Chereads / Childish Prince / Chapter 11 - The Prince meets the Bestfriend

Chapter 11 - The Prince meets the Bestfriend

Habang nakahiga kami sa kama ay hawak ng mga kamay ko ang kamay niya. Nakaharap siya sa akin habang natutulog. Hindi ako makapaniwala na magkatabi kami ngayon at hindi nagbabangayan. I touch his face.

"I've never thought na one day magkakasama tayo. I've never thought na mahahawakan kita ng ganito katagal."

Mahina kong sabi kasi baka magising siya. Hinalikan ko siya sa noo. Gumalaw siya at niyakap ako. Para talagang bata ito matulog. Natulog na rin ako dahil maaga pa ako bukas.

-----*

Nasisinagan ng liwanag ng araw ang mga mata ko kaya napamulat ako. Nakita kong wala siya sa tabi ko. Bigla akong napabuhat sa pagkakahiga ko.

~panaginip lang ba yun?~

Pero imposible kasi nasa ibang kwarto ako.

Biglang may kumatok sa pinto.

"Gising ka na pala. Maaga pa,matulog ka na muna."

Napangiti ako. Nakasanday siya sa may pinto saka lumapit sa akin.

"Bakit? May problema ba?"

"Wala naman. Akala ko kasi panaginip lang yung kagabi."

Hinawakan ko ang kamay at mukha niya.

"Hindi ito panaginip. Nandito ako. Siya nga pala pinahakot ko na ang mga gamit mo sa condo mo para mamaya dito ka na tumuloy."

"Ahm,okay."

"Gusto mo na ba magbreakfast? Nagluto na ako."

"Sige."

Bumaba na kami para kumain.

"Wow. Ikaw nagluto ng lahat nang to?"

"Oo naman. Alam ko kasi na hindi ka marunong magluto at palaging sa fast-food ka lang palagi kumakain kaya pinag aralan ko ang pagluluto."

"Talaga? Thank you."

"You're always welcome my princess."

Pagkatapos mag almusal ay nag ayos na ako para pumunta ng school. Sabay na kaming pumunta ng school gamit ang kotse niya. Paglabas ko ng kotse ay pinagtitinginan kami ng mga studyante. Nailang tuloy ako.

"Pabayaan mo sila. Ngayon lang kasi sila nakakita na may kasama akong babae. You know,hindi pa ako nakipagdate kahit kaninong babae, hinihintay kasi kita."

"Alam ko naman na wala ka pang nadidate."

"Pano mo nalaman?"

"Famous ka kaya,lahat alam nila tungkol sayo."

"Baka nga yung mga fans mo pagdiskitahan ako eh."

"Don't worry, hindi yan mangyayari dahil may magbabantay sayo."

"huh? sino?"

Tumawa lang siya at tumuloy lang kami sa paglalakad. Natatanaw ko na si Jessica.

"Jessica. Good morning."

Nagkatinginan lang yung dalawa.

"Ahm,Jessica this is Chris,Chris ito naman si Jessica. She's my friend."

"Nice to meet you Jessica,please take care of her while Im not around."

"Ano ka ba. Ihahabilin pa ako. Ayos lang ako. Sige na baka malate ka pa. Bye "

Umalis na nga siya pero nakatingin pa rin sa akin ang ibang students lalo na yung tatlo.

"Pasok na tayo. Oo nga pala. Pasensya na kasi iniwan kita kahapon."

"Ayos lang,nasa mabuti ka namang kamay."

"Huh?"

"Ahh,ang ibig kong sabihin hindi ba siya ang kasama mo kanina? Siguro naman hindi ka niya pinabayaan."

"Hindi naman. Kababata ko siya. Dati hindi kami okay pero ngayon nagkaayos na."

"Ahh,mabuti naman yan. Ito nga pala yung notes sa naiwan mong subject kahapon."

"Ay thank you ahh. Hulog ka talaga ng langit. Siya nga pala,hindi na ako doon sa condo nakatira, lumipat na ako kay Chris."

"Ahh ganoon ba? Mabuti naman para safe ka."

"Huh?Safe saan?"

"Ahhh,ahm, doon sa tatlong yun."

Tinuro niya yung tatlong babaeng kanina pa nakatingin sa amin.

"Huwag mo na nga sila intindihin."

Habang pinag aaralan ko yung notes ni Jessica,tumunog yung phone ko.

"Naku si Rebecca, sagutin ko muna to."

Lumabas ako para sagutin ang tawag niya.

"Hello Becca?"

"Hoi bruha! Saan ka?"

"Nasa school,bakit?"

