Chapter One: Adjustment
Ang paligid ay nababalot ng iba't-ibang ingay at ang lahat ay may sari-sariling mundo. Ang iba'y naguusap, nagtatawanan, nagpapayabangan sa mga gamit at ang iba nama'y nagpapakilala sa isa't-isa na halatang nagkakahiyaan pa. Ang iba naman ay kagaya kong tahimik at nagoobserba lamang sa paligid. Sa kabilang dako nama'y nagkaroon agad ng makakalandian at malamang sa malamang bukas, makalawa siguradong sila na.
The room is fully air-conditioned, the wall is painted white and the floor is also coloured light. May mga sliding window na nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Tanaw mo din sa labas ang kabuuan ng campus. Nasa ikatlong palapag ang kwartong ito matatanaw mo talaga ang malapad na kabuuan ng campus.
Sa harap ay mayroon white board at isang desk which is exclusive para sa mga professors.
Dalawa ang pwedeng mag-occupy sa isang desk.
Polished wood ang mga upuan at madulas. Makinis ito at masarap sa balat.
Naupo ako sa last row katabi ng bintana.
Kasalukuyang bakante ang upuang nasa tabi ko at sana nama'y matino-tino ang makakatabi ko.
Maya-maya ay may pumasok na lalaking matangkad at maskulado ang pangagatawan, sa tingin ko'y professor namin ito. Nakasulot ito ng blue long sleeve at grey na pantalon dala ang bag ng laptop.
"Good morning!" malamig na tugon nito at tinignan ang relo at nilapag ang dala-dala nyang gamit.
"Goooood Moooorning sir," mabagal na usal ng mga kaklase ko at tumayo.
Ako nama'y pinagmasdan lang sila at hindi na nagpakapagod tumayo. Sa likod naman ako ehh di naman ako makikita nyan.
"Enough... with your childish and highschool act!" pagsesermon nito. "You're no longer in highschool, so you must practice proper gestures. Not Goooooood Mooooorning siirrr. it's Good Morning, simplier as that" dagdag pa nya
"I'm Rigel Castor, an grammar enthusiast. So expect criticism when it comes to proper grammars and expressions," pagpapakilala nito sa sarili. "Starting this time you must speak english in my class regularly. Are we clear?" dagdag pa nya
"Yes Sir!"
"In alphabetical order, introduce your self in front, detailed and clearly," sabi nito at isa-isang tinawag ang mga pangalan.
Hindi na ako nagpakahirap kilalanin kung sinu-sino sila.
Ang nakakainis lang ay malapit nang tawagin ang pangalan ko.
Lumukob ang kaba sa aking dibdib nang tawagin ako.
Yung biglang pipitik ng malakas at bibilis ang tibok ng puso mo, ta's manlalamig pa ang nga ngipin mo.
"Next, Allison Klein Relojas"
Ayaw ko sanang tumayo pero no choice. Parang gusto ko pang magdalawang isip pero inulit-ulit pa ang pagtawag sa pangalan ko. Dahan-dahan akong tumayo at tumungo sa harap.
"Allison Klein Relojas, i'm 19 years of age. That's all," mahinang wika ko at akmang aalis na ng marinig kong nagsalita si sir kaya napahinto ako.
"Is that how you introduce your self?"
"Sir?" nagtatakang tanong ko dito at nagtaas ang dalawa kong kilay.
"Is that how you speak in front? Proper introduction indicates lot of your personal information, right?"
Hayss, ganito ba sya kaperfectionist?
Aba't ano pa bang kailangan kong sabihin? Kung paano ako inire ng nanay ko? Kung paano ako natutong huminga?
natahimik ako at yumuko
Nakakahiya
"Ok then, what's your interest and passion?"- tanong nito at bumuntong hininga
"Uhmm," pagiisip ko at pilit inaalala kung ano nga ba ang hilig ko. Bakit? Ano nga ba?
"i'm fond of reading books," sambit ko. The heck hindi ako nainform na nasa interview session na pala ako. Tsaka hindi ko alam na mahilig din pala akong magbasa ng libro? Hays ewan, wala na kong masabi ehh. Pero totoo naman, kapag bored ako nagbabasa naman talaga ako ng libro, kaso parang wala namang pumapasok sa isip ko, basa lang ako ng basa ket wala ng namang maintindihan.
