Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ai Loves Yu

🇵🇭EX_DE_CALIBRE
11
Completed
--
NOT RATINGS
53.2k
Views
Synopsis
Kilala si Aira sa buong Maliboot Market bilang isang babaeng mainitin ang ulo, palengkera, magaslaw kumilos at magsalita. Kaya naman nang maka-engkwentro niya si Yuri Hanigami, ang hinayupak na sakang na suplado, matalino, maarte, gwapo, napakayamang malign na anak ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng Maliboot Market ay hindi na nagtaka ang lahat. Sa katunayan ay inabangan pa ng lahat ang pagsasagupaan nila. Ngunit kung inakala niyang wala nang makakatalo sa pagiging pasaway, pagiging isip-bata at pagiging palaban niya ay mukhang nagkakamali siya. Pinatunayan ng Hapon na iyon na nahanap na niya ang katapat niya sa pamamagitan ng pagganti sa bawat birang ibinabato niya rito. Together, they created a ruckus and messed with each other. Ngunit hindi niya inasahan na madadawit pati ang puso niya sa pakikipag-asaran niya rito. Sa lahat ng asaran at gantihang namagitan sa kanila, ang pagwasak nito sa puso niya ang hindi niya kinaya. Ah, nakakainis! Bakit hindi nito kayang gantihan ang pagmamahal niya?
VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER 1 : Amazona Meets Mr. Sakang >:))

"Marimar, awwwww!" gumigiling giling na kanta-cum-sayaw ni Aira habang maarteng winiwisik-wisikan ng tubig ang kanyang mga panindang isda.

Araw iyon ng Linggo kaya madami siyang benta. Bukod kasi sa marami siyang suki, iyon ang itinuturing na palengke day ng Maliboot Market kung saan siya nagtitinda.

"Maganda yata ang benta natin Ai?" puna ni Macke na katulad niya ay tindera rin ng isda. Interesado nitong pinagmasdan ang mga paninda niyang malapit nang maubos.

"Naman! Dami ko kayang nabola ngayong araw," pagbibida niya. "Kaya ililibre ko ang sarili ko ng isang tumpok ng katol!" kinikilig na sabi niya. Katol ang tawag nila sa alak. Wala lang, trip trip lang nilang magkakasama. Para daw cute.

"Loka! Tapos maha-high ka na naman, tapos itatapon kita sa kanal. You want?" natatawang binatukan siya ng kadarating na si Jhen. Kagaya nila ni Macke ay tindera rin ito ng isda. Magkakatabi ang pwesto nilang tatlo sa palengkeng iyon.

"Kamusta naman benta ninyo mga adik?" kakamot kamot sa ulong tanong na lamang niya. Kahit kelan, kontrabida talaga sa ka-adikan niya ang mga katabing tinder niya.

"Heto, mumurahin na kita kasi sinulot mo na lahat ng mga suki namin hinayupak ka! Tama bang mag-make up at magkuntodo sleeveless pink blouse ka pa? Buti sana kung tinimbrehan mo kaming magtutumalandi ka ngayon," reklamo ni Jhen.

"That's what you call strategy, poor rivals. Mga wala kasi kayong diskarte," tatawa tawang kantiyaw niya. Sabay na napasimangot ang mga kasamahan niya.

Ang totoo, alam niyang hindi maganda iyong ginawa niya. Labag iyon sa kasunduan nilang magkakasama roon. Ngunit ano ang magagawa niya kung matindi ang pangangailangan niya niya sa pera?

Kailangan niyang matubos ang bahay ng kanyang yumaong ina mula sa madumi at makalyong kamay ng kalbong si Mang Edmundo—ang head tindero sa Maliboot Market na allegedly ay pinagsanlaan daw ng nanay niya ng bahay nila bago pa man ito mamatay limang taon na ang nakalilipas.

Hindi lang ito manyak na tindero, tuso pa. Tama ba namang magdemand ng isangdaang libong piso sa kanya?

Tinanong niya kung bakit pagkatapos ng limang taon lang nito naisipang singilin siya sa pagkakautang ng ina niya. Ang naging sagot nito ay talaga namang nakapagpakulo ng dugo niya sa walanghiyang matanda.

