Kriiiinnngg!!! Ay ice cream! Jezz! Anak ng ice cream naman oh?! Sambulat ko sa gulat ko don sa alarm clock ko. Anong oras naba? (Time check 8:00am) maaga pa pala next tym iseset ko na nga toh ng 9am wala n namang pasok . Lumabas nako ng kwarto at dumiretso sa kusena . Grabeh ansakit parin ng ulo ko. Si mama kaya nakaalis na? Naisa loob ko. Nagluto muna ako ng almusal pagkatapos e pinuntahan ko agad si mama sa kwarto nya para sana ayaing kumain na .
Tok!tok!tok!
"Maahh?" Tawag ko pero alang sumasagot . Sinubukan kung pihitin yong door knob . Pansin kung hindi nakalock kaya binuksan ko nat dumiretso nako sa pagpasok . Ayon tulog p nga si mama .
"Maah gising na . Tanghali napo wala ba kayong pasok?" inuuga uga ko sya pero ayaw magising tulog manteka din
"Mah gising na po tanghali na" ulit ko pa
"Ehmmm. Anong oras naba ?" si mama nkapikit pa sabay hila ng kumot at nagkuyombot .
"Mah ano b bangon napo , wala ba kayong pasok pasado alas 11 napo oh" pangungulit ko
"huh??" gulat nyang reaksyon sabay bangon at lingon sa alarm clock nya. Hindi na nmn siguro tumunog
"Sira na ata yang alarm clock mo ma , bat d nyo pa po kasi palitan yan?" Hindi nya lng ako pinansin at sinapo yong ulo nya .
"Ipag init mo nga ko ng tubig nak " utos nya
"Tapos na mah nagluto narin po ako ng agahan" parang ewan namang dinama ni mama yong noo ko hawak sa leeg ko tingin sakin ng diretso.
"me lagnat kaba nak?" hala si mama
"Ano ba ma . Syempre po wala" 😪
"Ahh " maikli nyang tugon. Mayapa nagdesisyon na syang tumayo .at hinarap ang salamin suklay²x lang
"Ano namang niluto mo nak?"
"itlog tas hotdog ma. Yon lng nmn alam kung agahan natin lagi e me iba paba kayong inexpect ma?"
"kamusta naman?"
"Kamusta ang alin ma?" nagtataka nako sa mga tanong nato ni mama
"Yong itlog at hotdog?"
"Huh? Hala si mama syempre po itlog tyaka hotdog parin ang labas" iniinsulto ata ako ni mama ah
"Ahh mabuti" hala si mama grabeh . Naiinsulto nako pero sya normal lng yong mukha . Lumabas na sya kaya sumunod narin ako.
Habang naglalakad kami papuntang kusena
"Mah nkausap ko sina maya tas troi kagabi tungkol po don sa vacation ,tanda nyo po?" medjo alangang sabi ko
"Ou bakit ,ano ba napagusapan nyo?"
"Yong tungkol ngapo sa vacation" medjo sarkastiko kung tugon. Umopo na kami nakahanda na kasi yong agahan kanina pa tinakpan ko lang
"Pilosopo ka nak, ano me plano na ba kayo ?kung san kayo pupunta ?ano mga dadalhin nyo? kung kelan?" medjo sarkastiko ding tugon ni mama . Bobots ko kasi diko agad nagets ..
"Sorry nmn Mah slow me e. " palusot ko
"d ano nga naging plano nyo?" si mama habang busy kakaikot nung kutsara sa tasa nya
"Ahh ano mah sa Wednesday daw, bali 1week kami don mah ok lang po bah?"
"Ang tagal naman nun nak e san daw ba kayo ?" medjo me pag aalala sa boses nya
"ahh ano mah Don daw sa Rest House nila Troi sa Batangas mah. Maganda daw don e tyaka presko daw pati ,maganda din view" medjo nagaalangan kong sabi . Wala nmn kasi kaming napagusapang lugar gawa²x ko nlng yon kay mama kakausapin ko nalang yong dalawa baka magtanong si mama sumabit pa. Tsk. Lagot ako panigurado.
