The Woman, The Dreams and The Moon

ruin1989
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 18k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Malakas ang paghampas ng hangin sa aking balat. Dama ko ang pighati na dala ng bawat patak ng ulan. I am in my bluest state. Masakit, puno ng pain, hatred at injustice yung puso ko. Pero wala kong magawa, I felt so helpless. Tila ba, naubos na parang isang tubig na natapon ang lahat ng lakas na meron ako.

"You do not deserve. Hindi ka nararapat para mapabilang sa lahi namin." mariin at puno ng galit na saad ng isang lalaki habang ako ay nakaluhod sa harapan ng maraming tao. In all honesty, I really don't know why I am here and why I am crying. I really don't know, pero tila ba may sariling isip ang puso ko at nagsasabing, dapat masaktan ako.

Walang boses ang lumabas sa mga bibig ko, tanging pigil na hikbi ang kumakawala ng paunti-unti sa aking mga labi. Malalim na ang gabi. Binalot na ng dilim ang paligid at tanging ang buwan lamang ang nagbibigay liwanag. Nasa tuktok kami ng isang bundok na pinapaligiran ng nagtataasang damo. Kita mo ang buwan sa pinakamaganda nitong anyo.

"Anong pinagmamalaki mo?" sigaw ng isang babae habang humahangos papalapit sa akin. She immediately grabbed my neck and I can feel the tight sensation mula sa higpit ng pagkakasakal niya sa akin. Unti-unti, walang kahirap hirap na nabuhat ako ng babae. I hold her hands that tightly hold my neck. "Sumagot ka!" sigaw niya na puno ng pangigigil.

"Rebecca! Itigil mo yan! Lalabagin mo ang ating mga batas." sigaw ng isa pang babae. All of a sudden, the woman who grabbed my neck, throw me in full force, bumagsak ako sa isang puno. Muntik ng mawalan ng hininga ang aking mga baga. I feel every bone of my spine na sobrang namimilipit sa sakit. Muling nagsalita ang lalaking una kong nadinig na tila ba siya ang pinuno. "Walang lugar ang mga traydor sa lugar na ito, o maging sa lahi natin. Vera, sa huling pagkakataon, kapag bumalik ka sa lugar na ito, you will definitely face your end." puno ng finality ang boses ng lalaki, may pagbabanta.

Marahas akong hinila ng babae papalapit sa pinuno. Mahigpit niyang hinawakan ang aking mga braso at binuhat patayo. Masakit at nakapanghihina. She tightly grabbed my jaw and focused my head to the leader of the tribe. Nagtama ang mga mata namin ng pinuno. "Naiintindihan mo ba?" tanong niya. Hindi ako makapagfocus sa sinasabi niya dahil I am lost in whatever I am seeing. Magkahalong kaba at curiosity ang nararamdaman ko. Dilaw ang mga mata niya, na tila ba kumikinang katulad ng buwan.

When the moon reach its full beauty, nabitawan ako ng babae kaya lumagabag ang mga buto ko sa matigas na mga bato ng bundok. Masakit man ang buo kong katawan at medyo nahihilo dahil sa pagbagsak ko, sigurado ako sa nakita ko. All the persons that surrounded me awhile ago, turned into wolves, human-sized wolves.

"Vera!, Vera!" rinig kong sigaw ng bestfriend kong si Jane habang dama ko ang mahihinang sampal niya sa mukha ko. "Mga lobo!" sigaw ko sa gulat ko. Pagmulat ng aking mga mata, si Jane na nagtataka ang bumugad sa akin. "Uy, grabe managinip? Tulog na tulog? Bumangon ka na, malalate na tayo. Tara, Kain!" sambit niya habang papalabas ng kwarto namin. Nananaginip lang ako? But it felt real, akala ko totoo. Tumungo ako agad sa banyo para maligo. Bumungad ang salamin sa akin. Tinanggal ko ang robe ko at laking gulat ko, malalaking pasa ang mababakas sa aking mga balikat. At saktong pagtama ng aking mga mata sa salamin, kuminang ang aking mga mata na katulad ng liwanag ng buwan.