May itatanong pa sana si sir nang may biglang kumatok at lahat kami ay napatingin sa pinto.
Isang babaeng maputi at maikli ang buhok.
"Sorry i'm late," nakangiwing sambit nito at halatang hingal
"Any valid reason for being late?" sabi ni sir at pinapasok sya.
Gusto ko ng bumalik sa likod at umupo pero baka magalit si sir at baka sabihin nya namang bastos ako. Para nga lang akong tangang nakatayo dito. Umatras na lamang ako at naghintay na paupuin ni sir. Pero parang nakalimutan na yata ni sir na nadirito pa ako.
"Hehe, traffic po si..."
"Pssh, the most common excuse. Introduce your self," pambabara agad ni sir sa babae.
Aba't wala yatang good manners at right conduct si sir? Naturuan ba to ng mabuting asal nu bata pa sya?
"Hi Everyone, good morning, my name is Leigh Alvario. 19 years of age. I'm originally from Davao but i used to study here for better privileges and higher quality of education. I currently resides in my aunt's hands while i'm here. Looking forward for better affiliation with you. Pleased to meet you all!" masiglang sabi nito tsaka gumuhit ang malaking ngiti sa kanyang mukha.
"You may now seat" sabi ni sir sa babaeng bagong dating
"And you also Relojas," sabi nito nang lumingot sa akin.
Buti nalang di na nya tinuloy ang tanong nya kanina.
Kanina pa kaya ako nakatayo dito. Buti naintindihan nya naman, as if.
Dali dali akong umupo at ito namang si Leigh ay naghahanap pa ng mauupuan nang napunta ang paningin nya sa'kin at nilapitan ako.
"Uhm, may nakaupo di..."
Umiling ako pagputol ko agad sa sasabihin nito.
"Hi?" nakangiting sabi nito kaya nginitian ko din ito.
"What's your name again?"
"I'm Klein" nahihiyang sabi ko at ngumiting muli.
Sa totoo lang, gusto ko ang pagiging positive ni Leigh. Ramdam ko ang masiglang awra nya't kung paano nya ipakilala ang sarili nya sa harap. Kaano-ano nya si Jollibee?
Matapos magpakilala ang lahat ay nagumpisa si sir na iorrient kame although naorrient na kame kahapon pero mas pinaliwanag nya itong muli.
Mas detalyado at mas malinaw.
"By next week, the reporting will start. But because it's too early, you will be collaborated with your seat mates," nabalot ng bulungan ang paligid, ang iba ay natuwa at ang iba nama'y salungat
"So Relojas and Alvario, both of you must be prepared."
Taas kilay kaming napatingin ni Leigh kay sir.
"You two will be the first to do the report, i'll gave the proposition later," wika ni sir at tila nablack out ako.
Wuttt? Next week na agad? Ta's kami agad?
"Ok then, is there any questions, recommendations, suggestions, concerning to this conversation?"
"No, sir"
"Then that's all for today, class dismiss," sabi nito at umalis.
Wala na din kaming sumunod klase at lunch break na kaya nagumpisang nagsialisan ang mga kasama namin.
"Uhmm klein? Maglalunch ka na?" tanong ni Leigh.
Actually gutom na ako, wala akong kinain kanina dahil sa ayaw kong malate.
"Uhmm oo, ikaw?" sabi ko at tumango-tango
Tumango din ito at sinabing "sabay na tayo?" masigla nya pang saad.
Tumango nalang ako at sinundan sya.
No choice ako, ayaw ko namang kumain mag-isa. Marami pa namang tao ngayon sa cafeteria, it's lunch diba?
Ayaw ko namang walang kasama.
Pumunta kame sa Cafeteria; maraming upuan, pero halos lahat occupied na.
Open ang Cafeteria at kita ang paligid ng campus, sa kabilang banda ay nakita namin ang mahaba-habang pila.
Pumila kami para bumili ng makakain.
Mahaba ang pila pero kailangan naming magtiyaga at maghintay. Nakakagutom nga ehh.
Nang ako na ang susunod sa pila ay may biglang nagsalita. Isang magandang babaeng may blonded na buhok na bahagyang nakakulot, may katangkaran ito at i think ay nasa higher level na sya.
"Tabi!"- sabi nito at pinaurong ako
Ayy teka? Diba't ako ang nauna sa pila?
