Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Legend of Amarantha

🇵🇭OppaAnja
--
chs / week
--
NOT RATINGS
9.8k
Views
Synopsis
"Pinanganak upang maging reyna. Nakatadhana para maging isang mandirigma." Ang inakala niyang isang gawang pantasya lamang na kwento tungkol sa sinaunang panahon ay siya rin palang mundo na makakagisnan niya. Nagsimula bilang isang alamat, isang babae mula sa kasalukuyan ang babago ng tadhana ng itinakdang maging reyna, ang papagitna sa sigalot ng magkalabang emperyo at siyang lilikha ng bagong kasaysayan na magtatak sa kanyang pangalan. "Ako si Amarantha. At ito ang simula ng panibagong alamat."
VIEW MORE

Chapter 1 - I: Ang Simula ng Alamat

(This story is a work of fiction. No part of this story shall be taken as fact or true or has any relation with any history era or figures, to which this story was inspired. Names, places, characters, events are made from the imagination of the author. )

____________________________

I

Ang Simula ng Alamat

:。・:*:・゚'★,。・:*:・゚'☆:。・:*:・゚'★,。・:*:・゚'☆:。・:*:・゚'★,。・:*:・゚'☆:。・:*:・゚'★,。・:*:・゚'☆

[Noong unang panahon, sa malayong imperyo ng Xu, may isang emperador na nagngangalang Wang Shu, na kilala sa pagiging malakas, matalino, makapangyarihan at tuso nito. Mula sa pinakahuling pagpipilian sa magiging tagapag-mana ng trono, nakuha ng malupit na emperador ang kapangyarihan mula sa siyam pa nitong mga kapatid dahil na rin sa nagawa nitong pigilan ang nakasaad sa propesiya ng mga bituin tungkol sa malaking pagbaha na siyang wawasak sa kanilang buong lupain at kikitil sa buhay ng lahat ng kanilang nasasakupan.

Dahil sa kadakilaan na ginawa ng emperador, ang taong bayan na mismo ang pumili at nagluklok sa kanya sa posisyon, kahit pa malayong-malayo sa paraan ng pamumuno ng nakaraang emperador—ang kanyang ama—ang pag-kontrol nito sa politika, kabuhayan at kapangyarihan ng imperyo, mas pinili pa rin ng tao na ibigay kay Wang Shu ang trono bilang pagtanaw na rin ng utang na loob sa pagbali niya sa masamang propesiya.

Sa loob ng ilang taon, nabuhay ang mamamayan ng Xu sa mabagsik ngunit komportableng pamumuhay sa ilalim ng pamumuno ni Emperador Shu. Mas naging masagana ang agrikultura ng imperyo, nagsimulang magkaroon ng pag-angkat at palitan ng produkto mula sa karatig imperyo, at nagkaroon din ng iba't ibang bagong pagtuklas sa larangan ng medisina, musika at maging sa pagpapaganda.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, isang pag-aaklas mula sa matagal nang kalabang tribo ng Imperyo ng Xu, ang mga Xan Miao, ang tumapos sa pamumuno ni Wang Shu at nag-iwan sa unang asawa nitong Fei Hong para pumalit sa trono. Pero dahil na rin sa hindi pagtanggap ng taga-payo at buong imperyo sa ideya ng babaeng mamuno, gumawa ng plano ang miyembro ng mga taga-payo upang mapatalsik at mawalan ng karapatan sa trono si Fei Hong at maibitay ito sa salang pakikisapi sa mga Xan Miao at planong pagpatay kay Emperador Wang Shu...]

:。・:*:・゚'★,。・:*:・゚'☆:。・:*:・゚'★,。・:*:・゚'☆:。・:*:・゚'★,。・:*:・゚'☆:。・:*:・゚'★,。・:*:・゚'☆

"SANDALI nga lang..." kunot-noong sabi ko sabay humarap sa matandang nagmamay-ari ng pinasukan kong antique ng book shop ditto sa Vigan matapos mabasa ang kwestiyunableng parte ng kwentong binabasa ko saka muling tiningnan ang halos maagnas ng litrato ng isang lalaki at babae sa clothbound na cover ng libro. "Fei Hong?! Akala ko pa si Ying Yue itong nasa cover, Tatang? Wala akong nabasang Ying Yue dito sa libro n'yo. May book two po ba ito? Sequel? 'Tang! Kailangan kong malaman ang susunod na eksensa!"

