KENDI
"Kendrea, where the hell are you?!" nailayo ko ang phone sa tenga ko nang sumigaw si Ate. On the way na ako sa Hotel kung saan gaganapin ang Engagement party ni Ate nang masiraan pa ako ng sasakyan.
"Ate nasiraan ako!" naiiyak na sabi ko rito at lumabas ng sasakyan para mag abang ng sasakyan.
"Ipasundo—" napamura ako nang malobat ang phone ko. Ang tanga Kendrea! Nakalimutan ko icharge ang phone ko dahil nilaro ito ni Hans kanina. Kapatid siya ng jowa ni Ate ni super duper cute.
Bwisit na tinadyakan ko ang gulong ng sasakyan ko. Nasa gitna ako ng kagubatan ngayon at nasa dulo pa ang Hotel. Imposibleng may dadaan pa dito dahil siguradong lahat ng bisita ay nandoon na. Sino ba kasing nag isip na ilagay ang Hotel nila sa dulo ng kagubatan? Pero in fairness sikat ang Hotel dahil maganda at relaxing ang place kung saan nakatayo ito.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang paparating na sasakyan kaya pumunta ako sa gitna para patigilin ito.
"Hey what are you doing?!" bumaba ang driver ng sasakyan at sinita ako. Napataas ang kilay ko sa get up nito. Nakasuit ito pero may face mask at naka shade pa. Nakadrugs kaya ito?
"Pwede pasabay? Nasiraan kasi ako ng sasakyan. Papunta ka din ng Hotel right?" sabi ko rito at ngumiti. Tinitigan muna ako nito bago tumango at pumasok sa sasakyan. Inilock ko muna ang akin tsaka sumakay.
Tahimik lang at walang nagsasalita. Alangan mag usap kami diba eh hindi naman kami close. Pasimple ko itong tinignan na nahuli naman niya.
"What?" tanong niya at dahil nahihiya akong magsalita ay itinuro ko nalang ang mukha niya. Napahawak siya sa face mask niya at inalis iyon kaya napansin ko ang matangos na ilong nito. Hindi niya naman inalis ang shade niya.
"I came from the Hospital." simpleng sabi niya kaya napatango nalang ako.
Nakarating na kami sa Hotel at nakita ko na nag aabang na si Wendy kasama ang mga kaibigan namin. Kaya agad akong nag thank you sa lalaki at bumaba na sa sasakyan.
"Lagot ka sa Ate mo gaga ka talaga!" panenermon ni Wendy at hinila na ako papasok ng Hotel.
"Omg!" naiiyak na sabi ko habang tinitignan si Ate na kayakap ang boss ko. Engagement party nila ngayon at halatang mahal na mahal nila ang isa't isa.
"Nooo!" napatingin ako sa kaibigan ko na bakla na umiiyak at may pahawak pa sa dibdib na tila nasasaktan. Crush na crush kasi nito si boss henry na fiancee na si Ate. Natawa ako kasi talagang totoo ang mga luha ni bakla.
"Magtigil ka nga Wendy." suway ko rito pero inirapan lang ako. Lumingon ako sa paligid para tignan ang mga bisita. Maraming tao at karamihan ay taga dito sa amin pero may mga taga Manila rin na siguradong mga kaibigan ni Ate o ni boss.
Nag-aral kasi ni Ate sa Manila noong college siya at doon rin sila nagkakilala ni boss. Karamihan sa kaibigan ni boss ay mga pogi kaya medyo mahinhin tayo ngayon hihi.
"Let's call Miss Kendrea Chavez for her intermission number." narinig ko ang palakpakan ng lahat nang tumayo ako. Umakyat ako sa stage kung nasaan si Ate at boss. Nakita ko na napataas ang kilay ni Ate nang makalapit ako rito.
"Akala ko ba ayaw mo?" tanong nito. Ilang beses kasi nila akong pinilit last week na kumanta pero ayoko dahil mahiyain naman talaga ako kahit hindi halata. Pero dahil may mga pogi ay syempre magpapakitang gilas ako.
"Dami pogi ih." kinikilig na sabi ko kaya kinurot niya ako pero hindi naman masakit.
"Go Kends!" pag c-cheer sa akin ni boss kaya natawa ako. Suportado talaga ito kapag ang pinag uusapan ay ang paghahanap ko ng lalaki. Ibinigay sa akin ng emcee ang mic kaya nag thank you ako.
Kinanta ko ang Once Upon a Dream na kinanta ni Cinderella. I'm not a fan of Cindirella but my Ate is kaya kahit ayoko syempre para sa kanya. Nagsipalakpakan ang lahat ng matapos ako kumanta at mukhang naluha ang Ate ko.