"Kasi hinintay talaga muna kitang magdalaga. Para pwede mo nang alukin ang alok kong magpakasal sa akin," tusong pang-aasar nito.

Alam nitong kahit mag-twerk siya ng isang taon sa Maliboot Market ay imposibleng mabubuno niya ang isang daang libong pisong hinihingi nito sa loob lamang ng isang buwang palugit na ibinigay nito sa kanya.

At ayon nga rito, isa lang ang paraan para hindi na niya kailangang magbayad dito—iyon ay kung papayag siyang makasal rito. HALLER! Sa kalbong iyon? No way! Mas gugustuhin pa niyang magpatiwakal kesa ang makasal sa siraulong iyon.

"May araw ka rin sakin Mang Edmundo. Kakalbuhin ko ang mabahong kilikili mo!" gigil na saad ng isip niya.

Napaismid siya. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang kalbong iyon ay mas pinili niyang buhatin na lang ang konting laman ng banyera niya. Uuwi siya nang mas maaga kesa sa dati dahil ayaw niyang madatnan siya ni Mang Edmundo roon.

Maniningil na naman ito. At magpapa-cute sa kanya. Kadiri! Tagos hanggang bone marrow. Mabilis niyang isinalansan ang mga natitirang isda sa tiled table ng kanyang stall.

"Oh, uuwi ka na?" takang tanong ni Macke nang mapansin ang pag-aayos niya.

"Tatakas na naman ang hampas lupa. Paano, baka maabutan siya ni Mang Edmundo," tuya ni Dessery. Kahit kelan talaga, ito ang major major tinik sa lalamunan niya.

Tinignan niya ito ng masama. "Bakit, totoo naman ah? Tatakas ka diba? Oh, ayan na pala si Mang Edmundo, mukhang hinahanap ka." nakangising sabi pa nito na halatang inaasar siya.

Naiinis-natatarantang napalingon siya sa dakong tinignan nito. Naku po, meron na nga ang kalbo! Mabilis pa sa alas kwatrong niyakap niya ang dalang banyera at walang kyemeng tinahak ang madulas na daan patungo sa labasan ng palengke.

Mabuti na lang at nasa first floor ang kinaroroonan nila, kung hindi ay tiyak na mas mahihirapan siyang tumakas kay Mang Edmundo dahil mas marami itong alipores na tindera ng gulay sa itaas.

"Kapag ako nadulas, ingungudnod ko sa putik ang pulang nguso ng Dessery na iyon," nanggagalaiting sumpa ng isip niya.

Lalo siyang nagngitngit sag alit nang marinig niya ang nakakalokong pagtawa ng insekyorang palakang iniwan niya. Bukas na bukas, bubudburan niya ng betsin ang mga paninda ng bruha. Tignan niya lang kung makatawa pa ito.

Habang matuling naglalakad palabas ng palengke ay napatingin siya sa kanyang mga isda.

"Buti pa kayo, fresh na fresh. Hindi kagaya nung tatlong iniwan ko. Mga tigang na. Kaya walang magawa kundi pag-initan ang byuti ko," parang timang na kausap niya sa mga ito.

Nang marealize ang nagawa niyang kabaliwan at bigla siyang natawa.

Nakakabaliw talaga ang panggugulo ni Mang Edmundo sa buhay niya. Sa kakatawa niya ay hindi niya tuloy napansin ang lalaking noo'y makakasalubong pala niya.

And before she knew it, dumiretso na ang matangos niyang ilong sa malapd nitong dibdib na naging dahilan ng pagpikit niya. Kasunod niyon ay ang pagkakabitaw sa hawak niyang banyera. Tumilapon ang mga precious isda niya sa puting damit ng bagong dating.

Nanlaki ang mga mata niya sa naganap. She didn't know what to do—kung pupulutin ba niya ang nagkalat niyang mga isda o pupunasan ang narumihang damit ng lalaking natapunan niya ng isda. Or maybe she should start by apologizing, right?

"Dammit! Bulag ka ba?" asik nito.

His face shifted from shocked to irritated. His eyes formed a thin line. Ang mga mata nito ay naging kasingtalas ng gamit niyang kutsilyong panghiwa ng mga paninda niyang isda.

