Chereads / Crazy In Love With You [BOYXBOY] / Chapter 1 - Chapter 1: James

Crazy In Love With You [BOYXBOY]

🇵🇭LIAM_SKETCHY
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1: James

Naglalakad ako ngayon papasok saaming University, although may konting kalayuan din naman mula sa bording house na tinutuluyan ko. Anyway, magpapakilala pa ba ako? Of course, yes. Ako nga pala si James Santillan, 19 years old, Taking BSBA Major in Banking and Finance. Mag isa na lang akong nabubuhay sa mundo, wag kang literal baka hilahin ko dila mo. Ang ibig kong sabihin ay wala na akong mga magulang, maaga akong naulila dahil sa isang aksidenteng napagbintangan ang aking mga magulang na hindi naman sila ang may kasalanan. 7 years old ako nun nang mangyari ang krimen na yun sa mismong tahanan namin.

Pero syempre, tama na ang pag-iemo, kaaga aga e. Ako na lamang ang bumubuhay sa sarili ko, working student ako at isang scholar ng bayan sa Unibersidad na pinapasukan ko. Oo, at malalaman nyo rin kung sino talaga ako, Bakla, gay, paminta durog o buo, bahala kayo! Gay discreet ang tawag ko sa sarili ko. Hind ako cross dresser o nagmemake up, basta ayun na yun.

Matapos kong ilahad ang ilang pangyayari saaking buhay at kung mamalasin ka nga naman pala, aga aga e. Nakasalubong ko pa ang hinayupak kong ex at kasama pa nito ang pangit nyang ka-on ngayon. Nadapo ang paningin ni bakla saakin at tinaasan ako ng kilay, mukhang nagpaalam si bakla sa BOYFRIEND nyang hinayupak.

Maglalakad na sana ako ng may biglang tumawag saakin at nang galing ito sa may likuran ko.

"Hey, bitch!" Maangas na pagtawag nito saakin. Napangisi naman ako sa itinawag nya saakin.

"Oh? Ikaw pala? Sino ka ba?" Maang maangan kong tanong sa ting-tingin na kaharap ko ngayon.

"Still bitter?" Loko to ah! Ako bitter kanino dun sa hinayupak nyang boyfriend? Gago ba ako para gawin yun.

"Ako ba sinasabihan mo?" Taas kilay kong pagtatanong sa kanya. Agad naman syang napatawa ng plastik, well bagay sa kanya.

"Ofcourse, ikaw lang naman ang kausap ko rito, may iba pa ba?"

"Wala naman, baka kasi naghahallucinate kana or baka naman bukas yang third eye mo kasi akala ko hindi ka saakin nakatingin e" agad nag iba ang kanyang aura, kung kanina ay plastik ngayon naman ay nagtatransform na ito sa evil form.

"Well, para sabihin ko sayo, wala akong third eye. At paalala ko lang sayo, kaya ka iniwan ng ex mo kasi hindi ka magaling. Performance? Bagsak ka! Tsaka napagsawaan ka na nya" natawa naman ako sa sinabi nya. Baka gusto nyang makatikim ng sampal ng isang scholar ng bayan.

"Dyusme!!! Kung performance lang ang pagbabasehan ay talagang wala akong panalo sayo, you know why? Nakita ko kasi yung picture mo sa isang porn site. Aba! Nakakabigla iyon ha? Pornstar kana pala ngayon. Tsaka para sabihin ko sayo, 'ni kahit isang beses ay hindi ako nagpagalaw sa kanya, dahil alam kong JUTAY sya at hindi magaling" proudly kong sagot sakanya.

Nagsisimula pa lang gumanda ang mood ko. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil pinaganda nya ang araw ko. "Hanggang sa muli, tsaka kung magkikita man tayo, pwede ba lagyan mo ng thrill yung sagutan natin. Nakakatamad kang kausap e" pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay umalis na ako sa kanyang harapan at pumasok na sa room. Narinig ko pa ang malakas nyang sambit na 'may araw ka rin saaking bakla ka!!!' Akala mo hindi bakla e, mas masahol pa nga sya saakin. Nang nasa room na ko ay agad na umupo ako at nakinig sa buong maghapon na lesson ng mga prof namin.