"Here."
I pressed on the canvass once more bago kinalat ang kulay. Kinakarir ko talaga itong minor ko. Pangrelease din kasi ito ng stress at the same time pangdagdag sa creativity side ko.
Sitting infront of my project, I glanced at the window checking the time of the day. Ngumiti si Senior Anne directing me to focus.
Nasa senior high na ko so malapit na ang judgement day bago mag entrance sa college.
I must know exactly saan ako pupunta...
"Vera Mira Yanne? Andito ka ba?" May tumatawag mula sa labas ng org room.
Binaba ko si brush at sumilip sa pinto.
"Sarah, bakit?" Pabulong na tanong ko sa kanya tapos tiningnan ko ang reaction ni senior.
"OSA... tawag ka."
Umiling si senior Anne... "Sige.. ituloy mo na lang ulit bukas."
"Pasensya na po." Nilinis ko ang lugar ko at tiningnan ang obra ko na di matapos tapos...saka umalis.
"Urgent ba?" tanong ko kay Sarah na kablock ko sa ABM.
"Gaya ng dati... ano, push mo ba ito teh?"
Ngumiti ako sa kanya.
"Geeeesh... Mira, ang alam ko transferee ito from a very far far far province."
"Noted." I replied at nagtungo kami sa OSA.
"I heard na si transferee ay Grade 9 na. Dapat Grade 8 yata siya pero na accelerate siya."
"So matalino siya."
"Hmmmn... baka.. may iba pa bang dahilan?"
Sumilip ako sa pintuan ng OSA. I found a student talking to the staff.
"Okay, so papasok na ako Sarah."
"Sige.." at siya ay umalis.
This is my student job sa Hamilton High. Bilang scholar, may service ako sa OSA after classes everyweek. Minsan natatamaan ang Org class ko. Buti na lang understanding si senior Anne.
Sa serve ko madali lang ang kailangang gawin...
1. Follow the instruction carefully.
2. Be obedient.
3. Be courteous.
4. Respect.
I smiled at Sir Jim, staff in charge.
"This is Miss Mira. Siya ang magtutour sa iyo sa campus."
I smiled at the transferee.
"Hi po. I am Rye Leon Lardizaval incoming grade nine po."
He bowed to show respect. Natawa naman ako but changed facial expression when Sir Jim frowned.
"Ah.. I see. Tara simulan natin sa Classrooms. " I bowed at Sir Jim.
"So Grade 9 ka... mukhang ang bata mo pa."
He looked quickly away.
"Umh.. actually grade eight po ako."
Looking at this kid, nakakatampo sa langit na magka height lang kami. Plus, mukha ngang intelligent ito.
"This building is for senior high schoolers like me. That side, dyan kami, ang area ng ABM..."
"ABM?"
"Am.. yeah pag gusto mo ng courses na related sa business.. yun ang strand."
"I see. I am planning to take up STEM po."
What? Napaisip ako... he continued to walk and I followed. This kid.. alam yata niya ang tungkol sa tracks.
Kalma lang Mira.
"Here. Dito ang area ng Juniors. " I opened the gate.
"That building, St. Martin, dyan ang Grade nine at ten."
"I know...dyan ako nagexam last week."
Goodness!!! I checked my watch, I still have 30 minutes.
Next, pumunta kami sa Cafeteria at Canteen. He said kumain na siya don.
Pumasok kami sa library, he whispered about reading a book of JK Rowling sa isang lugar. Tinuro niya sa akin kung saan iyon exactly.
I asked kung nakita na niya ang Sports Zone. He just stared.
"Wait... mag seseven na kapatid. Should we stop na tutal mukhang namasyal ka na sa buong campus."
Naupo na ako sa park ng school sa pagod. He just stared.
"Sabihin mo... lahat ng facilities napuntahan mo na?"
Umupo na din siya sa kabilang bench. "Hindi ko pa nakikita ang Music Room."
"Why music lover ka? or hater?" He did not reply.
"Okay fine. Tomorrow... papasok tayo ng maaga..."
"No way!"
I eyed him.
"Sorry po.. pero mag i stay po ako sa classroom ng maaga dahil first time ko po."
"Sige during lunchbreak." Yun lang ang alam kong safe na sched.
"Sigurado po kayo?"
