Chereads / Wild Tigress / Chapter 27 - Chapter 26

Chapter 27 - Chapter 26

"Mommy! I want to come!" He said with a thick American accent on it.

"Simon...I already told you that Mommy needs to do something important." I told him while fixing my clothes.

I'm wearing a white bodycon dress paired with flat beige sandals. Hindi na ako nag-abala pang maglagay ng make-up dahil ayoko rin namang makakuha ng attention doon.

Mahigpit kong niyakap ko ang aking anak na umiiyak. Hindi sanay si Simon na hindi kami magkasama.

Mukhang mahihirapan ata ako lalo na kapag pumasok na ako sa review center.

Mabuti na lang at inaliw ito ni Manang. Tahimik akong pumuslit palabas. Manong offered to drive me at BSU dahil may lakad din naman daw siya sa plaza.

"Ingat po kayo!"

I was mesmerized by the sudden change of BSU. Mukhang pinarenovate ang kabuuan ng paaralan. Ang dami pala talagang pwedeng mangyari sa loob ng limang taon.

The lady guard asked me where I'm headed to. I told her that I'll go get my papers at the registrars. She let me signed on the logbook then let me go.

Kaunting lakad lang ay naroon na ang office ng registrar. It was located near the red benches.

"Good Morning po!" I greeted the manĀ  in window one.

Matagal niya akong tiningnan. Mukha atang kinikilala ako. Hindi naman ako madalas pumupunta dito kaya hindi ko siya maalala.

"Ah! I'm here po to get my TOR and other certificates for board po." Mabilis itong tumango sa akin.

"Pangalan mo po?" He asked.

"Donna Pascal po." I politely replied.

He typed something on his computer at saka may prinint.

"Punta ka muna sa cashier at saka bayaran mo iyong para sa TOR mo at iba pa. Tapos pumunta ka sa accounting para makapag file ka ng request form tapos balik ka dito." He said.

Mabilis lang naman pala iyon. Alas nuebe palang naman ng umaga. Mas maagang matatapos, mas okay.

I went to the cashier and paid for my papers. Napakunot ang noo ko ng makitang nasa two hundred pesos iyon. Ang mahal naman!

Sunod kong pinuntahan ay ang accounting. Katabi lamang ito ng cashier's office.

"Miss Pascal!" The old lady filing the forms greeted me. Hindi ko na siya maalala kaya naman maliit na ngiti lamang ang iginawad ko sa kanya.

"Naku! Miss Pascal! Iyong clearance mo pala hindi natapos, nandito pa rin naman ang mga prof mo noon. Papirmahan mo lang to sa kanila at saka bumalik ka dito. Mas maigi sana kung before lunch ay tapos ka na." She apologetically said.

I nodded at her and received the forms. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa faculty rooms lamang sila.

I doubt that Gab is here. Masyadong mataas ang pangarap niya. Inalis ko na lamang sa isipan ko ang posibilidad na maaaring nandito siya.

I went to the faculty room. Bakas sa mga mukha nila ang saya ng makita ako. Kaunting kamustahan at saka mabilis nilang pinirmahan ang naudlot kong clearance form.

Bago mag lunch ay tapos na ako sa mga papeles ko. I can hear my hungry stomach begging to be fed. Kumain na lang ako sa pinakamalapit na karinderya bago umuwi.

Tulog si Simon pag-uwi ko. Tinabihan pa ito ni Manang. Tahimik akong nagbihis ng damit pambahay.

I checked Andy's message about the review centers I want him to check. Halos lahat ng iyon ay ang mamahal.

I only have two months to review. Kailangan kong maipasa agad ang board.

I remembered about the offer of my dean. Baka nga pwede pa nila akong tanggapin basta magbabayad ako.

Halos fourteen thousand ang bayad para sa dalawang buwan. Pinaghahandaan ko rin kasi ang fifth birthday ni Simon.

Kinabukasan ay muli akong bumalik sa BSU. I asked them if they are still accepting reviewee for the boards. Sinabi naman nilang tumatanggap pa sila. Mabilis ko iyon inasikaso ng sa ganon ay makapagsimula kaagad ako.

I was about to start tonight kaya lang ay ipagsisiksikan ko sa schedule ko ang pagpasa ng mga papeles ko para sa board. I booked a flight around ten in the morning.

Marami-rami ang nakapila pagdating ko plus masyado pang traffic. I patiently waited until lunch time and until it's over. Alam kong magsisikain ang mga ito.

When they're done ay agad akong sumingit. Buti na lang at walang number na ibinibigay. I was able to passed it around two in the afternoon.

I once again booked a flight back to Naga. Traffic sa may Pili area. My class is around six in the evening. Dahil sa traffic ay ala singko na ako nakarating sa may BSU. Mabuti na lang at mayroong malapit na bookstore doon. I bought one green apple notebook and a gtech pen.

It was five minutes before six when I got there. Mukhang magkakakilala ang mga tao sa loob. Tahimik akong umupo sa pinakalikuran na parte.

My class is six to ten in the evening. Magseself study na lamang ako para sa ibang mga lessons.

Halos mabuwal ako sa aking kinauupuan ng makita ang pamilyar na mukha. He entered the room with intimidation screaming on his aura. Saglit niya inilibot ang kanyang paningin. I looked down on my empty notebook.

Alam kong ininform na siyang may bagong salta dito. As much as possible ayokong magkaroon kami ng interaction sa labas ng klaseng ito.

I don't have time on him. I have my priorities now.

He started lecturing. Mabilis ko naman iyong naalala dahil nakatago pa naman ang mga lumang notes ko noon.

I started writing the clue words from his powerpoint presentation. Pilit ko iyong isinisiksik sa isip ko. Kailangan kong mag double time dahil dalawang buwan na lamang at board exam na. Swerte ko na lang talaga na tinanggap pa rin ako kahit super late ko na mag enrol.

Medyo nalito ako ng magsimula na siyang magturo sa chemistry. I tried to hid the confusion in my face lalo na dahil inililibot niya ang kanyang tingin. We are around seventy persons inside this room.

Akala ko ba matayog ang mga pangarap niya? Bakit nagtuturo pa rin siya dito? He should be inside a huge company!

Pero baka may pamilya na rin siya. Mas itinatak ko iyon sa aking isipan. He means nothing to me now. I am sure of that.

-----

promoting my wattpad account: penelophie