Chereads / Inside the Attic / Chapter 2 - Chapter One

Chapter 2 - Chapter One

•|•

Chapter 1

Song: Beauty and the Beat

Show you off, tonight I wanna show you off (aye-aye-aye)

What you got, a billion could've never bought (aye-aye-aye)

I am listening to my favorite song while cleaning my room. My friends, Tristan, and Phoebe will coming here para tumambay. Sa lahat ng mga kaibigan ko, silang dalawa lang ang nag-stay. I shoo them all because of my damn illness but that two never leave me. Walang sikat ng araw ang makatagos sa makapal kong kurtina na nilagay nila mom and dad.

We gonna party like it's 3012 tonight

I wanna show you all the finer things in life

So just forget about the world, we young tonight

I'm coming for ya, I'm coming for ya

I fixed my bookshelves and my bed. Naligo ako pagkatapos kong maglinis. After a few minutes ay may kumatok sa aking pintuan. They hug me as if they didn't see me yesterday. Pumasok sila at nahiga sa kama ko.

"Shocks! May pasok na bukas nakakatamad." Phoebe rolled her eyes.

"May bago ba ron? Palagi ka namang tinatamad." pang-aasar ni Tristan. Phoebe throw my pillow to him.

Hindi ko pa rin maiwasang mainggit sa kanilang dalawa. They can go outside, but me, nevermind. Home school ako because of my condition. Tuwing lunes hanggang biyernes ay dumadating ang mga professor na hinire ni daddy.

"Palibhasa kaya ka excited pumasok kasi mambababae kalang." sabi ni Phoebe.

"Hindi a. Good boy kaya to!" depensa ni Tristan.

I mentally rolled my eyes because what he said. Well, Tristan is a certifide playboy base on what I've heard. Even in the social media nakikita ko ang kalandian niya. To be honest, he's handsome. He's a moreno type of guy, pwede siyang isali sa samahang Tall, dark and handsome.

"Ha-ha joke ba yun?" sarkastikong tanong ni Phoebe.

"Hindi. May narinig kang joke?"

Hanggang sa parehas na silang naghampasan ng unan ko. Goodness! Bakit nga ako nagkaroon ng ganitong mga kaibigan. Kakaayos ko lang ng kwarto ko pero heto sila at ginugulo ulit. But I admire their closeness. Hindi lang sila magpinsan, magbestfriend din silang dalawa.

"Alam nyo kayong dalawa pagbubuhulin ko na." sabi ko.

"Sana kasama ka rin namin twing papasok kami sa school." malungkot na sabi ni Phoebe.

Nagkaroon ng katahimikan. Of course, I really wanted to go to school with them. Pero hindi pwede. Dahil ikamamatay ko kapag lumabas ako sa silid na ito.

"Ang drama mo Phoebe! It's okay as long as nag-aaral kayo ng mabuti. Para na rin akong pumapasok non." sagot ko.

"Hays, wala akong kasamang mag-boy-hunting." aniya saka kami tumawang dalawa.

"Kahit kasama mo si Ai walang magkakagusto sayo."

I smiled. Marami akong gustong gawin, pero dahil sa sakit ko, naglaho na lang iyon ng parang bula. Siguro nga hanggang dito nalang ako. At hindi na ako aasang babalik sa dati ang lahat.

"Hey darling your teacher is here." my mom approached me.

"Sige na Ai alis na kami." tumango ako. I fixed my bed again. Pumasok ang bago kong professor.

Pinagmasdan ko siya. I think she's not yet old. Siguro nasa mid 30's palang siya. She smiled at me.

"Hello Aires. I'm your teacher today, just call me Mrs. Lina." nakangiting sabi niya.

"Hello po Mrs. Lina."

Tatlong sunod-sunod na professor ang dumating sa bahay. And I was bored as fvck. Three more subjects to go at matatapos na rin. Habang hinihintay kong dumating ang ikaapat kong guro ay biglang umulan. Tumitig ako sa makapal na kurtina ng aking bintana. Simula nong araw na iyon, hindi na ako sumilip pa sa labas. Hindi na ako naging interasado sa kung anong meron don.

Subalit natagpuan ko na lamang ang aking sarili na dahan-dahang tinatabing ang kurtina. Damn! I am not interested anymore but here I am. My eyes are stuck with those droplets of rain. The skies are dark and I know you find it weird but, the sounds of the rain are so relaxing.

