I'm Zeina Standford,17 years old,nakatira kami... ay mali,ako lang pala,nakatira ako sa bayan ng Allviana,dito ako lumaki,noon ay kasama ko pa ang mama at papa ko,pero maaga silang napunta sa Heaven noong 10 y/ol palang ako,kaya napunta ako kila tita Mean ko at maayos naman nila akong naalagaan,kaso sobrang nahihiya nako sakanila,kaya naman nag desisyon ako na bumalik sa Allviana at manirahan mag isa,ngayon ay kailangan kong magtrabaho,tutal ay hindi naman ako nag aaral ngayong taon,iniisip nila tita na ienroll ako sa pasukan pero tumanggi ako,mas okay na sakin mag trabaho,saka ang sabi ko ngayong taon lang naman ako hindi makakaapag aral para makapag ipon kahit papaano,wala na silang nagawa at sumangayon nalang sila.
nag part time job ako sa isang kainan ng Chicken Bite,apakabait ng amo ko sa totoo lang!,kung minsan nga ay sa sobrang dami ng kumakain ay tinutulungan nya akong mag serve,apaka ganda at mabait pa.
may isa kaming costumer na laging kumakain dito,lalaki at mga nasa Middle Fifties na siguro,lagi nya akong inoobserbahan,tinatanong kung saan ako nakatira at kung nag aaral ba ako.
"bayan ng Allviana?,hindi ba't napakadaming tambay,mapuputik,at napakainit sa lugar na iyon?"tanong nung lalaki.
"ahh opo,pero magkakapamilya po ang turingan ng mga tao sa bayan na yon,ang mga tambay ay hindi basta tambay lamang,ipagtatanggol ka nito kung sino man ang manggulo sayo kung taga Allviana ka,halos nakababatang kapatid nanga po ang turing nila saakin,at tita titahan naman po namin ang matandang tindera na tinatambayan nila!"natutuwang sabi ko,ewan ko ba pero tuwang tuwa at proud na proud ako kapag ako ay nag kukwento tungkol sa bayan namin.
napatawa naman ang lalaki at tumango tango,"kung ganon ay napakasaya pala sa Allviana"sambit nito at natawa pa ng bahagya.
biglang napakunot ang noo nito at nag tatakang tumingin saakin,"bakit ka nga pala nag tatrabaho dito imbis na mag aral ija?"tanong nito na ikinatigil ko sa pag pupunas ng lamesa.
"ngayong taon lang po ako hindi mag aaral dahil mag iipon ho muna ako ng pera para sa sarili ko,ako nalang po kasi magisa ang bumubuhay sa sarili ko,nahihiya napo kasi ako sa mga tita ko kaya bumalik ako ng Allviana"paliwanag ko at ngumiti.
"nakita ko ang husay mo sa pag asikaso sa mga Costumers,nakikita ko din kung paano mo pakalmahin ang mga nagwawala at mga lasing,siguro ay ikaw ang karapat rapat"sabi nito at tumangongo.
"huh?,a-ano pong ibig nyong sabihin?"tanging tanong ko.
"ikaw ang napili kong mag aalaga sa anak ko,50k a month,pag aaralin din kita sa Khisfire Academy upang kahit papaano ay nakkaapag aral ka at the same time natututukan mo ang anak ko dahil dun din naman sya nag aaral,okay ka ba doon?"tanong nung lalaki na umaasa sa sagot ko.
hindi ako nakasagot agad,nakakabinging katahimikan ang bumabalot,ng biglang basagin ng amo ko ang katahimikan.
"Sir,tiyak akong tatanggapin ni Zeina yan hindi ba?,kailangan mo kamo ng pera at makakapag aral kana!,this is it pancit beh!,gora na!"masayang sabi nya.
Tama,kailangan ko ng pera,basic lang naman mag alaga,tch easy peassyy!
"Yes!,tatanggapin ko po!"sagot ko na ikinatuwa nya,ang amo ko naman ay pumapalakpak pa.
"kung ganoon ay halika na,marami pa akong ididiscuss saiyo,uhm By the way,I'm Jonathan Smith"pakilala nya at inaya nya ako sa napaka gara nyang sasakyan,yumakap saakin ang amo ko at kumaway kaway.
"yes Mr.Smith"sagot ko at ngumiti sya.
Nag simula na akong sumakay sa kotse nya.
eto na ang araw na mag sisimula na akong bumangon!