Grade 6 lang ako nang makahiligan kong magbasa ng mga nobela. E-book pa nga lang uso nun at syempre pocket books.
So yun, madalas na binabasa ko romcom, at siguro dahil sa kaadikan ko kaya hanggang ngayong 26 na ako, eh eto ako parang naging hopeless romantic na lang.
Masakit mang isipin pero baka sa kahumalingan ko sa pagbabasa at siguro sa pagtaas ko masyado sa standards ko sa magiging boyfriend, eto ako ngayon hindi naman lonely, masaya pa ring nag-aantay.
Nang gumraduate ako ng Highschool, Valedictorian po ako (akalain ko yun) kaya marami ring opportunities na dumating, pumasa naman kahit papaano sa gustong paaralan at sa mga prestigious schools ika nga, nabigyan ng scholarships at grants to study wherever I want, so all I need to do then was to study so well and so hard to maintain grades.
Kaso nang tumungtong ako ng 3rd year college, pakiramdam ko nasira ko na ang plano ko sa buhay. Plano ko lang namang makapagtapos ng kolehiyo na NBSB lang,"No Boyfriend Since Birth" sabi nga nila. Walang mararamdamang pag-ibig gaya ng nararamdaman ng lahat. Parang bitter pero siguro bunga na rin ng broken family, umaasa na lang sa mga nobelang nababasa ng masaya't buong pamilya, masayang buhay. Sa pagbabasa na lang nakakaramdam ng kasiyahan at nakakaiwas sa problema ng buhay.
Pinilit kong umiwas, pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko. Pero wala, ako nga pala si Nekia Zy, ang mejo hopeless romantic na bitter girl ng Bacolod. Kuwento ko lang kung gaano ako naging sobrang ignorante sa first love ko.
Opo, hopeless romantic na mejo bitter, pero nagka-first love. Wala ba talagang pinipili si kupido? Ba't parang wrong timing naman, ba't sakin pa? Hindi pa dapat, di pa ako handa, di pa ako tapos mag-aral.
Simula pala nung Highschool eh classmate ko itong si Miko, at dahil dun siya na rin kaibigan ko sa block namin this college, maghahanap pa ba ako. No feelings, pure friendship lang.
So itong si Miko Villaflores ay saksakan ng famous sa campus namin, syempre lalong-lalo na sa girls, eh friendly naman kasi. Pero hindi siya yung gumambala sa buhay ko, I met Paul Bruce through Miko, siya nga, your guess was right. Si Paul lang naman ang sumira sa plano kong magtapos ng NBSB.
Paul was the best buddy of Miko since elementary, they both attended ROTC in college, with me. Yes, I was a Cadette back in first year college with Miko and Paul.
(Flashback sa first week) Kumakain ako sa Canteen ng biglang sumulpot itong si Miko.
Miko: Nek! Ano kinakain mo? Ba't di mo ko inayang kumain?
Nekia: Ha? Ah ano kas----
Miko: Anyway, si Paul pala, tropa ko to, tropa mo'ko so tropa na din kayo.
Paul while offering a shake hand: Paul nga pala.
Neki: Ah oo. sige upo kayo.
Miko: So, ano naka-decide na kayo kung ano pipiliin sa NSTP?
Neki/Paul: ROTC...
Miko: Ay? Duet? Sige, ROTC na rin ako.
So yun sabay-sabay kaming pumasok sa military drills. Mejo nakakastress, pero pag iniisip ko ang buhay ko at ng pamilya ko, mas mahirap pala buhay ko, kaya ginanahan na lang ako sa mga drills.
First drill namin, napansin ko na itong si Paul masyadong competitive, akala mo ba eh kung candidate for officership. Ako naman, yun feeling strong lang lagi, kahit lagi na lang napupull out kasi nahihilo, sumisikip dibdib, nandidilim paningin. Ano ba yan. Ang weak naman kasi ng katawan ko!
May choices naman sa ROTC namin noon, pwede ka naman sa medics, majorette, sponsor o kaya magkadete ka. Pero ewan ko ba kadete pinuntirya kong pasukan.
1 week akong nagtry sa kakapasunog, sa sobrang init mag drill, tapos 1 week din ako sa medics, kaso nabagot ako, bumalik na naman ako as cadette, at marcha marcha na naman.
Fast forward. Nang gumraduate kami nina Miko at Paul sa ROTC, yun nag outing kaming tatlo, kaming tatlo lang ha. Overnight sa beach. So, nag camp fire kami, nag star gazing. nag jamming. Ang saya lang.
Hanggang sa nakatulog ako tapos naalipungatang pag lingon kong bigla sa kaliwa, nagulat naman ako sa mukha ni Paul, ba't naman sobrang dikit. So tumalikod ako ay sa kanan naman, ano ba naman yan si Miko nakanganga na. Ang hamog naman dito sa beach. Naglalakad lakad ako. 10 mins. na kong naghahagis ng bato sa dagat.
Paul: Uy! Magpapa engkanto ka ba?
Nekia: Luh? Para tong tanga nanggugulat.
Paul: Tanga ka diyan. Ba't ka nandito?
Nekia: Eh, tulog na kayo eh, masyado niyo naman akong sinisiksik.
Paul: (Pabulong) Sus, gusto mo naman amoy ko.
Nekia: Ha? May sinasabi ka?
Paul: Wala po.
Nekia: Akala ko may sinasabi ka eh.
Paul: Wala po. Tara na at malamig naman dito, makita ka pa ng ka-engkanto mo diyan bahala ka.
Nekia: Ngek, asar to, parang shunga.
At yun pa-umaga na lang kaming nagkwentuhan ng buhay ni Paul. Nakwento ko na lahat ng bitterness ko sa buhay sa kaniya. At ganun din siya.
(Sunrise)
Nekia: Luh? Umaga na?
Miko: Anong ginagawa niyo??! (weird awkward face)