Chereads / The Adventure Of Rhem_13 / Chapter 4 - KABANATA 4

Chapter 4 - KABANATA 4

1.2.3 mabilis na bilang ko sa dumaang mga araw wala naman kasing gaanong nangyare sa mga araw na yon.

"Mah bukas na po graduation namin " pukaw ko sa atensyon ni mama .nakaupo lang ako sa sofa habang nanunuod ng TV . Si mama nmn ayon sa desk busy sa mga papel.

"Ou alam ko " patay nasagot ni mama .

"mah" masuyo kung pagkakasabi

"hmmm" tugon nya habang busy parin sa mga paperworks nya . Pinatay ko muna yong TV

"Thank you po"

"Thank you saan'?" d parin matinag sa ginagawa nya .

"Sa lahat ma, salamat kasi kahit kayo lang sinikap nyo pong maayos tong buhay natin at mairaos yong pag aaral ko." Drama ko. Napansin ko n napahinto si mama sa ginagawa nya .

"Halika nga dito,?"masuyo nyang tawag. Tumayo naman agad ako at lumapit sa kanya . Niyakap nyako pero hindi nako nagulat gumante nalang din ako ng yakap. Mayapa lumuluwag na yong kapit nya kaya kumawala nako. Nkaluhod lang ako ngayon sa harap ni mama.

"Alam mo Rhem kahit napakatigas ng ulo mo. Ano mang mangyare anak parin nmn kita, mahal kita at kahit anong magyare hindi na magbabago yon. Ikaw n nga lng natitira sakin ilalayo ko paba loob ko sau? ." masuyo nyang pagkakasabi sabay halik sa noo ko.

"Tss. Si mama e. D na po ako bata" waring nandidire kung reaksyon pero sa loob²x ko masaya ko . Masayang masaya. Hindi ko naramdaman yong kulang sa buhay ko dahil kay mama kahit wala si papa ni minsan hindi pinaramdam sakin ni mama yon. Kay mama palang pkiramdam ko kompleto nako . Pero kahit ganon hindi parin maiaalis yong pangungulila ko kay papa. Malakas talaga kasi ang kutob ko na buhay pa si papa . Niyakap ko uli si mama mas mahigpit . Pero imbis na mag react sya hindi nya ginawa bagkos niyakap nyarin ako pabalik.

Graduation day, syempre puro iyakan yong ganap pati ako naiyak narin kitang kita ko kasi sa mata ni mama na masayang masaya sya. Pagkatapos ng matinding dramahan. Iniwan ko muna sya saglit at lumapit sa mga kaklase ko. Konteng kamustahan din kwentohan at tanungan ng mga plano . Syempre ako meron na. Gusto kung sumunod sa yapak ni papa . Gusto ko ring maging manunulat pero bago yon hahanapin ko muna sya disedido nako.

"Rhem," si Maya sabay hila sakin sa gilid sumunod naman si Troi .

"Ano tuloy ba?"

"Huh?" gulat na reaksyon ko. Talaga nmn kasing nkakagulat mali Nkakagulantang!

"Yong plano natin tuloy ba?" Si troi nmn ngayon

"Ano?" pag mamaang maangan ko . para nakong tanga

"Isa pa sasapokin na talaga kita. Puro ka huh?ano?" si maya salita nya palang yon pero nabatukan nako nyan. Hindi nga nasapok . Pero nabatukan nmn.Tss. sasakalin ko na to e 😒

"kahit kelan talaga mapanakit ka,?Ano ba kasing sinasabi nyo?"

"Haisst. Nagmaang maangan pa" si troi parang naiinis narin. Parang lng nmn.

"Anak tapos na ba kayong magusap? Tara nat ng makauwi na tayo" hayy salamat. Niligtas moko mah. Buti nalang talaga .

"Hi tita"bati nung dalawa. Myembro ata to ng choir ?sabay e.

"kayo ang mga Kaibigan ni Rhem tama ba?" hay naku mah dati nlng ata naiinis nako sa dalawang kumag n yan hayss.

