Chereads / The Rapist Son / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 9

Ngayon ang pangalawang araw ko dito sa hospital at baka bukas ay makalabas na rin ako agad after ng mga test na gagawin ngayon, wala naman na akong naging problema maliban na lang kay Kurt na hanggang ngayon daw na sa labas pa rin at hindi pa umuuwi. Mag isa pa rin ako at nag hihintay sa pag pasok ng nurse na nag aasikaso sa akin dito sa loob, ang sabi ni Leah ay ito muna ang aalalay sa akin habang wala pa sila. Nahihiya na rin ako kay Leah dahil sa ginawa kong abala sa kanya simula ng nakaraan na araw ng mula sunduin niya ako, ang lagi niya lang sinasabi ay ayos lang at hindi ako naging abala sa kanya. Nahiga nalang ako muli sa kama ko at tumulala sa kisame.

Walang katok-katok ay may malakas na bumukas ang pinto ng kwarto ko at agad na pumasok ang minsan ko ng itinuring na kaibigan, si Raven. Matalas lang akong naka-tingin sa kanya, ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko at gusto ko na s'yang hablutin ng may malakas na boses ang sumigaw.

"Raven, ano bang ginagawa mo rito?" galit na sabi ni Kurt bago hinila ang kamay ni Raven palabas, mabilis naman s'yang nag pumiglas at tumingin sa pwesto ko.

"Ang sama ng tingin mo sakin, ilalabas mo na ba ang tunay mong ugali ngayon?" taas ang kilay niyang tanong, tumayo ako mula sa pag kaka-upo ko at hinarap siya, samantalang si Kurt ay pilit pa rin siyang hinihila.

"Matagal ng masama tingin ko sayo, simula ng ilabas mo ang tunay mong ugali. Diba matagal ka ng inggit sa akin?" matapang kong sabi habang ang mga kamay ko ay naka-tago sa likod ko, patuloy pa rin nanginginig at any time na mailabas ko 'to ay hindi ko na masasabi ang mangyayari.

"Ako pa ang na iingit s'yo, alam mo preets kilala na kita simula ng mga nag aaral palang tayo kulang ka talaga sa atensyon at hanggang ngayon pa rin pala." Sabi nito at hinila ang kamay niya na hawak ni Kurt.

Taas ang kilay ko na tinignan niya bago mahinang tumawa na ikina-kunot ng noo niya.

"Hindi ko kasalanan na mas magaling ako maki-sama kesa sayo kaya lahat ng atensyon nila ay na sa akin, paano ka nga kumuha ng atensyon?" umakto naman ako na parang nag-iisip sabay ngisi ulit sa kanya."Naalala ko na, gumagawa ka ng storya na ikakasama ng iba para pansinin ka 'di ba?" sabay mahina kong tawa.

"Hanggang ngayon ba naman Preets, hindi mo pa rin nakakalimutan ang mga bagay na 'yan. Sabi ko na nga ba, ang taong katulad mo sa loo bang kulo, ilabas mo nga ngayon ang tunay mong ugali."

Wala pa rin pinag-bago ang ugali n'ya simula noon at hanggang ngayon, puno pa rin ng inggit ang buhay niya. Kilala na kita Raven, gagawa ko ng mga bagay na ikaka-sira ng iba para lang laha ng atensyon ay mapunta s'yo.

Sanay na sanay siyang mang baliktad ng kapwa, hindi siya mag papatalo at mag papa-awa sa iba para kampihan s'ya, handa niya rin ibigay lahat ng mga pangangailangan ng mga na sa paligid niya para lang mag stay at mag mukhang mabait, that time I realize na hindi porket alam nila ang tama ay kakampihan ka na, kundi titignan ng mga naka-paligid sayo kung kanino ba talaga sila mas may mapapakinabangan.

"Alam mo, magulat ka pag lumabas na ang tunay kong ugali dahil once na Makita mo 'yon hindi ka na deserve ng kapatawaran ko." Kalmado ko ng sabi sa kanya.

"Oo nga pala, kamusta ang feeling na niloko. Masaya ba?"

"Raven! Lumabas ka na nga!" galit na sabi ni Kurt.

Para naman may gumihit na masakit na bagay sa puso ko, muling nanginig ang kamay ko. Gusto ko na s'yang hablutin pero once na pumatol ako sa kanya means mas mababaw pa ang pag-iisip ko.

"Sa totoo n'yan, Raven. Masaya ako at na laman ko na niloloko n'yo akong dalawa habang hindi pa ako nakakasal, tama ka ulit Raven ng sinabi mong masyado akong mabait. Akalain mo sa sobrang bait ko hinahayaan ko pala na may ka-share ako at mas lalo na ikaw pa ang kahati ko. Sabi nga nila share your blessings, mas lalo na sa mga taong walang-wala na talaga." Sabay ngisi ko sa kanya."Sino nga ba ang nag tagal sa'yo?" dugtong ko.

Mabilis na dumapo ang isang kamay niya, ramdam ko ang hapdi ng kaliwang pisngi ko. Tinignan niya ako at nginisihan.

"Balita ko na rape ka, kawawa ka naman." At ngayon dalawang sunod na sampal ang tumama sa psingi n'ya na parehas nilang kinagulat.

"na rape man ako, isa akong biktima. Ikaw, ilang tao na ang na biktima mo para masunod ang luho mo at ilang lalaki na rin ang naka-tikim sa'yo." Seryoso at walang emosyon na sabi ko. Wala na akong pake-alam sa mga lumalabas sa bunganga ko pero,s obra na. sobra ang lahat ng ginawa niya sa akin.

"Marami, at hindi koi kaka-hiya 'yon mas lalo na isa sa boyfriend mo ang na sarapan sa giling ko. Ikaw naman kasi Preets, sa sobrang santa-santanita mo rapist pa ang naka-una sa'yo." May halo niyang pang-aasar.

Tanging kirot sa dibdib ang na ramdaman ko sa sinabi niya, kaya ba hindi ako pinipilit ni Kurt sa mga bagay nag anon dahil kay Raven s'ya tumatakbo sa tuwing walang-wala na.

"Ang sarap ba ng boyfriend ko kaya inkit mo, kawawa ka naman. Siguro kaya wala ng pumapatol sa'yo ngayon." Sabi ko, alam ko naman na simula ng college palang kami ay gusto niya nga ang boyfriend ko. Siniraan niya ako sa lahat para makipag-hiwalay ako at s'ya ang papalit. Alam na alam ko na ang ugali na meron s'ya, sa sobrang kaalaman ko parang na kaka-suka na naging kaibigan ko pa s'ya.

Lumapit ako sa kanya, medyo tumingala s'ya sa akin ng lumapit ako at muli Dalawang sampal ang pina-dapo ko sa mukha niya.

"Alam mo kung ba't dalawa?" sabay tingin sa mata niya, tinignan ko naman ang boyfriend ko na pumapa-gitna sa aming dalawa.

"Tama na Preets." Awat niya. Ngisi lang ang sinagot ko sa kanya.

"Dalawang sampal dahil alam ko na hindi ka marunong kuntento sa isa."