Flashback
Nakaupo ako sa tulay at nakatingin lang sa malayo.
"Sinabi mo na ba sa mama mo?"- Cassandra
Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari kanina.
Muntik na kong gahasain, ng sarili kong tito.
Takot na takot ako. Ang nagawa ko lang ay tumakbo, habang nanginginig sa takot.
Sa totoo lang, hindi narin ako nagulat, matagal ko ng napapansin ang malalagkit na tingin sa akin ni tito. At ng iba ko pang mga kakilala.
Kanina pa kami nandito sa tulay. Hindi ko rin kasi alam ang gagawin. Alam ko naman na kapag sinabi ko kay mama hindi rin siya maniniwala, at kung maniniwala man sya baka wala rin syang gawin.
"Kung gusto mo, kina mama ko nalang sasabihin, siguradong tutulungan ka nila"- Cassandra
Tinignan ko si Cassandra, awang awa sya sakin. Kung hindi ko sya kaibigan, maiinis ako sa kung pano niya ko tignan.
"Sandra, di ba gusto naman ako ng mga magulang mo?"- Katya
"Oo naman! Ang laki kaya ng natulong mo samin ni Arthur"- Cassandra
Matagal ko narin tong gustong gawin. Kung di rin naman ako tutulungan ni mama, mas mabuti pang umalis nalang ako, tutal wala rin naman syang paki sakin.
"Sa tingin mo papayag sila kapag tumira ako sa inyo?"- Katya
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Cassandra. Alam kong nakakahiya, pero gusto ko ng lumayo.
"Katya, gustuhin ko man, mukhang hindi papayag sina mama, siguro kung makikitulog ka okay lang, pero kung malalaman nilang maglalayas ka paniguradong di sila papayag"-Cassandra
Bumuga ako ng malalim na hininga at tumingin ulit sa harap. Palubog na ang araw, pero di ko parin alam kung pano, kung ano, ang alam ko lang gusto ko ng umalis.
Gusto ko ng lumayo.
Maya maya pa ng nawala na ang araw ay napagdesisyunan kong umuwi na. Sumakay ako sa likod ng bike ni Cassandra at inihatid niya ako sa bahay.
Ng makarating sa bahay ay bumaba na ako.
"Salamat Sandra, ingat ka pauwi"- Katya
Tinanggal ni Sandra ang mga kamay niya sa manibela at niyakap ako.
Ng mahigpit. Naiiyak ako pero pinigilan ko. Hindi ko alam kung bakit ko pinipigilan ang mga luha ko, pero nakasanayan ko ng gawin.
"Katya, nandito lang ako, hindi ko man mabigay lahat ng tulong na kailangan mo, pero andito lang ako, hindi ka nagiisa"- Cassandra
Tumango ako at niyakap din siya. Matagal ko ng kaibigan si Sandra.
Nagsimula yun noong naging tutor niya ako sa English at Science, noong una napakataray niya at lagi niya akong pinagtitripan dahil sa pagiging seryoso ko, pero naging magkaklase kami ng sunod na taon dahil narin sa pagtaas ng grades niya. Doon ko sya lalong nakilala, napaka masiyahin niya, maraming kaibigan, may masayang pamilya, masaya na sa mga simpleng bagay at walang pinoproblema, she's everything I'm not. Pero napansin ko rin na hindi niya kayang humindi, hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya, at doon ko sya lalong natulungan, doon kami nagkasundo, we are a mixture of two extremes.
Napakapili ko sa tao, masaya na ako na nakahanap ako ng isang tunay na kaibigan.
Naglakad ako papasok ng bahay.
Nakita ko si mama na nagaayos na para pumunta sa bar kung saan siya nagtatrabaho.
Looking at her I can see so much of me. She's beautiful, but bold.
Naglalagay siya ng hair spray ng lumapit ako sa kaniya. Tinignan niya ako mula sa salamin sa kaniyang harapan.