I saw some kids playing. Hindi alintana ang malakas na ulan. Yes, I said that I already accepted what happened to me. Pero nalulungkot pa rin ako. Bakit sa lahat ng tao ako pa? Am I a bad person? May nagawa ba akong mali noon? Those questions are keeps on bugging me. Searching for an answers.

Nahagip ng aking mata ang isang kotseng kulay itim. Lumabas mula roon ang isang tao, hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa suot niyang itim na hood. Pero sa postura ng kanyang katawan sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad naming dalawa.

"This is unexpected! My shoes are wet." aniya. Damn his voice! Sinalubong siya ng isa pang lalaki.

"I told you, uulan bro. Ayan white shoes pa." sabi ng kanyang kasama.

The man wearing a white jacket is handsome. He is so white at tingin ko ay matangkad ito. Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang malalalim niyang dimples. But that's not my concern. I don't know why pero gusto kong makita ang itsura ng lalaking kasama niya.

"Yeah whatever. Go get my towel." sabi nito.

Pumasok ang lalaki sa loob. And there he is, tinanggal niya ang hood sa kanyang ulo. Kumpara sa isa, he has a black hair. Maputi rin siya and I think he is handsome. Mabilis pa sa alas kwatrong sinara ko ang bintana. Oh goodness! He's looking at me. Nahuli niya akong nakatingin! My heart is beating so fast.

"That's weird."

Muli akong sumilip sa bintana at hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil nakaramdam ako ng lungkot. When will I meet him again? Oh no! What are you thinking Aires? Hindi kayo magkikita kahit kelan. At kung mangyari man yun, hindi niya pagkakainteresan ang isang kagaya kong takot sa araw.

"Argh! Stop thinking that man Aires." ginulo ko ang aking buhok. Huminga ako ng malalim at pilit kinalimutan ang lalaking yun. Bigla akong natulala at saka narealized na hindi ko nakita ang kanyang mukha. Oh damn!

"Miss Aires are you okay?"

Nagulat ako nang magsalita ang aking guro. Tumango na lamang ako at ngumiti. I sat on my chair again and listen. Subalit paminsan-minsan ay napapatingin ako sa bintana.

"You are so smart Aires. Sayang nga lang talaga at hindi ka makakapasok sa school because of your condition." malungkot na pahayag ni Miss Ana.

Ngumiti ako ng pilit. "It's okay Miss Ana. May mga bagay talaga na hindi na pwede."

"But you know what, siguro kung pumapasok ka school, you will be a top student. Magkakaroon ka rin ng maraming kaibigan don."

It's already six pm. Binuksan ko ang bintana at sumilip sa labas. And I was amazed by the those stars in the sky. Sobrang daming stars ang nagkalat sa buong kalangitan. Ganito pala kaganda ang gabi. Kinulong ko na kasi ang aking sarili at nangakong hindi na sisilip o titingin pa sa labas ng silid na ito.

Abala ako sa pagtingin sa kalangitan nang makarinig ako ng yabag.

"Darling, your friends are here." my mom smiled at me, but I know she is sad.

"Hindi kana lumalabas kahit manlang sa salas. Come on darling." aniya saka bumaba.

My feet started to move. Dinig ko ang mga malalakas na tawa nilang lahat. I saw mom and dad sweetness again.

"Nako tita wag kayong maniniwala sa hambog na ito. Babaero talaga to." sabi ni Phoebe.

"Hoy grabe ka! Kasalanan ko bang gwapo ako?"

"Stop playing girls Tristan. They don't deserve to be played, they deserve to be love kahit ano pa sila." that's why I really admire my dad. Saksi ako kung paano mahalin at alagaan ni daddy si mommy pati na ako.

Tumago ako sa dingding at pinunasan ang aking luha. Bakit ko nga pinapahirapan ang sarili ko? Huminga ako ng malalim.

"C-can I join?"

My dad look at me. Bakas sa mga mata niya ang iba't-ibang emosyon. Sadness, worried, longing, at happy. Iyon ang nakikita ko sa mga mata niya. He hug me so tight and kiss my temple. Muling tumulo ang aking luha. Am I selfish? For not thinking about them? Maybe yes. Because of my sickness , I forgot that there are someone who never leave me. Who loves me.

"I'm sorry dad." umiiyak na sabi ko.

"Shh it's okay my princess. I understand you. I am so glad that you came here to see us. We miss you so much. I miss my beautiful princess."

"Okay lets party!" sigaw ni Phoebe at binuksan ang wine.

