Rainleigh Suarez's POV
"Mommy!" Leilani exclaimed as she runs near me. She's wearing her uniform and small yellow bag that I bought her last month.
She's so cute, damn.
"Look po, teacher stamped me a big star because I got the highest score again." Leilani said, pointing her finger to her left palm.
I'm really amazed how Leilani is determined to study hard. Don't get me wrong, I don't put pressure kay Leilani. She's just a kid who has that determination na kailangan maging highest palagi, that's her goal every day she goes to school.
Every day after school, ire-review ko siya then I'll make her sleep for about two hours after she finished her meal. I'll let her play for one hour then before she sleeps, I'll tell her bedtime stories.
I carried Leilani and kissed her right cheek, "Mommy's proud of you, darling." I smiled. Leilani just giggled and kissed my nose, "Dahil diyan bibilhan kita ng ice cream, do you want ice cream ba?"
"I love ice cream!" Leilani said, clapping her two cute-little hands.
I do not tolerate my daughter to eat too much sweets, her dentist told me not to engage Leilani to those types of foods and treats. Leilani's teeth are brittle, mabilis din siyang maadik sa isang pagkain lalo na't kapag gustong-gusto niya. Once a week ko lang siya hinahayaan kumain ng sweets, ayoko rin naman siyang pagdamutan na kumain ng mga ganun. As long as I can control her for good, I will.
Binuksan ko ang pintuan ng aking kotse at dahan-dahang inilagay si Leilani sa loob, then I put her seatbelt. I always make sure that she's wearing her seatbelt before I drive.
Nakakatuwa lang na napaka-polite niya kapag nagmamaneho ako, Leilani will just take a nap or look at those cars outside. She'll count those red cars that she saw then after that, she'll close her eyes and sleep.
Pumasok na ako sa loob ng kotse at naglagay na rin ng seatbelt, always for safety. Mamaya-maya pa ay nagsimula na akong magmaneho.
"Mommy?" Leilani said. I glanced at her and gave her a 'what face'. "I'm s-sad." she uttered.
I stopped the car and focused at her, "Why?" I said, caressing her straight-black hair. "Leilani, may problema ba?" I worriedly asked.
Ayaw na ayaw ko talagang nalulungkot si Leilani, nasasaktan ako kapag nalulungkot siya. Sobrang mahal ko ang anak ko, I can't imagine how I will live without my daughter.
Since Augustus left, she's all that I have now. I can't lose another love one again, no way.
Leilani removed her seatbelt and hugged me, "M-Mommy, nai-inggit po ako sa mga c-classmates ko." Nauutal niyang sabi habang umiiyak. "We are having a family gathering party po, all of my classmates have their own D-Daddy. While me, I only have one parent. I-I only have Mommy." Leilani said as her tears keep falling down her rosy cheeks.
Unti-unti akong nakaramdam ng kirot sa puso ko, ang sakit. Ang sakit makita ang anak ko na umiiyak dahil sa gago niyang tatay. Kung puwede ko lang sabihin sa kaniya na namatay na ang tatay niya eh, kaso ayoko namang magsinungaling.
I do not want to let Leilani live her life na nakatanim sa isip niyang patay na ang tunay niyang Ama, kahit na hindi naman talaga. Ayoko rin na matutong magsinungaling si Leilani, she's pure and honest.
I cupped her cheeks, "You're making Mommy sad too, Leilani. Ayaw mo na ba sakin?" Pagbibiro ko sa kaniya. Leilani stared at me for about a minute then she continued to cry, shit.
Sa ginawa ko parang mas pinaiyak ko pa anak ko, tanga-tanga naman Rainleigh. Imbis na pasiyahin mo anak mo, mas pinalungkot mo pa.
Hays.
"I love you Leilani, I will never leave you. Okay?" sabi ko habang hinahagod ang likod niya. My tears suddenly fell, "Your dad left us but I'm still here, mommy will never leave you. Mahal na mahal kita anak, tatandaan mo lagi iyan, ha?" I kissed Leilani's forehead.
Leilani look at me again and pouted, "Thank you, Mommy. B-But who's going to be my daddy for the party, Mommy?" she said, blinking her eyes.
"I'm here, I can be your mom and dad at the same time. Is that fine with you?"
Leilani smiled, "Opo!" aniya at bumalik na sa kaniyang upuan. "You're the best!" she said then wiped her tears.
After one hour of driving, we've decided to go home na lang. One of my hired bartenders messaged me that I have a visitor coming at RAINLANI BAR, he didn't told me my visitor's name because hindi raw niya ito kilala.
I named my bar na pinagsama ang pangalan namin ni Leilani. My parents suggested na mas maganda kung pangalan daw namin ng anak ko ang gawin, para daw unique pakinggan. Then ayun, I followed their suggestion.
Buhat-buhat ko ngayon si Leilani, she already fell asleep inside our car. Mabuti na nga lang at nakatulog kundi iiyak nanaman ito dahil hindi nabilhan ng ice-cream. Kaloka.
Dahan-dahan ko siyang inilapag sa kaniyang kama at hinalikan ang noo niya. She looks like an angel, hawig niya talaga si Augustus sa kahit anong anggulo.
Maraming nagtatanong sa akin kung nakakausap ko pa raw si Augustus, but I don't give a fuck.
Tapos na ako kay Augustus. Pagtutuunan ko pa ba siya ng pansin eh iniwan niya nga ako pagkatapos kong ibigay ang viginity ko? Tarantado.
Hirap sa tao, ang hilig mangialam ng buhay ng iba. Like, hello? May buhay din sila at iyon dapat ang pakelaman nila. Hindi 'yung puro sila chismis, mga hipokrito at hipokrita.
