Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

This Unrequited Love Of Mine

🇵🇭Nothing_Special08
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.4k
Views
Synopsis
Sa lahat ng pagkakataon na maaaring mangyari, dumating ang isang bagay sa buhay ni Blythe na hindi niya inasahan. Isang bagay na simula ng lubusang masaktan ay hindi na naghangad pa ng ganoong klaseng kaligayahan. Murang edad pa lang ay naranasan niya nang maging masaya, masaktan, mabigo, malugmok at masasabi na ngang naranasan niya na lahat ng masasakit na sitwasyon na naging dahilan ng kanyang pag-iisa. Nasanay at sinanay niyang maging mapag-isa sa lahat ng panahon ng buhay niya, kaya siya misteryoso pagdating sa mata ng iba. Si Rayver na walang kamalay malay, naging parte ng buhay ni Blythe na naging dahilan ng pagbabago nito. Paano kaya nabago ni Rayver ang mundo ni Blythe nang walang alam o hindi napapansin na naging espesyal na pala siya sa babae? Magkakaroon kaya ng romantikong kwento ang dalawa? O hanggang one-sided nalang ito sa dahilang ang hindi lang nabago na ugali ni Blythe ay ang kanyang pagiging misteryoso na lalong tumindi sa pagdating ni Rayver.

Table of contents

Latest Update1
PAIN4 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - PAIN

Alas 10 ng umaga, dito sa aking study table, at halos most of the time dito ko nilalaan ang bawat oras ko sa paggamit ng energy ko, ako ay nag-iisip. Nagrequest ako kay Daddy ng sariling bahay at hindi naman niya ako matanggihan dahil sabi ko ito lang muna sa ngayon ang magpapasaya sa akin. Yun lang. Tangi kong ginagawa buong magdamag. Habang nag-iisip may notes akong nilalagay sa aking organizer, at minsan nagmemeryenda habang nagbabasa ng libro sa living room pero panay ako sa pag-iisip ng mga pangyayaring naging dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Yung tipong naging strength mo yung weaknesses mo noon. Iniisip ko paano ko nagawang lumaban sa mga panahong iyon na kung tutuosin mismo pamilya ko sinukuan ako. Heto nga't nasa garden ako sa labas, nagmumuni muni habang nakaupo sa wooden bench na malapit sa tabi ng maliit na pond, nakikinig sa mga huni ng ibon at dinadama ang ihip ng hangin. Bata pa lang naranasan ko na ang halos lahat na masasabing masasakit na karanasan na hindi mo aasahang maeexperience ng isang batang tulad ko. Anak mayaman ako. Mayaman pero bakit nahihirapan? Hindi ko totoong mga magulang ang kasalukuyan kong parents ngayon. Malapit na kaibigan ng aking biological father ang daddy ko ngayon at nag-iisa akong anak ng mga Buenaventura na mangyaring isa rin sa mga pinakamayayaman dito sa Valencia. 10 years old ako ng naaksidente ang aking mga parents at kinupkop ako ng daddy ko ngayon at ang tanging problema ko lang ang hindi makaing pakikitungo ng aking step mom at nang kanyang mga halimaw sa ugaling mga anak. Ngayong 17 years old na ako, panay parinig ang Dad ko tungkol sa mga naiwang negosyo at kompanya ng aking mga magulang na parati kong sagot ay "Wala po akong gustong makuha o pamunuan ang mga negosyo at kompanyang naiwan ng aking mga magulang kung ito lang din naman ang magiging dahilan ng pagdanak ng dugo ng mismong aking kapamilya, Dad." Oo. May pamilya pa talaga akong sana ay mas kadugo ko sa side ng aking Mama at Papa ngunit mulat ako sa hindi pagkakaunawaan sa side ni Papa ng dahil lang sa pera at sa side naman ni Mama ay kabaliktaran, ayaw nila akong kupkopin dahil laking mayaman ako, sanay ako sa buhay na iba sa kanila. Alam ng Daddy ko ang history ng pamilya ko dahil nga mangyaring magbest friend sila ng Papa ko. Kahit sabihin man mabuti ang pakikisama ng Daddy ko, hindi parin kami masasabing ganon ka close dahil nga pwede akong maging tatlong tao sa pagkamisteryoso. Pwede akong maging introvert, ambivert at extrovert at sa bawat personality na iyan, ay may nakalakip na pangalan. Si Dawn ang introvert, Blythe ang ambivert at Yasmine ang extrovert. Ginawa ko sila para labanan ang araw araw kong pamumuhay na naaayon sa kung sino ang tamang personality ang makakayang harapin ang mismong sitwasyon na tanging ako lang ang nakakaalam. At least hindi ko masasabing ako lang mag isa, tatlo kami pero si Blythe lang ang kilala ng karamihan.

