Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

BEAUTIFUL SCANDAL

🇵🇭Ashley_Grace_Puno
--
chs / week
--
NOT RATINGS
211.2k
Views
Synopsis
On the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung anong ginagawa ng kanyang asawa sa kabilang kwarto. Para pansamantalang makalimot, lumayo siya at nagtrabaho. Pero kung hindi nga naman niya hawak ang tadhana, wala siyang magagawa kung anong kababalaghan ang ihahambalang nito sa kanyang daraanan. Sa pamantasan kung saan niya sinimulan ang panibagong buhay ay muling nagtagpo ang landas nila ng pangahas na lalaking nakasama niya sa honeymoon. Ang malala pa ay isa ito sa mga estudyanteng kailangan niyang hasain ang kakayahan. Susuko ba ulit siya at tatakas? O, tanggapiin ang panibagong hamon ng kapalaran kahit ito ay mauwi sa isang eskandalo.
VIEW MORE

Chapter 1 - Simula

TATLONG sunod-sunod na shot ng champagne ang muling ibinuhos ni Oshema sa kanyang bibig kahit lango at umiikot na ang paningin. Ngayon ang unang gabi ng honeymoon nila ni Rune at hindi niya alam kung anong gagawin. Malamang kanina pa naghihintay ang asawa niya doon sa suite nila. Iniwan niya ito habang nag-shower. Hindi siya makapaniwala sa sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niyang lumabas sa pagmamadre at magpakasal sa lalaking hindi niya mahal para lang maisalba ang negosyo nila. Siguro sa pamantayan ng iba ay hindi iyon tama pero wala siyang choice. May sakit ang kanyang Papa at ayaw niyang may mangyaring masama rito. Noon pa man ay tutol na ito sa pagpasok niya sa kombento kaya nang nakiusap itong talikuran niya ang kanyang bokasyon at magpakasal kay Rune para sagipin ang kanilang negosyo ay hindi na siya nakakontra pa.

Dalawang shots pa ang nilagok niya saka sinubukan niyang tumayo. Pero wala ng lakas ang kanyang mga tuhod. Napasubsob siya sa bar. Dalawang malalakas na kamay ang naramdaman niyang sumaklot sa kanya at binuhat siya. Sa sobrang kalasingan pati pagmulat ng kanyang mga mata ay hindi na niya kayang gawin.

Napakislot na lamang siya nang madama ang paglapat ng kanyang likod sa malambot na kama kasunod ang mabigat na katawan sa kanyang ibabaw at ang mga labing sumakop sa kanyang mga labi.

Pinilit niyang dumilat pero kadiliman ang sumalubong sa kanyang paningin kaya ipinikit na lamang niya ulit ang mga mata. Para siyang nasa isang panaginip. Nakasakay sa alon. Idinuduyan. Dama niya ang bugso ng sakit pero nawala din at tinangay siya ulit sa umiindayog na kaluwalhatian. Sumusunod sa kumpas ng isang mahiwagang sayaw na humahagod at lumilikha ng nakababaliw na sukdulan.

Sindak. Galit. Pagkalito. Sama-samang rumehistro ang mga iyon sa magandang mukha ni Oshema nang magisnan ang lalaking katabi niya sa kama. It wasn't Rune.

"Who are you? Where is my husband?" Nalilitong tanong niya sa estranghero at mabilis na hinapit ang kumot upang takpan ang hubad na katawan.

"Your husband," nagsalita ito sa malamig na tono, "he must be in the next room." Bumaling ito sa kanya na may matalim na tingin.

"Sino ka?" Napangiwi siya sa pagsigid ng kirot sa kanyang sentido. Sobra siyang nalasing kagabi, wala na siyang maalala sa nangyari.

Umalis ng kama ang lalaki. Tanging boxers lang ang suot nito at di niya maiwasang hagurin ito ng tingin. He is devilishly good-looking. His skin is lightly tanned, makes him looked more manly. The abs, the biceps and his iron-clad legs are firm signifying how strong those are.

Nalipat sa mukha nito ang paningin niya. He has the perfect eyebrows accentuating his deep set hazel eyes hiding behind those thick eyelashes making him look so mysterious and dangerous. His nose is carefully molded like an art and the lips are well-contoured by a flawless curves and merciless red.

"If you want answers, come with me." Nagsalita ito pagkatapos magbihis at inabot sa kanya ang robe na nakasampay sa may headboard ng kama.

Nahimasmasan siya at kinuha ang robe at isinuot. Naramdaman niya agad ang pagkirot sa pagitan ng kanyang mga hita. At lalong nagulantang nang makita ang mantsa ng dugo sa bed sheet. Oh, God! Ano bang nangyayari? Nagkamali ba siya ng pinasukang kwarto? Tinakpan niya ang bibig at gusto na lamang humagulgol ngunit hinawakan siya ng lalaki sa kanyang pulso at hinatak siya palabas ng silid. Nagtungo sila sa katabing kwarto.