We danced, we sing and we talked. Puro tawanan ang maririnig sa buong kabahayan namin. Phoebe was drunked to the point na kung ano-ano nalang ang sinasayaw at kinakanta niya. Last night was the happiest night.

Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock. Masakit ang ulo ko dahil sa hang-over. Bumangon ako at saka naligo. Pagbaba ko ng hagdan ay naamoy ko ang mabangong pagkain na niluluto ni mommy. My dad is busy reading his newspaper.

"Good morning darling." masayang bati ni mom.

"Morning mom and dad."

Umupo ako at kumuha ng bacon. While I am having my breakfast, I saw a familiar car. That black car. Inabangan ko ang lalabas don. Nanlumo ako dahil hindi siya ang lumabas kundi ang isang lalaki na kasama niya kahapon.

"Dad, kilala mo ba kung sinong nakatira sa tapat natin?" tanong ko.

"I think they are the Dawson family. Yung may-ari ng mga resorts, right hon?"

"Yeah. Why?" tanong ni mom.

"Nothing."

"If I'm not mistaken, they have four sons. Matatalino at gwapo silang apat." sabi ni mom habang nagluluto.

Apat silang magkakapatid? Imagine kaharap mo silang apat and they are all handsome. Goodness! Ewan ko lang kung makasurvive ka. Nang dumating ang gabi, dumating ang magpinsan para yayain ako sa Circus.

"Dali na kasi Ai, mag-eenjoy ka ron." pagpupumilit ni Phoebe.

"Oo nga Ai, lumabas ka rin naman paminsan-minsan. You know, to enjoy." sabi naman ni Tristan.

Sa huli ay napapayag nila ako. Pinaalam nila ako kina mom at dad, na pumayag din. Mabuti nga raw iyon para sakin. Pagtapak ng paa ko sa labas ay natigilan ako. This is it. Nilanggap ko ang simoy ng hangin.

"Mag-iingat kayo ha?" paalala ni mom.

Nang makarating kami sa circus ay bumungad sakin ang maraming tao. Nabalot ng sigawan, tawanan at musika ang paligid. Lahat sila ay masaya at tila walang problemang dinadala. Maybe they're right. Maybe I should make myself happy too and enjoy.

"Excited na ako sa mga rides!" masayang sigaw ni Phoebe.

Halos lahat na ata ng rides ay sinakyan na namin. Even that freaking roller coaster na halos bumaliktad ang aking sikmura. Damn! I will never try that ride again!

"Kumain na muna tayo tapos ang last nating sasakyan is ferris wheel. Masaya yun!" hindi ata nauubos ng energy si Phoebe.

Nanonood ako habang kumakain kaming tatlo. Natatawa ako kapag sumisigaw yung mga tao sa roller coaster kapag bumabaliktad at bumababa sila.

"Feeling ko naiwan ko ang kaluluwa ko sa taas. Hindi na ako sasakay sa bwisit na roller coaster na yan, never!" sigaw ko. Nagtawanan kaming tatlo.

"Let's go na!"

Masakit ang aking tiyan dahil sa kakatawa. Umatake na naman kasi ang pagkabaliw ni Phoebe. Inuuga niya ang sasakyan namin dahilan upang kabahan at mamutla si Tristan.

"Stop! You crazy woman! I will kill you after this!" galit na sigaw ni Tristan habang nakahawak ng mahigpit.

Subalit wala atang narinig si Phoebe. Patuloy lang siya sa pag-uga ng sinasakyan namin. Tristan is afraid of height, kung bakit namin siya kasama ngayon? Of course pinilit namin.

"Pigilan mo sya Ai!" nagmamakaawang sabi ni Tristan. Sa huli ay pigilan ko si Phoebe. Baka mamaya mahimatay pa siya.

"May fireworks!"

Mula sa madilim na kalangitan, nagsabog ang iba't-ibang kulay ng paputok. Kinunan ko ito ng video. Ngumiti ako, hindi pilit kundi isang totoong ngiti. Masaya ako, dahil nandyan sila para pasayahin ako. Mula sa araw na ito hindi ko ikukulong ang aking sarili sa kalungkutan.

"Thank you." ngumiti silang dalawa at niyakap ako ng mahigpit.

It's saturday in the morning and I am here in my room, reading my new book. Walang nakatabing na kurtina sa aking bintana subalit hindi naman nadadapuan ng sikat ng araw. Nang masawa ako sa pagbabasa ay kinuha ko naman ang aking gitara.