"Ate naalala mo ba tuwing kinakantahan mo ako ng song na 'yan? Lagi mong sinasabi na ikaw si Cinderella at ako si Anastasia, oh diba napakabait na kapatid ng Ate ko?" natawa ang lahat sa sinabi ko at si ate naman ay napailing nalang.
"Pero Guys ang totoo naman talaga ay ako si Cinderella dahil kung ikukumpara niyo ang ugali ko sa kanya masasabi niyong ako ang mas mabait." nag sigawan ang mga barkada ni Ate at sinang-ayunan ako. Kaya binato ako ni Ate ng bag niya.
"I love you Ate! Thank you for everything lalo na sa mga pangaral mo na umaabot ng dalawang oras. I know boss will take care and love you forever. Congratulations for the both of you!" sabi ko at niyakap ito na umiiyak na ngayon. I'm so happy for her. Anastasia already met her prince kailan kaya ako?
It's already midnight at natapos ang party ng eleven. Boss decided na dito na kami mag stay sa Hotel kasama ang iba pang guest. Ang pangit naman daw kung uuwi kami at iiwan sila dito.
Nasa rooftop ako ng Hotel kung saan may tambayan at may bar counter na may bartender. Nasa sampung tao nalang ang nandito sa taas. Mag-isa nalang ako na umiinom dahil nagsibabaan na ang mga kaibigan ko. Pagkatapos kasi ng party ay dumiretso agad kami dito at nag inuman.
Medyo hilo na ako pero kaya ko pa naman. Kinuha ko ang isang beer can para inumin pero may umagaw dito.
"Drinking alone, Cinderella?" napatingin ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko.
Hindi ko ata napansin ang paglapit niya tsaka medyo pamilyar din ang boses. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil nasa madilim na parte kami ng rooftop. Tinawag niya akong Cinderella ibig sabihin ay guest ito nila Ate at narinig ang speech ko kanina.
"Who are you?" tanong ko rito.
"I'm your future prince." sabi nito kaya napairap ako kahit hindi niya naman makikita dahil madilim.
"Cinderella met her prince in the forest." pabalang na sabi ko. Bigla itong natawa kaya napatingin ako rito.
"Tawa?" pambabara ko.
"Sorry but we met in the forest." napakunot noo ako sa sinabi niya.
"Ha?"
"Nakisakay ka pa nga sa akin eh." sabi niya at halata dito ang accent dahil nag tagalog siya.
"Hala! Ikaw 'yung lalaki kanina?!" sigaw ko rito na mas nagpatawa sa kanya.
"Ian!" napatingin kami sa lalaking sumigaw. Napatayo naman ang lalaking katabi ko at lumapit rito. Nasa maliwanag silang parte pero hindi ko pa rin nakita ang mukha nito dahil nakatalikod sa gawi ko.
Tatayo na sana ako pero naramdaman ko ang pagsakit ng paa ko kaya inalis ko muna ang suot kong stiletto at inilagay sa tabi ko.
"Hey I need to go." napatingin ako sa lalaki na papalapit na sa akin ngayon. Wow, gentleman nag paalam pa talaga ah?
"Okay ingat," sabi ko sa kanya pero hindi ito gumalaw at nakatingin lang sa akin.
"Bakit?" tanong ko.
"Cinderella accidentally left her glass slipper right?" napatango nalang ako kahit hindi ko naman alam kung anong patutunguhan ng sasabihin niya.
"That's the reason why the prince found and married her," he said at napakamot siya sa kanyang batok.
"And I really want to see you again." sabi niya kaya napanganga ako, ano daw?
"So yeah, see you again!" biglang sabi niya at tumakbo na paalis. Napatanga nalang ako at kalaunan ay napailing.
Hindi ko na gets yung sinabi niya hays. Sa tingin ko nakadrugs talaga 'yon.
"Hoy Kendrea! Kanina pa kita hinahanap." nakita ko sina Ate at boss na papalapit sa akin. Tumayo ako para sana salubungin sila pero naramdaman ko ang lamig sa paa ko. Lumingon ako sa upuan at nanlaki ang mata ko.
Nasaan ang stiletto ko?!
Lumuhod ako para tignan ang ilalim ngunit wala doon.
"Anong hinahanap mo?" tanong ni Ate pero hindi ko siya pinansin at inalala ang nangyari kanina.
"Cinderella accidentally left her glass slipper right?" napatango nalang ako kahit hindi ko naman alam kung anong patutunguhan ng sasabihin niya.
"That's the reason why the prince found and married her," he said at napakamot siya sa kanyang batok.
"And I really want to see you again." sabi niya kaya napanganga ako, ano daw?
"So yeah, see you again!" biglang sabi niya at tumakbo na paalis. Napatanga nalang ako at kalaunan ay napailing.
See you again!
See you again!
See you again!
Napasinghap ako.
D-did that guy just stole my stiletto?!