Bigla siyang kinilabutan. Singkit na nga ito, mas lalo pang sumingkit. Anime na anime ang hitsura ng lalaking halatang may lahing Japanese.

Pero bakit siya dapat matakot rito? Naroon sila sa Maliboot Market, teritoryo niya iyon. Siya si Aira, ang pinakamagandang amazona ng Maliboot Talipapa! Ano ang karapatan nitong pagsabihan siya ng ganon?

Mapanghusga naman ito masyado. Ni hindi man lang siya hinayaang makapagsalita at makapag-apologize man lang. Maiintindihan pa niya ang galit nito kung hindi siya mukhang nahihiya sa hitsura nilang dalawa ngayon.

Pero hindi ba nito nakikitang hindi niya alam kung papaano siyang hihingi ng tawad dito? Nagtaray ba siya at sinabi ritong ito ang may kasalanan sa banggan nila? Isa pa, banggaang hindi sinasadya ang nangyari, ibig sabihin ay pareho silang may sala.

Ano ang karapatan nitong sigawan siya at ipamukha sa kanya na parang sila lang ang may kasalanan? Huminga siya ng malalim at nilabanan ang matalim na tingin nito sa kanya.

"Hindi. Obviously, nakikita ko ang mga isda kong nagkalat sa daan," asik niya. Kung gusto nito ng away, pwes, pagbibigyan niya ito. Ang kapal ng mukha nito. Hindi komo mukha itong mayaman ay may karapatan na itong mangmata ng tulad niyang mahirap.

Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya ang lalaki, halatang hindi nito inasahang sasagot siya ng pabalang. Napaismid siya. Inakala ba nitong basta na lang siyang uurong dahil lang sa mga suot nitong mamahalin?

Napabuntong hininga ang lalaki bago nito naikuyom ang mga palad nito. Mukhang hindi na ito makakapagtimpi sa kanya. Ha! Keber!

"Drat! What did I do to deserve meeting someone like this woman?" bulong nito sa sarili—na hindi naman nakaligtas sa matalas niyang pandinig.

Nandidiring tinignan nito ang suot na puti, erase that, dirty white nitong polo shirt. He sniffed his wet body and almost puked when he realized how her precious isda landed on him. He grimaced.

Kusang napataas ang kilay niya sa inakto nito. Napakaarte ng bruho! Sa halip na titigan ang galit na mukha nito ay yumuko na lang siya at tig-iisang pinulot ang mga bangus na nagkalat sa daan.

Inilagay niya ang mga iyon sa kanyang banyera. Hindi porke gwapo ito ay dapat na siyang tumunganga rito. May tinatakbuhan nga rin pala siyang manyak na kalbo.

Noon napatingin sa kanya ang masungit na singkit. Pinangunutan nito ng noo ang ginawa niyang pagpupulot sa nagkalat niyang mga isda. "You should at least say sorry, don't you think?" naiinis nitong puna.

Her eyes narrowed and she glared at him. Kanina lang ay handang handa na siyang mag-sorry dito pero hindi siya nito binigyan ng chance na mag-apologize.

Tapos ngayong nainis siya at ayaw na niyang magsorry, tsaka ito magdedemand ng apology? Ano iyon, kelangang antayin muna niya ang cue nito kung kelan at hindi dapat siyang magsorry rito?

The nerve of this man! It's not like she's at his mercy to do that. Ano siya, bale? Bakit niya ito susundin gayong hindi naman niya ito amo? Ni hindi niya nga ito kilala.

Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Gusto nitong asarin siya, ha? Pwes, makikita nito kung paano maasar ang isang katulad ni Aira Mercedez.

"Ay, oo nga pala. I saying sorry to you sirs. Hopes you will never getting mad at myself," nakangiting aniya.

Nakita niya ang lantarang pagngiwi nito sa sinabi niya. Aysus! Tama ang hinala niya. Allergic ang gwapong maligno sa mga wrong gramming. Humanda ito sa kanya.

"Right. What am I suppose to expect from you?" iling nito.

"What do you meaning sirs? You is said that I was nothing comparing to you?" kunwa'y galit na aniya. Lihim siyang napangisi nang biglang umasim ang mukha nito.

