Chapter One: past
______________________
"Anak, h'wag mong hahayaan ang sarili mong apihin ka nila, okay?" My mama said.
Grade one ako when I started being bully. Palagi akong binubully ng mga kaklase ko dahil ang taba-taba ko raw.
"You are beautiful. Remember that, okay?" Saad ni papa pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.
Palagi silang nand'yan pag kailangan ko ang tulong nila kaya I am so thankful at sila ang mga naging magulang ko.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa napatahan ako nila.
"Tara! Let's eat dahil alam ko nagugutom na ang aming prinsesa!" Masayang saad ni papa.
Pumunta na kami sa hapag at kumain na, habang sila mama at papa ay nag-uusap ako ay kumakain lang sa tabi. Sanay naman na ako sa ganito. Kahit na palagi silang nag-uusap tungkol sa business nila ay hindi pa rin nila ako kinakalimutan kaya sobrang nagpapasalamat na ako ro'n.
Hindi ko makakayang mawalan sila ng atensyon sa'kin, baka ano pa ang magawa ko.
Lumipas ang mga taon hanggang sa naka-graduate na ako ng elementary.
"I am so proud of you, anak"
"Me too, you are the best daughter in the world,"
They said.
Ang saya-saya ko dahil proud sa akin sina mama at papa. Ang saya-saya ko rin dahil graduate ako sa elementary bilang valedictorian.
"At dahil proud kami sa'yo anak, we are going to celebrate this!"
Pumunta kami kung saan-saan. I must say, this is the best day ever!
"Tara kain muna tayo, jusko! Alam kong gutom na gutom na ang prinsesa namin," Saad ni mama na tinanguan namin ni dad.
Naglakad na kami sa malapit na restaurant dito dahil malapit lang naman.
"Goodafternoon sir, maam" Rinig kong saad ng gwardiya bago kami tuluyang pumasok.
"Wow!"
Napanganga ako dahil sa ganda ng lugar. Hindi ito parang ordinaryong restaurat lang, para bang private ito dahil makikita mo ang isang lamesa sa gitna na pinapalibutan ng nagagandahang mga bulakbulak,balloons, at kung ano-ano pang mga dekorasyon.
Tiningnan ko ang kanilang mga potahe at ramdam kong tutulo na ang laway ko.
Paborito ko lahat ang nakahanda.
Tumingin ako kay papa at kay mama dahil ramdam kong kanina pa nila ako tinitingnan. Para bang inaabangan lahat ng magiging reaction ko.
"Surprise!" They said in unison.
Tumalon ako sa kanilang dalawa para yakapin sila.
"T-thankyou mama, papa! I love you," mangiyak-ngiyak kong saad sa kanila.
"We love you too, so much!"
Ngumiti lang sila sa'kin pareho at hinalikan ako sa magkabilang pisnge.
"Shall we eat?"
Dali-dali akong umupo sa gitna ng dalawang upuan na sinundan naman nila na natatawa dahil sa inaasta ko.
Habang kumakain kami ay puro lang kami tawa na para bang wala ng problema. Sa mga oras na'to, masasabi kong kompleto ako.
Ang saya.
Sana hindi na'to mawala.
--
Napangiti ako ng mapakla ng maalala ko ang mga araw na may totoong pagmamahal na nararamdaman pa ako galing sa pamilya ko.
Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako umiiyak habang inaalala ang masayang nakaraan ko.
Tinanaw ko ang kabubuuan ng kwarto ko habang inaalala iyong mga masasaya naming ala-ala noon, kasama sila mom and dad.
I thought my happiness would last forever.
Pero akala ko lang pala.
Narinig ko ang pag-vibrate ng phone ko at walang pag-alinlangan na sinagot ko ito kahit hindi ko nakita kung sino ang tumatawag.
[ Alexandria martinez ! ] She said.
Ito na naman po kami. Hays. Napahiga ako sa kama ko dahil bubunga-ngaan na naman ako nito.
[ What? ] Walang gana kong saad sa kaniya.
[I heard what happen, hindi ka na ba talaga titinong bata ka!? Jusko ginoo,] Rinig ko ang frustration niya sa kabilang linya kaya napangiti ako.
Ewan ko ba pero kapag naririnig ko ang frustration niya ay napapangiti ako.
[ And then?] Pairap kong saad kahit hindi niya ako nakikita.
[ Damn, Let's talk later may tumatawag. By the way, please! H'wag mo naman sanang iligaw ang landas mo andria, sige na bye bye!]
Tss. See? Palagi na lang ganiyan. Wala siyang time sa'kin. I mean, silang dalawa ni daddy arrg!
Napahalakhak ako.
So, nabalitaan na niya pala huh?
Kanina kasi sa school, may sinuntok akong kapwa ko kaklase at lalaki pa. Boring kasi ako, kaya ayon! Napagbuntungan ko ng thrill.
Who cares? Well, nobody cares anyway, Mabuti na lang talaga at wala sila mom and dad dito baka kung ano pang mas brutal ang gagawin ko.
For the past years, naging ganito na ako.
Naging bulakbol at alam kong wala akong wala akong kasalanan dito dahil kasalanan to ng parents ko na walang ginawa kundi atupagin ang bussiness nila.
Pataasan to ng pride, men.
Hays. Matutulog na lanmg ako at maghanda para sa bagong kabalastugan bukas
I was about to sleep when i felt a pair of eyes na kanina pa tumitingin sa'kin.
Tiningnan ko ang bintana dahil doon nanggaling ang dalawang pares ng mata.
Nanlaki ang mata ko ng makitang bukas ito, para bang may taong nanggaling dito kanina.
Tch. Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon at ni lock ko na lang at natulog na.
To be continued....
---
♥️♥️
Good day!
This story contains vulgar situation and profanities. ♥️
Plagiarism is a crime.