Kung may nag-iisa man akong pangarap simula nang tumuntong ako ng grade seven ay iyon ang makapasok ako bilang miyembro ng Chess Club ng school.
"Hoy, mga tao! I advise you to fill-up these application forms before lining up for the initial interview! Hindi tatanggapin ang may mga pangit na writing o 'yong mga balahura kung makapag-sulat! Hindi ito application form papuntang impyerno kaya umayos kayo! Aish, bakit ako pa ang inutusan ng Theo na iyon na mamigay nito?!" Rinig kong anunsyo ng isang miyembro ng Chess Club habang namimigay ng mga forms sa mga kasamahan kong nakapila sa side na iyon ng kwarto. "Naiintindihan ni'yo ba o kailangan ko pang ulitin?! Huwag puro landi! Makinig ng maayos sa instructions para wala ng magtatanong---"
Bigla siyang natigil mula sa pag-a-anunsyo nang madaanan ako ng mga mata niya. Nakita ko pa ang paglagay niya ng kamay sa itaas ng mga mata habang umaakto na tinatanaw ako ng maayos.
Oops, I'm dead.
Pinilit ko namang magtago sa likuran ng mga estudyanteng nasa unahan ko pero mukhang wala na talaga akong takas mula sa mapanuri niyang mga mata. Nakakaasar naman! Paano ba ako hindi mapapansin dito eh puro mga nasa Junior High ang mga kasama ko at ako lang ang nag-iisang twelve grader na naglakas loob na makipila?!
Napalunok nalang ako nang magsimula na siyang maglakad papunta sa direksyon ko hanggang sa tumayo na nga siya sa harapan ko.
Holy cow.
"Hoy babae, nandito ka na naman ba?" ang walang kagana-gana at walang modong tanong niya sa akin.
Shit ka talaga, Kenzo. Bakit sa dami ng pwedeng makakita sa akin ay ikaw pa na kumag ka? Himutok ko sa sarili.
Napahinga nalang ako ng malalim as a sign of surrender. Atsaka ako napatawa ng hilaw habang inaayos ang bangs ko bago ako tuluyang tumayo ng maayos sa harapan niya.
Siya nga pala, ako si Georgia Manoban. Eighteen years old at kasalukuyang nasa grade twelve sa NorthWest Academy. My father is a professor to a University samantalang isang surgeon naman ang Mama ko. Kakasimula palang ng new semester kaya heto ako at nagbabakasakali na palarin na makapasok sa Chess Club ng school.
Sa pagkakaalam ko ay after ng initial interview ay sasabak muna kami sa isang simpleng tournament. At kung sino man ang mananalo sa lahat ng mga sumali ay siyang papalarin na mapasama sa Club.
"Ikaw pala iyan Ken," ang hindi ko pa makatingin ng diretso na wika habang inaayos ang bangs ko. "Woah, hindi ko akalain na makikita kita dito."
Saka ako napatawa ulit ng hilaw.
Pero isang hindi kumbinsidong tingin lang ang isinagot niya sa akin habang blangko parin ang mukha niya.
"Ako ang Vice President ng Chess Club kaya natural lang na makikita mo ako dito, stupida." He answered without any expression on his face.
Kung maka-'stupida' din ito!
Inirapan ko nalang siya habang hinahawakan parin ang bangs ko.
Samantalang pinag-krus naman niya ang mga braso sa dibdib at parang gusto kong kalmutin ang mukha niya nang makita ko ang unti-unting pag-guhit ng nang-aasar na ngiti na iyon sa labi niya.
God, nandito na naman ang bully sa buhay ko.
Siya nga pala si Kenzo Hernandez. Magka-edad lang kami at siya din ang Vice President ng Chess Club. And unfortunately, he's a rich kid. Nagmamay-ari lang naman ng isang pharmaceutical company ang mga magulang niya. Magkaklase na kami simula pa man noong Junior High hanggang ngayong umabot na kami ng last Senior Year. He doesn't even have a big role into my life pero bakit lagi nalang lumilitaw ang walang hiyang ito out of nowhere?
He gave me that familiar big cocky smile and may God forbid me for throwing my Louis Vuitton bag into his face.
I've known him for so long and I know that nothing good ever came out from his mouth!
And I was right.
"Hay naku, paano ba ito ha?" ang natatawang simula niya habang nang-aasar na nakatitig sa akin. "Ikaw lang ata ang kilala kong estudyante sa school na hindi na nahiya na magpasa ng application form sa Chess Club every year. Woah, hands down Georgia!"
Atsaka siya pumalakpak sa harapan ko.
