Namumula ang mukha ni Charm nang muli kaming harapin. Napailing na lang ako sa kanya at saka ngumisi.
I didn't expect that she didn't know about my pregnancy. Jerard knew it. He saw me vomitting my heart out. But he didn't tell anyone.
Tanging sina Jerard, Andy, at Liam lamang ang nakakaalam na nabuntis ako. During my labor, Liam was the one who took care of me. Nakalipad lamang papuntang US si Andy nang matanggap niya ang unang sahod niya. Baliw talaga.
"We're going to stay here until ten in the evening. May flight kami papuntang Naga by ten eh." I explained to them.
Sa Pili Airport maghihintay si Manong sa amin. When he heard na uuwi ako ay agad siyang nag volunteer na susunduin kami.
Dahil pagod sa biyahe ay umidlip muna ako. I woke up around eight in the evening. Wala na ang anak ko sa tabi ko. Panigurado ay abala na iyon sa pakikipaglaro kina Andy.
Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ang tatlo habang masayang naglalaro. Sumikip ang aking dibdib. That could be me, my son, and his father...only if he wanted us.
"Kung ako sainyo magpapakasal na ako para makagawa na ng anak." I teases the both of them.
Tinaasan ako ng kilay ni Andy. "Ikaw nga eh naunang anakan bago pakasalan...ay mali...hindi pala papakasalan."
Mabilis ko itong binato ng tsinelas. Too bad, my son got hit. I hurriedly went to Simon who eyed me with madness in his eyes while pursing his lips. He really looked like his father.
"Mon-mon is hurt! Bad mommy!" He screamed that made me more worried.
Namula ang pisngi ni Simon dahil sa ginawa kong pagbato ng tsinelas. Mabilis naman siyang kinarga ni Charm at saka dinala sa kusina. She smiled at me. Mukhang nalilibang siya sa anak ko.
"He looked like the angry Sir Gab every recit." She playfully said while calming Simon.
Napailing na lang ako. We ate dinner. Hindi naman choosy sa pagkain si Simon. I let him eat vegetables most of the time.
Hinatid kami nina Andy sa airport. As usual ay pinatulog ko muna si Simon. It was around eleven in the evening when we got to Pili.
Agad kong nakita si Manong na tila ba nawala sa pagkakaantok ng makita kami. If only my Dad is here, his reaction would also be the same.
Nang mawala si Daddy ay hindi ako iniwan ni Manong Theo, ang driver ni Daddy at ng kanyang asawa na si Manang Lena. Ika nila ay sanay silang nandito para sa amin...para sa akin.
"Manong!" I excitedly waved at him. Mabilis siyang lumapit sa amin at saka kinuha sa mga bisig ko ang tulog kong anak.
"Kay laki na ng anak mo!" Ngayon lang kasi nila nakita si Simon. Right after graduation ay inayos ko na ang mga dapat ayusin at saka lumipad papuntang US.
"Namiss ko ho kayo." My heart melted. I grew up having them around.
Nang tumira akong mag-isa ay masyado akong nahirapan. Swerte ko na lang dahil madalas akong bisitahin ni Liam. Ang alam ko ay palipat-lipat iyon ng bansa.
Tahimik ang naging biyahe namin papunta sa bahay. Wala sina Manong ng anak kaya maging sila ay pinatira ko na rin sa amin.
Inihanda na raw ni Manang ang aking silid. Laking gulat ko nga ng makitang gising pa ang pamilya ni Andy. It looked like they waited for me.
Mom, Dad, thank you for leaving me with such wonderful peope. Pakiramdam ko ay nandito pa rin kayo sa tabi ko.
Malaki na ang batang kapatid ni Andy. Ito pa nga ang bumuhat ng bagahe namin. I think he's on his higher grade in elementary.
"Buti naman at nakarating na kayo!" Bati sa akin ng Mommy ni Andy.
Nagmano naman ako sa kanila. "Naku po! Dapat ay hindi niyo na kami hinintay pa!"
Dahil pagod din naman sa biyahe, hinayaan na nila akong magpahinga. Tulog na tulog pa rin ang anak ko.
Tantya ko ay halos tatlong araw lamang kami dito. Kailangan ko lang makuha ang mga grades ko at iba pang mga papeles nang sa ganon ay maasikaso ko na ang mga requirements para sa board exam. Kailangan ko pang maghanap ng review center. Pinagkakasya ko na lang ang natitirang pera namin. God! Halos naubos lahat ng pera namin sa US. Iyong limang ari-arian namin na ibenta ko ang siyang ginastos ko sa apartment, pagpanganak, at mga gamit namin ni Simon. Hindi rin kasi ako nag-abalang kumuha ng trabaho roon dahil akala ko ay aabot iyon ng sampung taon.
Simon got sick when he was around two years old. Naconfine siya kaya malaki talaga ang nagastos ko roon.
Kinabukasan ay halos sabay kaming nagising ng anak ko. I kissed him on his forehead the moment he opened his eyes.
"Good morning, baby big boy. We're at your Lolo's house na." In an instant ay mukhang wala na siyang antok na nararamdaman.
Mabilis itong bumangon at saka tumitingin-tingin sa paligid ng kwarto ko.
"I have many playmates here!" Humalakhak ako dahil mukhang excited na siyang lumabas sa aming kwarto.
We first did our morning routine. I told him he still needs to eat his breakfast first.
Pagbaba namin ay naroon na sina Manang. Mukhang nahiya ata ang makulit kong anak.
"Greet them good morning, anak." He nodded and greeted them in a small voice.
God! Gustong-gusto ng maraming tao pero nahihiya naman. I can't blame him. Hindi kami masyadong lumalabas ng bahay sa US.
Right after eating breakfast ay mabilis siyang niyaya ng mga kapatid ni Andy na maglaro. Nasa garden na ang mga iyon.
"Ah, iiwan ko nga po pala sainyo si Simon. Lalakarin ko lang po kasi iyong mga papeles ko sa school." I told Manang Lena.
Tumango naman siya sa akin. "May pasok naman bukas sina Andrew at Andrea kaya mababantayan ko naman si Andy." She added.
"Saan ka nga pala, hija, mag-rereview? Limang taon din ang nakalipas." Nag-aalalang tugon sa akin ng Mommy ni Andy.
"Sa BSU ang alam ko ay mayroong review center doon." Dagdag naman ng asawa nito.
The mere thought of BSU reminded me of one person. Natatakot akong makita siya roon. Natatakot akong malaman niya na may anak siya. Natatakot akong maramdaman ng anak ko na hindi siya mahal ng sarili niyang ama. Natatakot ako na...baka...may asawa na siya.
------
this story may have more than 30 chapters! thank you for spending time with GabxDonna!