Mag tatanghali na at pumasok na ako para makapaglunch, habang naglulunch nag isip na naman ako. Most of my childhood pain ay dahil sa pamilya. May dahilan ang aking Lolo at Lola na ama at ina ni Papa kung bakit sa kanya ipinangalan ang halos lahat ng pagmamay-ari nilang mga Buenaventura. Natapos na akong kumain at habang naglalakad pabalik sa study room, ipinagpatuloy ko ang pag iisip. Normal naman ang pagkaka-anak kay Papa ngunit sa 'di mapaliwanag na dahilan, nung kakasimula palang niyang lumakad ay naaksidente ito at naging kuba na paglaki dahil hindi nabantayan ng maayos. Umupo ako sa upuan kung saan andoon rin ang aking study table. Hindi ko alam kung bakit yun lang ang paliwanag ni Papa habang tinatanong ko siya sa nangyari sa kanya, at kaya ako parating nag-iisip ay isa itong sa dahilan dahil medyo doubtful ako sa nangyari, para kasing sinadya ang pagkaaksidente ni Papa. Simula noon, sa tuwing may pagtitipon sa pamilya ni Papa, hindi ko man pinipilit pero ramdam ko ang mga pekeng ngiti, tingin, salita at mga gestures na nagpapahiwatig ng hindi magandang relasyon ng pamilya, pero Papa just never let us feel na ganon. He made sure na maayos ang pakikitungo at pakikisama kasi yun lang yung time na magkakasama sila pero never niya rin ipinafeel sa amin ni Mama na may sama siya ng loob sa mga kapatid kaya nasanay kami ni Mama na parang wala lang nangyayari though may hint na kami sa nangyayari pero ipinapawalang bahala nalang namin kasi yun ang gusto ni Papa. Sa marriage naman ni Papa at Mama, doon ko nasabing maayos na pamilya ang side ni Papa. Oo mayaman sila, at kabaliktaran naman sila Mama pero tanggap ng pamilya ni Papa ang pamilya ni Mama. Siguro si Lolo at Lola lang yung may mabubuti talagang puso sa pag sang-ayon sa kasal, at sana mali ako sa thought na sila lang ang sang-ayon. Siguro ang issue lang talaga sa mga kapatid ay ang mana, pero hindi naman siguro aabot sa point na may masamang mangyayari dahil sa pera. Iyan ang mga sana ko noong lumalaki ako at mulat sa mga nangyayari. Pero nung namatay si Mama at Papa, napagtanto ko ang lahat. Mali pala ako pagdating sa iniisip ko sa mga kapatid ni Papa. Sa pera lang umiikot ang mundo nila. Sigurado ako alam ni Daddy ang mga nangyayari dahil kinupkop niya ako, may rason din siya bukod sa bilin ni Papa na alagaan ako kung may mangyayari mang masama sa kanila ni Mama.

Biglang tumunog ang aking alarm. Pagcheck ko sa phone, ang sabi "WORK". At narealize kong halos magdamag pala akong nag iisip at inabot ako ng gabi. Ngayon nga't magtatrabaho na ako.