If I'm not sick, I was planning to join to a band. But sadly, it won't happen anymore. I also want to be a varsity player in volleyball. Go shopping and tan my skin. I strum my guitar and sing.

Song: Hindi na Nga by This Band|

Ang lahat ay nagbabago

Ganon din ang puso ko

Di alam kung pa'no aamin

Kung dapat bang sabihin to

Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang bawat lyrics ng kanta. The truth is, I never been in a relationship. I don't know what's the feeling of being inlove. Kasi wala pa akong nagugustuhan. At walang nagkakagusto sakin.

Ngunit kaylangan ng tapangan at

Sabihin ang nararapat na hindi na nga

Hindi na nga.

Alam kong mali na

Pero di ko kayang bumitaw

Ika'y masasaktan dahil pangako

Ko'y walang iwanan

Alam kong huli na

Alam kong hindi na nga mahal

And when I open my eyes, I saw a handsome man looking at me. Mula sa kinauupuan ko, kita ko kung gaano siya kagwapo. He has a black hair, white skin and brown eyes. Dali-dali akong tumakbo papunta sa bintana at sinara ang kurtina. Oh God! Kanina pa ba niya akong pinapanood? Damn! Hindi naman siguro ako pumiyok kanina, nakakahiya yon.

"Holy crap why am I acting like this?"

Dahan-dahan akong lumapit sa bintana at sinilip ang lalaki. Wala na siya ron. Sumandal ako at huminga ng malalim. Finally I saw his face. Muling rumihestro ang mukha niya sa aking utak. Argh! This is not good.

Tinawagan ko si Phoebe. Wala naman siyang pasok today. Wala pang ilang minuto ay dumating na siya.

"So what now Aires? Siguraduhin mo lang na worth it yang sasabihin mo para ipagpalit ang masarap kong tulog." aniya at tumabi sakin.

"Do you have crush?" tanong ko.

Mula sa inaantok niyang mata ay nanlaki iyon.

"Do you have a crush? Gosh sino? Saan mo nakita? Gwapo ba?" sunod-sunod niyang tanong.

"Hey, ako unang nagtanong e." sagot ko.

"My gad Aires sa daming gwapo sa school hindi ko na mabilang ang crush ko. So sino nga?"

I bit my lower lip. Do I really have a crush on him? Ba't ang bilis naman ata? Ganon ba yun?

"Kanina ko lang siya nakita. And yes, he's handsome. Err he's our neighbor." sagot ko. Niyugyog ni Phoebe ang aking balikat.

"Oh my gosh Ai dalaga kana! Sino?!"

"I don't know what his name. Pero Dawson ang surname niya."

Natigilan si Phoebe at hindi makapaniwalang tiningnan ako. What? Kilala niya ba yun?

"How did you know them? Apat ang Dawson na pumapasok sa school namin and they are all famous. Sino sa kanila? Wait isesearch ko mga names nila sa facebook then sabihin mo kung sino."

Binuksan niya ang kanyang facebook at nagtype ng mga pangalan. Apat na litrato ang pinakita niya sakin.

"So this is Harry Dawson, a famous swimmer in our school. Suplado siya, well lahat silang magkakapatid suplado pero mas suplado to. He is an architecture student. Ano sya ba?" tanong ni Phoebe.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Harry Dawson. Totoo ngang gwapo silang lahat. But his sleepy eyes really caught my attention. Parang walang emosyon. He has a brown hair and white skin too.

"Hindi siya." sagot ko.

"Thanks God hindi siya. Mabobored kalang pag naging jowa mo sya. Sobrang tahimik. So here's the second Dawson. Grey Dawson, a basketball player slash captain ball. He is a chemical engineering student. Bihira mo lang siya makikitang ngumiti yon ay pag kasama niya ang jowa niya. I hope this is not your crush, he's already taken." paliwanag niya. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. How did she know all of this? Stalker na ba ang kaibigan ko ngayon?

"Not him. Wait, how did you know all of this?"

"Duh! Kahit sino kilala sila. Oh eto, si Noah Dawson. He is a soccer player and an artist. Magaling siyang mag-drawing obviously and last year lang nagkaroon siya ng exhibit." muli akong umiling. Lahat sila gwapo pero ewan ko ba pero siya talaga yung gusto ko.

"Siya yun!" sabi ko sabay turo sa kahuli-hulihang larawan.

