Chereads / Save the Best for Last / Chapter 1 - Chapter 1

Save the Best for Last

Ashermei_Serbin
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 9.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Copyright © 2020 Aniyameh

Napaigtad ako ng naramdaman kong nag vibrate ang aking cellphone sa bulsa. Busy ako sa labahan naming mag ina dahil sabado.

Mabilis akong tumayo at nagpunas ng kamay.Agad kong dinampot ang cellphone mula sa bulsa ko.

" Hello po, " bungad ko sa tumatawag.

" Hello Maam, Miss Amelia Gonzales?" tanong ng nasa kabila. Mukhang naninigurado kung ako ang tinatawagan.

" Yes po, sino po sila." magalang na tanong ko dito.

" Hello maam, this is Andrea from Montego Groups of company. I want to inform you that you can start on monday."deritso nitong sabi.

Sumilay ang ngiti sa labi ko. Sa wakas makapagtrabaho na ako.

"Talaga naku, maraming salamat po " tuwang pasalamat ko dito.

" Walang anuman maam. That's all ma'am. Bye" agad nito pinatay ang tawag.

Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko. Sa dinami dami kong naaplayan maswerteng may tumanggap sa akin.

Lord, thank you po sa blessing!! bulong ko sa hangin habang nakangiti na nakapikit.

" Mama, okey lang po ba kayo?" tanong ng boses na nasa harapan ko.

Dumilat ako nakita ko si Nate na nakatingin sa akin na nakakunot noo.

" Yes , anak, sa wakas may trabaho na si mama" galak ko rito at lumuhod pinantayan ko ang taas nito

" Talaga mama!!"sumilay ang kislap sa mata nito.

Lord maraming salamat po. " nakapikit ito habang bumubulong sa hangin. Nagcross ang dalawang kamay na nakatapat sa dibdib niya.

Tinitigan ko ang aking anak. 6 na taong gulang ito. At sobrang matalino niya. Kahit kailan hindi siya naging pabigat sa akin kahit dalawa lang kami sa buhay. Marunong makaintindi.Kaya laking pasasalamat ko rito dahil isa itong swerteng nangyari sa buhay ko. Kaya kahit anong hirap nakakaya ko, dahil siya ang dahilan ng aking lakas .

Yumakap ito sa akin.

" Mama, hindi na tayo mahihirapan may trabaho ka na po" sabi nito sa akin na nakahilig ang ulo nito sa balikat ko.

Kumalas ako sa yakap niya at tiningnan sa mata." Oo anak, kaya ko na mabibili ko ang gusto mo"

Ngumiti ito sa akin. Tuwing nakikita ko ang mga mata niya hindi ko maiiwasang mapabuntong hininga. Hindi sa akin nagmana ang kayumanggi niyang mata na laging nagsusumamo. Ito ang kahinaan ko . Ipinilig ko ang ulo.

" Tara tulungan mo si mama maglaba" ngiti ko sa kanya at tumayo.

Sumunod ito sa akin at nakaupo lamang sa tabi ko habang pinagmasdan ang ginagawa ko.

Lumipas ang dalawang araw. Lunes, at dahil ito ang unang araw ko sa trabaho. Maaga akong nagising at gising narin si Nate dahil may pasok ito.

Maaga kaming umalis ng bahay. Hinatid ko ito sa skwelahan niya na medyo may kalayuan sa bahay namin. Hinintay ko itong pumasok sa classroom nila at gumayak na rin akong pumunta sa papasukan kong trabaho.

Pagbaba ko ng sasakyan ay agad akong lumipat sa kabilang kalsada. Napatingala ako sa taas ng building. Napabaling ako sa harap ng glass door.

Nag ipon muna ako ng hangin bago pinakawalan at pumasok sa loob. Sa lobby namataan ko ang isang babaeng may katamtaman ang tangkad at naka stiletto shoes ,nakasuot ito ng corporate attire. Lumingon ito sa gawi ko at agad sumilay ang ngiti nito labi ng magkasalubong ang aming mga mata. Agad itong lumapit sa akin.

