Kahit saan ako pumunta halos mabingi ako sa sobrang ingay ng mga tao sa paligid.Lahat busy sa pagpapaganda, sa pagbibihis at pagkuha ng mga litrato
Program lang kasi namin ngayon at lahat ay kailangan na sumali sa cosplay event na gaganapin mamaya sa Event Hall ng University namin. Nasa loob ako ng isa sa mga cubicle dito sa Restroom sa second floor
Nakagat ko ang pang ibaba kong labi nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok,mukhang natagalan ako sa pagbihis. Agad kong binuksan ang pinto at saka ako lumabas. Ganoon na lamang ang gulat ko nang tumambad sa akin ang matalim na titig ni Chloe,kasama niya sila Nicole at Kyla na mga kaibigan niya "I-im sorry kung natagalan ako" hingi ko ng paumanhin
Narinig ko ang mapang kutya na tawa ni Nicole "What the hell is that?" turo niya sa puting dress na suot ko "Wait pfft sinong ginagaya mo nerdy?"
Napatingin ako sa suot ko,maayos naman ito. Hiniram ko pa ito sa Ate ng kapitbahay namin. White long sleeve dress na below the knee. What's wrong with this? disente namang tignan pero bakit parang nandidiri sila kung tignan ako "B-baka mag Disney princess nalang ako, p-pwede naman na itong pang Cinderella hindi ba? maayos naman siyang tignan diba?" alanganin kong tanong sa kanila
Sabay-sabay silang humagalpak ng tawa "Disney princess? Cinderella? Geez! you're funny! mas mukha pang Cinderella yung katulong namin kaysa sayo nerdy!"
Napa iwas ako ng tingin "I-im sorry, w-wala kasi akong alam sa ganito eh. May alam ba kayo na p-pwede kong gayahin gamit itong dress na ito?" kailangan kong kapalan ang mukha ko, isa-isa kaming magpapakilala mamaya at sasabihin kung sino ang pino portray namin. Sa puntong ito alam kong nagsasabi lang sila ng totoo,siguro nga hindi ako pwedeng mag disney princess gamit ang bestidang ito, baka nga naman mapahiya lang ako
Nagtinginan silang tatlo "I know one that will suits you and your dress" saad ni chloe
Marahan akong napangiti "T-talaga? ano bang pangalan niya para makiki gamit ako ng wifi sa library saglit. Ise-search ko nalang kung anong hitsura niya at famous line niya para magaya ko---"
"Shhh chill nerdy, we'll help you. Hindi mo na kailangan na mag search para magaya siya" putol ni Kyla sa sasabihin ko
Nagulat ako nang bigla na lamang nilang ibinuhos sa akin ang dala-dala nilang red liptint, face paint at pintura na mukhang pang props nila "Oh wait may ketchup pa pala ako dito sa bulsa ko" pagkasabi ni Nicole nun ay agad niyang ibinuhos sa akin ang ketchup na dala niya na nasa sachet
"See? you look great nerdy! talagang ibinaon namin iyang mga iyan para sayo, alam kasi naming hindi mo pa alam kung sino ang gagayahin mo. Sayang nga at wala pa yung mga uling na ipina bili ko.Akala ko kasi mamaya ka pa papasok, who would have thought na saktong pag punta namin dito sa restroom eh ikaw agad ang makikita namin" mapang uyam na saad ni Chloe
"You should be glad that we helped you Iris! at least tinulungan ka namin mag-isip kung sino talaga ang bagay sayo na gagayahin mo. Hindi mo na kailangan pang mag research, white lady suits you well" natatawang saad ni Nicole
Napatingin ako sa suot ko. Para akong naligo ng dugo dahil sa ginawa nila,kung titignan akong mabuti magmumukha nga akong white lady katulad sa mga horror movie "H-hindi sa akin ang damit na ito, s-sana hindi nyo nalang dinumihan" naka yuko kong saad
Muli silang nagtawanan na tatlo "Oh well good luck to you nerdy! nanghiram ka na nga lang ng basahan nadumihan mo pa,ano sa tingin mo ang gagawin sayo ng nagpahiram sayo niyan? mukha pa namang tagong-tago sa baul ng may ari iyang dress na iyan" naka ngising saad ni Kyla
Naiyukom ko ang kamao ko. Gusto kong makipag bangayan sa kanila pero alam kong walang magandang mangyayari kapag ginawa ko iyon ,kaya nagpasya na lamang ako na umalis sa lugar na iyon
Bawat madaanan ko pinagtatawanan ako at pinandidirian. Lahat sila ang ga- ganda ng mga ayos,parang ako lang ata ang naiiba. Parang ako lang yung mukhang pupunta ng halloween party
Sa sobrang hiya ko ay agad akong tumakbo . Ni hindi ko nga alam kung saan ba ako pupunta,basta ang alam ko lang ay pataas na ng pataas yung dinadayo ng paa ko.