"Aalis na ako, bahala ka ng magluto diyan"- Melissa
"Ma, may sasabihin ako"-Katya
Seryoso kong sabi sa kaniya. Umirap siya na para bang ayaw niyang marinig kung ano mang sasabihin ko. Kaya naman lalo kong naramdaman ang pagkagusto na umalis.
Habang tinitignan ko sya bumabalik sakin lahat ng galit ko sa kaniya.
May pagkakataon noon na nagustuhan ako ng isang customer niya at gusto akong itable, pero nagpunta lang naman ako doon para dalhan ng pagkain si mama. Pinilit niya na pumayag ako dahil daw mayaman yung customer at makikipagusap lang naman daw. Umayaw ako kaya pinahiya niya ako sa harap nila.
Dati may contest ako sa school, pero ayaw niya akong paalisin dahil daw dadating yung isang package na inorder niya. Inis na inis ako dahil hindi naman dumating sa araw na yun yung package at ng sumunod na araw galit na galit sakin ang trainor ko.
Madalas rin naguuwi si mama ng lalaki sa gabi kaya para hindi ko sila marinig ay pumupunta ako sa baybayin at doon nagpapalipas ng oras.
Madalas pakiramdam ko hindi ako mahal ni mama, parang hindi nga niya ako tinuturing na anak.
"Kung manghihingi ka ng baon wala pa, kita mo namang di pa ako nakakaalis, gawan mo nalang ng paraan, kaya mo na y--"-Melissa
Hindi ko alam kung anong sumapi sakin nung mga oras na yun, pero pakiramdam ko nagsama sama lahat ng hinanakit ko na hindi ko naman nilalabas.
"Ma! Ano ba, makinig ka naman"-Katya
Hindi ko na ata kinaya, dahil sa mga oras na yun umiyak ako.
Tumigil si mama sa ginagawa niya at nilingon ako.
"Ano yang drama mo?"-Melissa
Lalo kong napatunayan na wala nga syang paki sakin, at kung talagang wala syang paki sakin baka hayaan niya rin ako sa gusto ko.
"Ma, sinubukan kong intindihin ka, madalas ikaw ang nagbibigay ng problema sakin pero tinitiis ko, pero kapag may iba akong problema at sinasabi ko sayo imbes na tulungan mo ako lagi mong pinapamukha sakin na kasalanan ko pa! Kaya imbes na sabihin ko sayo kinikimkim ko nalang, pero hirap na hirap na ako, may pangarap ako ma! May pangarap ako! Ayaw ko ng ganitong buhay! Oo ikaw ang nagluwal at nagpalaki sakin pero pareho naman nating alam na hindi ka naging mabuting ina"-Katya
Iyak na ako ng iyak at tumataas na ang boses ko, ngayon lang ako nagsalita ng ganito kay mama, nalulungkot at naaawa sa kaniya, gusto kong itigil ang mga sinasabi ko, pero alam ko naman kasi na hindi niya ako mamahalin, kasi bunga ako ng kasalanan.
"Ma, ayaw ko na, ayaw ko tong gawin pero sawang sawa na ako, gusto ko ng umalis, gusto ko ng lumayo sa inyo"-Katya
Naalala ko pa ang ginawa ni mama pagkatapos nun.
Sinampal niya ako, sinabunutan, at sinabihan ng masasakit na salita. At pagkatapos nun siya na mismo ang nagpalayas sakin.
Ilang araw akong tumuloy kina Sandra, sinabi ko nalang sa mga magulang niya na uuwi rin ako, pero hindi ko ginawa.
Sa isang journalism contest na sinalihan ko ay nakilala ko si Doña Esperanza, nagustuhan niya ang mapangahas na lathala ko ukol sa rice tarification. Doon ko nalaman na siya pala ang may ari ng pinakamalawak na hacienda sa probinsya.
Noong nalaman ni Doña Esperanza na nakikitira na lamang ako ay kinupkop niya ako, at pinagaral.
Naging maayos na ang buhay ko pagkatapos noon, pero hindi parin maiiwasan ang pangmamaliit sakin ng mga kamag anak ni Doña, paulit ulit rin nilang pinapaalala sakin na tumanaw ako ng utang na loob, at isa yun sa mga bagay na talagang inaayawan ko, ang maging sunod sunuran.