" Hi, good morning, you must be Amelia Gonzales" bati nito sa akin. Nakasilay ang ngiti sa labi nito. Mukha naman mabait ito.

" Yes maam, " ngiting tugon ko sa kanya.

" I'm Andrea, the one who called you previous day".pakilala nito at agad na kumamay sa akin. Agad akong tumugon dito.

"Youre early, " komento nito habang nakatingin sa relo niya. At tumingin sa akin.

" Well, lets go upstair'.andun na ang bagong boss mo.

"You assign to our COO (Chief Operating Officer)." baling nito sa akin habang naglalakad kami papuntang elevator.

Tumango lamang ako. Tahimik kami sa loob ng elevator hangang bumukas ang dahon nito. Nauna itong lumabas at sumunod ako. Naglakad kami sa pasilyo at nabungaran ko ang malaking silid.Tiningnan ko ang loob nito. Tahimik at merong dalawang desk sa labas at sa bandang kaliwa merong room na mapalibutan ng glass. Sa pintuan nito may nakasabit na COO Office na gawa sa silver metal.

Lumapit ito sa kasama niya. Sumunod na rin ako.

" Emma, this is Amelia Gonzales a newly hired secretary of COO"? pakilala nito sa akin.

Tiningnan ko ang nagngangalang Emma. Medyo matanda na ito. Nakasalamin, makapal ang lipstick sa labi. Siguro na sa 50's ang edad nito dahil kong 60's hindi na ito pwedeng magtrabaho.Ngumiti ito sa akin agad akong lumapit dito at kinamayan siya.

"Hi.welcome to Montego Groups of Company" bati nito.

"Thank you ma'am" magalang kong sabi.

"Just call me Emma?" ngiting sabi nito sa akin.

" Emma, andyan na ba si sir?"singit na tanong ni Andrea kay Emma.

" Yes, kakarating lang." sabi nito habang nagsalansan ng mga paper.

" Good" wika ni Andrea at bumaling sa akin.

" So, lets go. pakilala na kita sa bagong boss mo" makangiti ito sa akin. Naunang naglakad ito patungo sa pintuan ng opisina.

Kumatok ito ng ilang beses bago pinihit ang makapal na glass door.

" Excuse me Sir, Good morning Mr.Montego. Nandito na po ang bago secretary niyo" pukaw ni Andrea sa likod ng swivel chair.Tumingin ako sa mesa nito. Hindi ko nakita ang mukha ng bago kong boss.Dahil nakatalikod ito at may kausap.

" Yes.. yes... I'll call you later, okey?" dinig kong sabi bago binaba ang kanyang cellphone.

Bigla akong kinabahan ng hindi ko mawari. Dahil siguro ito ang unang araw ko at ito ang lagi kong nararamdaman tuwing unang araw ko sa trabaho. Bagong environment naman ang kailangan kong iadjust.

Ilang buntong hininga ang pinakawalan ko para maibsan ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba.Sakto naman napatingin ulit ako sa upuan at umikot ang upuan paharap sa amin.

" Good morning Andrea, and my newly secretary miss...??" wika nito sa akin na nakaukit ang magandang ngiti sa mga labi nito.

Nanlalambot ang mga tuhod ko. At nanginginig ang mga kalamnan. Napakagat labi ako.Umusbong ang kakaibang nararamdaman ko sa katawan ko. Napakagat labi ako upang pigilan ang anumang lalabas na nararamdaman ko ngayon. Napayukom ako ng kamao na hawak sa suot kong skirt.

Bigla akong kinilabit ni Andrea at sumenyas sa akin. Wala sa loob kong napatingin ako sa kanya at sa lalaking kaharap ko na waring naghihintay ng sagot ko.

" Miss..?"" pukaw sa akin ng baritong boses na parang nagtataka. Napatingin ako sa kanya bahagyang tumaas ang kilay nito pero nakangiti parin.

" A-Amelia Gonzales -sir." sabi ko halos malagutan ako ng hininga sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

" Miss Gonzales, okey kalang?." bulong na tanong sa akin ni Andrea.

