Chereads / MIND DREAMS / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Isang maulan na hapon ng matapos ang aking trabaho sa cafe. Maraming tumatakbo sa labas dahil sa biglaan pag ulan. Tamang tama sa panahon ang uminom ng kape habang nagbabasa ng libro. Ganoon ang sitwasyon ng cafe ngayon nakakatuwa dahil maraming customer. Kagaya nila naghihintay lang na tumigil ang ulan. Wala naman bagyo sabi ng pagasa. Sabi nga nila nakakalma ang ulan, tama ba? Parang hindi naman dahil sa bawat patak ng ulan mas naiisip ko kung gaano kalungkot ang buhay.

"Yanna, Tapos na ang shift mo mamaya ka pa ba uuwi? " tawag sakin ng Ms. D hindi ko napansin nakalapit na pala siya

" Hmh.. Opo Ms. D mukhang lalakas pa ang ulan ano po sa tingin niyo?" tanong ko sa kanya

Ngumiti muna siya at dahan dahan umupo sa harapan ko kasabay ng pagabot ng isang tasa kape. Hindi ko napansin na may dala pala siya

" Tama ka. Mukhang malungkot ang langit ngayon at bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.Mukhang gagabihin ka sa paguwi. Gusto mo bang sumabay sakin? " tanong niya

"Hindi na po, pwede ko naman pong lakarin pauwi sa aparment po". Wala siyang sinabi ngunit binigyan niya ako ng isang maliit a ngiti.

Hindi pa rin siya ng babago kahit matagal ng lumipas ang panahon. Natatandaan ko ng una kaming magkita , Malakas din ang ulan at naghahanap ako ng masisilungan umupo ako sa pinakadulong lamesa bigla siyang lumapit at tinanong kung ayos lang ako. Akala ko papaalisin niya ko dahil wala naman siyang nakitang tasa o kahit anong nakapatong sa lamesa. Nakwento ko noon na kailangan ko ng trabaho dahil malapit na ang pasukan. Hindi pa siya papayag noon dahil sa edad ko pero nagpumilit ako kahit taga punas lang ng sahig. Sa huli pumayag din siya, sa tingin ko kahit na nabasa ako ng ulan meron din naman kapalit. Dito sa upuan kong saan ako nakaupo ngayon nagsimula ang lahat .

Hindi ko napansin kung ilang oras na ako nakatingin sa labas pero namalayan ko na lang tumigil na ang ulan. Tumayo na ako at pumunta sa kusina para magpaalam. Halos dalawang oras rin pala tumagal ang ulan kaya pasado alas syete ng makaalis ako sa cafe. Unang nakita ko si Ate shane pinakamatagal na nagtratrabaho sa cafe .

" Ate shane uuwi na ko" sabi ko

"Nandyan ka pa pala. Sige .magiingat ka " sagot niya

"hmm, nasan po si Ms.D? magpapalam lang po ako sa kanya." habang hinahanap din sa buong kitchen.

"Naku, mamaya pa yun lalabas sa office niya may tumawag kasi sa kanya at kakapasok niya lang. Ako na lang magsasabi sa kanya "

"ah sige po. Salamat "tumalikod na ako at nagsimula ng umalis.

Paglabas ko ng cafe medyo marami pa rin ang naghihintay ng masasakyan pauwi. Mabuti na lang at malapit lang ako sa aparmtent at pwedeng lakarin kahit anong oras . Habang naglalakad ako pauwi hindi ko maiwasan na kabahan dahil sobrang dilim na at halos wala akong taong kasabay na naglalakad bukod pa doon wala pang masyadong ilaw ang poste ng ilaw sa kalsada. Feeling ko tuloy there is someone who watching me. Ganito lagi ang nararamdaman ko tuwing uuwi ako ng madilim na . Mas binilisan ko pa ang paglalakad, nakahinga ako ng maluwag ng matanaw ko na ang gate ng apartment ko. Pagbukas ko ng gate hindi ko maiwasan kabahan at lumingon ng dahan dahan dahil sa narinig kong may tumawag sa pangalan ko

"Yanna Ysabelle"

Hindi muna ako lumingon napahigpit ang hawak ko sa aking payong. Kinabahan ako dahil hindi pamilyar ang boses niya sakin. Nang mapagdesisyonan ko ng lumingon , nagulat ako dahil hindi din pamilyar ang mukha niya.

Isang magandang babae na maamo ang mukha ang nasa harapan ko ngayon nakasuot siya ng isang magandang bestida na kulay puti.

"Sino ka?" tanong ko

Dahan dahang siyang ngumiti at naglakad ng ilang hakbang bago ito tumigil.

"Hi, ikaw si Yanna tama? Ako nga pala si Roxane anak ni Nanay Muring natakot ba kita ? "

Hindi pa din ako nagsasalita dahil hindi ko talaga siya kilala. Pero medyo wala na ang kabang nararamdaman ko

"Naku ,pasensya na mukhang natakot pa yata kita. Pinapasabi lang ni nanay Muring na baka mawalan tayo ng ilaw mamayang alas nuebe dahil may aayusin na poste sa kabilang kanto sandali lang naman yun para makapaghanda ka since ikaw lang daw ang magisa dyan."

"Ah ganun ba, sige salamat."

"Sige alis na ko kung may kailangan ka kumatok ka na lang dun bilin din kasi ni nanay" Tumalikod na siya at umalis

Nakahinga ako ng maayos. Nang hindi ko na siya nakita pumasok na din ako sa loob. Nilagay ko ang bag ko sa aking kwarto at nagbihis. Pagkatapos ay hinanda ko na ang kailangan para mamaya at nagluto na rin ako. Pagkatapos kumain ay naghanda na ako para matulog hindi ko na din namalayan ang pagkawala ng kuryente sa sobrang pagod dahil sa unting unti ng pumikit ang aking mata hanggang sa makatulog na ako.

__________________________________________