"Why should I waste my time talking to you anyway? Just get out of my sight and don't ever come back!" sigaw nito.

Nagulat siya sa ginawa nitong pagsigaw. Hindi niya inakala na ganon kabilis mapapatid ang pasensya nito sa kanya. Lalong hindi niya inakala na magagawa nitong manigaw sa harap ng maraming tao.

Aren't rich people supposed to restrain themselves to stay away from the humiliation of being in a public brawl? Oh baka naman wala itong image na dapat alagaan. She stared at him. Pumapatol talaga ito?

Hindi makangiting napalinga siya sa kanilang paligid. Unti-unti nang nagsilingunan ang mga tao sa gawi nila. Iyong iba nga ay tumigil pa sa paglalakad at lantarang pinanood ang "away" nila.

Sa dami ng mga tsismoso't tsimosa sa talipapa, malamang na nagbubunyi na ang mga iyon dahil sa pagsigaw ng hinayupak na lalaking iyon sa kanya.

Kilala siya bilang numero unong palengkera—isang babaeng hindi pumapayag na basta bastang masigawan ng kahit na sino lalo na kung siya naman ang nasa tama.

Wala siyang kinatatakutan—ke mayaman, malaki ang katawan o gangster pa. She gnashed her teeth. Kaya hindi siya makakapayag na madungisan ang record niya sa talipapang iyon.

Wala pang nakakalatalo sa kanya! Gusto nito ng mas bonggang sagupaan? Fine! It's showtime!

"Ano ang karapatan mong sigaw sigawan ako? For your infomation, hindi ko kasalanan kung bakit kita nabangga. May kasalanan ka rin namang ungas ka! Kung umiwas ka na sana edi wala na tayong problema!" sigaw rin niya.

Siya ang tunay na anak ng talipapa, siya lang ang may karapatang manigaw sa teritoryo niya.

"Don't you dare shout on me!" inis na sigaw nito.

"Same to you! Why not I shouting to you eh you is shouting at me also?"

Nanlaki ang mga mata nito sa pagsagot niya. "Damn! Will you please stop talking in English? You're making my head spin like hell." He looked embarrassed as he scanned their growing audience. Wow ah, ito pa ang nahihiya sa pag-e-English niya. Her eyes narrowed.

"Why? I'm a head turner? Wow, you making me felt grateful!"

"Shut up!" he hissed. Namula na ang makinis nitong mukha dahil sa matinding inis.

"Fine!" she hissed too. Shut up, ha? Pwes, ito ang mapapa-shut up sa gagawin niya!

Mabilis siyang naglakad patungo sa katabing stall na malapit lang sa kanya. Kinuha niya mula roon ang tabong may lamang tubig at ibinuhos ang malansang tubig na iyon sa mayabang na lalaki.

Hindi pa siya nakuntento, kinuha niya pa iyong isang buong timba at ibinuhos ang lahat ng laman niyon sa gulat na gulat na lalaki.

Narinig niya ang tawanan ng mga tao sa paligid nila—ng mga kasamahan niyang tindera at mga mamimimili na noo'y aliw na aliw sa ginawa niya. Nag-apir-an pa nga iyong mga "fans" niya eh.

"I will repeated. This is my territory. Wala pang nakakapagpatiklop sa beauty ko. Ikaw na ang adik kung iniisip mong magpapasigaw ako sa kagaya mong engliserong hilaw na sakang! Subukan mo akong kausapin sa Nihonggo at sisilaban kita ng buhay!" dire-diretsong sabi niya bago galit na lumisan at iniwan ang hindi makapagsalitang lalaki.

Iniwan niya itong nakatulala sa kanya. At para mas cool ang paglayas niya sa harap nito ay nginisihan niya ito at kinindatan. "You're welcome!" paalam niya.

When he hissed like a madcap, isang malutong na halakhak na lang ang itinugon niya. But the moment she turned her back on him, naalala niya ang dahilan kung bakit siya nagmamadaling umalis kanina.

Drat, kailangan na niyang magmadali dahil baka maabutan pa siya ni Mang Edmundo—o baka maisip ng sakang na iyon na habulin din siya. Nakakainis!

Bakit ba siya ipinanganak na habulin ng mga lalaki? ECHOS. Takboooo!