Gusto kong hilain ang upuan na malapit sa akin para makaupo sa sobrang lambot ng tuhod ko ngayon. Pero nilabanan ko ito.

I paint a fake smile at tsaka tumango.

" What a lovely name, so since this is your first day at ikaw ang napili ng company for me. I will going to teach you from bottom to top, cause Emma will resigned as long as may kapalit siya. " deritsong sabi nito sabay tayo at umikot sa upuan. Nakapamulsa ang mga kamay nito at pormal ang mukha.

"Is it okey with you Miss Gonzales?" tanong nito sa akin. Nagkasalubong ang mga mata namin at ngumiti ito sa akin.

" Y-yes sir" napagiwi ako ng nabulol ako.

" So you can start now" . wika nito at bumalik upo sa upuan niya.

" Thank you Andrea for bringing her in" baling nito kay Andrea.

Ngumiti si Andrea.

" You're welcome Sir, I hope we don't disappoint you this time,that I choose her over a hundred applicants"paliwanag nito.

"Yes, you must be" seryosong wika nito habang binubuklat ang mga papeles sa harapan niya.

"Okey sir, bye" yumuko si Andrea hudyat na magpapaalam na ito.

Lumapit ito sa akin sabay sabing " Goodluck" . Napangiti naman ako kahit pilit.

Naiwan kaming dalawa ng bago kong boss sa loob ng opisina. Naiwan parin akong nakatayo sa harapan niya. Hindi ko maiwasang pagmasdan ito. Ang laki ng pinagbago niya. Tumikas ang pangngatawan. Makinis ang balat at ang mga mata niya na gusto kong titigan sa lahat ng oras. Wala ng bakas ang dating Ivan na nakilala ko.

Napatuon ako sa engrave name niya sa mesa. " Nathaniel Montego".

Paano ako tatakas sa nakaraan ko na pilit kong kinakalimutan ito.At ito mismo sa harapan ko. Napabuntong hininga ako, pilit kong iwinaksi ang nararamdaman ko. Kailangan kong mag focus sa trabaho ko para sa anak ko. Napatingin ako sa kanya saktong sumalubong ang mga tingin namin.

" Hmm.. is there something wrong Miss Gonzales" takang tanong nito tumingin sa mukha ko.

" You seem out of nowhere" kumento nito. Napansin siguro nito ang lalim ng iniisip ko.

"None sir" agad kong sagot .Pilit kinakalma ang sarili.

" Sorry to take you wait. Come here, take this paper to Emma at siya na ang bahalang mag orient sayo" sabi nito at mukha andun parin ang Ivan na nakilala ko na malumanay magsalita.

Agad akong tumalima kahit kinakabahang papalapit sa kanya. Kinuha ko ang papers at nagpaalam dito. Hindi na itong nag abalang sumagot dahil binabasa nito ang mga dokumento na hawak niya.

Lumabas ako, nakita ko si Emma na nakaupo sa desk niya.

" Maam Emma, pinapabigay po ni sir, "

" Okey, thank you. Miss..." Amelia Gonzales po" magalang na sagot ko.

Ngumiti ito sa akin. " Mia, nalang ang itawag ko sayo at Emma na lang rin ang itatawag mo sa akin" nakangiting wika nito.

" Okey po, sa katunayan Mia po ang palayaw ko" ngumiti akosa kanya.

" Kung ganun, magkakasundo tao. Halika dito ito,pag aralan mo, yan ang mga basic steps at lahat ng rules ng company, mamaya i orient ko sayo ang mga needs at schedule ni sir," wika nito at may inabot na isang bundle na papers.

" By the way, yan ang desk mo. dalawa tayo ngayon dahil kailangan pa kitang turuan. At sana matuto ka na agad. Nakakapagod magturo, kailangan ko ng magpahinga.mag sesenior citizen na ako. " sabi nito habang nakangiti sa akin.

" Maraming na po kayong naturuan?" takang tanong ko dahil nakakapagtaka kung bakit walang tumatagal dito.

