Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

BEAUTIFUL IN WHITE (Tagalog)

Almario_Aguirre
--
chs / week
--
NOT RATINGS
37.2k
Views
Synopsis
Nagkatagpo ang landas ni Helena at William ng ang kasintahan ni Helena ay duguang isinugod ni William at ng kaibigan nitong si Henry sa ospital dahil sa tinamong sugat sa katawan ng bugbugin ito ng limang kalalakihan. Humanga si William sa kagandahan ni Helena at hindi niya napigil ang puso niya na umibig dito kahit hindi puwede, dahil si William ay may kasintahan na at gayundin si Helena . Naging masalimuot ang naging pag-ibig ni Helena at William sa storyang ito... BEAUTIFUL IN WHITE.
VIEW MORE

Chapter 1 - Episode 1- NEVER THOUGHT I COULD LOVE

Sa matinding lakas ng ulan at pusikit na kadiliman ay isang lalake ang pinagtutulungang bugbugin ng limang kalalakihan.

"HOY! Tumigil kayo", ang isang sigaw na nagmula kung saan kaya tumigil ang limang kalalakihan sa panggugulpi sa kaawaawang lalake at biglang nagtakbuhang papalayo.

"T-Tulungan ninyo a-ako", ang sabi ng lalake at tuluyan ng nawalan ito ng ulirat.

"William, tulungan natin. Teka, duguan ito a."

"Henry, bilis, tumawag ka ng taxi. Dalhin natin kaagad sa ospital at marami ng dugo ang nawawala sa kanya."

Pagdating sa ospital ay kaagad namang inasikaso ang biktima.

"Sino ang kamag-anak ng biktima sa inyo?" tanong ng doktor.

"Hindi po namin siya kilala."

"Ganoon ba, malubha ang lagay niya, bukod sa tinamong saksak sa katawan ay pinalo ang kanyang ulo ng isang matigas na bagay, kaya 50/50 ang chance niya na mabuhay."

"William, ikaw ang nakapulot ng cell-phone niya, tingnan natin at baka makakuha tayo ng information tungkol sa biktima", sabi ni Henry.

"Sandali at bubuksan ko. Salamat at Hindi nasira kahit nabasa ng Ulan. Eto, may picture ng babae at maganda siya, tawagan ko na."

"Henry, walang sumasagot, can't be reached."

May mga pulis na dumating na magiimbistiga sa kaso ng biktima.

"Kayo ba ang nagdala sa biktima dito sa ospital?" ang tanong ng mga pulis.

"Opo, kami nga po."

"Kung puwede sumama kayo sa amin sa presinto para makunan kayo ng statement tungkol sa pangyayari sa biktima."

Sa presinto ng pulis

"Chief, sila ang mga nagdala sa biktima sa ospital."

"Sige, kunan sila ng statement."

"Yes, sir"

"Heto nga po pala ang cell-phone ng biktima at baka may makuha kayong information dito."

"Ah, sige, iwanan na ninyo ang cell-phone at kami na ang bahala. Ano nga ang pangalan ninyo?"

"William po ako."

"Henry po ako."

At isinalaysay ng dalawa ang kanilang nakita, subali't dahil sa malakas na ulan at madilim na paligid ay hindi nila lubos na namukhaan ang mga nanggulpi sa biktima. Kaya ang nangyari ay halos wala ring nakuhang matibay na ebidensya ang mga pulis kina William.

"Sir, puwede na po ba kaming umalis?"

"Sige, iwanan ninyo ang contact number ninyo at kapag kinailangan namin kayo ay madali namin kayong matawagan."

Dahil sa iniwang cell-phone ng biktima nila William sa mga pulis ay tinawagan nila ang nakalarawan sa cell-phone ng biktima at Helena ang pangalan.

"Helena, ang cell-phone mo, may tumatawag."

"Pakisagot, 'nay at lalabas na po ako."

"Hello"

"Hello, dito po ba nakatira si miss Helena?"

"Opo, bakit po?"

"Sa himpilan po ng pulisya ito, isa pong biktima ng pananaksak ang may-ari ng cell-phone na ito ay baka kayo po ang kamag-anak ng biktima."

"Ho? Nasaksak po? Saan pong ospital?"

"Naka confine po sa St. James Hospital."

"Salamat po, pupuntahan na po namin>"

"Sino pong tumawag, inay?"