Mahihinang ungol mula sa kungsaang sulok ng madilim na silid ang sumalubong sa kanila pagkabukas ng pinto. Pumasok sila at ganoon na lamang ang pagkatulala niya nang makita ang asawa niyang si Rune na nasa sofa, hubo't hubad. Bagamat hindi babae ang kasama nito at sinusuyo kundi isang lalaki.

Nagulat din ang dalawa na magkahinang ang mga katawan. Nagmistulang estatuwa ang mga ito habang nakatingin sa kanya.

"God!" Ang tanging nasabi ni Oshema at mabilis na pumihit paalis. Malakas na paghagulgol ang pinalaya niya nang sapitin ang honeymoon suite. Nanaginip lamang ba siya? Tama. Panaginip lamang lahat ng ito. Pinukpok niya ang naninikip na dibdib. Nahihirapan siyang huminga. Parang may bumara sa kanyang lalamunan.

"Shem?" Tinig ni Rune mula sa pintuan. Tila basang sisiw ang lalaki na nakatayo roon.

Blangko ang mukhang tumingin siya sa asawa. Ang mga mata ay tigmak sa maraming luha na hindi niya alam kung papaano patitigilin sa pagbukal.

"I'm sorry, gusto kong sabihin sa iyo ang tungkol dito pero natatakot ako." Nagsimula itong magpaliwanag habang humahakbang papalapit sa kanya.

"Ang lalaking kasama ko rito kanina, sino siya?" Mabangis niyang angil. Hindi katanggap-tanggap na ginalaw siya ng lalaking hindi niya asawa at higit sa lahat hindi niya kilala.

Huminto si Rune. Nasindak sa nakikitang galit sa mga mata niya. " Ang lalaking iyon, siya ang binayaran ko para gawin ang obligasyon ko sa iyo."

Tila huminto sa pagtibok ang puso niya. Kung isang bangungot ito sana may gigising sa kanya, kung hindi baka masiraan siya ng bait.

"I'm sorry..." Pumiyok ang boses ni Rune.

Mahigpit na nagkuyom siya ng mga kamao. Ang mga mata ay nanlilisik sa sobrang poot.

"Hayup ka!" Mabalasik niyang sigaw at sinugod si Rune ngunit may humarang ang estranghero at pinigilan siya.

" Alis na, Rune." Anito sa asawa niya.

Kandarapang lumabas ng silid si Rune.

"Bitiwan mo ako!" Nagwala siya mula sa pagkakapigil ng lalaki. Suntok, hampas at kalmot ang inabot nito mula sa kanya. Ngunit hindi siya nito pinakawalan. Nakipagtagisan siya ng lakas rito pero bandang huli ay siya din ang talo.

Sumigaw siya ng pagkalakas-lakas at sumalampak sa sahig. Inalalayan siya ng lalaki habang nananaghoy ng buong kapaitan. Lumabas ba siya ng monasteryo para ganito ang kasasapitan niya? Nagpakasal siya sa isang bakla at nakipagtalik sa lalaking hindi niya kilala. Hinulog niya ang sarili sa impeyerno.

Sinong sisisihin niya? Si Rune na niloko siya at pinagtaksilan? Ang estrangherong nagsamantala ng pagkakataon? Ang mga magulang niya na pinilit siyang magpakasal sa lalaking hindi karapat-dapat ng kanyang respeto? O, ang sarili niya? Naduwag siya. Naging tanga. Hindi niya ipinaglaban ang kanyang pangarap. Kung sana ay nanindigan siya, hindi niya sasapitin ang kababuyang ito.

"Have you got your money?" Humihikbing tanong niya sa lalaking tahimik lang na nanonood sa kanya. Tumango ito. "Then leave me alone."

Umalis ito at iniwan siya.

Sumiksik siya sa may paanan ng kama, niyakap ang mga tuhod. Kung hindi siya naglasing kagabi malalaman sana niya na hindi si Rune ang kasiping niya. Hindi man lang siya nagduda. Paano nga naman siya magdududa? Paano niya malalaman ang kaibahan ni Rune at ng estrangherong iyon? Paglabas niya ng monasteryo, nakatakda na ang kasal at dahil abala sila sa preparation, wala siyang naging pagkakataon para kilalaning mabuti ang lalaking pakakasalan. Hindi niya naranasang madama ang halik at yakap nito.

Sumubsob siya sa mga palad at napahagulgol. Para na siyang sasabog at iyong pakiramdam na halos mababaliw siya.