Chereads / RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 11 - Bonding with my Enemy

Chapter 11 - Bonding with my Enemy

Shamari's POV

"Shalami!" Dollar waved at me. "Halika, tabi ka sa 'kin!"at minuwestra nya ang bakanteng upuan sa tabi niya.

Ugh! Dito na nga ako pumuwesto sa likod nang makita ko kanina na nandito rin siya pero nakita pa din niya 'ko. This girl is a complete nuisance!

Lalong nadagdagan ang inis ko ngayong gabing 'to. Labag sa loob ko ang pagpunta sa beauty contest na 'to sa Brgy. Onse pero dahil inutusan ako ni Don Marionello, na siyang pinakamalaking sponsor ng event na 'to, hindi ako pwedeng tumanggi. But I hate crowded places! Ayoko ding makipagsiksikan sa mga tao, at lalong makipag-asaran kay Dollar.

Kanina ko pa siya nakikita dahil nasa bandang unahan siya naka-upo at nangingibabaw din ang pagsigaw habang may hawak pang banner. Pinagsisihan ko tuloy kung bakit hindi ako agad umalis at nanood pa pagkatapos kong batiin ang Brgy. Captain. Ang inutos lang sa 'kin ay ang maging representative ni Don Marionello, hindi ang manuod pa.

"Shamawi! Shamawi! Shamawi!" tawag pa ni Dollar sa akin.

Nagtitinginan na ang mga tao sa direksyon ko pero hindi ko pa rin siya iniintindi. Bahala siyang mapaos.

Tutal paalis na rin naman na ako. Pero napabalik ako sa tayo ko nang makita ko ang pamilyar na mukhang 'yon.

That man!

Natuto na 'ko ng aral na mas maganda pang iwasan ang mga taong katulad niya kaysa makapag-asaran pa. Grrr....! What an unfortunate night for me!

Naglalakad siya sa direksyon ko kaya wala akong choice kung hindi ang umiba ng direksyon para hindi niya ako makita. Malas!

"Hoooooooo! Goooo! Euuuuunaaaaa!" si Dollar yan.

Tama! Lumakad ako kung saan naka-upo si Dollar.

Yeah. Mas matitiis ko pa ang kakulitan ng babaeng 'to kesa sa lalakeng 'yon. Malas. Malas talaga! Pero may lalake ng nakaupo sa kaninang inaalok na upuan ni Dollar.

"O, Shawali, gusto mo na bang tumabi sa 'kin?"

I didn't answer pero tiningnan ko lang ang lalakeng katabi niya at ibinalik ang tingin sa kanya. Kinulbit naman ni Dollar ang lalake at, "Ahmn, kuya pwede po bang paupuin nyo na lang po siya kasi buntis po siya at hindi po pwedeng nakatayo siya nang matagal, Di ba ' give priority to pregnant women' naman?" and then she smiled.

Iyon lang at walang kahirap-hirap na napaalis niya ang lalake. Pero pagkatapos akong pasadahan ng malisyosong tingin.

Ugh!Nagtitimpi lang ako sa babaeng 'to talaga! Ang daming idadahilan pero bakit iyon pa!

"Hehehe, Ok ka na ba sa pagkaka-upo mo, Shawali?" and then grinned at me.

"Yeah, thanks to you." I answered sarcastically. At sumilip sa bandang likuran.

"Hindi ko akalain na uma-attend ka din sa mga ganito, Shawali! I'm so happy, you know, wala kasi akong kasamang nagpunta dito, but I have you now! Ang saya! Punta tayong perya pagkatapos neto ha?" animated na animated talaga siyang magsalita kahit kelan.

" Why? Are we friends?"

"Hahahahaha! That's what I like about you, ang sungit mo! Para kang si Zilv minsan eh."

Zilv? Are we both thinking the same man?

"Gooooo, Euna!" sigaw ni Dollar nang humilera ang mga contestants para sa announcement ng magiging winner.

Zilv? Zilv who? Iyon ang lalakeng iniiwasan ko kanina. Kaanu-ano ni Zilv si Dollar?