"Hey, mukha ba akong manloloko? Eto ha..." I stood and showed my palm. "Pili ka...sa lima." I am pertaining to my fingers.
"Huh?" He was surprised pero mas nagulat ako sa kinilos ko.
"Pili na..." dahil malapit na akong ma awkward.
Mabilis niyang sinuri ang kamay ko. He looked at me. I smiled at him.
Gamit ang hintuturo niya pinili niya ang point finger ko. "Eto." Agad niyang inalis ang daliri niya sabay tayo.
I laughed.
"Okay.. bukas lunch time sa library."
He walked towards the dorm.
I shouted, "Bye!"
Kaloka.
"Ayyyyhhii.. kinikilabutan ako ahhhh." I inspected my pointing finger then the other four fingers. "Bakit kaya ikaw ang pinili niya? Samantalang pare parehas lang kayong lima." Because, the fingers or choices are just nothing.
I went home.
***
So kinabukasan, naabutan ko si Sarah sa org room ng SC.
"What's up… anong nangyari sa transferee?"
"Why?"
"You were reported. Luka ka!"
"Huh?!" I sat on a vacant chair at umusad palapit sa kanya.. "Seryoso yan?"
Sarah frowned, "Nakakahiya sa OSA.. dapat kasama ako sa tour na iyon pero dahil tiwala ako na magiging maayos ang lahat hinayaan na kita. Alam mo ba kung paano kita ni recommend?"
"Wait! Wait! Maayos naman ang lahat…ginabi pa nga kami eh. Alam mo ba na alas otso na ako nakauwi? Bumiyahe pa ako…"
I stood. Bakit ako nageexplain eh di naman ako guilty!
Reported? Ako?
I looked at the wall clock. Time check may 5 minutes pa bago matapos ang recess.
"I will talk to that transferee."
"Yeah. Mag sorry ka."
No way.
Pag labas ko ng org dumeretso ako sa Junior area.
Students were watching me. Ofcourse, I was wearing a Senior uniform. Senior ako at wala akong paki alam kung nakikita nila ako ngayon dito. I spotted the Grade 9 and 10 building. Mukhang nag aayos na sila kasi ilang minutes na lang ay regular class na.
Tumakbo ako sa Grade 9 halls carefully checking each room kung nasaan ang weirdo na iyon.
I bumped on to somebody. "Sorry!" I said. "Saglit lang…" tinawag ko ang bata, "may transferee ba dito? I need to talk to him."
"Ah, si Rye?"
Rye?
Rye ba iyon?
"Ah oo siya nga. Pwede tawagin mo siya?"
"Sige po." Pumasok siya sa room at sumigaw. "Rye ang ate mo nasa labas!"
Schocked! Ate?
He stepped out from the room. That Rye.
"Hi…" I said then the bell rang.
"Bell na." He left me.
"Hoy bata… di pa tayo tapos!" And eyed him.
Nakalabas na ako ng St. Martin Building nang tawagin ako ni Carl, our class rep.
"May inasikaso lang… about serve ko pasensya na rep!"
"Tara na… sabi ko kay Miss C natagalan ka lang sa banyo. I was out to get these."
He showed me the papers. Worksheets.
"Oooh… ilang columns yan?"
"Six."
***
"Hindi pa balance." So binura bura ko ulit.
"Okay class, I will wait for the sheets sa faculty room until 1 pm."
"What?"
I redo my work from Trial Balance na magulo na.
Inabutan na kami ng lunch grabe. Naluluha na ako.
What's more nakakataranta ay yung schedule ko sa weirdo na iyon. So I really rushed.
12:30 pm, naipasa ko ang worksheet na sa awa ng Maykapal ay tama naman tapos tumungo agad ako sa library. But where in the library???
Tiningnan ko ang desks at tables…wala siya. Then, I went to a corner… he was talking about that place yesterday.
Wala siya doon. Sinilip ko ang bintana na tanaw ang park. Iniisip ko kung ano ang ginawa ko bakit niya ako nireport sa OSA. I was mad kasi kabaliwan nga yung ginawa ko eh.
I looked at my hands… then sa pointing finger ko na pinili niya. Sinukat ko yung portion na hinawakan niya… one inch.
I pointed on the air. "May virus ka ba? Tsk."
"Walang virus dito." Someone said.
I turned to that person.