"Really? Si Adam Dawson ang type mo? Congrats sa kanilang apat ito ang maayos-ayos. He is a medicine student, a singer, composer, and can play instruments. Mabait din siya and approachable, minsan. So siya ang iyong prince charming. Oh my gosh! Naiimagine ko ang love story nyong dalawa. "

Adam Dawson. What a beautiful name. Sumilay ang ngiti sa aking labi, finally, I know him.

"OMG! Iba na yang ngiti mo Ai ha. Nako!"

"You know what, I should forget him. Hindi niya ako magugustuhan because I'm freak." matabang na sabi ko. Napangiwi ako sa hampas ni Phoebe sa aking balikat.

"You're not freak! May sakit ka lang. Magugustuhan ka nya kasi maganda ka, matalino, talented." sagot niya.

"That's the reason, I'm sick. Do you think a guy like him will like me too? We can't go on a date."

She hug me. My tears started to fall. Tama naman ako hindi ba? No one will love me. At isa na rin siguro iyon s mga tatanggapin ko.

"Don't lose hope Ai. Someday, you will find a man who will truely love and accept you. Kung hindi mo siya mahanap, sya mismo ang hahanap sayo. Remember that."

"Aish! Bakit ang drama natin? Stop na nga." ngumiti ako at pinunasan ang aking luha.

Nagtagal si Phoebe sa amin at kinuwento niya ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol kay Adam Dawson. Nagtataka pa rin talaga ako dahil ang dami niyang alam.

"Nagka girlfriend naba siya?" tanong ko.

"Yes. If I'm not mistaken tumagal sila ng one year. Hindi ko lang alam kung bakit sila nagbreak. Sabi may nagcheat daw." sagot ni Phoebe.

I sighed. Ang swerte ng babaeng nagustuhan niya. Paano ba magmahal, romantically? I want to feel that kind of love.

"May nililigawan na ba sya ulit?" muli kong tanong.

"Wala ata. Busy yun e. Anyway, gusto mo sumama samin ni Tristan mamayang gabi? Pupunta kami sa Bar."

Gusto kong pumunta sa bar pero siguradong hindi ako papayagan nina mom and dad. Hindi raw kasi maganda sa isang babae ang pumunta ron.

"My mom won't let me go there Phoebe and you know that." sagot ko.

"Duh! Edi sabihin natin kina tita na pupunta ulit tayo sa Circus. C'mon, I know you wanna go there and this is the right time." aniya.

"Really Aires? Ganyan ang suot mo? Para kang naligaw na college professor na strikto. Palitan mo yan." reklamo ni Phoebe.

I rolled my eyes. Anong masama sa jeans at blouse? May dress code ba sa bar?

"Malay ko ba kung anong isusuot." nakasimangot kong sagot.

"Eto! Maganda to! Suot mo na." inabot niya sakin ang green dress hapit s aking katawan. Above the ang haba.

"Sure ka?"

Pinatungan ko ng denim jacket ang suot ko. Hindi ako komportable sa dress dahil feeling ko ay mahuhubaran ako. Nang makababa kami ay tiningnan ni mom ang aking suot. Oh gosh! Mahahalata ba kami?

"Wow! You're gorgeous darling. Please be careful okay?"

"Yes mom!"

Sumakay kami sa kotse ni Tristan. This is it! Pagdating namin sa bar ay bumungad sa akin ang mga naglalarong ilaw. At tama nga si Phoebe, magmumukha akong college professor na strikta kapag sinuot ko iyon. Their dress are very seductive.

"Let's go!"

Pagpasok namin sa loob ay nakita ko ang mga taong nagsasayawan at tila wala na sa sarili. Sa kabila naman ay napangiwi ako. They are flirting, kissing and drinking alcohol.

"Wag kayong sasama kung kani-kanino ha." sabi ni Tristan at uminom ng di pamilyar na alak.

"Where you going?" pasigaw kong tanong dahil sa lakas ng music.

"Mambababae yan Ai. Hayaan mo siya." sagot ni Phoebe.

Yeah. Ba't pa nga ba ako nagtanong. Wala pang isang minuto ay nakita ko na si Tristan na may kasamang babae. Geez! Playboy talaga kahit kelan.

"Hey ladies, wanna drink with us?" isang lalaki ang lumapit sa amin. He's handsome but I don't like the way he look at us.

"We don't drink sorry." sagot ni Phoebe.

"I'm Mark by the way." aniya saka inilahad ang kamay.

"Balita ko lahat daw ng Mark manloloko? Get lost!" mataray na sagot ni Phoebe.