"Naku Helena, ang boyfriend mo nasa ospital at nasaksak daw. Iyon ang sabi mula sa himpilan ng pulis, gamit ang cell-phone ni Harry kaya natawagan tayo."

"Bilisan natin, mommy, puntahan kaagad natin si Harry."

Sa St. James Hospital

"Miss, saan makikita ang biktima ng pananaksak?"

"Nasa ICU pa po."

"Salamat, tayo na mommy."

"Doktor, kumusta po ang pasyente?"

"Kaano ano po ninyo ang pasyente?"

"Ako po si Helena, kasintahan ko po ang pasyente."

"Malubha ang lagay ng pasyente. Bukod sa tinamong saksak sa katawan ay nagtamo siya ng palo sa ulo ng matigas na bagay at kailangang obserbahan pang mabuti."

Sa nangyari sa kasintahan ni Helena na si Harry ay walang magawa si Helena, kundi ang umiyak na lamang. Awang-awa siya sa sinapit ng katipan.

"Mommy, bakit nangyari ito sa kanya? Wala akong alam na may mga taong galit sa kanya. Mabait si Harry mommy, mabait siya", ang sabi ni Helena na patuloy sa kanyang pag-iyak.

"Kayo po ba ang kamag-anak ng biktima?" ang tanong ng mga dumating na pulis na nagiimbistiga sa kaso ni Harry.

"Ako po ang kasintahan ng biktima. Sino po ang may kagagawan nito sa kanya?"

"Sa kasalukuyan ay patuloy kaming nag-iimbistiga. Natawagan namin kayo dahil dito sa cell-phone ng biktima. Ibibigay na namin ito sa inyo at kayo na ang bahalang magtago nito para sa biktima."

"Salamat sa inyo at sana mahuli na kaagad sa lalong madaling panahon ang mga salarin."

"Huwag po kayong mag-alala. Sige po aalis na kami."

"Helena, hindi natin makakausap si Harry sa kalagayan niyang ito. Umuwi na muna tayo at bumalik na lang uli. Ipaubaya na lang natin sa mga doktor si Harry."

At habang pinagmamasdan ni Helena si Harry ay sa pakiramdam niya ay madudurog ang kanyang puso. Papaano kung hindi siya makaligtas, papaano na ang kanilang mga pangarap. Labis nilang mahal ang isa't isa. Hindi sila mabubuhay ng wala ang isa sa kanila.

Bago may nangyaring masama kay Harry ay maligaya ang dalawa bilang magkasintahan. Namamasyal, sabay kumakain, nanonood ng sine, anupa't kapag sila ang magkasama ay masasabing sarili nila ang daigdig.

"Helena, nakita mo ba kung paano ako maglaro ng basketball? Ang galing kong mag-shoot ng bola, ano?" ang natutuwang sabi ni Harry.

"Oo na magaling ka na", ang nakatawang tugon ni Helena.

"Teka, Helena, baka malimutan mo ang lakad natin sa Linggo papuntang Baguio."

"Opo hindi ko po makakalimutan iyon. Teka nga pala, sino iyong kausap mo noong isang araw, maganda siya."

"Ah, wala iyon, girlfriend iyon ni George."

"Eh, bakit ka kausap?"

"Ha ha ha ikaw talaga sobrang selosa. Tayo na nga at maghanap tayo ng makakainan at ako'y gutom na gutom na."

"Bro, bilib ako sa paglalaro mo ng basketball ah, ang husay mo."

"Ikaw pala George, nasa kondition lang bro, ha ha ha. Sige maiwan ka na namin at may pupuntahan lang kami ng girlfriend kong maganda."

"Sige bro, ingat."

At habang kumakain ang dalawa sa isang sikat na fast food chain ay narinig nila sa labas ang kantang 'NEVER THOUGHT I COULD LOVE'.

"Helena, gusto ko ang kantang iyon", sabi ni Harry.

"Ako din, iyon ang kantang gusto kong pakinggan."

"I can't believe that you are real. You are the dream that saved my life. You are the reason I survived. Hindi ba maganda, Helena?"

"Maganda nga kung totoo sa puso mo."

"Ikaw talaga oo. Helena kung pakasal na kaya tayo."

"Ano ka ba? Mga bata pa tayo. Hindi pa natin kayang mabuhay sa ating sarili. At isa pa hindi tayo tiyak na papayagan ng ating mga magulang."

"Sige, pero pagka'graduate' natin pakakasal tayo, okay?"