"e sigurado naba yan ? Pumayag na naman ba mga magulang nun ?" usesa nya pa
" ano mah nagkasundo po kasi kami kagabi na sabay²x kaming magpapaalam ngayon .mamaya tatanungin ko kung pinayagan sila"
"Ahh e isang lingo? Tas sa Wednesday nah ? Ano ba gagawin nyo don? Bat naman ganon katagal?" usisa pa ni mama . Ano ba sasabihin ko.?isip²x
"Eh mah tama lang yon nakakastress po kaya yong mga subjects nmin lalo na yong isang teacher namin don. Para nmn mkapag unwind kami ng matagal tagal mah para bago uli kami tumungtong sa isa na namang pagsubok ng pagiging studyante e ready to fight na kami . Sabi kasi nila mahirap daw sa college e" palusot ko pa .
"Oh e d mag aral nalang kayo at least pag nandon na kayo e hnd na kayo ganon mahirapan . Ereview mo yong mga lessons nyo . Me Entrance exam pa kayong pagdadaanan kaya dapat ngayon plang nagreready na kayo" hay naku wala talaga akong lusot dito kay mama hayysst ! Pano ba?
"Maahh… sige n nmn mah pumayag na kayo. Ang haba ng bakasyon namin oh .marami pa pong time para don. Pumayag na kayo please. ?" pagpapacute ko .
"Alamin mo muna kung pinayagan yong mga kaibigan mo . Saka nako magdedesisyon" ang hirap talagang paoohin ni mama. Tsk . Sandali. Kinuha ko yong phone ko me naisip ako. Hihi (sa settings) ilang saglit pa,
Kriinngg!!!
"Wait mah,Oh hello maya musta ? Oh___ ah ___sige²x kita nlng tayo don ___sige²x ou sige bye"
"Oh si maya ba yon ? Ano daw sabi? Pinayagan daw ba sila?" hihi si mama halatang kumagat sa kalokohan ko . Wala nmn tlgang tumawag . Sinadya ko talagang patunogin ringtone ko hihi
"Ahh opo mah. Pinayagan daw po sila . So pano po yan mah payag naba kayo?" puno ng pagaasa kong pGkakasabi
"Hindi" seryoso nyang pagkakasabi
"Maahhh, si mama e pumuyag na kayo mah . Promise ako gagawa ng lahat ng gawain dito sa bahay hanggang bago kami umalis pumayag lang po kayo " pag mamakaawa ko . Haysst hirap
"Lahat?sabi mo yan"
"opo mah"
"oh sige, papayag nako pero kelangan mong gawin yong sinabi mo ah. "
"Yes! Thank you mah" sa sobrang tuwa ko nayakap ko si mama .
"ehm.ehm. simulan mo na ngayon."
"Tss . Si mama?" tumalim nmn yong tingin nya natakot ako bka mamaya bawiin nya pa naku²x .
"Opo sige mah" napipilitan kung tugon .
At yon nga pagkatapos naming mag agahan nagsimula nako sa paglilinis si mama naman ayon naghahanda sa pagpasok ngayon palang parang gusto ko ng bawiin yong sinabi ko . Haiisst si mama nmn kasi, pero buti nlng napapayag ko sya d siguro natiis kacutan ko .hihi .mayapa napansin kong lumabas n ng bahay si mama habang ako busy kakukusot nang labahan 123 ganyan kabilis at sa wakas natapos din. Pagkatapos kong magsampay nagpahinga lng saglit at banat na naman . Nilinis ko yong buong bahay maliban lang don sa isang kwarto na ginawa naming bodega . Nandon din kasi yong mga gamit ni papa kaya hindi ko na nilinis pa . Mamaya magalit na naman si mama.
Mabilis na lumipas ang mga araw at Halos paulit ulit na ganon ang ginawa ko sa buong 4 na araw nakakapagod pero sige lang ginusto ko yon e. Kinagabihan ng Martes tinawagan ko na yong dalawa mabuti nalang talagang pinayagan sila ano naman kayang palusot ginawa nung dalawang yon? Sabagay d nako magtataka expert mga yon e basta sa ganong bagay. Pag katapos naming mag usap²x nag pasya na kaming magpahinga na ng maaga para kinubukasan Full charge kami . Excited na medjo kinakabahan ako para sa mangyayare sa trip namin . Pero para kay papa walang kaba na pwedeng pumigil sakin para hanapin siya .wala ng atrasan to' naisaloob ko bago ako tuluyang natulog..