"Ay opo ako po si Maya ito naman po si Troi" pagpapakilala ni Maya sabay abot ng kamay kay mama tanda ng pagbati . Ganon din nmn ginawa ni Troi. "Pano mauna na kami sa inyo huh, me pasok pako bukas at wala ding maghahatid dito sa kaibigan nyo . Sa panahon ngayon mahirap na" si mama.

"Ay tita ok lang po ba dito muna si Rhem? Kami na pong bahala sa kanya tita me sasakyan nmn po si troi tita kami na po maghahatid skay Rhem me paguusapan pa po kasi sana kami importante lang po" wala tlagang kahihiyan sa katawan tong si maya .

"Ahh Ganon ba, eh ano ba yon graduate na kayo diba hindi na nmn siguro tungkol sa research paper yan diba tama bako maya?" lagot k ngayong budots ka.

"ah hindi po tita. Plano po kasi sana naming magset ng vacation at pag uusapan po sana namin kung saan at kelan . Lam nyo na po celebration ganon?" si troi na yong sumagot parang nag aalangan pa. Si maya naman tumango tango lang

"Vacation ? E kakagraduate nyo lang ah. Wala ba kayong alam na pamahiin . Alam nyo ba na malapit sa aksidente ang mga gaya nyong kakatapos lang?" ayan tigas kasi ng mga ulo . Napagsabihan tuloy kayo. Tuloy mo lang yan ma . 😏 Hindi n nkaimik yong dalawa.

"Pano maiwan na namin kayo sa susunod nyo nalang pagusapan yang bakasyon huh. Palipasin nyo muna tong lingong to "

"sige po tita" sagot ni maya .

"Tara na Rhem" Tumalikod na si mama . Yong dlawa naman tinuro yong dalawang daliri sa mata nila sabay turo din sakin. Napangewe lang ako at sumunod na kay mama .

Pagdating sa bahay dumiretso na agad ako sa kwarto ganon din nmn si mama me pasok pa sya at gaya ko panigurado napagod din siguro sya anong oras na kasi nagsimula tas gabi na natapos .('Time check 10:31) hinubad ko na yong suot ko at boxer lang tinira ko . Kumambyo saglit naiipit e 😅 .Boxer lng ako lagi Hindi kasi ako sanay na balot na balot sa pagtulog pakiramdam ko hindi ako makahinga .nilock ko narin yong pinto sabay hilata sa kama . Hinagilap ko saglit yong phone ko . Tulad ng dati tad²x n nmn ako ng SMS panigurado yong dalawang kumag n nmn toh sila lang nmn yong matiyagang magtext sakin . Binasa ko muna isa²x . At gaya nga ng inaasahan ,nangungulit n nmn sila . Bumangon akot binuksan yong laptop sa table ko mag Vcall daw kami.

"Hi Rhem" si troi

"Hi hehe" si maya parang tanga n nmn . Kumaway nlng ako

"Ano na naman yon , d nyo nako tinigilan " walang gana kung bungad at medjo naiinis

"Sama kami" pangungulit ni maya

"San ba , atyaka sino ba kasing nagsabing aalis ako .? D nyo ba naintindihan yong sinabi ni mama, delikado daw De'li'ka'do." Pagkaklaro ko

"Eh ikaw lang nmn kasi tong nagsasabing delikado" si troi

"Anong ako? Si mama nga diba? . Tss" parang eng²x tong si troi

"I mean hindi naman tayo aalis ngayon . Nextweek maybe"

"Tigilan mo nga ko sa pa 'imean I mean at maybe maybe mo , hindi pwede ok period!"naiiniz na talaga ako

"May²x ? Ikaw wala kabang sasabihin ? Ikaw na nga kumausap dito kay Rhem"

"Kaya mo na yan . Sweet nyo nga eh . " tah mo tong isang toh.

"Hoy baliw. Sweet mo mukha mo . At ikaw nmn Troi tumigil ka nga sa kangengese mo jan kala mo nmn cute"

"Ayeiii magkakadevelopan nayan" asar nung bruha

"Sira . Straight yan . Atyaka hindi ganyan yong mga tipo ko" tumango tango lang si Troi. Yong isa nmn ayaw maniwala . Halata sa mukha e

"Asus d daw type ." pangaasar nya pa .

