Chereads / The guy in alex's dream (BL) / Chapter 4 - The name of the handsome guy

Chapter 4 - The name of the handsome guy

Iginarahe ni alex ang kotse niya sa parking lot ng eskwelahan habang tahimik naman at walang kibo si maria sa kanyang upuan halatang kabang kaba si maria dahil na nginginig ang kanyang mga kamay ,maya maya pa kinausap na siya ni alex.

" Ano maria may balak kapa bang bumaba sa kotse

ma huhuli kana sa klase mo"

"AHM…. Alex parang hindi pa ako ready eh"nginginig na sagot ni maria kay alex

Hinila ni alex si maria papalabas sa kotse at pinalakas niya ang loob ni maria, maya maya pa nag lakad na si maria papalayo upang pumunta sa klase niya habang si alex naman ay nakatayo palamang sa tabi ng kotse niya, pumunta siya sa pinaka gitna ng paaralan upang makita ang kabuuan nito,inikot niya ng dahan dahan ang kaniyang katawan at tila ba hindi parin siya maka paniwala dahil siya ay nasa sikat at malaking paaralan sa kanilang syudad.

Habang iniikot ni alex ang katawan niya may naka bangga sa kanya na isang lalaki at nabitawan niya ang hawak niyang ballpen, habang tinatangka niya itong pulutin lumalayo ito mula sakanya dahil nasisipa ito ng ibang studyante hinahabol niya ito hanggang sa huminto ang ballpen sakto namang natapakan ng isang lalaki at na sira ang ballpen niya dahil sa bigat ng paa ng lalaki na iyon, ganon nalamang ang inis ni alex ng nakita niyang nasira ang ballpen niya.

Dahan dahan niyang inangat ang ulo niya upang tignan kung sino ang nakatapak ng ballpen niya at ang lalaki na iyon ay ang lalaki din na pinag kakaguluhan sa labas ng gate noong nag papa enroll pa sila, nag katitigan si alex at ang lalaki na tila ba huminto ang paligid nilang dalawa ilang segundo pa at tumunog na ang bell ng eskwelahan at doon natigil ang titigan nilang dalawa.

Hindi alam ni alex kung bakit ganon nalamang ang naramdaman niya sa lalaki na iyon tila ba parang may iba sa pakiramadam niya, pero ganon paman naiinis parin si alex sa lalaki na iyon at kinausap niya ito.

" ANO BA….. hindi kaba marunong tumingin sa dinadaanan mo tinapakan mo itong ballpen ko oh!!!!" galit na sinabi ni alex

Pilit na kinakausap ni alex ang lalaki ngunit hindi ito sumasagot at tinatawanan niya lang si alex,iniwan ng lalaki si alex na nakatayo at tila ba walang pakialam sa mga ng yari, walang nagawa si alex at umakyat nalang sa berdanil college upang puntahan niya ang klase niya, ng naka rating na siya sa pintuan huminga siya ng malalim at sabay na binuksan ang pintuan ng clasroom niya,nakita niya ang mga studyante doon na kanyang mga ka klase na halatang mayayaman kaya nahihiya siyang pumasok dito.

Naalala niya ang sinabi ng kanyang ina na galingan niya sa pagaaral kaya ginawa niya itong inspirasyon at hindi na nag dalawang isip na umupo sa kanyang upuan, maya-maya pa dumating na ang kanilang guro sa kanilang klase, nag tataka siya kung bakit bakante ang katabi niyang upuan, sinabi ng guro na isulat ang buoong pangalan sa maliit na papel, habang nag lalabas ng papel si alex may kumatok sa pintuan na siya namang umagaw ng pansin sa kanilang klase, pagbukas ng pintuan nag hiyawan ang mga ka klase niyang babae dahil sa pumasok na lalaki, sinabi ng guro sa pumasok na lalaki na ipakilala ang kaniyang sarili, at pumunta naman sa harap ang lalaki para mag pakilala.

" Hi everyone My name is XANDREI BERDANIL 20 years old " proud na sinabi ni xandrei ang kaniyang apelido,

Nag taka ang mga studyante kung bakit parehas ang apelido niya sa pangalan ng eskwelahan na berdanil college, pagkatapos inutasan ng guro si xandrei na umupo na sakanyang upuan, pinaliwang ng kanilang profesor na si xandrei berdanil ay pangalawa sa anak ng may ari ng berdanil college.

Malaking gulat naman ng mga studyante sa loob ng kanilang klase mas lalo silang na mangha dahil si xandrei ay bukod sa gwapo na, sila pa ang may ari ng berdanil college.

Habang papunta si xandrei sa kanyang upuan nakita niya si alex na katabi niya ito at tila tinatago ni alex ang kanyang muka gamit ang kanyang aklat…