"Ay teka miss," pagsingit ni Leigh at kinuha ang atensyon ng babae
"Yes?" taas kilay nito sabi
"Doon po ang kahulihulihan ng pila diba?" maarte ding sabi ni Leigh at tinuro ang dulo ng linya.
She rolled her eyer at tinalikuran lang kame nito at tila pakialam
"What ever," sabi pa nya
"Ay ate, hindi po tama yan." iritadong sabi ni Leigh at naiinis na.
"Pakialam mo ba?" sambit ng babae at lumingon
"Hah? paki ko? Ang akin lang po, pumila po kayo ng maayos," inis na sabi ni Leigh
"Ahm Leigh," pagpapakalma ko sa kanya nang mapansing pinagtitinginan na kame.
Wala kaming nagawa kundi pabayaan nalang sya.
Nang makuha namin ang inorder namin ay naghanap kami ng mauupuan.
Nang may nakita kami ay agad namin itong pinuntahan.
Pero bago pa man kami umupo ay may humarang na sa'kin. Aissshh! muntik nang matapon ang pagkain ko.
"Oppss Sorry," nakangising sambit ng babaeng sumingit sa pila kanina. Kasama pa nito ang dalawang babaeng may katabaan habang ang isa nama'y mapayat.
Totoo lang naiinis na din ako pero kinakalma ko lang ang sarili ko, ayaw ko ng gulo.
"Aba't anak ng! nauna kami diba?? Sumusobra ka na kanina ka pa ahh!" galit na sabi ni Leigh na para bang ano mang oras ay magwawala na.
"Ehh ano naman?" mayabang na sabi ng babaeng kasama ng humarang sa'kin.
At hindi lang 'yon umupo pa sila at parang walang nangyayari.
Huminga si Leigh ng malalim at sinabing "Hindi kami naghahanap ng gulo hahh? Pero parang gulo ang naghahanap sa amin"
"Oh bakit? Papalag ka?" sabat ng kasama ng babaeng may atraso sa amin
At nakapamewang na tumayo at humarap sa'min.
Binagsak ni Leigh ang dala nyang tray at ininuman ang inorder nyang juice sabay tapon sa kasama ng babae.
"How dare you? sabay hila ng buhok ni Leigh
Aishhhh, eto na nga bang sinasabi ko ehh.
At heto kami ngayon, nasa sentro ng atensyon ng mga tao.
Hindi ko naman malaman kung anong gagawin ko.
Hindi naman nagpatalo si Leigh at hinila din pababa ang buhok ng babae at nagsabunutan. Ayaw kong masali sa gulo kaya't di ko sila magawang awatin. Wait paano ba?
"Jean, tama na!"
Binitawan ng babaeng si Jean ang buhok ni Leigh
"I won't forget this day you bitches!" galit na sabi ng humarang sa'kin kanina
"We won't talaga" pabalik na sabi Leigh at natawa.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao, hayyy nakakainis, ano ba tong pinasok naming gulo?
"You mess with me, you bitches" pahabol nito at tinuro-turo pa kame
"You mess with me, you bitches" pahabol nito at tinuro-turo pa kame
"No, you're absolutely wrong, you mess with a wrong person." taas kilay na sabi ni Leigh at inayos-ayos ang sarili.
Ako nama'y parang nabrain wash sa bilis nang pangyayari.
"Ohh? Ayos ka lang?" tanong nito at tumango-tango naman ako
Bilib na ako sa katapangan ng babaeng to.
Nanliliit ako sa sarili ko at wala man lang akong nagawa para ipaglaban ang sarili ko.
Tinalikuran kame nito at umalis sa kung saan.
"Leigh?" tanong ko dito nang maayos na kameng nakaupo.
"hmm?" nakangiting sabi ulit nito. Hayssst, kung kanina'y parang tigre ito, ngayon nama'y parang maamong pusang ngumingiti sa akin.
"Saan mo nakuha ang ganyang klaseng katapangan?" tanong ko dito at umupo
Natawa ito, "Hmm, wala lang." Ngumiti ito. "Sabi kase ng mommy ko kapag nasa tama ka ay ipaglaban mo, huwag mong hayaang apihin ka ng ibang tao" sabi nito
"Swerte ko lang kase maikli lang ang buhok ko at may nakabawi ako sa sino ba yun?" natatawang sabi pa nya
***
Natapos kaming maglunch at nandito kame ngayon naglilibot sa buong campus.
