Chereads / HIS NAME IS HUNTER (TAGALOG) / Chapter 1 - SIMULA

HIS NAME IS HUNTER (TAGALOG)

πŸ‡΅πŸ‡­IHeartThisGuy
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - SIMULA

"Mr. Hunter Ford! Get out of my class! Bawal ang tutulog-tulog sa klase ko!" Sigaw sa akin ng aming Guro sa Philosophy.

Napakamot naman ako sa ulo ko bago magsalita, "Eh, Ma'am... Bawal na po bang matulog?"

"Aba at talagang sumasagot ka na sa akin? Get out of my class kung ayaw mong tuluyan kitang ibagsak!"

Napa-tsk ako habang papalabas ng classroom. Haaaaay.... Kung kailan sinisipag ako sa pag-aaral ngayon, saka naman ako palalabasin ng aming Guro.

Nang makalabas ako sa classroom ay sumalubong sa akin ang aking mga kaibigan.

Sila Allan at Peter... Kapwa sila gwapo katulad ko. Mabango at syempre macho. Hindi ko naman sila ipapahiya sa inyo, pero kubg ikukumpara sila sa kagwapuhan ko ay syempre, wala sila sa angkin kong kagwapuhan.

"Pare! Tara sa high cut bar! May bagong chicks doon." Sabi sa akin ni Allan.

"May budget ka ba 'tol?" Pahabol na tanong ni Peter.

Inis akong napabuntong-hininga, "Wala na.. Naubos ko na. Natalo kasi ako sa pustahan." Ani ko sa kanila.

"Langya naman oh! Paano tayo makaka-score niyan?" Ani Allan.

"Pass na lang muna ako mga tsoy. Bukod sa wala akong budget, kailangan ko ring magpahinga sa bahay. Napagod ako sa kakaaral kanina." Sabi ko.

"Wow?! Big word ha?! Sigurado ka bang nag-aaral ka? Eh ilang linggo na lang ata ay paaalisin ka na sa Department n'yo."

Napanguso ako. Isa pa iyan sa problema ko. Isa kasi akong Criminology student. Kahit naman kasi maloko ako ay may pangarap rin naman ako sa buhay.

Ako na lang kasi ang mag-isa sa buhay. Wala na akong pamilya. Hindi ko naman nakilala ang Nanay at Tatay ko kahit kailan. Lumaki kasi ako sa Shelter house ng DSWD. Wala naman akong kinikilalang pamilya bukod sa mga tumulong sa akin noon.

Ngayon, twenty two years old na ako. Habang nag-aaral ako ay nagtatrabaho din ako sa McDonalds bilang service crew.

Ang sipag ko noh?

Ganyan daw kasi ang mga gwapo. Kailangang magsipag para mas lalo pang gumwapo. Hehehe

"Aalis na kami, pre... Balitaan ka na lang namin kung naka-hanap na kami ng chicks." Sabi sa akin ng magagaling kong kaibigan na itago na lang natin sa pangalang Allan at Peter.

Tumango ako, "Sige Tol!"

Haaayyyy... Nakakatamad ang buhay ko. Kahit kailan kasi, never pa akong nagkaroon ng girlfriend! Ano nga ba ulit ang tawag doon? NGSB?

Hindi naman porket pogi ay may girlfriend na. Oo nagkaroon na ako ng mga flings, pero 'yung girlfriend? Wala?

Sabi kasi ng teacher namin. Nahihintay naman daw ang tamang pagkakataon. And... Speaking of pagkakataon.

Ito na ang pagkakataon ko para makauwi. Nakakapagod ang araw na 'to. Ang dami ko kasing ginawa kanina lalo na sa Martial Arts namin.

Habang naglalakad ako pauwi sa bahay ko ay may kumalabit sa akin. Nang lumingon ako ay nakita ko ang isang babaeng nakangiti sa akin. Medyo marumi ang mukha niya na para bang lumalaboy-laboy lang sa daan.

Kumindat siya sa akin at saka muling ngumiti, "Kuya..."

What the hell?

Hindi ko pinansin ang babae at nagpatuloy na rin ako sa paglalakad. Buhay nga naman!

Sayang 'yung babaeng iyon. Maganda sana kaya lang palaboy. Pinabayaan na yata ng magulang niya.

Nang makarating ako sa bahay ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Nagpalit na ako ng preskong damit at nasa aktong hihiga na ako sa kama ko nang may marinig akong sunod-sunod na katok sa pintuan.

Badtrip!

Si Allan at Peter na naman siguro ito, "Ano bang kailangan niyo atβ€”β€”" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang makita ko ang babae na nakatayo sa harapan ko.

"Kuya..." Napapanguso niyang sabi habang pinagdidikit niya ang mga daliri niya.

Napahinga ako ng malalim at saka mabilis na isinara ang pintuan. "Huwag mo akong guluhin na palaboy ka! Doon ka sa daan maghasik ng lagim!"