Pagkalipas ng ilang taon ay nagkaroon ng malubhang karamdaman si Doña, nagdatingan ang lahat ng mga kamag anak niya, ang ilan ay nagaalala habang ang ilan ay nagaantay lamang ng mana.
Isang gabi pinatawag ako ni Doña.
"Katya, maupo ka sa tabi ko"-Doña
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niya. Naaalala ko pa noong una kong nahawakan ang mga kamay niya, may sigla, ngunit ngayon ay nanghihina na at nalalanta.
"May kailangan po ba kayo? Sabihin niyo lang po"-Katya
"Wala hija, gusto lamang kitang maukausap ng masinsinan, baka ito narin kasi ang huli nating paguusap"-Doña
Sinubukang ngumiti ni Doña pero lalo ko lamang naramdaman ang lungkot.
Ayaw ko siyang mawala, saglit ko palang siyang nakakasama, hindi pa sapat ang dalawang taon upang maiparamdam ko sa kaniya kung gaano ako nagpapasalamat na dumating siya sa buhay ko.
"Wag po kayong magsalita ng ganyan, hindi ko pa nga po nasusuklian lahat ng kabutihan niyo sa akin"-Katya
"Hija don't say that, hindi man kita kadugo pero alam ko na totoo ang pagmamahal mo sakin, at hinding hindi mo dapat isipin na may utang na loob ka sakin na dapat bayaran"-Doña
Nilapit ko ang mga kamay ni Doña sa aking mukha, at doon muling bumuhos ang aking mga luha.
"Hija, higit kanino sayo ako may tiwala, at alam kong balang araw you'll do something marvelous with your life, I see something in you Katya, I see myself in you"-Doña
Lalong lumakas ang pag iyak ko, alam ko na kinagigiliwan ako ni Doña kung kayat naging mainit ang pagtrato sakin ng mga kamag anak niya.
"I know this would be too much to ask"-Doña
Napatingin ako sa mga mata ni Doña, nagtataka at nagaabang sa mga susunod na salita.
" But please, take care of everything I have, please learn to accept what I have planned, mangako ka na hindi mo pababayaan ang hacienda, pero kung iba ang nais mo, hahayaan kita, tulad nga ng sabi ko, wala kang utang na dapat bayaran sakin"-Doña
Hindi ko naintindihan ng malinaw noon kung anong hinihiling ni Doña, hanggang sa dumating ang mahalagang araw.
Noong pumanaw si Doña ay pinatawag ang mga kasama sa kanyang last will.
Kinabahan ako noong ipinatawag ako, alam kong kinagigiliwan ako ni Doña at naging malapit ako sa kaniya, pero hindi ko ginusto na mapamanahan, at dahil sa huling hiling niya sakin lalo akong kinabahan. Alam kong hindi ko pa kaya. Gusto ko man, kulang pa ang alam ko at karanasan.
Pero kahit kabado ako ay hindi ko yun ipinakita sa harap ng mga kamag anak ni Doña. Maging sa isang estranghero na ngayon ko lamang nakita.
"Sa last will and testament ni Doña Esperanza Florealba ay pansamantala niyang itinatalaga si Florentino Florealba upang mamahala sa EI corporation"- Attorney
Nakita ko ang pagcongratulate at pagpalakpak ng iilan. Si Don Florentino ay anak ni Doña, at mukhang anak niya yoong estrangherong masama ang titig sa akin, parang nakita ko na sya dati, sa mga litrato siguro dito sa hacienda.
Nagdaan pa ang ilang pagbanggit sa mamamahala at pagpaparte ng iilang ari arian. Hanggang sa narinig ko ang aking pangalan, at doon ko naintindihan ang hiling ni Doña.
"Dahil pansamantala lamang ang pamamahala ni Florentino, the righteous heir would be his son, Greyco Lloyd Florealba, the transfer of inheritance would be effective on his twenty seventh birthday, and would only take effect if he will be married to the heiress, Katarina De Silva"-Attorney
End of flashback