"Bilib na talaga ako sa katapangan mo!" patuloy niya. "Kung ako siguro ang nasa pwesto mo ay mahihiya na akong magpakita pa sa Chess Club matapos akong mag-fail sa loob ng limang taon! Woah! Galing!"
Lord, pigilan niyo ako. Pigilan niyo ako sa pagpatay sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang awa Niyo na. Amen.
Mariin nalang akong napapikit ng mga mata para pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko talaga kaya. I have a bad temper and for many years that we've been classmates, I know that he already knows that.
Nagtaas ako ng mukha at naaasar na napatingin ulit sa nang-iinsultong ngiti niya. At ang kumag! Patuloy parin sa pagpalakpak!
"Hoy!" sigaw ko narin sa kanya pabalik saka ako namaywang. "Bakit?! May rules ba ang Chess Club na once na umabot na ng Senior High ang isang estudyante ay hindi na siya pwedeng mag-apply ulit?!"
Pero isang naaawang tingin lang ang ibinigay niya sa akin at nang makita ko iyon ay parang gusto ko na siyang tadyakan awra mismo.
"Tsk, tsk, tsk," ang umiiling na sambit niya saka niya inilapit sa mukha ko ang nakakaasar na mukha niya. "Ano bang magagawa ko kung kahit na sa preliminary round ng tournament ay hindi ka nakakapasa? Hays, gustuhin ko man sanang maawa sa'yo pero grabe, mas nabibilib ako sa guts na mayroon ka ng dahil sa taon-taon na pag-try mong pagsali. Wow, Georgia. As always, you never failed to exceed my expectations."
"You---!"
"Good morning, Pres!" ang biglang pagputol ng maiingay na pagbati na iyon sa sasabihin ko sana.
Since I was a child, I've never believed in magic. Pero bakit gan'on? Bakit nang dahil lang sa iisang presensya ng isang tao ay biglang nawala ang lahat ng sama ng loob ko?
And suddenly, I was not even mad anymore. Pakiramdam ko ay nawalan na ng saysay ang lahat ng nandito pati narin ang buong pagkatao ko.
Wala na akong pakialam kay Kenzo. Wala na akong pakialam sa mga estudyanteng katulad ko ay naghihintay doon. Wala na akong pakialam kung ilang taon man akong hindi nakapasa sa preliminary tournament ng Chess Club. Wala na akong pakialam kung nabubuhay pa ba ako o ilang oxygen ang nalanghap ko sa araw na ito.
Because right now, all that matters to me is that handsome guy who's now walking with a gentle smile on his face in the middle of the crowd. Katulad ng mga members ng Chess Club ay nakasuot din siya ng pulang tshirt habang black jeans sa ibaba. His gentle gaze is wandering as he smiles to everyone.
Muntik na akong mapatili nang makita ko siya pero agad kong pinigil ang sarili ko. Like, duh? I'm fully aware na katabi ko parin hanggang ngayon ang walang hiyang si Kenzo. Ayaw ko lang na makahanap pa siya ng magiging rason para i-bully ako ngayong araw na ito.
Samantalang nakita kong naupo na ang gwapong lalaking iyon sa mahabang table na kinauupuan ng mga nag-iinterview sa mga nakapila. Naupo siya habang busy din siya sa pakikipag-usap sa mga members ng club nila.
His name is Theodore Hernandez. With the age of ninteen years old, he already became the President of the Chess Club. Siya din ang Class Representative ng klase namin simula pa man noong Junior High. Consistent first honor and he's now running as the Class Valedictorian. Black belter sa taekwondo, judo, and aikido. He is the oldest son of the CEO of The Hernandez Medical Group. A company which owns a famous private hospital in this city. And yes, ladies and gentlemen. Theodore is the epitome of beauty and perfection.
And he is my magic.
Sa sobrang kilig ko na makita siya ay hindi ko na namamalayan na pinagpapalo ko na pala sa braso ang lalaking katabi ko.
"Aray! Aray!" ang reklamo naman niya habang sinasangga ang bawat pagpalo ko. "Hoy babae!"
Pero hindi ko siya pinansin at sinamahan ko pa siya ng kurot sa tagiliran habang pinipigil kong mapatili nang dahil sa sobrang kilig.
Kawawang Kenzo.
"Kenzo, ang gwapo niya..." ang kinikilig ko pa na bulong sa kanya habang pinagsusuntok parin siya.
Well, aside sa kinikilig talaga ako ay gusto ko naring gamitin ang chance na ito para mabugbog siya mula sa lahat ng pang-aaway niya sa akin.
