Chereads / Casa Manzano: Ranz Miguel Manzano / Chapter 1 - Kabanata 1

Casa Manzano: Ranz Miguel Manzano

šŸ‡µšŸ‡­Dyowannasaur
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Kabanata 1

Manzano's

''Martha! Martha!''

Halos mapuno ng alingawngaw ng boses ni DoƱa Alicia ang malaki at malawak na bulwagan ng kanilang mansyon. Aligaga sya sa pag uutos kaliwa't kanan at pagbibigay ng instraksyon sa kanilang mga utusan.

''Everything must be perfect, Martha!'' Aniya sa kanilang kanang kamay at nangangalaga ng kabuuan ng kanilang mansyon. ''My son, Ranz is finally coming home.'' Bulalas nya. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman nya sa napipintong pagbabalik ng kanyang panganay na anak.

''Paniguradong masayang masaya kayo, DoƱa Alicia.'' Nakangiting saad nito.

''I am. I am.'' It has been eight years mula ng magdesisyon ang kanyang anak na si Ranz na mamuhay mag-isa. Nag kolehiyo ito sa Estados Unidos at doon na grumaduate. Ngayon nga ay sa wakas, uuwi na ito upang kaharapin ang mga responsibilidad nito, bilang isang Manzano.

''Mom!''

Mula sa malaking pintuan ng bulwagan ay sumilip si Gabriel, ang kanyang bunsong anak. Naka uniporme na ito at tila ba nagpapaalam na sa kanya upang pumasok. Sinenyasan nya itong lumapit sa kanya. ''Umuwi ka kaagad, darating ang kapatid mo. Entiendes?''

He rolled his eyeballs at tila ba nababagot na napakamot sa ulo. ''We still have projects to do, I---''

Nanlakh ang mata ni Alicia. ''Que barbaridad Gabriel! It's your older brother that you haven't seen for eight years that is going home! Uunahin mo pa ba ang mga projects na 'yan?!''

''Mom! We see each other everyday!'' Iritadong saad nito na itinaas pa ang cellphone. ''Besides, kuya will understand.''

Umiling-iling ang ginang at sinapo ang sentido nito. ''Stop this none sense Gabriel and go home after your classes.''

''Geez! Whatever!'' Anito bago sila tuluyang iwan doon.

Magsasalita pa sana ang ginang ng lumapit ang isang katulong sa kanya. ''DoƱa Alicia, nasa labas na po si Bella.'' Pagkasabi niyon ay nagliwanag agad ang kanyang mukha.

''Bueno! Ano pang hinihintay nyo?! Let her in!''

******

''Pumasok ka na daw, Bella.''

Agad na napangiti si Bella ng mapagbuksan na sya ng napakalaking gate ng mansyon ng mga Manzano. Ang may ari ng ilang daang ektarya ng lupa kung saan nagsasaka ang kanyang ama at ina.

Mababait ang mga matatandang Manzano, sila DoƱa Alicia at Don Ramon. Pantay pantay ang naging turing ng dalawa sa lahat ng kanilang empleyado. Bukod sa buwan-buwang pasahod ay pinag a-aral pa ng mga ito ang mga anak ng kanilang empleyado sa unibersidad sa bayan.

Nakabilang sya sa mga napag-aral ng mga ito, kahit pa nga kontra ang mga magulang nya. Imbes daw kasi makatulong magsaka ay pag-aaral pa ang inaatupag nya.

Syempre kapag walang klase o pasok ay tumutulong sya sa sakahan, para walang masabi ang mga magulang nya.

''Bella!'' Nakangiting salubong sa kanya ni DoƱa Alicia. ''Que hermosa dama!'' Anito sabay haplos sa kanyang tuwid na tuwid na mahabang buhok. Tila aliw na aliw sya nitong hinila papasok ng kanilang mansyon.

''Ipinahanda ko na lahat ng kailangan mo, Bella. Sabihin mo lang kung may kailangan ka pa.'' Anito bago sya iwan sa pagkalaki-laking kusina ng mansyon.

Oo, naroon sya upang magluto ng isang putahe na paborito raw ng kanilang anak na panganay. Ni request pa daw nito iyon at sya ang napiling magluto sapagkat nakapagluto na sya ng bulalo noon at tamang tama namang namamasyal si DoƱa Alicia ng makita silang mag anak na kumakain. Inalok nila ito, at dahil marunong itong makisama ay di ito tumanggi at nakikain na lamang sa kanila.

Nakakataba ng puso na nagustuhan nito ang luto nya at ngayon nga ay sya pa ang kukuhain nitong magluto ng ihahanda para sa pagdating ng mga anak nito.

Kilala nya ang mga anak ng mga Manzano ngunit hindi nya pa nakikita ang mga ito ng personal. Ang balita nya kasi ay may condo unit sa syudad ang bunsong anak ng mga ito at tuwing linggo lamang umuuwi o tuwing may espesyal na okasyon.

Balita naman nya ay nasa ibang bansa ang panganay na anak ng mga ito na ngayon nga ay pauwi na. Ang alam nya ay mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon.

Bali-balita pa nya ay ubod daw ng gwapo ang mga ito. Well, hindi naman yun nakapagtataka pagkat maganda ang DoƱa at makisig naman ang Don, kahit sabihin pa ngang may edad na ang dalawa.