"Ou nga"

"Tigilan nyo n nga yan . Kunin mo nlng yong libro Rhem yon na pagusapN natin . Puro kayo kalokohan e" si troi . Wagas makautos .

"D ikaw na , pero sige Rhem kunin muna " si maya . Isa pa to. Sumimangot lng ako pero D nako nagmatigas tumayo nako at kinuha sa bag yong libro . Kunware lng nmn kasing diko sila isasama napagisipan ko narin kasi to mahirap nmn kasi kung magisa lng ako lalakad kung baga damay²x na 😄 sinubukan ko lng kung talagang seryoso tong dalawang kumag nato.

Pagbalik ko.

"Rhem ang sexy ah" si maya

"Huh" don kolng naalala nkaboxer nlng pala ako . Medjo nkaramdam nmn ako ng kaonteng hiya . Pero naisip ko rin paki ba nya .

"Daks" si troi sabay tawa . Mukang tanga .

"Muka mo!" yamot ko .

"oh ano . Katawan ko ba pag uusapan natin o itong libro?" Asar ko

"Yong libro syempre" sagot nmn agad nung dalawa.

"Ay wag na, yong katawan ko nalang mukang me pagnanasa ata sakin tong si maya e pansin mo b troi?" pangaasar ko don sa isa. Tumawa nmn yong loko

"Dahhh!! Arrghh! Feeler ka? Mag lolog out na ako sige!" reaksyon ng bruha kaartehan tlga ou.tsk!

"D mag log out ka. Kami nlng ni Troi mag uusap" pang aasar ko p

"D lumabas din yong totoo type mo nga si Troi ! Hahaha ayeii type nya si Troi" naasar nako dito sa babaeng to ah

"Isa pa Maya hahambulusin talaga kita!"

"Then do it hahaha" parang loka²x

"Naku kung malapit kalang talaga" yamot ko pa

"Tigilan nyo na nga yan. Para kayong mga bata" si Troi halatang nangingiti pa.

"Sabihin mo jan sa isa wag sakin"

"Bat ako? Ikaw ." si maya . Ang gulo? Diko gets.

"Pareho lang kayo. Rhem dali na kwento mo n samin yang tungkol sa libro nang makapagplano nat matapos nato para mkapagpahinga na" si Troi

"ay ang galing? D k nmn demanding noh. Sino b kc nagsabi na e Vchat nyoko ngayon?"

"Tama na dada girl . Go na kwento k na dali. Excited nako e" si maya Tss.

"E db nkwento ko nato ? Paulit ulit nalang ba?"

"E nkalimutan n nmin e "si maya . Tumatango tango nmn yong isa . Pasaway talga tong dalawang to.

At ayon nga kinuwento ko ulit lahat from the start. Pansin ko don sa dalawa desidedo narin talaga silang sumama sobrang attentive kasi. Napagkasunduan namin n sa Wednesday night. Don kami aalis . Sabi kasi sa libro ni papa Full moon daw sa isang gubat na tumutumbok sa simbahan me balon daw don na bihira lng mapuntahan ng mga tao . Sa oras daw na tumama yong liwanag ng buwan sentro sa balong yon . Yon na ang tamang oras para banggitin ang engkantasyon. Saktong full moon sa Wednesday kaya don kami aalis . Pumayag naman agad sila . Napagkasunduan namin na bukas na kami magpapaalam para atleast makapaghanda na kami agad lalo na yong gamit na dpat naming dalhin. Sabi pa pala ni papa wag ko daw kakalimutang magdala ng hanger. Natawa ako nung maalala ko yon. Anong gagawin ko sa hanger ? Maglalaba b kami don? Bali tatlo na dinala ko yong gawa sa aluminum para mas matibay. Dinala ko na rin yong libro . Binuklat ko uli saglit sa bandang huli don kasi nakasulat yong mga bilin ni papa kung sakaling mabasa ko daw tong libro . Pero nakapukaw sakin ng pansin e yong dalawang pahina n walang sulat. Ngayon kolng kasi napansin toh. Para saan nmn kaya toh.? Pagkatapos kung ihanda yong mga dadalhin . Damit ,cellular phone,at kung ano anong mga anek²x pa nagdesisyon nakong mag pahinga na. Nkakapagod yong araw nato grabeh.weew!