Hinampas ko ng mahina si Phoebe. Napakasungit niya talaga sa mga lalaki kahit kelan.

"Kaya ka siguro hindi nagkakaboyfriend kasi masungit ka. Niyayaya mo pa akong mag boy hunting." nakangising sabi ko.

"I don't like him. Mukha siyang manyak." nagtawanan kaming dalawa.

"Tara sumayaw Ai!"

Hinila niya ako papunta sa dance floor. Wala na akong nagawa kundi ang sabayan ang kabaliwan ng kaibigan ko. Nagsigawan ang mga tao sa bar. Hindi sinasadyang napasandal ako. Ewan, pero biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Dahan-dahan akong humarap and there is he. Adam Dawson!

"You're the girl in the attic." aniya.

Damn his eyes! It makes me weak. At mas gwapo siya sa malapitan. Holy crap! Someone please help me here! I'm infront of the man I like.

"I'm Adam Dawson. And you are?"

"A-aires. Aires Becker." sagot ko.

Nagwawala ang aking puso. Feeling ko bigla nalang akong mawawalan ng malay. The music change from rock song to a love song. Hindi ko alam ang gagawin. Lahat ng nasa dance floor nakikipagsayaw.

Inilahad niya ang kanyang kamay sakin.

"Wanna dance?" tanong niya. Tiningnan ko ang kanyang kamay. Should I accept it? Dahan-dahan kong inangat ang aking kamay.

He hold my hands and put it on his shoulder. Tila nakaramdam ako ng kuryente nang hawakan niya ang aking bewang.

Song: Best Part|

You don't know babe

When you hold me

And kiss me slowly

It's the sweetest thing

Nagsimula kaming sumayaw. Tila nagkaroon kami ng sariling mundo. We're looking at each other.

And it don't change

If I had it my way

You would know that you are

Is this what they call love? Ganito ba ang pakiramdam non? Mabilis ang tibok ng aking puso. I feel so happy.

You're the coffee that I need in the morning

You're my sunshine in the rain when it's pouring

Won't you give yourself to me

Give it all, oh

Parang ayaw ko nang matapos ang gabing ito. If I have the power to stop the time. Gusto ko pa siya makasama.

"Ai tara na!" natauhan ako bigla nang marinig ang boses ni Phoebe.

"I, I have to go bye." sabi ko at umalis subalit hinawakan niya ang aking kamay.

"Can I have your number?" tanong nito.

"San kaba galing ha Aires? Akala ko may kumuha na sayo." nag-aalalang tanong ni Phoebe.

"Wala. Dyan lang." sagot ko.

"Wait, parang kakaiba yang ngiti mo. Para kang sinagot ng crush— oh my gosh! You need to tell me that."

Alas nuwebe na kami nakauwi. Habang nasa kwarto ako ay hindi pa rin mawala sa aking isip ang nangyari kanina. Nakasayaw ko ang lalaking gusto ko. Did he like me? Tumunog ang aking cellphone kaya dali-dali ko itong sinagot.

"Hello?"

"Wow! Excited sagutin? May inaantay? Magkwento ka bilis!" si Phoebe pala.

Nadismaya ako bigla. Akala ko pa naman tatawagan niya ako. Siguro hindi niya ako gusto.

"We danced." sabi ko.

"OMG! Really? How?" excited na tanong niya.

"I bumped into him. Then he introduced himself to me and then niyaya niya akong sumayaw. At kinuha niya cellphone number ko." kinikilig kong kwento.

"Magkakalovelife kana. I'm so happy for you my bff."

Tumunog ang aking alarm clock dahilan upang magising ako. Hinagilap ko ang aking cellphone at napabalikwas ako nang makita ang isang mensahe.

Hey this is me, Adam Dawson. Are you free tomorrow?

Nagtatalon ako sa tuwa. He texted me! Sinave ko ang kanyang numero sa aking cellphone.

"Good morning mom, dad." masayang bati ko.

"What's with that smile darling? Masaya ka ata ngayon?"

"Nothing mom. Maganda lang talaga gising ko."

Kumuha ako ng tinapay at gatas at naupo sa sopa. Anong irereply ko?

Ow it's you. I'm not free every morning kasi may ginagawa kami ng family ko. So twing gabi lang ako available, why?

I bit my finger. I know it's not right but I'm afraid he will avoid me after he know my condition. And that hurts. Alam ko rin na malalaman niya iyon pagtagal, but I just want to be happy. Kahit ngayon lang.

//:🌿