"Pumunta ako sa condo mo pero wala ka na doon. Pati mga gamit mo. Saan ka ba lumipat?"

Oo nga pala. Hindi ko pa nasabi sa kanya ang tungkol kay Chris.

"Mahabang story Becca, I'll tell you the details mamaya. Itext ko na lang sayo yung hotel na tinitirhan ko ngayon. I have to go,nandito na kasi prof namin."

"Okay. Bye."

After school ay pumunta na ako sa parking area para hintayin si Chris. Sabi niya kasi dumiretso ako dito at hintayin siya. Ayaw niya daw na umuwi akong mag isa. Habang naghihintay ay nakita ko si Anton na papalapit sa akin.

~Oh my. baka makita siya dito ni Chris,siguradong mag aaway sila pagnagkaganoon~

I tried to ignore him pero nakalapit na siya.

"Hey kanina pa kita kinakawayan,hindi mo ba ako nakita?"

"Oi Anton, ikaw pala. Sorry hindi ko napansin." Ano ginagawa ko dito?"

Hindi ako mapakali. Ilang minuto na lang nandito na si Chris.

"Okay ka lang, parang hindi ka mapakali."

"Ahh ,ehh. Wala naman. May hinihintay lang ako."

"Si Chris ba?"

"How-"

"Kalat na kaya sa campus,hahaha. Don't worry hindi ako magpapakita sa kanya. Alam ko na alam mo na ang alitan naming dalawa. At kaya hindi ka mapakali dahil darating na siya."

"Hehe, pasensya na ah. Ayaw ko lang na mag away kayo. Kaibigan kita kaya ayokong pag initan ka niya."

"Ano ka ba. Sanay na ako sa kanya. Ikaw ang mag iingat. Hindi mo siya lubusang kilala."

"Huh? what do-"

"Hey, What are you doing here with my girlfriend?"

Ayan na si Chris. Nanlilisik ang mga mata niya.

"Wala yan. Aalis na si Anton,di ba?"

"Dinidiskartehan mo ba siya?!"

"Pano kung sabihin kong oo?"

"Anton,ano ka ba?"

"Ahh,hehe, nagjojoke lang yan si Anton."

Sininyasan ko siya na umalis na.

"Mabuti at nandito si Yka,kung hindi-"

"Ano? Hinahamon mo ba ako?!"

"Umalis ka na kasi Anton."

Umalis na nga si Anton. Pero hindi pa rin naalis ang galit ni Chris.

" Bakit mo pa siya kinakausap? Alam mo naman na kaaway ko siya!"

"Eh lumapit siya. Saka kaibigan ko siya, Huwag ka nang magalit sa kanya."

"Pinagtatanggol mo ba siya?"

"Hindi naman. Relax ka lang. "

Sinusundan niya pa rin ng tingin si Anton.

"Hey, tumingin ka sa akin, please."

Tiningnan niya naman ako.

"Don't worry,kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Ikaw lang. Di ba pinag usapan na natin to. Huwag na tayong mag away."

Hindi siya sumagot. Pumasok na siya ng kotse.

Sumunod na rin ako. Sa daan tahimik kaming dalawa. Hindi pa siya okay. Hindi umiimik.

"Galit ka pa ba? Kung ayaw mo sa kanya hindi ko na siya kakausapin. Iiwasan ko na siya, wag ka nang magalit."

Tiningnan niya lang ako pagkatapos ay nagfocus ulit sa pagdadrive.

~Hayyyyy. Kailangan ko pang alamin kung ano ang mga gusto at mga ayaw niya para hindi na kami mag away~

Pagdating sa hotel nauna siyang naglakad at ako naman ay hinahabol ang mga yapak niya.

~ang hirap niya palang iplease kapag nagagalit. Pero ang cute niya kapag nagtatampo~ (^,^')

Hanggang sa makarating kami sa room ay hindi niya pa rin ako kinikibo. Hindi ko na muna siya kinulit baka mas magalit siya. Pumasok na muna ako ng kwarto para maghilamos. Paglabas ko ay hindi ko siya nakita.

"Asan ba yun? Baka lumabas."

May nagdoorbell. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Becca.

"Becca,hi. . . ahm, pasok ka."

"Dito ka na pala. Ang layo sa condo ko ah. Ang laki naman nito para sa isang tao."

"Ahh,ehh kasi Becca, may- may kasama ako dito."

"What?! Sino?"

"Huwag kang magpapanic ah. Kasi- kasi ang kasama ko dito yung kababata ko."

"Huh?! Yung nananakit sayo?! At bakit ka naman sasama sa kanya?!