"Wooooooo!" nagulat ako nang magtatalon si Dollar, nanalo siguro ang bet niya.

Pero wala ang atensyon ko sa nangyayaring awarding at pagkakagulo ng tao. Sino ang Zilv na tinutukoy ni Dollar? Is he the same Zilvestrio I knew?

"Ang galing ni Euna, third runner up siya!"

Ang babaw talaga ng babaeng 'to! Kung makatalon 'kala mo naman nanalong Miss Universe ang sinusuportahan niya.

"Huy, Shawali, magpeperya tayo pagkatapos ng raffle ha?"

"No."

"Sige na!"

"Ayoko."

"Hmmmp! Naalala ko tuloy si Rion sa mga sagot mong 'yan eh, puro no, no, no, hindi, hindi." she mocked.

Yeah, si Rion, humanda siya sa 'kin pagdating ko sa bahay. Dahil kung hindi siya umalis kanina, siya sana ang a-attend sa event na 'to, hindi ko makikita si Zilv at hindi ko rin siya kailangang iwasan, hindi ko makakatabi si Dollar at hindi ako mag-iisip ng kung -ano tungkol sa lalakeng 'yon!

"Pero nasaan nga pala si Unsmiling Prince?" Dollar's eyes sparkle.

"I don't know."

"Weh, alam mo naman eh."

"Bakit hindi mo na lang batiin si Euna?"

"Mamaya na, pagkatapos na lang ng raffle. Iniiba mo naman kasi ang usapan, nasaan nga si Rion?"

"I don't know where the hell he is."

"Ok, hindi ko na lang tatanungin." At umayos na siya sa pagkaka-upo niya.

Gusto ko na sanang umalis pero baka makasalubong ko pa ang lalakeng 'yon! Hihintayin ko munang matapos ang raffle para sasabay na lang ako sa paglabas ng mga tao mamaya. Mayamaya ay kinulbit na naman ako ni Dollar.

"What?" I snapped.

God! Bakit hindi matiis ng babaeng 'to na hindi mag-behave kahit isang minuto lang!

"May itatanong lang ako sa'yo."

"Kahit naman pigilan kita ay sigurado akong itatanong at itatanong mo pa rin 'yon. Now what?"

"Boyfriend mo ba si Rion?" diretso ang tingin niya sa 'kin at seryosong-seryoso.

And I want to laugh my heart out but I remained cool. Kami ni Rion? Nah! It will never happen. Nakakatuwa ang kaseryosohan ni Dollar. And I want to play with it for a while.

"Anong sa tingin mo?" hamon ko.

"Sa tingin ko....? Sa tingin ko, oo" at niyuko niya ang ulo niya.

Ganoon ba talaga siya kabaliw kay Rion?

I feel pity for her, at sa madaming babaeng dumaan kay Rion, dahil ang tipo niya ang hindi nagseseryoso sa relasyon, kahit gaano pa siya ka-responsableng tao...

Nagsimula na ang raffle. Tahimik lang si Dollar sa kanan ko. Ayokong linawin ang relasyon ko kay Rion, let her find it on her own.

Pero mayamaya ay kinulbit niya na naman ako. "What?!"

Ilang segundo din siyang hindi nagsalita at pagkatapos ay...

"So, paano ka niya halikan?" she asked me teasingly habang nakangiti pa.

What the---!

At mayamaya pa ay humagalpak ng tawa si Dollar, nagtitinginan na ang tao sa direksyon namin pero hindi pa rin siya tumitigil. Bakit ba ang laki ng saltik sa utak ng babaeng 'to?

"Now, I know." she said habang natatawa-tawa pa din.

"What?"

"Na hindi talaga kayo ni Unsmiling Prince Rion, bwahahaha! Nakita ko ang gulat sa mga mata mo at hindi ka man lang nababalutan ng romantic aura pag nababanggit siya."

Ewan ko dito sa baliw na 'to,but the truth is, I don't care kahit ano pang iniisip niya. Pero sayang! Hindi ko man lang siya pinapag-paalala. Nahuli na niya agad ako base sa reaksyon ko nang tanungin niya 'ko.Tawa pa rin siya ng tawa nang mayamaya ay narinig ko ang pangalan ko na tinatawag ng host ng event.