"Bahala ka na nga matigil ka na lang", at natawa si Helena.

Anupa't sa dalawang nagmamahalan ng tapat ay naroroon sa puso nila ang sobrang ligaya. Subali't sadyang mapaglaro ang tadhana kung minsan. At hindi inaasahan ng dalawa na sasapit sa kanila ang isang trahedya ng buhay.

Kinabukasan ay muling bumalik sa ospital si Helena. At habang pinagmamasdan niya ang kasintahan ay lungkot at dalamhati ang kanyang nadarama.

"Bakit Harry nangyari ito sa iyo? Sa atin?" ang nasabi na lang ni Helena sa sarili na halata ang lungkot sa mukha nito.

Nasa ganoon siyang kalagayan ng lumapit ang doktor na tumitingin kay Harry.

"Miss, kailangan naming makausap ang mga magulang ng pasyente."

"Dok, nasa ibang bansa po sila at ang sabi ay inaayos na ang mga papeles para sila makauwi dito kaagad."

"Mabuti kung gayon kasi kailangang maoperahan ang pasyente sa lalong madaling panahon. At kung hindi siya maooperahan ay maaari siyang mamatay. Lumabas kasi sa ginawang pagsusuri sa kanya ay may namuong dugo sa utak niya at kailangan ang masusing operasyon."

At ng dumating sa bansa ang mga magulang ni Harry at nakita ang kondisyon ng kanilang anak ay lubha silang nalungkot sa sinapit nito.

Naisagawa ang operasyon, subali't nanatiling komatos si Harry at hindi matantiya ng mga doktor kung kailan ito magkakamalay.

Sa himpilan ng pulisya ay muling ipinatawag sina William at Henry.

"Gaano kayo kalayo sa pinangyarihan ng krimen?"

"Eh, sir, siguro po mga sampung metro ang layo namin."

"Wala ba kayong masasabi kung ano ang hitsura ng mga salarin na nanaksak kay Mr. Harry?"

"Sir, wala po, masyadong madilim at umuulan at isa pa po hindi masyadong maliwanag ang ilaw sa poste sa lugar na iyon."

Habang nag-uusap sila ay dumating ang pulis na nagimbistiga sa lugar ng krimen.

"Chief, may CCTV sa pinangyarihan ng krimen kaya lang po hindi masyadong malinaw dahil sa madilim at umuulan ng mangyari ang krimen."

"Sige, ibigay ang footage sa isang computer expert at tingnan kung puwedeng palinawin."

"Yes, Chief"

"Sir, kumusta po iyong biktima?"

"Komatos pa rin"

""William, dalawin natin ang biktima sa ospital, kaawaawa naman siya."

"Sige at baka makatulong tayo."

Sa ospital

"Miss, anong room iyong dinala namin dito noong isang araw, iyong biktima ng pananaksak?"

"Nasa ICU pa po, sir."

"Ganoon ba, thank you miss."

"Tayo na Henry puntahan natin."

Sa ICU naroroon si Helena at binabantayan si Harry, ang kanyang katipan.

"Magandang araw miss, kami ang mga nagdala sa kanya dito sa ospital, kakamustahin lang namin siya."

"Wala pa rin siyang malay", ang tugon ni Helena habang nagpapahid ito ng luha.

"Kapatid mo siya?" tanong ni William.

"Hindi, ako si Helena ang kanyang katipan. Salamat sa inyo sa ginawa ninyong pagtulong sa kanya."

"Helena, ako si William at ito naman si Henry, kaibigan ko."

"Paano, Helena, magpapaalam na kami. Huwag kang mag-alala dahil galing kami sa presinto at tumutulong sa paglutas ng kaso ng katipan mo."

"Salamat sa inyo."

Sa daan habang pauwi na ang dlawa

"William, maganda si Helena, ano? Kawawa naman siya."

"Oo nga Henry at habang pinagmamasdan ko siya ay parang kung anong bagay akong naramdaman sa puso ko, hindi ko alam."

"William, masama na iyan at dapat alisin mo sa puso mo kung ano ang nararamdaman mo dahil may katipan ka na."

"Oo nga Henry, dapat nga."

"Talagang dapat mo ngang alisin kung ano ang nadarama mo kay Helena."

"Patay", biglang sabi ni William.

"Bakit?"

"May usapan pala kami ni Kathleen."

"Ha ha ha talagang patay ka nga."

"Tatawagan ko na lang siya at sana maunawaan niya ako."