''Excited na 'kong makita si seniorito Ranz, Bella.'' Ani ng kaibigan nyang si Rosa. Tinutulungan na sya nitong hugasan ang mga kailangan nya. Sila lang dalawa pagkat abala ang iba sa pagluluto ng iba pang putahe.

''Tignan mo, Bella. Ang sarap maging mayaman, diba? Isang gabi lang pero parang pang ilang buwan na ang hinahanda nilang pagkain.'' Anito.

Napangiti sya. ''Paibigin mo ang seniorito, Rosa. Malay mo... Kapag napaibig mo sya ay higit pa dito ang ihanda para sa kasal nyo.'' Pabiro nyang saad.

Napanguso ito. ''Para namang kasing ganda kita. Kung ganyan kaganda ang mukha ko, malamang nakabihag na ko ng mayamang haciendero.''

Natawa sya ng bahagya. ''Bakit? Maganda ka naman ah?''

''Tigilan mo ko, Bella. Hindi sira ang salamin sa kwarto ko.'' Napatigil ito sa paghihiwa ng sibuyas at ngumiti ng tila ba may masamang binabalak. ''Bakit 'di nalang kaya ikaw ang magpaibig sa seniorito, Bella? Napakaganda mo, malamang ay maaakit sya sayo.''

Kunwa'y pinitik nya ang noo nito. ''Hindi pwede Rosa. Ikakasal na 'ko. Isa pa, hindi tayo magugustuhan ng mga 'yon. Ang gusto nila ay yung kabilang at kapantay ng estado nila.''

Tila nawalan ng pag-asa ang kaibigan nya. ''Grabe naman...''

Natawa nalang sya dito.

************

''Man! You're totally wasted!''

Nakasali sa tawanan si Ranz ng makita nila na halos hindi na makatayo si Dan, isa sa mga kaibigan nya dito sa Manila. Agad syang sinalubong ng mga ito sa airport at pagkatapos ay dumaretso sa bar nila, Yvez para uminom.

"Ang aga aga, lasing na agad." He said grinning. Napasilip sya sa kanyang relo. Mag aalas tres na pala ng hapon. "I need to go, guys. The folks is waiting for me."

Tumango lang si Yvez samantalang si Siege ay itinaas ang baso nito na may lamang beer. ''Von voyage!'' Anito na tila tinatamaan narin.

Natawa sya gayun din si Yvez. ''Ikaw na munang bahala sa kanila, man.'' Aniya.

''Sige lang, dude. Teka, will you drive? Nakainom ka din and pagod ka sa byahe diba?''

He smirked. ''Damn, Yvez. Ang bakla mong pakinggan.''

Natatawang binato sya nito ng lata ng beer na walang laman. ''F*ck you, man! Umalis ka na dito baka marape pa kita.''

Humalakhak sya bago tuluyang nilisan ang lugar. Dan, Yvez ang Siege are his friends bago pa man sya umalis ng bansa upang magkolehiyo. Inilabas nya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang kapatid na si Gabriel.

Tama si Yvez, naka ilang bote din sya ng alak at pagod galing sa ilang oras na byahe. Malamang ay hindi sya mabubuhay kung sya ang mag da-drive ng kanyang kotse pauwi ng kanilang Mansyon na ilang oras ang byahe mula sa Maynila.

"Where are you, Gab?" Tanong nya ng sagutin nito ang tawag nya. "Yes, can you pick me up? I'm kinda tired. Okay, I'll wait for you here."

Pagkababang pagkababa nya ng tawag sa kanyang kapatid ay agad na nag ring ang phone nya. Her mother is on the other line, requesting for a video call.

Dahil alam nyang hindi ito titigil ng pagtawag sa kanya kaya sinagot na lamang nya ito.

''Hijo!'' Masayang bati nito.

''Hey, Mom!'' Napangiti sya. Kahit naman makulit ang kanyang mama ay na miss nya ito. ''I'll be home soon.'' Aniya upang hindi na ito magtanong kung anong oras sya uuwi.

''I know, hijo.'' Anito na masayang masaya. Nagpatuloy pa ito sa pagsasalita at sya naman ay nakikinig lang habang hinihintay si Gabriel nang ma divert ang atensyon nya sa background ng kanyang ina.

Damn! That girl is so hot! Nagtaas baba ang adam's apple nya habang tinitignan ang babae sa likod ng kanyang ina. Nasa kusina ito at tila ba may binabalatan na kung ano.

Was she a new maid? Bakit hindi mukhang maid? Whatever, he'll ask Gabriel later. Or better yet, uuwi naman na sya... Makikita nya ito ng personal.

He posted a playful smile. Hindi naman pala masasayang ang paguwi nya.

*************

Hi! Please know po na ang nobelang ito ay produkto ng aking imahinasyon. Kung may alin mang pagkakapareho ang ilang detalye sa totoong buhay ay paalala po na ito ay nagkataon lang.

Ang alin mang larawan na ilalagay ko sa nobelang ito ay hindi po sa akin. Sa kanya-kanyang may-ari po ang credits.

Maraming salamat at sana ay magustuhan nyo po ito.