Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Tila Tula

🇵🇭SIOMAYLIE
--
chs / week
--
NOT RATINGS
51.6k
Views
Synopsis
"Masaya ang ating naging tagpuan; Binuhay mo ang pusong sinugatan, At aking mga mata'y iyong pinatahan. Nahimlay ang mga alaalang pininturahan, Pawang naulit muli ang aking kasaysayan." Ang kwento sa likod ng mga tula ni Fantasia Makata. Si Fantasia Makata ay isang manunulat ng tula. Huminto siya sa pagsusulat dahil sa bestfriend niyang si Eros, dahilan kung bakit hindi na siya makagawa o makatapos ng tula. Sa hindi namang inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Chand Suarez na nagandahan sa mga tula niya at nang malaman ni Chand na ayaw ng ituloy ni Fan ang mga di niya natapos na tula ay hindi siya tumigil para muling mabalik si Fan sa pagsusulat ng tula.
VIEW MORE

Chapter 1 - Tula Mula Sa Nakaraan

"Sa isang tabi ako'y napapangiti,

Ng ginoong matipuno at matapang.

Sa tuwing ako'y iyong tinitignan tila ako'y kinikiliti,

Seryosong mukha ay hindi maikakailang ika'y sadyang matapang.

Mapait na ngiti ang sumasalubong,

Tuwing ika'y napapalapit,

Dila kong nais sambitin "Kamusta ginoo?" ay umuurong.

Nananalanging balang araw mapalitan ng tamis ang ngiti mong mapait.

Nagdesisyong ika'y gawan ng tula,

Nais ipahiwatig na gusto ka.

Sa isipa'y nagiimahinasyon na ulan sayo'y titila,

Oras na marinig ang mga salita sa bunganga pagbuka.

O ginoo, ito'yisang sining na nais gamitin para ika'y paibigin,

Itsura mo ay hindi tipo ang tulad ko.

Tula ko ma'y bitin,

Nanaisin pa rin na magustuhan ako."

"TULA PARA IKA'Y NGUMITI NA"

Isinulat ni Fantasia Makata

(ika-12 ng Setyembre, 2015)

[ika-10 ng Hunyo, 2019]

Ito na ang pang-apat na taon na muli kong nabasa ang tulang isinulat ko para sa taong naging inspirasyon at una kong nagustuhan sa buong buhay ko.

Habang binabasa ko ang bawat salita ay muli kong naririnig ang tono nito noong ako'y sobrang saya habang nagsusulat nito, yung tipong abot langit ang ngiti ko habang patuloy ang mga nakakakilig na salitang lumalabas sa isipan ko papunta sa tulang ito.

Muling bumalik ang amoy ng matamis at mainit na tsokolate at paborito kong tinapay na crossini habang pinagmamasdan ko ng tulang ito na natapos ko ng hating gabi.

Napakaperpekto ng araw na iyon. Yun na ata ang pinakamagandang gabi na aking naranasa. Iba yung pakiramdam na yon, ibang iba dahil napakasaya ko. Yung saya at yung pakiramdam na yun ay hindi ko na pala mararanasan pa araw-araw dahil patikim lang pala yun.

Hindi ko pinagsisisihan na ginawa ko ang tulang iyon, ang pinagsisisihan ko ay ang inalayan ko ng tulang iyon. Mali ako ng pinaksaan at mali ako ng pinagsisisihan. Kung sa iba ito'y isang drama lang pero para sakin isa itong trauma na hinding hindi ko na makakalimutan pa.

Eto yung trauma na kinakatakutan ko at hindi ko maiwasan, dahil kusa nalang bumabalik, na mapapaisip nalang ako na nangyayari na naman ang nakaraan ko at hindi lang siya isang nakaraan dahil itinuturing ko itong kasaysayan. Isang masakit at walang kwentang kasaysayan. At ayoko ng ganito. Kahit anong subok ang gawin ko para kalimutan ang taong iyon ay hindi ko magawa hangga't nababasa ko paulit ulit ang tulang ito. Pero hindi sapat ang tulang ito para kalimutan siya kung paulit ulit lang ako gagawa ng tula para sa taong gusto ko na hindi naman ako magugustuhan.

At iyon ang dahilan kung bakit sa tuwing babasahin ko pabalik ang tulang ito, sakit ang nararamdaman ko. Iyon din ang dahilan kung tumigil ako sa pagsulat ng tula.

"Fan kanina pa kita hinahanap"

Agad kong nilukot ang papel kung saan nakasulat ang tula mula sa nakaraan at ngumiti ng pilit nang marinig ko ang boses ng taong inalayan ko ng tulang ito, Si Eros.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin habang inuusisa ang nasa kamay ko na siyang itinago ko naman sa bulsa ng palda ko.

"Pake mo ba?" Pagsusungit ko sa kanya.

Umupo siya tabi ko at huminga ng malalim bago ngumiti.

"Meron ka ngayon no?" Pang aasar niya sakin at dahilan para sakalin ko siya.

Tuwang tuwa naman siya kahit baka mamatay siya.

