Chereads / NAKALIMUTANG ALA ALA / Chapter 3 - CHAPTER ONE

Chapter 3 - CHAPTER ONE

CHAPTER ONE

"Gabriel," narinig niyang mahinang sigaw ng kaibigan niyang si Andrea sa may 'di kalayuan. Pinagmasdan niya ito ng lihim habang papalapit ito sa kan'ya. Hangang hanga siya sa napakasimpleng puting bestida nito. Sa kabila ng simpleng kasuutan ng kaibigan litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito sa mala-porcelanang kutis at sa mamula-mulang pisngi. Walang duda isa ngang Montelibano ang kaibigan niya ang isa sa mga apong babaeng ni don Mirando at doña Esperanza sa hacienda esperanza.

"Kanina ka pa ba nand'yan?" kunwaring tanong niya sa kaibigan tumango-tango itong ngumiti sa kan'ya tinapunan ng tingin ang mga bitbit niyang santol sa kanang kamay niya.

"Para sa akin ba 'yan?" tukoy nito sa bungang kahoy na pinagpaguran niyang kunin para dito dahil isa ito sa mga paborito ng dalaga bukod sa avocado na numero uno sa listahan nito.

"Hindi para kay victoria sana,"pagbibiro niya dito. Umismid ito kilala rin nito si Victoria ang kababata nila na nakatira malapit sa kanila ang tulad niyang anak ng isang simpleng mangingisda lamang sa karatig isla.

"Nagbibiro lang,nagseselos ka naman agad aking prinsesa. Alam mo naman na para sa iyo ang mga ito."ngumiti ito ng maluwag kitang kita niya ang puti puting ngipin ng dalagita na mas lalo niyang hinahanggaan dito maging ang malalim na biloy sa magkabilang pisngi nito.

"Aba dapat lang, selosa ako ayaw kong may iba kang kaibigan ang kaibigan ko." may himig pagtatampo sa boses nito.

"O,kunin mo na at umuwi ka na sa mansyon niyo baka hinahanap ka na ng lola at lola mo. Pagagalitan ka na naman ng mga 'yon. Maging ng pinsan mong si Agatha." Nakasimangot na inabot nito sa kan'ya ang tatlong pirasong santol matapos niyang kunan ito ng dalawa para sa inang niya.

"Salamat Gabriel,alam mo talaga ang mga hilig ko."aniya nito sa kan'ya nakakubli ang malungkot na mga mata.

"Umuwi ka na, Andrea ayaw kong napapamahak ka ng dahil sa akin. Pangako araw araw kitang kukuhanan ng santol. H'wag kang mag-alala."aniya sa kaharap pilit itong ngumiti sa kan'ya nilingon ang alagang kabayo sa may 'di kalayuan.

"Paalam,Gabriel. Salamat ulit." nagulat siya sa mabilis na paghalik ng dalaga sa kanang pisngi niya. Tumakbo na ito palapit sa kabayong sinasakyan nito tuwing magkikita sila sa bukid. Muli siyang nilingon ng kaibigan winagayway ang dalawang kamay maging ang kamay na may hawak hawak na mga antol na bigay niya para dito.

"Mag-iingat ka,prinsesa hihintayin kita ulit dito."Mahina niyang sigaw sapat na para marinig nito. Tumango-tango ito sa kan'ya bago sumampa sa alaga nitong si whitey muli itong kumaway at mabilis na pinatakbo ang kabayo nito pauwi ng mansyon kong saan sa panaginip alam niyang 'di siya makakalapit.

Siya si Gabriel Vasquez. Isang simpleng binatang anak ng isang mangingisda sa isang tagong isla na pagmamay ari ng pamilya ni Andrea. Nanay at tatay niya ang kasama niya sa kanila bilang nag-iisang anak ng mga ito. Napangiti siya ng maalala kong paano sila nagkakilala ng isang Andrea Montelibano. Sa kabila ng karangyaan nito sa buhay naging simple itong tao kahit pa hindi kabaitan ang abuelo at abuela nito maging ang mga magulang ng dalaga lalo na ang pinsang si Agatha.

"Sana naging simpleng tao ka nalang tulad namin, Andrea."piping hiling niya sa sarili para sa dalagang sa puso niya may malaking bahagi na ito hindi bilang kaibigan kundi bilang isang babaeng nagugustuhan ng isang tulad niya.

TAHIMIK siyang nakarating ng mansyon. Dala-dala ang tatlong pirasong santol na bigay sa kan'ya ni Gabriel.

"Napakabait niya talaga sa akin, Chuckie."Kausap niya sa sarili niyang alagang aso niyang pitbull na regalo sa kan'ya ng lola niya nagdaang pasko.

"Sana katulad nalang namin siya,sana pinapayagan pa nila akong makipagkaibigan at makasalamuha sila." hiling niya na walang pinagkaiba sa sigaw ng isip ng kaibigang si Gabriel.

"Sumasakit na naman ang ulo ko,chuckie. Akyat na muna tayo para makapagpahinga habang wala pa si lolo at lola."hinila niya ang tali nito dahan dahang pumasok sa malaking kabahayan na halos napapalibutan ng mga antique na kahoy na mula pa sa italya.

"And where have you been acting princess?!" bahagya siyang nabigla sa narinig na boses sa likuran niya walang iba kundi ang pinsan niyang si Agatha.

"Nagpahangin lang." walang emosyong tugon niya dito. Pilit na kinukubli ang tatlong santol na bitbit niya sa kanang kamay kong saan hawak hawak niya ang tali ni chuckie.

"Nagpahangin. huh! sino sa tingin mo ang maloloko mo, Andrea? kong si grandpa at grandma naloloko mo. Pwes ibahin mo ako!" Aniya nito sa kan'ya 'di nakuntento hinarap siya napatingin sa dala dala niya.

"At ano naman yang dala-dala mo, wierdo?!" singhal nito sa kan'ya. Pilit siyang ngumiti tinaas sa harap ang tinutukoy nito.

"A, ito? napulot ko sa daan nagandahan kasi ako kaya dinala ko na dito. Malay mo masarap siya't magugustuhan ko. Gusto mo?"natatawa niyang alok dito.

"Nagbibiro lang. Hindi naman kita bibigyan nito. Akin kasi 'to. Alam mo naman madamot ako pag sa akin 'diba, Agatha!" Pang-uuyam niya sa dito. Sumingkit ang mga mata nitong lalong kinasaya ng damdamin niya.

"Excuse me ha,aakyat na ako. Baka kasi maabutan tayo ni lolo at lola dito. Mapagalitan ka na naman at inaaway mo ang paborito nilang apo." Natatawa niyang pang-aasar sa pinsan niya. Tiningnan  siya nito mula ulo hanggang paa. Mabilis na tumalikod walang paalam siyang iniwan.

"DUWAG!" impit niyang ngitngi sa sarili para sa pinsang buo niyang wala ng ginawa kundi asarin siya sa kahit saang sulok ng mansyon ng abuela.

PAGOD ang katawang nahiga sa kawayang bangko si Gabriel. May mga maluwag na ngiti sa labi sa ala-alang nakasama si Andrea kahit sandali.

"Isasama ko ang araw na 'to sa ala-ala natin, Andrea. Na sana ang mga ala-ala na 'toy 'di mo makakalimutan aking prinsesa."tanging sambit ng binatilyo sa kawalan para sa dalagitang mula noon tinuring niyang prinsesa na siya ang nangangarap maging prinsipe para sa sila'y maging karapat-dapat na sa isa't isa na 'di nalang pawang magiging ala-ala.