Agad akong napa hinto nang maramdaman kong kinakapos na ako ng hininga. Napagtanto ko na lamang na nasa rooftop na pala ako. Napa tingin ako sa paligid,mukhang wala namang naka sunod sa akin kahit isa
Uupo na sana ako para makapag pahinga nang biglang may mahagip ang mata ko. May isang lalaki ang nakaupo sa railings ng rooftop at naka tingin sa ibaba. Wait what the hell? magpapakamatay ba siya?
"W-wait! s-stop!" sigaw ko at agad akong lumapit sa kaniya "D-don't do that! please bumaba ka diyan" pakiusap ko sa kaniya. Hindi ko siya mamukhaan dahil sa costume at vampire mask na suot niya
Bumaling siya sa akin "Why would I listen to you?"
Napalunok ako, paano ko ba siya mapipigilan sa binabalak niya? napapikit ako ng mariin bago ako tumabi ng upo sa kaniya. Halos atakihin ako sa kaba ng mapatingin ako sa ibaba. Isang maling galaw lang naming dalawa ay parehas kaming mamamatay
"What do you think you're doing retard?" he asked
I glared at him "Don't call me that. Kung may retard dito ikaw iyon at hindi ako!" I sighed "Alam kong may pinagdadaanan ka but ... seriously it doesn't make sense,hindi mo kailangang gawin ang bagay na ito"
"You know nothing retard.So could you please--just shut up and leave me alone" he said firmly
I shook my head "Mahirap lang kami pero ni minsan hindi ako nagreklamo kasi okay na ako sa kung anong meron kami. Not until I became a sick person. Kitang-kita ko kung gaano naghirap lalo yung pamilya ko... dahil sa akin ang almusal nila naging murahan,tanghalian nila sumbatan at gabihan ay sakitan. Sobrang sakit sa part ko na dahil lang sa pabigat na katulad ko ay naging miserable ang buhay ng mga mahal ko. Halos pinakyaw ko na lahat ng sakit,kaya naman napatanong nalang ako kung bakit ako pa? bakit ako pa eh mas mahirap pa nga kami kaysa daga"
I look at him "Ilang beses kong sinubukan na magpakamatay,kasi naisip ko na baka kapag nawala ako mas maging okay sila. Baka guminhawa buhay nila...Pero naisip ko,sino ba ako para magdesisyon kung kailan ko gustong mamatay? swerte pa nga ako kasi ang daming nag-aagaw buhay na hiling ng hiling na sana mabuhay pa para makita yung mga kaibigan nila o mahal nila sa buhay...Hindi kita kilala, pero sa tingin mo ba matutuwa 'yong mga magulang mo at mahal mo sa buhay kapag nalaman nilang ipinahamak mo ang sarili mo?"
Umiwas siya ng tingin "T-they are gone" he shook his head "They're dead,ako nalang ang naiwan sa amin. Iniligtas nila ako at sabay-sabay silang n-namatay" ilang saglit akong natahimik,kung ako ang nasa kalagayan niya baka hindi ko rin kayanin. Napatingin ako sa balikat niyang nanginginig,mukhang umiiyak siya
Dahan-dahan kong inilapat ang kamay ko sa likod niya at hinimas-himas iyon para patahanin siya "I-im sorry. I didn't know" muli akong napa buntong hininga "But seriously,hindi mo parin dapat ituloy itong binabalak mo. I mean alam kong mahirap—pero isipin mo na malaki ang utang mo sa kanila,nagsakripisyo sila dahil gusto nilang mabuhay ka pa. Sasayangin mo lang ba iyon? gusto mo bang mas masaktan sila kapag nalaman nilang nabaliwala lang yung sakripisyo nila para mabuhay ka?"
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at niyakap ko siya . Naramdaman kong natigilan siya pero mayamaya lang ay narinig ko ang mahina niyang pag hagulgol
Ilang saglit kaming nanatili na ganoon hanggang naramdaman kong himinahon na siya
Tumikhim ako "Sama ka sa akin?"
"Where?"
Ngumiti ako ng marahan "Basta,halika sama ka sa akin" dahan-dahan akong bumaba sa railings at marahan siyang hinawakan sa kamay para hilahin pababa
Nakahinga ako ng maluwag nang parehas kaming nakaalis ng maayos sa railings "Where are we going?"
I just shrugged "Come on! sumama ka nalang"