Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

BAHAGI NG ATING KABANATA (On-going)

🇵🇭scribble_web
--
chs / week
--
NOT RATINGS
38k
Views
Synopsis
"Sa bawat kuwento ay may kani-kaniyang kabanata." -Diego Guevarra
VIEW MORE

Chapter 1 - Unang Bahagi

"Sa bawat kuwento ay may kani-kaniyang kabanata."

-Diego Guevarra

Taong 1905

Gabing-yaon, abala ako sa pagbuklat nang aklat na inilathala ni Dr. Jose Rizal. Kusang tumataga sa aking damdamin ang bawat letra na nagmula sa kaniyang panulat. Sinasaksak nito ang aking damdamin habang patuloy kong muni-muning basahin. Di pa nalalaunan sa pagbabasa ay ako na ay napapahanga sa kaniyang obra. Buong maghapon akong namalagi sa aking silid at walang balak na pumanhik sa labasan. Sa kaniyang obra ay nakilala ko ang katiting na nakapaloob sa kaniya. Hindi maitatanggi kung bakit siya ang hinirang na bayani.

Napatigil ako nang pumasok si Ama. Mababakas sa mukha nito ang kasiyahan nang masilayan akong nagbabasa ng mga libro. Marahang yumuko si Ama sa aking binabasa. "Ama, lubos akong nalulugod sa ipinapakitang kagandahang-loob ni Rizal."

"Iyan ang bunga ng pag-ibig sa bayan, Diego." Kusang kumurbada ang ngisi sa aking labi. Ngunit, sa kabilang-banda'y nakakitaan ko nang kahambal-hambal na pangyayari ang naglalaro sa kaniyang balintataw.

"May bumabagabag ba sa'yo Ama?" wika ko.

"Wala Diego. Itigil na muna ang pagbabasa at ipagpatuloy iyan mamaya pagkatapos ng hapunan. Kailangan na nating dumulog sa hapag sapagkat ang iyong Ina ay tapos nang maghanda." Tumango ako at sabay naming tinahak papalabas ang aking silid.

Walang imik na kumakain sila Ina't Ama. Ako nama'y lumalawig ang isipan sa ibang lugar. "Ina, may katanungan sana ako sa inyo ni Ama."

Bahagyang napatingin siya kay Ama bago ako tinapunan ng tingin. Kalauna'y napatingin si Ina sa aking naroroon. "Ano iyon Diego?"

"Ang pag-ibig nga ba'y talagang masaklap?" saad ko. Animo'y napangiti ang aking Ina ganoon din si Ama.

"Ikaw naba'y nakaranas na ng pag-ibig Diego?" anang Ama.

"Wala po Ama. Sadiyang nais ko lang pong malaman nang maigi ang tungkol sa pag-ibig. Sapagkat ang aking alam sa salitang iyan ay hindi katulad nang malalim na bangin," may bahid nang pagngisi habang iwinika ko iyon.

"Nagagalak ako at ang iyong Ina. Na sa tuwing may katanungan at may dumadapong kalituhan sa iyong isipan ay walang pag-alinlangan kang naghahanap nang kasagutan. Kahit sa mura mong edad na iyan," mahinahong wika ni Ama.

"Ang pag-ibig ay hindi talaga masaklap Diego. Sa katunaya'y ang pag-ibig ay masarap. Maihahalintulad ito nang bulaklak at paru-paro. Ang paru-paro'y kusang dumadampi sa bulaklak. Sa kalaunan ng pag-iibiga'y humahalimuyak," ang mahabang sagot ni Ina.

"Katulad po ng pag-ibig ni Rizal sa bayan, na nagbubunga ng kalayaan?" Tumango si Ina at Ama.

"Ngunit, kaakibat nang pag-ibig ay pagdurusa Diego. Hindi sa lahat ng pagkakataon ito'y maganda. Kaya nabulalas mo na, ito'y masaklap. Ngunit, ang pag-ibig ang siyang hindi nagpasaklap sa sarili nito kundi ang mga balakid na yumuyugyog," mahabang pagpapaliwanag ni Ama.

"Tila ganon pala iyon, kaya pala kahit sa pag-ibig ni Rizal sa bayan ay napuna niya ang pagkapaslang." Napapaisip pa ako. "Ngunit kahit sa nagbabadyang unos at matinding dagok ng pag-ibig ay nagbubunga ito ng kasaganahan, lalo na't may pagsasakripisyo," dagdag ko.

"Tama ka Diego." Namayani ang kaluwagan nang mukha ni Ama't Ina nang marinig ang aking mga winika. Isang makabuluhang tingin ang kanilang ipinugal.

Hinayaan kong lapastangin ng aking isipan ang tungkol sa salitang pag-ibig upang hindi ito mawala o katkatin.

"Nais kong maranasan ang tinatawag na pag-ibig, Ina at Ama." Mas tuluyan silang napigil sa pagkain. Tilang hinalukay ang katahimikan na nagbulabog sa simulang pagkain at ngayo'y nagpagising sa katauhan.

Date Started: May 01, 2020

©Scribble_Pensword