Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 57 - Stupid Calls!

Chapter 57 - Stupid Calls!

Dollar's POV

♫♫♫

I got a pocket,

Got a pocket full of sunshine

I got a love an' I know that it's all mine

Oh, oh whoa oh

Do what you want,

But you never gonna break me,

Sticks an' stones are never gonna shake me

No, oh whoa, oh

♫♫♫

Hihiga na sana 'ko para matulog nang marinig ko ang ring tone ng cell phone ko. Hinalukay ko ang backpack ko at sinagot ang tumatawag.

"Hello?"

"Mariella?"

It was Vaughn. Siya lang naman ang tumatawag sa'kin ng ganun.

"Pano mo nalaman ang number ko?"

"I have my ways."

"Eh di ikaw na. No bang kelangan mo?"

"I want you to check Rion's room. Tingnan mo kung nandon siya."

"At baket? Syempre malamang tulog na siya. No ba problema mo ha, Bunteri?"

"Just do it."

I just rolled my eyes. Ang weird na naman ng lalakeng 'to. Sasagot pa sana 'ko pero nawala na sa kabilang linya si Vaughn.

Pupunta ba 'ko sa kwarto ni Rion o hindi? Pupunta o hindi, pupunta o hindi? What the heck! Ba't ba 'ko maniniwala sa lalakeng iyon? Pero dahil nabuhay na ang kuryusidad ko...

Mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto. Tumapat ako sa pinto ng kwarto ni Rion at kumatok. Walang sumasagot. Marahan kong tinulak ang pinto.

Hmn...hindi naka-lock. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto ni Rion.

Hmn...very manly ng interior. Malinis at napakalawak. Unang makikita pagpasok ang mini-living room na may mga black leather sofa at kabinet na salamin na may mga koleksyon na laruang kotse. Hindi basta laruan, mga collector's items, iba-iba ang modelo, design, at kulay.

Lumiko ako para hanapin ang kama. And it was empty. Lumapit ako sa pinto ng banyo pero wala naman akong narinig na bukas ang shower. Ang totoo, walang sign na nadito si Rion. Pero baka naman nasa family room pa din siya? Pinatay ko ang ilaw sa kwarto at tumakbo paakyat sa third floor. Pero wala din.

Umalis ba siya? Pero bakit? At this time of the night?

Bumaba ako papunta sa garahe at binilang ang mga sasakyan. Kulang ng isa. Malamang umalis nga siya.

Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko na may tatlong missed calls ni Vaughn. Tumunog ulit iyon at sinagot ko kaagad.

"He's not there." bungad sa'kin ni Vaughn.

"Eh alam mo pala, bakit mo pa 'ko pinaghanap?!"

"Wala lang." I heard him chuckled.

"Ano ba talagang problema mo?"

"Lumabas ka ng bahay. And meet me here. Sa dinadaanan mong shortcut kapag pumupunta ka diyan."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"At bakit ko naman gagawin iyon?"

"Dahil importante 'to."

"Gaano kaimportante?"

"Just do what I said." said Vaughn with obvious impatience.

"Ayoko."

Ba't ako sasama sa ungas na 'to? Malay ko pala eh itatanan niya ko. Eh ikakasal na nga ako di ba? Hehehe!

"We'll find Rion, is that enough?"

Nawala ang ngiti ko. "Bakit? Nawawala ba siya?"

"No. And don't push me Dollar. I'm telling you, kapag hindi ka sumama sa'kin, hindi kita papatulugin at tatawag ako ng tatawag sa'yo--"

Hindi niya pa tinatapos ang sinasabi niya at in-off ko na agad ang cellphone ko. Eh di tapos! Nanakot pa talaga ang lalakeng iyon.

Humiga ako sa kama pero napaisip din ako sa mga sinabi ni Vaughn. Bakit ba ang kulit niya? At bakit nawawala din si Rion? May kinalaman ba 'tong pagtawag niya sa'kin sa mga pinipilit niyang malaman ko?

Binuhay ko ulit ang cellphone ko pero imbes na intindihin ang mga missed calls ni Vaughn, number ni Rion ang tinawagan ko. Pero out of reach naman.

Bumangon ulit ako at nagpalit ng damit. Nag-skinny jeans lang ako at T-shirt, at flats. Nagsuot din ako ng bullcap. Hindi ko na dinala ang cellphone ko.

Tahimik akong lumabas ng bahay at naglakad sa sinabi ni Vaughn. Malayu-layo din. Bukod sa makipot na daanan na to, lahat na ng palibot ng lupa ng mga Flaviejo ay may harang, ito lang ang wala.

Natanaw ko ang kotse ni Vaughn at si Vaughn mismo na sinusubukan pa din akong tawagan.

"Pssst!"

Hindi na siya nagulat nang makita ako at agad binuksan ang pinto sa front seat.

"Balak mo ba 'kong kidnap-in?"

"No. Sakay na."

"Teka." Seryoso ko siyang tiningnan at itatanong ko sana kung anong nangyari sa mga pasa sa mukha niya pero nagbago isip ko. "Hindi ako natutuwa sa'yo Vaughn at di din kita kilala pa. Pero may tiwala 'ko sa'yo kaya sasama 'ko sa'yo. Wag mo 'kong papatayin, okay? Well... kapag ginawa mo yun... lalabanan naman kita."

Tumawa lang siya bago pumasok sa kotse.