Chereads / Escaping from Billionaire / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

CHAPTER THREE

RASHEEQA's POINT of VIEW

"Huwag na nating gawing komplikado ang lahat, why not pumayag ka na lang sa gusto kong mangyari?" Naglakad siya patungo sa mahabang sofa at prenteng umupo.

May ugali din siyang magpaka-feel at home sa bahay ng iba. Wow.

"Umalis ka na lang kung ayaw mong idemanda kita ng trespassing." pananakot ko kahit na alam kong hindi oobra sa kanya ang mga ganito.

"I owned fifty percent of this condominium building. Just so you know."

Right. Ang sarap isaksak sa baga niya ang porsyento niya sa gusaling 'to.

Lumapit ako sa kanya at mariin siyang tinitigan habang nakapameywang. "Hindi mo ba talaga ako titigilan?" tanong ko pero umiling lang siya.

Bakit ba kasi ako ang pinipilit niya kahit ayaw ko naman talaga. Sa lawak ng business niya, sigurado akong hindi na niya ako kakailanganin para lang mag-endorse sa isang branch nila.

"Khiya, please come inside."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya kasunod no'n ang pagpasok ng isang babae na sa tingin ko'y ka-edad ko lang.

Sino naman ang isang 'to? Babae niya?

Kinuha niya ang dalang folder ng babae at kaagad itong pinalabas kaya naiwan na naman kaming dalawa dito sa loob. "Contract is waving. Perma mo na lang ang kulang." pagkatapos niyang ipakita sakin ang folder, inilapag niya ito sa table na kaharap niya.

"Hindi ako pipirma kahit na anong pilit mo sakin. Makakaalis ka na."

"Gustuhin mo man o hindi, pipirma ka."

"Sabi nang ayoko." pilit kong tanggi at balak ko na sanang talikuran siya nang bigla na naman siyang magsalita.

"Maawa ka naman sa anak mo— Oh refrain that word, maawa ka sa sarili mo. Ano na lang sa tingin mo ang iisipin ng publiko kapag nalaman nilang tinatago mo ang anak mo?"

Hindi ko alam kung saang lupalop niya nakuha ang impormasyon na may anak ako. Pero hindi ko pa din pwedeng aminin na may anak ako. Ayokong umabot sa punto na malalaman niya kung sino ang ama ng anak ko.

"Wala akong anak." maikli kong tugon

"Kalokohan. Tinago mo na nga sa publiko na may anak ka tapos ngayon nagawa mo pang itanggi sakin? Anong klaseng ina ka?"

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko kahit na gustong-gusto ko na siyang sampalin. Pero hindi pwede, kailangan kong magmukhang hindi guilty.

"Wala kang alam. Tandaan mo yan." tinalikuran ko siya at dumiretso sa kwarto ko.

Ang lakas ng apog niyang question-in ang pagiging ina ko kay Rasheen. Ni minsan ba ay naging ama din siya sa anak niya?

THIRD PERSON's POINT of VIEW

Inis na kinuha ni Spruce ang folder na nasa mesa. Magkasalubong ang kilay niyang lumabas sa condo ni Rasheeqa kaya hindi maitatangging wala ito sa mood.

Pumasok siya sa elevator at habang naghihintay sa loob, kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ang kanyang pinsan.

'Hey dude. What's up in the morning—'

"Sigurado ka bang anak niya ang batang yon?" putol niya sa kabilang linya.

'Dude? Pinagdududahan mo ba ang kakayahan ko?' tanong ng nasa kabilang linya.

Pagkatapos ng nangyari kahapon, binalot ng kuryosidad si Spruce kung kaya't tinawagan niya ang pinsan niyang si Denver Constello na isa sa mga top private investigator at kilala sa pilipinas. Pinaimbistigahan niya ang bata at kaninang umaga niya lang nalaman kung sino ang ina nito.

"She keeps on denying it, punk." halatang naiinis pa din ang binata hanggang sa makalabas siya sa elevator at narating ang basement kung saan nakaparada ang kotse niya.

'Ibenta na lang natin sa media ang tungkol sa anak niya. I'm sure this will cost a million—'

"I told you to keep it confidential. Subukan mong ipagkalat ang tungkol sa kanya, I will surely pull your agency down. Try me Denver." puno ng autoridad nitong sambit bago tinapos ang tawag.

Pumasok siya sa kanyang kotse at patapon na nilagay sa passenger seat ang folder. Inayos niya ang kanyang seatbelt at bago pa man niya paandarin ang engine ng sasakyan, nakatanggap siya ng tawag galing sa kanyang sekretarya.

'Sir, nandito sa opisina niyo si Ma'am Collen. Ano po ang gagawin ko? Pagkarating ko dito sa opisina, bigla niya na lang akong pinagbantaan na papatayin niya na daw ako kapag hindi ka dumating dito. Sir naman kasi, sinabi ko na sayo kahapon na pumunta ka sa opening ng boutique niya—'

Kaagad niyang tinapos ang tawag dahil hindi naman patungkol sa kompanya ang pagtawag ng kanyang sekretarya. Hindi niya ugali ang makipag-usap lalo na kung hindi naman siya interesado sa pinag-uusapan.

"tsk. Mukhang uso din dito ang Carnapped." mahina nitong bulong nang makita ang dalawang lalaking naka-bonet mask na kasalukuyang kinakalikot ang isang kotse na nasa hindi kalayuan mula sa nakaparada niyang kotse.