Umalis na ako sa tabi ni Leilani at lumabas na ng kaniyang kwarto. Mabuti na lang at may mga katulong akong mapagkakatiwalaan, sila 'yung kasama ko simula nung nahihirapan akong alagaan si Leilani.
Muli akong bumalik sa loob ng kotse ko at pinaandar ito. Wala na akong balak umalis ngayon dahil aasikasuhin ko si Leilani, I promised her last night that we'll watch movies together. Kaso, kailangan kong umalis. Baka kasi VIP customer ang bisita or isang kilalang bar handler, who knows 'di ba?
"Ingat ka po, Ma'am Rain!" sabi ni manong guard habang sinasarado ang gate. Nginitian ko siya at nag-salute.
I always do that to my hired security guards, deserve naman nila na maramdaman yung appreciation ko sa kanila. They stay up late at night just to guard us, just to make sure na safe kami ni Leilani sa loob ng bahay. Bali limang security guards ang binigyan ko ng trabaho.
I told them na kapag pumalpak sila sa trabaho nila, I won't give them second chances. Pumalpak na nga ng una tapos hahayaan kong maulit uli?
Segurista na kung segurista pero hindi ko iri-risk ang buhay namin ng anak ko sa mga palpak na tao. Kami na lang ni Leilani ang magkasama ngayon, both of my parents have decided to live at our house sa probinsya, which is okay lang sa akin dahil gusto naman nila iyon.
Maganda rin na nakakalanghap sila ng fresh air kada umaga, unlike dito sa Manila. Unang bukas mo ng bintana, polusyon na agad.
After two hours, I arrived safely sa RainLani Bar. As usual, ang daming tao, crowded at maingay. Iba't iba ang tipo ng makakasalamuha mo, halo-halo kumbaga.
"Ma'am!" Xen shouted, he's the one who messaged me awhile ago. Hindi kasi kami magkakarinigan kung mahina ang boses. As I've said earlier, maingay dito at crowded.
Nilapitan ko siya at nginitian, "Hey, Xen. Sino ang bisita ko?" tanong ko sa kaniya. Bigla ako nakaramdam ng pagkulbit sa aking balikat, humarap ako at—"Damien?!" I exclaimed.
Damien laughed at my expression, "Long time no see!" aniya at niyakap ako. I hugged him back.
Damien Morrison is my former-classmate in college, he's one of my so called 'manliligaw' noon. Matagal na rin kaming hindi nagkaka-usap. Simula kasi nung naging kami ni Augustus, hindi na siya nagparamdam. Nalungkot ako dahil naging close rin kami ni Damien, but I'm happy that he's here.
Hinampas ko siya sa braso, "Bwisit ka, ginulat mo ako. Haha!"
"Aray naman. Simula noon pa, malakas ka na talaga manghampas sa braso." Damien chuckled. "Kamusta na?" aniya at sinenyasahan si Xen na kumuha ng tequilla.
"Ayos lang ako, ikaw ba?" I responded. "May asawa kana ba?"
Damien sighed, "Divorced na." aniya at ngumiti ng pilit. Oof, dapat hindi ko na pala siya tinanong. Ininom niya ang isang baso na may tequilla, "Anyways, I have two little kids. Their names are Wylon and Rohan. Both male, they also look exactly like me." he added. "Ikaw ba, may asawa't anak ka na? Hindi ba't kayo ni Augustus?"
Bigla kong naibuga ang tequilla na iniinom ko, agad naman akong binigyan ni Xen ng tissue. "A-Ah," I chuckled. "Iyon ba?"
"Don't tell me y—"
"He left me." I cut off his sentence. "Tulad mo, single-parent. I also gave birth, her name is Leilani. She looks like her father, but mas kamukha ko daw sabi nila nanay."
Damien smiled, "Sorry to hear that but I'm amazed on your success, congrats sa RainLani Bar mo." aniya at tumungga pa ng isang baso. "By the way, babalik na daw ah?"
Tumaas ang kilay ko sa kaniyang sinabi, "S-Sinong babalik?" nauutal kong tanong.
Damien looked at me, "Ikaw na lang pala ang huli sa balita?" he chuckled. "Augustus will arrive here in the Philippines tomorrow, umaga ata dating niya galing Chicago."
Shit.
Hindi ba ako nagkakamali ng dinig? O baka lasing lang si Damien?
"S-Seryoso ka?!" sigaw ko. Napatingin naman sa amin si Xen at ang ibang taong malapit sa amin. "Sigurado ka?" bulong ko kay Damien.
Damien nodded.
This isn't happening.
Right?
Bigla kong naisip si Leilani.
Paano kung agawin siya sa akin ni Augustus?
Paano kung linlangin at siraan ako ni Augustus sa anak ko?
Hindi puwede.
Hindi maaaring malaman ni Leilani na babalik na ang kaniyang gagong tatay, ayoko at hindi pa ako handa na ipakilala si Augustus sa kaniya.
Hindi pa ako handa sa mangyayari.
Hindi pa ako handa makita ulit si Augustus.
Hindi ko pa kaya kahit limang taon na ang lumipas, masakit parin.
Naaalala ko pa nga lang ang ginawa sa akin ni Augustus masakit na eh, ngayon pang nalaman kong babalik na siya.
Naghihilom na ako eh.
Bakit ngayon pa?
Bakit ngayon pa kung kailan hindi ko na siya kailangan?
Bakit ngayon pa na nagiging masaya na ako?
Bakit ngayon pa siya babalik?
Unti-unting bumabalik ang sakit ng nakaraan. Kung puwede ko lang ito takasan nagawa ko na, kaso hindi eh. Hindi ko kaya takasan, patuloy akong hinahabol ng sakit na dulot ng nakaraan ko kay Augustus.
Hindi naman siguro kami pagtatagpuin ng tadhana.
'Di ba?