******
Hindi ko inaasahan na ang pagiging iba ng kulay ng mga mata ko ang magiging sanhi ng magulo kung buhay. Tahimik lamang ako dati at walang pumapansin sa akin sa paaralan na pinapasukan ko. Hindi ko naman talaga balak na mag-aral ngunit ang sabi sa akin ni Agatha ay makaka-buti daw ito sa akin lalo pa at iniingatan ko ang aking sa sarili dahil sa pagiging iba ko. Kung minsan nga ay sa likod pa ko ng paaralan dumadaan para walang makakita sa pag dating ko..ngunit tila malas ako dahil bago pa ko makapasok ng gate ng paaralan ay may mga itsudyante na ang nakaabang lagi sa aking pag dating tila pinag-planuhan nila ito.
Ilang araw na rin simula nang guluhin nila ako, hindi nila ako tinitigilan hanggat hindi nila napapatunayan ang gsuto nila. Isang beses lang naman nila nakita na nagbago ang kulay ng mga mata ko at ito'y ilang segundo lamang kahit walang ibidensya ay naniwala rin ang iba na nagbago nga ang kulay ng mga mata ko. Marami naman ako na nakikita na iba din ang kulay ng mga mata ngunit bakit interesadong-intersado sila sa akin.
"Oh nandito ka lang pala, bakit hindi ka pa pumapasok?" hindi ko tinapunan ng tingin si Agatha sa halip ay nagtanong lang ako rito habang ang mga mata ko ay nakatuon lamang sa labas ng bintana ng aking kwarto.
"Agatha..anu ba ko? Sino ba talaga tayo?" lumingon ako sa kanya ng bumuntong hininga ito.
"Bakit tila gusto mo ata na malaman ang tungkol diyan, dati naman ay wala kang pakialam..may kinalaman ba ito sa iyong paaralan?"
"Agatha alam ko na hind itayo tao pero bakit...bakit kailangan na magtago at mag ingat ako ngayon ikaw na ang may sabi na wala naman panganib sa lugar na ito." umupo ito sa kama at ako ay nanatiling nakatayo at nakasandal sa bintana.
"Dahil hindi pa rin tayo nakasigurado kung ligtas nga ba talaga tayo dito, tungkulin ko ang pangalagaan ka hanggang sa maibalik kita sa ating mundo ng ligtas---" pinutol ko ang pagsasalita niya dahil sa inis ko alam ko na mas matanda siya sakin pero nakaainis lang dahil kakaunti lang ang alam ko tungkol sa pagkatao ko.
"Pero hanggang kailan Agatha? Labing pito na ko at sa sususnod na buwan ay kaarawan ko na hindi ba dapat ay sinasabi mo na sa akin ang totoo para alam ko ang gagawin ko kung sakali man na nasa panganib ako." muli itong bumuntong hininga at tinitigan ako ng mabuti.
"Oo hindi nga tayo tao pero kawangis natin sila, kaya natin na makisalamuha sa kanila. tama sila na kakaiba ka dahil hindi ka lang basta basta nilalang..isa kang taong lobo."
"Taong lobo? Pero ang alam ko ay wala nang taong lobo ngayon yun ang sabi mo sakin noon..kaya paano na isa akong taong lobo?"
"Hindi ka basta isang taong lobo lamang, ikaw ang nag iisang taong lobo na nakaligtas noong nagkakagulo sa mundo natin, ibinilin ka sa akin ng iyong ina na ilayo sa lugar na iyon at dahil sa hindi ko alam ang gagawin ng mga oras na iyon ay dito kita dinala sa mundo ng mga tao. May kakila ako non dito na siyang tumulong sa akin na palakihan ka ngunit noong namatay siya ay umalis tayo." nakita ko sa mga mata ni Agatha ang lungkot hbaang sinasabi niya ang taong tumulong sa amin noon.
"Bakit siya namatay?" ngumiti ng ng mapakla si Agatha at tumingin sa labas ng bintana..