"Sasagasaan ko 'tong mga 'to kapag hindi pa umalis." napatingin si Spruce sa kanyang wristwatch at muling tinitigan ang mga carnapper.

Kating-kati na siyang bumusina pero pinigil niya ang kanyang sarili. Gusto niyang alamin kung ano talaga ang balak ng mga lalaking 'yon dahil kalahati ng Condominium na 'to ay pag-aari niya kaya natural lang na makialam siya sa mga insidenteng kagaya nito.

Makalipas ang ilang minuto, napahinto ang dalawang lalaking naka-bonet sa kanilang ginagawa. Nakita niyang palihim itong nagmamasid sa kabuuan ng basement at maya-maya'y nag-usap.

Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ang head security sa kabuuan ng gusali. "Send some security sa basement. Paki-check niyo na din sa surveillance cam kung bakit may dalawang taong naka-bonet ang nakapasok dito." utos niya sa kabilang linya at kaagad na in-end ang tawag.

Pagkatingin niya ulit sa gawi ng mga lalaki, nakita niyang may kausap na itong babae kaya kaagad niyang tinanggal ang pagkakaseatbelt pero hindi pa din maalis ang tingin niya sa tatlo hanggang sa biglang hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ng babae. Pilit itong kumawala at nagsisisigaw. Medyo nangunot naman ang noo ni Spruce dahil parang pamilyar sa kanya ang babae.

"Siya ba 'yon?" tanong niya nang makitang sapilitang kinakaladkad ng dalawang lalaki ang babaeng may-ari ng kotse. "Fvck!" dali-dali siyang lumabas sa kanyang kotse at tinitigang mabuti kung si Rasheeqa nga ang kinakadkad ng mga lalaki.

"HOY!" sigaw niya dahilan para ma-alarma ang dalawang lalaki.

Sapilitan nilang kinuha ang hawak na purse ni Rasheeqa at tinulak siya, pagkatapos ay sabay na tumakbo ang dalawang lalaking naka-bonet mask.

Mabilis na sinundan ni Spruce ang dalawang lalaki. Nang makalapit siya at maka-tyempo, hindi na siya nagdalawaang isip at sinipa ang likuran ng isang lalaking may hawak sa purse.

Bumagsak ito sa sahig at nabitiwan ang ninakaw nitong purse. Naiiling na lumapit si Spruce sa lalaking nakadapa. Aakmang tatayo na sana ito nang biglang tapakan ng binata ang likuran niya at sapilitang tinanggal ang bonet mask.

"Anong trip niyo?" maangas niyang tanong sabay hawak sa buhok ng lalaki at hinila ito pababa para makita niya ang mukha. "Sinong nag-utos sa inyo?" tanong niya pero hindi ito sumagot.

Alam niyang hindi lang purse ni Rasheeqa ang pakay ng mga ito. Kanina pa siya nagmamasid sa mga ito kaya sigurado siyang inutusan sila ng kung sino man.

Natigil lang ang binata sa pagtatanong nang biglang bumusina ang isang van na papalapit sa pwesto nila. Pabilis nang pabilis ang bilis ang takbo nito kung kaya't wala siyang nagawa kundi ang umiwas dahilan para makawala ang lalaki at mabilis na sumakay sa van na balak sanang bumangga sa kanya.

Napakuyom na lamang siya habang nakatingin sa papalayong van. Nang makaalis na ang van, bumaling siya sa dalaga na kasalukuyang umiiyak. Kinuha niya ang purse na nasa sahig bago lumapit kay Rasheeqa.

"Tang-na naman Rasheeqa. Sinabi ko na sayo noon na pag-aralan mo kung paano depensahan ang sarili mo. Bakit ba hindi ka nakikinig sakin? Paano na lang kung nakaalis na ako?" pasigaw na sambit niya sabay tapon sa harap ng dalaga ang purse. "L-ntik na mga security. Bakit hindi man lang sila nagbabantay dito sa basement? Kung hindi lang sana sila naging pabaya, edi sana hindi ka nagmumukhang tanga ngayon." halos mamula na si Spruce sa galit pero patuloy pa din sa pag-iyak si Rasheeqa. "Tigil-tigilan mo 'ko sa kakaiyak mo. Wala ka sa pelikula na ikaw ang bida."

"Bakit ka ba nagagalit?" pilit na pinunasan ni Rasheeqa ang basa niyang pisngi pero wala pa din siyang tigil sa pag-iyak.

"Tssk" hindi na nakasagot si Spruce kaya minabuti na lang nito ang pumasok sa kotse niya at iniwan ang dalaga. "Siya na nga 'tong tinulungan tapos hindi man lang marunong magpasalamat?" kaagad niyang pinaharorot ang sasakyan niya pero hindi pa din mawala ang pagkunot ng noo niya. "Fine. Bahala ka sa buhay mo." sigaw nito na animo'y nasa tabi lang ang kinakausap. 

Nagpakawala siya ng mga mura habang nagmamaneho hanggang sa bigla na lang siyang nag-U turn sa hindi malamang dahilan kahit  alam niyang bawal ang ginawa niya. Bumalik siya sa basement ng condominium. Nakita niyang umiiyak pa din si Rasheeqa kaya bumusina siya ng malakas para agawin ang atensyon nito.

Nang mapatingin sa gawi niya ang dalaga, binaba niya ang car window bago magsalita. "Sumakay ka na kung ayaw mong balikan ka ng mga 'yon." magkasalubong pa din ang mga kilay niya na para bang daig ang babaeng may dalaw.