Chereads / Don't Open Your Eyes / Chapter 1 - Prologue

Don't Open Your Eyes

🇵🇭LunaticPessimist
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of the story in any way. Please obtain permission.

________________________

________________________

Bata pa lang ako hirap na akong makipagkaibigan. Meron kasi akong kapagyarihan. Kapangyarihan na maging invisible. Oras kasi na pumasok ako sa eskwelahan ay hindi nila ako nakikita. Hindi nila ako kinakausap. Hindi nila ako tinitingnan. Para bang hindi nila ako nakikita. Pagtungtong ko ng highschool, nagkaroon ako kahit papaano ng kakaunting kaibigan.

Lola ko ang nag alaga at nagpalaki sa akin. Noong sampung taong gulang kasi ako nag asawa uli si Mama at iniwan ako kay lola. Paminsan-minsan ay nakakausap ko siya sa tawag. Nagpapadala rin siya ng mga regalo kapag may ispesyal na okasyon.

Dahil lumaki ako sa puder ng lola ko, lumaki akong konserbatibo at laging nasa bahay lang. Wala din naman akong mas'yadong kaibigan kaya walang dahilan para maglakwatsa ako. Dating manggagamot ang lola ko pero ngayon tinutulungan ko na lang siya sa pagtitinda ng kakanin.

Sa edad kong disisyete ay hindi pa ako nagkakaroon ng nobyo. Marami na sa mga kaklase ko ang nagkaroon ng maraming nobyo. Pero dahil siguro sa itsura ko kaya hindi man lang ako magawang tingnan ng mga lalaki sa eskwelahan. Hindi naman sa magmamadali akong makipagrelasyon.

Gusto ko lang din maranasan ang pakiramdam ng may nagkakagusto sa'yo. Napakasarap siguro sa pakiramdam nun. Yung pakiramdam may isang taong masaya kapag nakikita ka.

Pero sa itsura kong ito ay parang imposible. Mahaba ang bagsak kong buhok na laging nakatali na parang tindera. Maluwag at malaki ang uniporme ko kumpara sa iba kong mga kaklase. Mataas ang grado ng salamin ko at hindi pa ako kagandahan dahil sa mga tigyawat sa mukha ko.

Malinis naman ako sa katawan pero sobrang dami kong tigyawat. Dahil siguro yun sa pagsusunog ko ng kilay.

Mabuti na lamang at may nagbibigay sa akin ng inspirasyon na pumasok araw-araw. Isa lamang ako sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya sa eskwelahan.

Gwapo siya at matangkad. Kakalipat niya pa lang sa eskwelahan namin pero marami ng babae ang nagtangkang magtapat ng nararamdaman nila pa sa kanya.

Siya si Calyx Eithan Payne. Pati pangalan niya ay kakaiba at napakagwapo. Ang alam ko lamang ay sa Maynila siya dati nag-aaral. May naririnig din ako na anak siya Mayor sa lugar namin. Hindi na ako nagtataka kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. Gwapo na mayaman pa.

Mapapansin niya kaya ang isang kagaya ko?