Chereads / LOST IN MEMORIES / Chapter 7 - SHIN MANSHION

Chapter 7 - SHIN MANSHION

LOST IN MEMORIES

[BOOK TITTLE]

AINSOFT24

[AUTHOR]

Isang araw lang ang pinalipas ni Shin at ni Cindy sa bahay ni Euna para sa balik nila sa manshion, ito kase ang hiling ng binata para kay Cindy para naman daw makapag paalam siya ng maayos kay Euna at pumayag naman si Cindy sa gusto ng binata!! Alam kase niya na mukang matatagal na muli siya bago makabalik para manlang makabisita sa dalaga. Iba na kase ang gagalawan niya pag balik niya sa manshion kahit alam naman natin na doon siya nag mula hindi pa man nangyayari ang aksidente. Siguro nga, ganun nalang ang pag aalala niya kay Euna dahil alam niya na kung hindi dahil sa mag ina ay hindi magiging maayos ang kanyang kalagayan..

EUNA : Oh, Jin anong ginagawa mo dito? dapat nasa kwarto kana at nag papahinga!

JIN: Nakita kase kita dito sa labas kaya minabuti kong puntahan ka!

EUNA: Salamat!

JIN: Ano nga pala ang gingawa mo dito?

EUNA: Ahh!! nag papahangin lang naman ako, nag iisip kung ano nang mangyayari pag wala kana, siguro ang lungkot ano? nakakapanibago kase pag wala kana. iba kase nung dumating ka dito, nawala ang lungkot ko, nalungkot kase ako nung nawala na si papa, napalitan lang ng kasiyahan nung dumating kana. kaya salamat kase kahit konting panahon lang napasaya mo ako kami ni mama.

JIN: Ahh, wala yun! salamat din kase kundi dahil sa inyo baka kung saan na ako napunta.

EUNA: Ano nang balak mo pag balik mo sa inyo?

JIN: hindi ko pa alam, ewan.. kahit alam kong doon talaga ang buhay ko, iba na kase ngayong wala ang alaala ko.

EUNA: sabagay nga!!

JIN: siguro nga ako nalang muna ang mag aadjust!

EUNA: mamimis kita!

JIN: ako din naman, mamis din kita!

EUNA: bisitahin mo ako dito ha, wag mo ako kakalimutan!!

JIN: oo naman, ikaw pa!

Natapos na ang ilang sandaling pag uusap nila at bumalik na si Jin sa kanyang kwarto para mag handa sa pag alis niya sa kinabukasan, pag katapo ng pag hahanda ay hagya niyang binisita si Cindy sa kwarto.

CINDY: oh jin bakit hindi kapa nag papahinga? maaga pa tayo bukas!

JIN: oo.. mag papahinga na ako napadaan lang ako, galing kase ako kay Euna sa labas ng bahay, nag paalam lang ako!

CINDY: wag ka mag alala, pwede ka nman bumisita sa kanya ii.. kaya lang sa ngayon kailangan lang muna natin mag pakita sa papa mo para maiayos na agad ang lahat bago pa gumawa si papa ng hindi maganda!

JIN: oo, tama ka!, diyan kana muna.. mag papahinga n ako!

CINDY: good nyt!!

JIN: good nyt din sayo!

Kinabukasan, handa na lahat ng gamit ni Jin para sa pag alis nito habang.....abala ang lahat ng tao sa manshion ng malaman ni mr chen na si shin ay mag babalik dahil sa balitang inihatid sa kanya ni CINDY. Ilagay mo dito, utos dito, utos doon ni mr chen sa mga katulong at mga alalay para sa pag babalik ng kanyang unicoijo. Tanging mga tao lang sa manshion ang nakaka alam na babalik na ang anak ng presedente. Sinabi kase ni CINDY sa presedente na wag munang ipapa alam sa kahit na sino ang pag balik ni SHIN sa bahay at sa kumpanya para na din sa kaligtasan ng kanyang anak.

''sir ok na po ang lahat'' anya ng isang kasambahay sa manshion..

MR. CHEN: mabuti kung ganon, salamat.

------------------------------------------------------------------------

CINDY: ano JIN ok kana, handa kana ba?

JIN: oo, handa na ako, medyo kinakabahan lang..

EUNA: wag kang kabahan, isipin mo lang ako pag kinabahan ka doon.. hahaha..

JIN: nakuha mo pa talagang mag biro ha, iiwan na nga kita eh!

EUNA: kaw talaga, nag biro na nga ako! papaiyakin mo pa ako..!!

CINDY: tara na, baka kung saan pa mauwi ang usapang ito..

Sumakay na sila sa isang puting pick up para bumalik sa manshion, naiwan sina EUNA at MS LIN. Nangingilid ang luha ng dalawa habang tinatanaw ang isang maliit na sasakyan papa layo sa kanilang dalawa.

Sa unang gate,aakalain momg yun na ang manshion ng mga HO, pero hindi pa ito ang lugar na kanilang pupunthahan. Pag pasok pa lamang nila.. maninibago ka.. aakalain mong nasa para iso kana, naliligiran ng mga magagandang bulaklak na sari-sari ang kulay. sa banda roon ay nag gagandahan ang mga puno na nakahilera sa kahabaan ng kalsada patungo sa kanilang napakalaking bahay. pag sapit sa ikalawang gate ng hardin andoon ang isang napakalaking fountain na naliligiran ng mga guard at iba pang mga katulong. Isang senyales ng pag bati mula sa padating na anak ng pinakamayamang negosyante sa bansa. Ang nag iisang taga pag mana o HIER ng kumpanyang AI-Ainsoft Intertainment.

Sabay sabay na bati ng mga taong nakapaligid sa harapan ng napakalaking bahay patungo sa gate na babaan ni SHIN.

''Maligayang pag babalik master SHIN'' na ikinagulat at ikinamangha ng binata.

''ohh anak ko, ikaw ba talaga yan,siya ba talaga ito.'' tanong niya kay Cindy habang nakatingin sa anak na namamangha pa sa buong nakita!

''opo tito, siya po talaga si Shin at napatunayan ko na yan.'' sagot niya sa ama ng binata..

At tuluyan na niang niyakap ang anak na nawalay sa kanya ng matagal. Habang kayakap ang anak, niyaya niya ito sa loob ng bahay habang nangingilid ang luha ng ama dahil sa tuwa at galak na muling nakita ang kanyang anak.

''halika sa loob iho.'' anyaya niya sa anak na bagong dating.

''bakit po kayo naiiyak.'' tanong niya sa ama.

''wala ito, wag mo akong intindihin iho,masaya lang ako.''

Dahil sa galak ng binata.. lilinga linga ito na tila ba ngayon lang siya nakarating sa bahay na ito..

''wala kabang naalala iho.'' tanong niya sa anak na deretsyong umupo sa hapag kainan.

''wala po talaga akong maalala.'' sagot niya sa ama.

'' hindi bale, wag mo nang isipin iyon, ako na ang bahala sa bagay na iyan, tutulungan ka naming mga kapamilya mo na maalala ang lahat, ang mahalaga andito kana.. bweno kumain kana at mukang pagod kayo sa byahe,, ikaw din iha.'' sabi niya sa anak habang anyaya naman niya sa dalagang kasama nito.