"Hinaan mo lang ang boses mo. Kasi ipinagpaalam niya ako kay Daddy. Saka ayos naman na kami."

"It doesn't matter. Hindi kasi alam ni tito kung ano pinaggagagawa niya sayo,pag sinumbong ko si-"

"Isusumbong?"

Bigla namang dumating si Chris. Hindi siya kita ni Becca kasi nasa likod niya ito. Kaya pagharap niya.

"Isusumbong ki-huh? siya ang kababata mo Yka?!"

"Ahhh,oo eh. Becca siya si Ch-"

"Chris Alvin Mendez. OMG! Ikaw nga. No way!"

"Ako nga. Kababata niya noon, boyfriend niya ngayon,ikaw sino ka?"

"A-ako si Rebecca Montefalco, bestfriend ni Yka."

Hindi maalis ang mata ni Becca kay Chris. Di ba nga hinahanggaan niya ito.

"Shot ka naman Yka, hindi mo agad sinabi."

Bulong niya sa akin.

"Wait. Akala ko ba isusumbong mo siya kay Daddy?"

Biglang nag iba ang mukha niya.

"So ikaw pala, ikaw ang nananakit sa damdamin ng bestfriend ko. Hindi mo ba alam na muntikan na si-"

Pinigilan ko siyang magsalita. Baka masabi niya yung tungkol sa trauma ko.

"Muntik nang ano?"

"Wala yun. Ah ,hehe."

"Huwag mong sabihin sa kanya Becca please."

Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Haynaku! Pag ikaw sinaktan pa nito,makakatikim talaga yan sa akin."

"Kumain ka na ba Becca? Magluluto si Chris,hehe."

Pero hindi ako sure kung magluluto talaga siya. Hindi niya pa ako pinapansin eh.

"Hindi na. May dinner kami ng mga classmates ko. Aalis na ako. Tawagan mo ako kapag may nangyaring hindi maganda."

Pagkasabi noon ay tiningnan niya si Chris na matulis saka lumakad papuntang pinto.

"Siya nga pala, kakausapin pa kita Yka. Pagweek end, text nalang kita,bye."

"Sige,bye. Ingat ka. Mag enjoy ka."

Pagkaalis niya ay susubukan ko sana siyang kausapin pero umalis siya at pumunta ng kusina.

(>,<')

Sumunod ako sa kanya sa kusina. Naghahanda siya ng dinner namin. Habang naghihiwa ng patatas ay pumunta ako sa likod niya at niyakap siya.

"Sorry na."

Ilang minuto akong nakayakap sa likod niya hanggang sa hawakan niya ang kamay ko at humarap sa akin.

Hinalikan niya ako sa noo.

"I'm sorry din. Hindi ko lang mapigilang hindi magalit. Nag iinit talaga kasi ang ulo ko sa kanya. And maybe he's planning to steal you from me."

"That's not gonna happen. I told you na ikaw lang talaga,promise. Kaya huwag ka nang magalit."

Niyakap niya ako ng napakahigpit. I love the smell coming from his T-shirt.

"I love you so much,Yka."

"I love you more."

He kiss me sincerely. At bago pa humantong sa malalim ang halik niya,pinutol ko na.

"Oppss, magluto ka na please. Gutom na ako."

"Hahaha. sige."

Umupo ako at pinanood siyang magluto. Ang galing niya. Pwede na siyang maging chef.

Habang kumakain ay nagkwentuhan kami at nalaman ko na palagi niya akong pinapasundan mula noong umuwi ako dito sa Pilipinas.

"Hahahaha,talaga ba? So selos na selos ka na noon?"

"Oo. Sa lahat kasi ng makikilala mo ay si Anton pa."

"At isa pa,naalala mo ba yung unang araw na nakita mo ako. Nasa likod ako noon. Akala ko may boyfriend ka na kasi may tinatawag kang babe."

"Hahaha, si Becca yun. Tawagan namin."

"Huwag mo na siyang tawagin na ganoon. Ako na lang."

"Ayoko nga,hahaha."

"Ako na lang please."

"Ayoko."

Habang kinukulit niya ako may tumawag sa phone niya.

"Wait lang."

Lumabas siya saglit pagkatapos ay bumalik na siya.

"Yka, kailangan ko munang umalis. Emergency meeting lang. Tungkol sa business ko."

"Ahh .Sige. Ako ng bahala dito. Ingat ka."

Hinalikan niya ako sa pisngi tapos umalis na.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan namin. Then tumaas na ako para magreview. May quiz kasi kami bukas. Makalipas ang isang oras ay nahiga na ako. Wala pa rin siya. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.