"Shamari Prieto? Are you there?"

Nagkatinginan kami ni Dollar. Bakit ako tinatawag ng emcee?

"Wow, nanalo ka ng raffle prize! I-claim mo na dali!"

"R-Raffle prize? But I don't remember joining in this ra-----"

"Yung binenta ko sa 'yong ticket noong Biyernes, eto 'yon, Bwahahahaha! Nanalo ka! Ang galing mo!"

Pero ano namang gagawin ko sa mga appliances? Kumpleto noon sa Villa Flaviejo.

"Nandito po siya!" at tinuro ako ni Dollar.

Malapit ko na talagang makutusan ang babaeng 'to, bakit ko ba naisip na tumabi sa kanya?

"Congratulation, Miss Prieto, can you join us here?" sabi pa ng emcee.

^^^^^^^^

Dollar's POV

Nakisiksik ako sa mga tao nang palabas na ako ng gymnasium. Tapos na ang nangyaring raffle draw at uwian na. Kanina ko pang hinahanap si Shamari pero hindi ko siya makita. Nanalo lang ng LG refrigerator ay iniwan na agad ako!

Magpeperya pa sana kami eh! Pero di bale, ako na lang mag-isa. Hahahaha! Paliko na sana ako papunta sa peryahan nang may humawak sa braso ko.

"Hep, hep, hep, hep!"

"Moi?"

"Yeah, The ever gorgeous me, Duchess!"

Badtrip, isa lang ibig sabihin ng pagsulpot ng tisoy na 'to.

"Uuwi ka na." sabi niya at inalalayan ako papuntang parking lot.

"Pero magpe-perya pa 'ko!"

"No."

"Sige na, Moi!"

"Hindi."

"Kainis ka naman!" then I pout.

Habit ko na talagang mag-pout kapag nagtatampo ako. Teka... Parang may naaalala ako sa pout-pout na yan ah.

"Teka nasaan nga pala si Zilv?" tanong ko.

"Nandito siya kanina pero umalis din agad."

Nabuhayan ako ng pag-asa. Kung si Moi rin lang, madali ko na syang mauuto. Pero kung nandyan si Zilv, ibig sabihin, e-escort-an nila akong dalawa pauwi samin.

"Moi na pogi, uy ! " lingon ko sa kanya.

Nasa likod ko kasi sya, grabe PSG na PSG ang dating.

"Matagal ko ng alam yan, Dukesa!"

"Perya naman tayo, sige na! Ayaw mo lang yata, kasi lage kang talo pagdating sa color game."

"No way, Dukesa! May daya lang talaga 'yon."

"Asus! Bakit nananalo ako? Ha!? Hay, ang hirap talaga kapag hindi magaling dumiskarte pagdating sa simpleng laro lang, haaay.... Color game as in!"

"Gusto mo lang magperya kaya mo sinasabi 'yan, akala mo ba hindi kita kilala?"

"Ok, wag na tayong mag-perya, pero aminin mo munang hindi ka nananalo sa 'kin kahit saang sugal?!"

"Yabang mo." pinisil niya ang ilong ko. "Kami naman ni Zilv ang nagturo sa 'yo na maglaro."

"Oo nga, pero talo ka pa din?" pang-aasar ko sa kanya.

"You wish!"

Kinulbit ko ang babaeng nasa unahan ko. "Uy miss, alam mo ba na laging natatalo sa-------" tinakluban agad ni Moi ang bibig ko.

"Tayaan natin lahat ng color game sa buong perya na 'to." at hinila niya ako papunta sa may perya.

*Grin

^^^^^^^^

Shamari's POV

Tiningnan ko ang kahon ng ref na nasa likod ng pick-up truck na dala ko. Ugh! Sabi ko kanina nang umalis ako sa bahay ay isang oras lang ako magtatagal dito. Pero bukod sa inabot na ako ng gabi, ang dami pang nangyari. What will I gonna do to this huge refrigerator?!

DOLLAR MARIELLA VISCOS!