CC POV
Tumingala ako para makita ang kalangitan napangiti ako wala sa oras. Kaganda ng langit.
"CC let's go" sabay hila saakin ni Milly.
"Teka Milly" hindi niya ako pinansin. Btw siya si Milly Ashford ang apo ng may ari ng school na to at siya ang presidente namin.
" Malalate na tayo" napahatak nalang ako. Lahat ng gusto niya gawin sa school nagagawa niya.
"Hello Pres, Hello CC" bati saamin ng mga students nanadadaanan namin. Tinanguan ko lang sila
"Hi guys" ngiti ni Pres. Nakita namin si Shirley na nakaupo sa isang bench kaya tinawag siya ni Pres. Kumaway eto at lumapit saamin.
"Bakit hindi ka pa pumapasok Shirley?" Tanong ni Pres sa kaniya. Btw siya si Shirley Fenette isa siya member ng swimming club at mahilig siya mag bigay ng nicknames saamin.
"Hinihintay ko si Nina" Si Nina yung mahiyain na kaibigan ni Shirley wala ako gaano alam sa taong yun. Nag okay sign lang si Pres at hinila ulit ako.
Nandatanan namin ang classroom na gulo gulo kaya napasapo nalang si Pres sa noo niya.
May lumapit saamin.
"Pres" bigla nito inakbayan kaya napa rolled eyes ako.
"May kailangan ka?" Yun agad tanong mi Milly kasi alam niya naman na ganun to aakbay to kapag may kailangan
" 'to naman may kailangan agad agad?" Sabay tawa kaya binatukan ko.
"Ouch. Sakit yun CC" sabay himas sa binatukan ko.
"Ang ingay mo tss" pag susungit ko, nag pout lamang siya.
"Please sit down" lumingon ako sa nagsalita nandit na pala si Sir Shōgo Asahina.
"May bago kayo classmate, let's welcome Lelouch Vi Britannia" bigla pumasok ang lalaki. Matangkad at sexy ang katawan at nakakaakit na purple na mata.
Napalingon ako sa likod ko ang mga babae ay kinikilig. If I not mistaken isa siyang prince sa bansang Britain pag 11 siya anak ni Emperador Charles. Paano ko nalaman? Kababata ko siya.
"Umupo ka sa tabi ni.." lumingon lingon pa si Sir Asahina.
".. sa tabi ni Cc" huwat? Seryoso si Sir? Nakita ko ang pag ngisi ni Lelouch tss.
Bakit kasi nandito siya eh matagal ko na siya kinalimutan.
Humakba eto papunta sa pwesto ko.
"Nice to meet you again Cc" nagsalita eto at hindi malaman na dahilan nanigas ako di ko magawa magsalita o ano.
Umupo eto sa tabi ko at nagsimula na nag discuss si sir. Pagkaraan ng ilang oras natapos na siya at binilinan ako na ako mag guguide kay lelouch sa school.
Paano naman kasi si Milly dapat mag guguide sa unggoy na to bigla nag suggest na ako nalang peste.
"Tara na Miss Cc" sabay ngiti nito at nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at tumayo.
"Tara na ano pa tinunganga mo diyan?" Pag susungit ko sa kaniya at umiling siya.
"Hindi ka pa rin nag babago CC" napa irap nalang ako.
Nag simula na ako maglakad ganun din siya.
"Alam mo ba Cc namiss kita" may halong lungkot ang boses niya.
Tumawa ako. " Ako namiss mo? O siya ang namiss mo kaya ka pumunta sa Area 11?" May halong bitter ang pagkasabi ko.
"Cc" lumingon ako sa kaniya. "Stop Lelouch" naglakad na ako palayo sa kaniya panay tawag siya saakin pero di ko siya nililingon.
Eto na naman bumabalik na naman ang sakit. Akala ko nawala na simula nung pumunta ako rito akala ko makakalimutan ko na siya pero hindi niloloko ko lang ang sarili ko.
"Aray" napaupo ako sa sahig. Sakit.
"Sorry Miss sorry " tinulungan ako na nakabangga saakin.
"Ayos lang" pinapagpag ko ang uniform ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa parang kilala ko to.
"Clovis" bigkas ko sa pangalan niya. Nagulat pa siya.
"Bakit alam mo ang pangalan ko?" Tanong niya. Bakit nandito sila sa Area 11
"Nakalimutan mo na ata ako" sabi ko at tinitigan niya ang mukha ko at dahan dahan niya hinawakan ang pisngi ko lumuha pa ito
"Buhay ka Cc, buhay ka" bigla niya ako niyakap pero di ko siya niyakap pabalik.
"Malamang buhay na buhay ako" sabi ko. Pinunasan niya pa ang luha niya
"Pero sabi ni Ama patay kana" ngumiti eto ng maliit.
Hindi ko na siya pinansin at umalis na ako sa harapan niya tinawag niya rin ako gaya ng ginagawa ko kay Lelouch di ko rin siya nilingon. Btw pangatlong prinsipe siya ng Britanya.
Umupo ako sa isang bench upang magpahangin. Ginulo ko ang buhok ko dahil sa stress. Ano ba kasi ginagawa nila rito? Nakakaasar.
"Care to share?"napalingon ako sa nagsalita
"Suzaku" ngumiti eto at tinapik ang balikat ko.
"Mukha malalim yan ah" niyakap ko siya ng mahigpit at ramdam ko ganun din siya.
"Bumalik na naman" alam niya ang tinutukoy ko, simula napunta ako sa Area 11 siya na naging bestfriend ko sa kaniya ko nilalabas ang lahat wala ako tinatago sikreto sa kaniya ganun din siya saakin.
"Ano sabi ko sayo?" Tanong niya sa akin kaya mas lalo ko siya niyakap.
"Wag alalahanin kung bumalik man isipin pa rin ang kinabukasan wag ikulong ang sarili sa nakaraan" sabay namin sinabi kaya napatawa nalang ako. Hindi niya ako binigo lagi niya ako napapatawa. Pinunasan niya ang luha ko at ngumiti.
"Nandito lang ako Cc" hinawakan niya ang kamay ko.
"Oo Suzaku" ginulo ang buhok ko.
"Good" Kinurot kurot niya pa ako. Tumayo siya at tinayo niya rin ako.
"Tara na at may next class kapa" tumango akala.
-
Nakita namin si Lelouch nakatayo sa entrance ng classroom namin
Tumalim ang tingin niya saamin mas lalo na naka holding hands kami ni Suzaku normal lang saamin eto.
"Kanina pa kita hinahanap tapos eto makikita ko nakiki landian ka lang?" Medyo malungkot pero may halong galit ang boses niya, mag sasalita palang sana ako kaso nag salita ulit siya
"Kaya ka siguro pumunta rito para makilandian at ang kasunduan ng pamilya natin inayawan mo" mas lalo ako hinawakan ni Suzaku
"Wala ka alam p're" sagot naman ni Suzaku
"Siguro wala ako alam sa nangyayari ngayon pero eto tatandaan mo" dinuro niya pa si Suzaku
"..yang babaeng katabi mo makukuha ko" saka siya pumasok sa loob.
-
Free to vote and comments love you