiguraduhin kong aalis ka ng Pilipinas. You'll pay big time. You've chosen this life and you'll live every damn minute of it. Without Dollar.

I went to the bathroom and stood naked under the shower.

Don't worry Mariella. It's now my turn to protect you...