"Aray! Ano ba?!" ang patuloy na pag-iyak niya. "So, feeling mo ay bestfriend mo ako at sa akin mo sinasabi iyan?! My cousin doesn't even deserve someone like you! Bahala ka nga dyan!"
Iyon lang ang sinabi niya bago siya naaasar na nag-marcha paalis habang dala-dala ang mga forms na kanina ay pinamimigay niya.
Samantalang napakurap naman ako mula sa kinatatayuan ko nang dahil sa hindi ko inaasahan ang inasta niya. Hala, napikon na siya 'non? Psh, weirdo.
Pero nang makatalikod na siya ay doon ko na inilabas ang dila ko sa kanya habang umaaksyon na sinusuntok siya. Hah! May araw ka rin sa akin, Kenzo!
At tama kayo ng nabasa, magpinsan sila ng aking pinakamamahal nang dahil sa magkapatid ang mga Papa nila.
Hindi ko na siya pinansin pa at kinikilig akong pumila sa hanay ng mga estudyante na katulad ko ay sasabak muna sa initial interview. Nakita kong sumali na si Theodore sa pag-iinterview at dahil doon kaya para na akong nanginginsay sa kilig habang nakapila. Sinadya ko din na sa pila niya ako makihanay para siya ang maka-interview sa akin.
Iisipin ko palang na makakausap ko siya ay para na akong hihimatayin mula sa kinatatayuan ko. Well, he is my major crush and also my first love!
Magsimula nang tumapak ako ng high school ay siya lang ang kaisa-isang lalaking minahal ko.
Nakita kong iisang estudyante nalang ang iinterview-hin niya bago ako. Kaya habang iniinterview niya ang nauna sa pila sa akin ay napaikot ko ang paningin ko. Kaya nakita kong nakaupo sa tabi niya ang walang hiyang si Kenzo na sumali narin palang mag-interview sa katabi kong pila.
Napansin niya siguro ang presensya ko kaya nagtaas siya ng mukha. At nang makita ako ay hindi ko mapigilang mapaawang ng bibig nang ilabas niya ang dila niya sa akin.
Hah! So childish!
Pero syempre, hindi ako magpapatalo sa kanya! Inilabas ko rin ang dila ko sa kanya habang iminumulat ang kaliwang mata ko gamit ang hintuturo ko.
Hah! Ano ka ngayon?!
"Next," nagising lang ako nang marinig ko na ang baritonong boses na iyon ni Theodore sa harapan ko na nagsasabing ako na ang susunod niyang iinterview-hin.
Mabilis ko namang sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko at ini-fix ang uniform na suot ko.
At nang makaalis na ang estudyante na nasa unahan ko ay tuluyan ko na ngang nakita ng mas malapitan ang pinakamamahal kong si Theodore.
Nakayuko lang siya habang busy siya sa pagsusulat sa application form ng nauna sa akin kaya hindi niya ako makita. At nang hindi parin siya nagtataas ng tingin ay kinikilig ko nalang na ipinatong ang form na hawak ko sa harapan niya.
Walang tingin-tingin naman niyang kinuha ito at tinignan. Nakita kong inayos muna niya ang suot na makapal na eyeglasses na minsan ko lang makita na suot niya bago niya binasa ang pangalan ko.
"So, you're miss Geor---"
Bigla siyang natigil sa pagbabasa.
Atsaka siya dahan-dahang nagtaas ng mukha dahilan para tuluyan ko ng makita ng mas maayos ang napakagwapo niyang mukha na hindi kayang ikubli ng suot niyang eyeglasses.
Samantalang napangiti naman ako ng hilaw mula sa kinatatayuan ko habang kinikilig parin na kumuway sa kanya.
Tinignan niya lang ako bago siya napasandal sa upuan at napa-krus ng mga braso sa dibdib. Matapos iyon ay tuluyan na nga niyang tinanggal ang suot na eyeglasses habang hindi parin niya hinihiwalay ang tingin mula sa akin.
"Hays, so paano ba ito ha?" iyon ang unang lumabas sa bibig niya.
At unti-unti, ay doon ko na nga nasaksihan ang pag-guhit ng isang pilyong ngiti sa labi niya na may kasamang pigil na pagtawa habang nakatitig parin siya sa akin.
Ramdam kong nakatingin narin sa aming dalawa ang lahat ng estudyanteng nandoon at alam naming pareho kung ano ang iniisip nilang lahat.
Then, the next thing we heard is his deep and loud voice that everyone on that school is so familiar with.
"Pwede ko bang malaman kung ano ang ginagawa ng cute na baby ko sa pila ng Chess Club? Hm?" he tenderly asked while lovingly looking at my face.
Yes, he is my boyfriend.
to be continued...