"Uhm taga saan ka nga?" tanong ko sa kanya out of the blue
"Ahh taga davao, well actually last month lang talaga ako dito. Nako ang hirap pala magadjust, ang hirap baguhin ng nakasanayan, like kailangan kong sundan ang flow ng mga taga-rito. Ang hirap kaya magtagalog uyy," sabi nito
sa totoo'y kanina ko pa pansin ang kaibahan ng accent nya sa pagsasalita.
"Kamusta naman doon?" tanong ko.
Actually kanina pa sya nagkukwento at nagsasalita, ako naman ang tagadivert ng topic. Hindi narin ako nahihiya kausapin sya, like patango-tango lang ang isasagot ko sa kanya kanina.
"Ahh Doon? Napakaayos. Hindi masyadong laganap ang krimen, hindi masyadong magulo doon kase highly implemented ang peace and order sa Davao. Alam mo yun? Masyadong organized, kaso napakahigpit nga lang lalo na kapag gabi, kaya nga isa daw sa pinakasafest na lugar ang Davao dito sa Pilipinas," pagpapaliwanag nya
"Maraming magandang puntahan doon like samal island. Sikat din ang Roxas Night Market, lagi nga kame dun ehh."
Patuloy sya sa pagkukwento habang napatigil naman kami sa isang bench.
"Teka, upo muna tayo. Kanina tayo lakad ng lakad, kakapagod"
Ako nama'y tumango-tango at sumangayon sa suhestyon nya.
Nang makaupo kame ay napatanong sya.
"Ikaw, ano naman background life mo?" tanong nito sa akin
Natahimik ako, ano nga bang nangyari sa buhay ko.
Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ehh... wait ano nga ba? Ahh basta.
"I'm from cavite, doon talaga ang bahay namin. Ang Papa ko ay nasa abroad at doon nagtatrabaho. May isa akong kuya at nagtatrabaho somewhere dito sa Manila kaso di naman kami close nun tsaka mortal kaming magkaaway," wika ko at bahagyang natawa.
"Ahh, so nadodorm ka pala?" tanong nya
"Hindi, i rent small apartment."
Ilang sandali ay nabalot kami ng katahimikan at napagdesisyunan nalang naming bumalik sa room at hintayin ang next subject.
***
Natapos ang klase almost 4:00 pm. Wala namang ibang diniscuss at puro orientation ang naganap.
"Ayy oo nga pala, Klein." pagtawag nito sa'kin at nilingon sya. "Paano pala natin magagawa ang report? It will be next week na. Kainis kase yang Rigel nayan ba't tayo pa ang inuna" inis na sabi nya, the way na matatawa ka sa mukha nya.
"Hmm, iresearch muna natin ang topic tapos gawin natin this Friday or Saturday? Pwede?" sagot ko habang inaayos ang sarili
Tumango ito
"Basta i message mo lang ako hah? Baka makalimutan ko," dagdag ko pa
"Ok, ohh type mo lang phone number mo," sabi nya at inabot ang cellphone.
Habang naglalakad kame palabas ng building ay may nakita akong lalaking papunta sa direksyon namin. Matangkad ito, nakasuot ng grey na t-shirt at nakasukbit ang isang strap ng bag
"Ohh Leigh? Ikaw ba yan?"- manghang tanong ng lalaki
"Oo Gunggong ako to," masayang sabi ni Leigh sa lalaki at yinakap ito.
"Akala ko patay ka na, gunggong. Hindi ka nagpaparamdam ehh." wika ni Leigh at nagtawanan sila then narealize nila na i'm standing here at naa-out of place.
"Huhh? Ehh ikaw yung hindi nagpaparamdam no," sagot naman nito
"Ayy Sorry Klein, si Calix nga pala. Kababata ko"- pagpapakilala ni leigh sa lalaki
"What? Kababata? Sorry miss pero best friend yata ako ng babaeng to" saad ni Calix sabay akbay kay Leigh ng marahas.
"Arayyy! Masakit!" singhal naman ni Leigh
"By the way Klein, i'm Calix" paguulit nito sabay lahad ng kamay
"Klein," sabi ko at tinanggap ang kamay nya at
sobrang lambot, hindi magaspang,
anak mayaman siguro to
Tsaka alam mo yung feeling na makahawak ka ng kamay ng ibang tao.