Nandito ako ngayon sa Vigan, ang lugar kung saan napili ng eskwelahan naming na magkaroon ng 'educational tour' para sa subject naming Humanities—kung may nangyayari nga bang "educational" sa pagpunta naming dito dahil sa byahe pa lang, puro walang kwentang facts lang ang pinagsasabi ng tour guide namin. Alam mo iyong facts na galing sa Wikipedia? Gano'n!

Matapos naming malibot ang mga tourist destination dito sa area, binigyan kami ng isang oras para mamili ng pasalubong at iba pang souveneir na p'wede naming iuwi o mag-photo shoot sa tila blast from the past na setting ng napaka-gandang probinsya ng Vigan para i-post sa social media at kung para saan man iyon magagamit.

Kanina, kasama ko ang ilan sa mga kaklase ko sa subject na ito at naglilibot-libot. Pero no'ng mapukaw ng atensyon ko ang antique book shop na ito sa may isang gilid ng daan, bigla nila akong iniwan mag-isa dito sa loob at sinabihan na babalikan na lang ako dahil alam naman nilang ang isang bookworm na gaya ko lang ang mag-e-enjoy sa ganitong klaseng lugar at masasayang lang daw ang isang oras nila dito.

Ang totoo n'yan, plano ko lang naman talaga sanang tumingin sa loob dahil sa napaka-gandang setting ng entrance ng bookshop na kung saan, naka-istilo na tila ba ang entrance nito ay hinango sa maka-lumang istilo ng phone booth sa ibang bansa, at habang may naka-stack na mga libro sa bintana nito sa isang gilid.

Kaya lang, habang naglilibot ako dito sa loob, isang lumang libro na tila ba galing pa sa sinaunang Tsina ang umagaw sa atensyon ko. Moon Lovers, iyan ang pamagat ng libro na translated din sa Mandarin sa gilid ng cover ng libro. Ang umagaw talaga sa atensyon ko sa libro ay iyong tila Chinese portrait sa cover nito.

"Sila si Emperador Wang Shu at ang babaeng mahal niya na si Ying Yue," tanda ko pang paliwanag sa akin ni Tatang na naka-Chinese clothing din at may suot pang shade na bilog; naka-shade siya kahit ang dim na ng ilaw sa loob ng tindahan niya. "Alam mo ba, Ineng? Noong panahon nila, hindi sila pinagtagpo ng mga bituan at buwan na tumadhana sa kanila. Namatay si Emperador Shun na hinahanap si Ying Yue at namatay naman si Ying Yue sa pag-aakalang kinalimutan na siya ng emperador at pinagpalit sa babaeng pinakasalan nito."

Dahil doon sa sinabi ni Tatang, mas lalong nagising ng libro na ito ang curiosity ko—at dahil na rin sa paboritong genre ko talaga ang tragic romance. At dahil sa manipis lang din naman ang libro at translated na rin sa Filipino (pero may nakasulat pa rin na Mandarin translation sa ilalim ng bawat pangungusap ng libro), nagpasya ako na basahin muna ang ilang pahina nito para malaman ko kung bibilhin ko ba siya o hindi.

Kaya lang, dahil na rin sa ganda at fast-paced nature ng kwento, nakita ko na lang ang sarili ko na upo sa isang upuan na gawa sa ratan na inalok ni Tatang at nagsimulang basahin ang libro.

At ngayong natapos ko na nga siya, wala akong nabasang Ying Yue sa kwento na ito.

"Tatang, sigurado ba kayong si Ying Yue itong nasa cover?" sabi ko pa sabay turo doon sa babae sa cover. "Hindi ba si Fei Hong ito?"

"Hindi, Ineng. Talagang si Ying Yue 'yan."

"E, nasaan nga ho si Ying Yue? Hindi naman siya nabanggit sa kwento!" pakiramdam ko nagtutunog batang nagta-tantrums na ako dito.