He walked towards me…slowly he took my hand na naka raise sa ere and checked those especially ang hintuturo.
"Anong ginagawa mo?" Sabi ko nang dahan dahan.
"Walang virus, see."
BInawi ko ang kamay ko. "Erm… pag usapan natin ang nangyari kahapon!"
He stared seriously.
"Bakit ako reported?"
"Excuse me?"
"Hahaha ha? Excuse me? You have reported me. Pag nagkataon ililipat nila ako ng office to serve. You know scholar ako at graduating next year. Alam mo ba ang consequence noon?" I held my tears.
"..I thought I tutour mo ko sa Music room and related facilities. You are late na nga."
"Ang demanding mo…"
The librarian came.
"Students please be quiet. Kung may LQ kayo wag dito sa library."
"Love Quarrel?" sabay naming tanong.
"I said quiet or leave!"
Lumabas kami ng library para di na lumala ang lahat.
I eyed him. "Pumunta ka sa Music room mag isa mo. This is our last meeting transferee!"
"But you promised.. you even do this and this…" he demonstrated what I did yesterday.
"Wala lang yan compare sa ginawa mo!"
"Fine. It's time already." And he left me first.
Kainis!
I texted Class rep. "Late ulit ako rep. Sorry."
But the transferee went back. "I really don't understand yung part na nireport po kita?"
"Huh?"
"You told me earlier… saan kita nireport?"
"I have no time to explain… pero hindi mo ba lam na nireport mo ako or nagmamaang managan ka?"
"Bell na naman… I can't afford na ma late sa first day ko. One thing,.." He took my phone.
"Snatcher ka na din?"
"Here contact me about the matter, later." Then he ran towards the juniors' area.
I looked at those figures and saved it. "Transferee."
***
"What?"
I sat infront my canvass while listening to Senior Anne. She is telling us to focus on our project or leave the org. This is my minor since Junior. She stared at me especially.
"Kung lagi na lang na aalis ka before dismissal, mabuti pang umalis ka na sa class na ito."
I stood while staring back at her. "What do you mean?"
Senior Anne, Grade 12 Humanities major. Sabi nila respect is either earned or gained. "Anong ibig mong sabihin?"
"Choose, Mira.. your minor or your service? Baka pwedeng ikaw na ang mag adjust? I talked about it sa OSA yesterday."
No way. Siya ang nag report sa akin?
"Senior, di ko po inaasahan na…"
"More than thrice mo na itong ginagawa and it is unfair sa iba mong kasama dito.
I held my brushes at one hand firmly. Naiinis ako sobra. I held my breath at sinawsaw ko ang mga ito sa palette na may bagong lagay na paints. Sa inis ko, agad kong kinalat ang kulay sa canvass. Mariin…marahan… mabilis…mabagal…
I took my work. "Fine, it is unfair? Edi aalis ako para fair sa iyo." I left the org room.
Naglalakad ako sa hall papuntang fire escape nang maalala ko ang dahilan kung bakit ko naging minor ang Painting.
"It was Spring time and it would be good to paint the Fir trees' flowers in shades like fire."
I looked by the escape, there makikita mo ang Library at ang park. Sa park may lane ng Fir trees. Doon… transferee is walking towards the dorm…
Wait!
Hindi siya ang nagreport sa akin. Crap. I just realized.
Nakakahiya dahil pinagbintangan ko siya. I texted him.
"Tara sa Music Room!"
Watching him, he took his phone and read my message. Lumingon siya sa paligid then found me sa second floor ng St. Margareth Building. Kumaway ako sa kanya. I owe him.
Pinuntahan niya ko sa escape.
"So, ituloy natin ang tour?"
"Sorry. Galing po ako sa OSA and they told me about what happened exactly."
"Ohhh that… I actually done that.. Okay na iyon I fixed it already."
He glanced at the rectangular object behind me. "That…"
"Ahahaha! Nagkamali ako kaya itatapon na iyan."
"I see. Ako na lang po magtatapon sa recycle area po ng dorm. May points po kasi pag naglalagay doon ng basura."
"Ah ganun ba..sige.. sa iyo na ito." Binigay ko ang huling painting ko from the org. "Sorry din kung nag init ang ulo ko kanina."
"Itutuloy niyo po ba ang tour?"
"Yeah. Follow me."