Feels like, ahh ewan.
"Oyy tama na yan," bara ni Leigh nang mapansin nyang hindi pa rin bumibitaw si Calix.
Tila natauhan naman syang parang naging yelo sa pagkalutang.
Magkasabay kameng lumabas ng Gate.
Nauna na ring sumakay si Calix sa kanyang motor.
Tinanong pa ni Leigh kung gusto kong sumabay sa kanya at hintayin ang sundo nya. Pero tumanggi ako't sinabing may dadaanan pa. Sinabi pa nyang pwede naman daw akong hintayin pero umiling ulit ako't sinabing matatagalan at importante ang dadaanan ko.
Tumango nalang ito.
Syempre hindi naman totoo yun. Nakakahiya naman sigurong makisabay sa kanila diba?
Nagpaalam na akong sasakay na ng Jeep para makauwe na. Nakakapagod kaya.
"Sige, bukas nalang hah?"
Tinanguan ko lang sya at kinawayan
Nagabang na ako Jeep pero punuan na ang iba, rush hour kase ngayon at marami talagang nasisiuwian.
Maya-maya ay nakahanap na ako ng masasakyan.
Medyo siksikan pero oks lang, basta makauwe.
Anong oras na pa man. Nagugutom at napapagod na 'ko.
***
Nang makarating ako ng apartment ay nagbihis ako ng pambahay.
Nagpasya akong magprepare ng makakain para sa hapunan, ako lang naman ang kakain so naisip ko nalang magluto na lamang ng easy to cook processed food para wala ng hassle.
Ayy, wala na rin naman pala akong maluluto dahil tamad akong mamalengke kaya Processed Food at lutong pagkain nalang ako umaasa. At di din kaya ako naturuan ni Mama na mamamalengke. At ang mas malala ehh hindi rin ako marunong magluto.
Hays, anong klase babae ako?
Inispoiled lang naman kase ako ni Mama kaya lagi akong umaasa sa kanya.
Dapat pala bago ako pumarito ehh nag-aral nalang muna ako kung pa'no magluto at mamalengke.
Ang hirap-hirap nga pala talagang mamuhay mag-isa. Kase ako? Nabuhay lang talaga kase akong laging nandyan si Mama sa lahat ng oras.
Alam mo yun? Kahit na maglaba lang ng damit ko ay sya pa ang gagawa.
Nahuhome sick na talaga ako. I don't like this feeling na napakatamik ng bahay tapos wala kang kausap. This room is filled with solemn serenity.
Last month lang din noong lumipat ako dito, napakalaking adjustment ang ginawa ko. Tama ang sabi ni Leigh, napakahirap nga talagang magadjust sa mga bagay ma nakasanayan. Yung feeling na parang ipapanganak kang muli at maguumpisa ulit sa una.
Ayyyyttt, I don't like this feeling Anylonger.
Ehh anong magagawa ko ehh ginusto ko to.
'kala ko madali at magiging maayos ang lahat, akala ko lang pala.
Nang naluto ang niluluto ko'y tinanggal ko sa saksakan ang mumurahing stove na nabili ko noong lumipat ako dito.
Hinayaan kong mabusog ang sarili ko.
Nang matapos akong kumain ay ininom ko na ang Maintenance na hindi ko alam kung para saan, ang pagkakaalam ko'y natatanggal ang sakit ng ulo ko kapag iniinom ko 'to.
Well, madalas kaseng sumasakit ang ulo ko noong nasa edad kinse ako, nagiging ulyanin na nga din yata ako ehh.
Sabi ng mama at papa ko, makalimutan ko lang daw maligo wag lang ang pag-inom ko nito.
Nang matapos kong lagukin ang tubig sa baso ay nagsipilyo na ako.
Pumunta na ako sa kama at nagumpisang magpahinga.
Maraming nangyari't isa itong nakakapagod na araw at nararapat lang sigurong magpahinga na ako.
At dahil ako lang ang mag-isa dito sa bahay ehh hindi ko pinapatay ang ilaw.
Nakakatakot ehh.
Baka may biglang humila sa paa ko.
Maya-maya ay bumigat ang talukap ng aking mata at tuluyan na akong natulog.
***
The Innocent Killer
By:JayCeexxvi