Pero hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman kung nasaan si Ying Yue at nasaan iyong tragic love story nila ni Wang Shu!

"Wala akong sinabi na nand'yan sa libro na 'yan ang kwento ni Wang Shu at Ying Yue," sagot pa ni Tatang sabay nagpakita sa akin no'ng nakakaloko niyang ngisi at isang ngipin niya sa harapan na gawa yata sa tunay na ginto.

Ang weird talaga nitong si Tatang, sa isip ko.

Magmula no'ng pumasok ako sa tindahan niya hanggang sa alukin niya ako ng upuan, hindi niya inaalis sa akin ang tingin niya. Pakiramdam ko nga, kahit no'ng nasa malalim na akong pagbabasa, nakasunod pa rin ang tingin niya sa akin. Pero pinili ko na lang na huwag punahin iyon dahil baka ako ang kauna-unahang customer niya ngayong araw—kahit malapit ng lumubog ang araw at malapit ng dumilim.

"Alam mo bang full moon na tayo mamayang gabi?"

Ha? Anong connect no'n sa tinanong ko? Litong sa isip ko pero pinili ko pa rin sagutin si Tatang. "'Tang! Sige na ho! Gusto kong malaman iyong kwento ni Wang Shu at Ying Yue!"

"Alam mo ba, sa paniniwala ng mga intsik noong panahon ng Xia Dynasty, kamalasan ang dala ng bilog na buwan. Base kasi sa alamat, kapag lumabas na ang ika-isang daan at isang bilog na buwan, doon na magaganap ang kinatatakutan nilang pagbaha."

"Iyong kagaya po ba dito sa kwento?" tanong ko sabay napatingin ulit sa libro saka binalik ang tingin sa matanda. "Teka lang po, 'Tang! Hindi ba't mythical era lang ang Xia Dynasty sa China? Walang relics o kahit anong patunay na nag-e-exist ang dinastiya na iyon. Nagsimula ang dynasty era ng China sa Shang Dynasty. Napag-aralan ho namin 'yan nitong nakaraang linggo lang sa eskwelahan namin."

"Ikaw na rin ang nagsabi na walang patunay na totoo ang Xia... gaya nang wala ring patunay ang makakapagsabing hindi nga iyon totoo."

Parang sumakit ang ulo ko sa huling sinabi ni Tatang.

Hindi ko gano'n katalino. Mas lalong hindi ko paboritong subject ang History. Pero paano natin mapapatunayan na totoo ang isang bagay kung wala ngang ebidensya?

"Bibilhin mo na ba 'yang libro?"

Muling bumalik ang atensyon ko kay Tatang. "Sige po," sabi ko sabay abot sa kanya ng libro, na siya namang sinimulang ibalot ni Tatang sa paper bag. "Iyong sequel po, ibenta n'yo na rin sa akin. Gusto kong makilala si Ying Yue. Lahat po ng book na mayroon sa series na ito, ibenta n'yo na sa akin. Desperado na ako, Tatang! Gusto kong mabasa ang kwento ni Wang Shu at Ying Yue!"

Hindi ako sinagot ni Tatang. Sa halip, inabot na lang niya sa akin iyong maliit na paper bag na may lamang libro at ang sukli sa binayad ko.

"Mag-ingat ka sa malaking baha, Amarantha."

Ilang beses ko pang pinilit si Tatang na ibenta sa akin ang kasunod na libro nitong Moon Lovers. Pero tinawanan na lang niya ako at sinabi na wala ng ibang libro ang binili ko.

Pakiramdam ko tuloy na-goyo ako ni Tatang dahil napilitan akong bilhin ang librong tapos ko naman ng basahin at wala naman palang kasunod. Hanggang sa makalabas na ako ng tindahan at makabalik kami ng mga kaklase ko sa hotel na pinagtutuluyan ng buong klase namin, hindi pa rin mawala sa isip ko ang tungkol sa kwento ni Emperador Shu at Ying Yue.

Sandali! Parang may mali dito...

"Paano nalaman ni Tatang ang pangalan ko?"