"Namatay siya dahil sa isa siyang tao, samantalang ako..tayo ay isang immortal. Dahil na rin sa katandaan at hia ng katawan niya ay hindi na niya kinaya pa, kaya nang nalaman ng mga tao na namatay na siya ay ako ang itinuturo nila na pumatay sa kanya dahil na rin siguro sa hindi ko paglabas ng bahay at pagiging bata ko dahil sa hindi ako isang tao. "
"Kung ganito lang din ang kahahantungan natin dito sa mundo ng mga tao bakit hindi pa tayo bumalik sa mundo natin?"
"Dahil hindi pa panahon para bumalik..wag kang mag-alala dahil malapit na rin naman ang pagbalik mo sa mundo natin kaya dapat mo itong pghandaan." isang makahulugang salita ang pumukaw ng atensyon niya dahil sa mga sinabi nito. Pagkalabas ni Agatha ay siyang bagsak ng katawan niya sa kanyang malambot na kama.
"Dapat maghanda? Anung dapat kung paghandaan, (sigh) hindi ko na muna dapat isipin yun ang dpat kung isipin ay kung papaano ko tatakasan ang mga kaklase ko nag-aabang sa likod bakod ng school ko."Â
Nakatayo ako dito ngayon sa gilid ng puno malapit sa may back gate ng schhol ko, halos sampung minuto na ko nakasandal dito sa puno at hinintay na umalis ang mga istudyante. Pagkarating ko pa lamang ay nakaabang na sila at tila ba may pinaplano sila na hindi ko gusto.
"Sa tingin niyo papasok pa yun? Baka natakot na yun dahil sa nangyari sa kanya nung isang araw hahah"
"Kelan ba umabsent ang freak na yun sigurado ako na nandiyan lang yan at hinintay na umalis tayo.."
Naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila kahit na malayo ako sa kanila at isa pa yung iba sa kanila talagang malalakas ang boses o talagang inilalakas lang nila para marinig ko.
"Mukhang alam nila na nandito ko..nakakamangha kahit tao lang sila ay nararamdaman nila ang presensya ko...pero ganun pa man hindi naman nila alam ang eksaktong lokasyon ko." napa-ngiti na lang ako dahil sa may pag-asa pa ko na matakasan sila ilang minuto nalang ay mag-uumpisa na ang klase. Ini-handa ko ang sarili ko sa pagtakbo ng mabilis na parang hangin, alam ko na ipinagbawal sa akin ito ni Agatha dahil baka daw may makakita sa akin, pero ito lang nang tanging pag-pipilian ko. Isinukbit ko ng maayos ang aking bag sa likod ko at saka tumakbo ng mabilis nang walang makaka-kita sa akin na sino man. Natawa ako sa itsura ng mga istudyanteng nadaanan ko dahil sa ginawa ko ang iba sa kanila ay nanlalaki ang mga mata ang iba ay natakot, mabilis na pumunta agad ako sa classroom ko at umupo sa upuan ko na walang nakakaalam.
Sakto lang pala ang pagpasok ko dahil nagtatawag pa lang ang guro namin para sa attendance namin ngaon.
"Luna Mizuki Mikage" nag taas ako ng kamay at ilang segundo lang ay biglang bumukas ang pinto..
"Ikaw bakit nandito ka?" tanong ng isang spoiled bat ko na kaklase habang nakaturo pa sa akin. tiningnan ko ito na walang kabuhay-buhay at saka tumingin sa labas ng bintana na katabi k lang.
"At bakit kayo late? kanina pa tumunog ang bell hindi ba?"
"Pero ma'am late din po ang freak na yan!" sumang-ayon pa ang iba sa sinabi nang isa kung kaklase.
"Paano niyo naman nasabi? Kanina pa si Luna dito bago pa ko mag-attendance ay nandito na siya." lumingon ako sa mga kaklase ko na nasa pinto at pinagmasdan sila isa-isa na wala man lang ekspresyon sa mukha, pero dahil nasa mood ako ngayon ay binigyan ko sila ng isang ngiti na hindi nila makakalimutan.
***
enjoy reading!
please vote omment and share this story tooyour friends..
<3 <3 <3