Pero ayoko naman makapatay, lalo na kung si Eros.

Tinigilan ko na ang pananakal sa kanya, tawa pa din siya ng tawa. May sapak ata 'to sa ulo eh.

"Onga pala, di na ako nasanay sayo, di ka nga pala nawawalan ng mens" Asar niya ulit sakin at sasakalin ko na sana ulit siya nang bigla naman niya hinawakan ang pareho kong palapulsuhan dahilan para mapahinto ako.

Eto na naman...

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko...

Nagtatama na naman ang mga mata namin...

Ramdam ko na naman ang pasmado niyang kamay...

At

Ramdam ko na naman ang hininga niya dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa...

Sa tuwing nangyayari ito pakiramdam ko ay lumalabo ang lahat ng nasa paligid ko at tanging siya lang ang malinaw na pati ang saya niya ay kitang kita ko sa mata niya.

"Fan...Fan...Fan!" Agad akong napahinga nang alugin niya ako.

"Ganyan ka na ba katanda at pati paghinga nakakalimutan mo na?" Asar niya sakin pero rinig ko sa boses niya ang pag-aalala.

Agad akong lumayo sa kanya at suminghot ng hangin.

Relax Fan... kumalma ka lang...

"Ahh oo nga pala sabay tayo mamaya?" Agad niyang pag-aalo sakin.

"Hindi" Agad kong sagot sa kanya.

Kung papayag kasi ako ay baka tuluyan akong mawalan ng hininga.

Ayoko muna siyang makasama.

Ayokong magbigay pa ng malisya.

Ayoko na maulit yung dati.

"Okay?" Pagtataka niya.

Tumayo na ako ng medyo kumalma na ako.

"Balik na ako sa classroom namin" Pagkabanggit ko noon ay agad na akong umalis.

Habang nagmamadali akong bumalik sa classroom namin ay nakasalubong ko ang taong dahilan kung bakit kailangan kong idistansya ang sarili ko kay Eros.

"Hi Fan!" Bati niya sakin.

"Hi" Malumanay kong bati sa kanya.

"Nakita mo ba si Eros?" Tanong niya sakin. Napangiti nalang ako ng mapait.

"Andun siya sa lounge" Sagot ko at tumingin siya sa direksyon ng lounge at ngumiti sakin.

"Ahh lumalayo ka na naman sa kanya kasi inaasar ka na naman niya no?" Nakangiti niyang tanong sakin at awkward nalang akong tumango.

Tinapik niya naman ang braso ko.

"Di ka na nasanay, ilang taon na kayong magkaibigan" Anya niya sakin.

"Sige puntahan ko na siya baka di ko siya maabutan" Dagdag pa niya at umalis na.

Tama siya, ilang taon na kami ni Eros na magkaibigan, magkaibigan...

At parang di na nga ako nasanay sa biglaang nangyari tulad kanina...

Mula 6th grade ay magkaklase na kami ni Eros, matagal na kaming magkakilala pero noong nagtransfer ako nung 8th grade sa school na pinapasukan niya nung time na yun ay naging magkaklase na naman kami to the point na naging close na kami.

Dun nagsimula ang pagkakaibigan namin at pag-usbong ng nararamdaman ko sa kanya. Siya ang pinaka-una kong naging kaibigang lalaki at noong panahong yun ay napatunayan kong "Walang magkaibigan lang na babae at lalaki".

Ganito ang konsepto namin:

Sa pananaw ko, napakaespesyal namin sa isa't isa na hindi sapat ang salitang kaibigan para sakin.

Sa pananaw niya at ng iba, kami yung magkapatid na hindi magkadugo. At magkaibigan lang talaga.

Sa part na yan alam kong maling mali talaga dahil sa isang romantikong relasyon dapat na nagmamahalan ang dalawang tao diba? Hindi yung isa lang?

Kahit ako hindi ko alam ang sagot sa tanong kong 'yan...

Pero malinaw na sakin na masaya ngayon si Eros kay Cassadee. Si Casadee ang first love siguro ni Eros.

Ang kwento sakin ni Eros at Cassadee, 7th grade nung magkakilala sila, pareho silang transferee nung time na yun at schoolmates lang sila dahil si Cassadee ay nasa section 1 .

Matalino, mestiza, sexy, may pagkakulot ang hazel brown niyang buhok at talented...ganyan mailalarawan si Cassadee. Kaya sino ba namang lalaki ang hindi siya magugustuhan?

Hindi sila magkarelasyon, pero kung titignan sila ay para silang magjowa. Siguro hindi lang nila sinasabi sa iba, kahit sakin ay hindi nila sinasabi.

Pero alam ko naman na yun kahit di nila sabihin, mas maigi na din yun para matigil na ang nararamdaman ko kay Eros.

"Fan" Agad akong napalingon ng may tumawag sakin sa di kalayuan.

Napakunot naman ang noo ko dahil hindi pamilyar ang mukha ng lalaking tumawag sakin na ngayon ay naglalakad papunta sakin.