" Oo, hija. kaso puro paglalandi kay sir ang inaatupag, kaya ayon nasesanti agad." she shrugged at tumingin sa kabuuan ko.

" Siguro hindi mo naman gagawin yun, alam mo naman si sir, pantasya ng bayan" biro ni Emma.

" Naku, kayo po talaga Emma may anak na po ako sa katunayan 6 na taong gulang na." sabi ko sa kanya hindi ko rin mapigilang mapangiti sa kanya.

"Talaga! hindi halata sayo.Mukhang bata mo pa. Ilang taon kana.?" nakakunot -noong tanong nito.

" Twenty Five ."mapait na sabi ko.

" Naku ang bata mo pa nong nabuntis ka"

Humugot ako ng malalim na hininga at tumango sabay ngiti sa kanya.Tumahimik na rin ito. Nakita siguro nito ang pagkaahabag ko.

" Wag mo ng isipin ,yan. okey" tapik sa akin sa balikat ko. I nodded.

Pinipilit kong wag isipin dahil ayaw ko balikan pa ang lahat dahil isang panginip ang na nakilala ko si Ivan. na ngayon ay si Natahaniel Montego. at parang walang alam na rin ito sa nakaraan niya kaya malaking pabor ito sa akin. para tuluyan kong patayin sa isipan ko si Ivan,

Inabala ko ang sarili ko sa pag iintindi at pag babasa ng documents. Maya maya tumunog ang telepono sa harap ni Emma agad naman niya itong sinagot. sa sa bawat salita niya sinasabayan niya ito ng tango tanda paggalang dito. Maya maya bumaling ito sa akin.

" Mia, pwede favor, pwede mo ipagtimpla ng coffee si sir,?" parang nahihiyang sabi ni Emma. Naintindihan ko naman ito dahil matanda na.

" Sure po" at agad akong tumayo at akong natigilan at bumaling  sa kanya.

"May coffee maker dyan sa loob. " wika nito sabay turo sa maliit sa pintuan. hindi ko ito napansin kanina dahil ang kulay ng pintuan ay kakulay din ng wall.

Napahanga ako. at mas lalo akong napahanga sa loob na maliit na room. merong coffee maker may maliit sa ref at puno ng pagkain sa loob ng cupboard.

Napabuntong hininga ako. may isang bahagi sa utak ko na nagpapaalala sa kanya. Mahilig ito sa black cofee na tantiya lamang ang asukal.

Finucos ko ang ginagawa ko. Para walang makalusot na nakaraan sa utak ko. Wala akong balak iungkat ang nakaraan.

Pagkatapos no magtimpla ng coffee. Lumabas ako sa mini kitchen. At ng nalagpasan ko si Emma. Sinenyasan ako nito na ipasok nalang. Wala akong magawa kundi sumunod. Tatlong katok ang ginawa ko bago sumagot ang nasa loob kaya pinihit ko ang pintuan. Nanginginig ang kamay kong nilapag ang cup.

Tumingala ito mula sa pabasa ng document.

"Thank you, Where's Emma?"sagot nito.

"May ginagawa po kaya ako inutusan niya." Simpleng sabi ko ng hindi makatingin sa mga mata niya. Dahil ang tanging mata lang niya ang nagpapahina ng kalamnan ko .

He nodded. " Thank you" tipid nitong sabi.

Agad akong tumalikod pabalik sa pwesto ko. Buong hapon ginugol ko ang sarili ko sa pag aaral ng dapat kong aralin.

Uwian na. Maaga akong ngpaalam kay Emma dahil nagpapaiwan pa ito. Kailangan kong sunduin si Nate ngayon. Kanina pa ang uwian nito. Alam kong mgmamaktol naman ang anak ko sa galit. Habang nasa sasakyan ako nag iisip ako ng paliwanag sa anak ko. Namomblema pa ako kung ganito araw araw ang sitwasyon namin. Walang mgbabantay sa anak ko. Laking papasalamat nalang ako kung mamasyal ang pinsan ko sa akin,kaso my sarili din itong buhay at trabaho.