WORK
Grabe alas singko palang nagising nako dahil sa gutom hindi pala ako naghapunan dahil nakatulog ako ng maaga.
Nagtungo muna ako sa kusina at tinignan kung ano ang mga pagkaing naroon ng buksan ko ang ref puro frozen food at tubig lamang ang meron wala man lang kahit isnag gulay kaya nagluto na lamang ako ako ng dalawang hotdog.
Habang kumakain ako may bigla nalamang akong narinig na ingay sa labas parang may nagbubukas ng gate. Kaya napagisipan kong buksan may tao nga, nakaputi ito at nakapantalon.
Agad ko namang nilinis ang kinainan ko at mabilis na nagtungo sa kwarto.
Hinintay ko nalamang na magumaga.
****
"Iza, gumising ka na dyan at magtatanghali na!" Sigaw ni auntie.
Tinignan ko ang oras at 10am na nakatulog pala ulit ako, pano ba naman kasi nakakatakot lumabas dahil sa lalaking pumasok sa gate namin si Auntie lang kasi ang kilala ko palang.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Nakita ko naman Agad si auntie katapat lang kasi ng kwarto ko ang kusina kaya nakita ko agad sya nagluluto sya ngayon.
"Iza kumain kana at kagabi kapa walang kain." Bungad nito.
"Sige po auntie, kailangannyo po ba ng tulong?"
"Hindi na, hihintayin ko nalamang itong kumulo at ayos na."
"Sige po."
Naupo na ako at nagsandok ng kanin.
Nasa kalagitnaan ako ng kain ko ng biglang may lumabas na lalaki wala itong t-shirt at nakashort lamang ito. Siguro sya yung pumasok kanina.
"Sino ka?!" Tanong nito at nagtakip pa ng katawan na parang binubusuhan.
"Hoy! Ranz?! Manahimik ka nga dyan! Sya si iza yung sabi ko sayo na pamangkin ko na dito muna titira."
"Ahhh sya pala yun...Sorry auntie" saad nni ranz.
"Iza, sya si ranz anak anakan ko."
"Ahhh... nice to meet you ranz." Ako pa talaga ang dapat maunang magsalita noh?! Tsk.
Hindi man lang ito nagsalita sa halip umalis nalang bigla.
"Iza pagpasensyahan mo na at problemado yung batang iyon."
"Ok lang po auntie, syaka po pala aalis po ako ngayon at maghahanap po ako ng trabaho."
Kailangan kong kumita para madagdagan ang allowance ko at makatulong rin kay tita.
"Sige iza, basta mag ingat ka at baka malagot ako sa magulang mo pag napahamak ka."
"Magiingat po ako auntie"
Nagmadali na akong kumain, naligo, nagsuot ng formal attire, at nagayos....ngayon araw hahanap ako ng trabaho. At sana naman makahanap ako.
"Auntie aalis na po ako."
"Sige iza ingat, wag magpapagabi ng uwi."
"Ok po."
Lumabas na ako maganda rin pala dito kahit papaano.
Ang mga bahay dito ay sementado.
"Awrr!!! Awr!!!"
Napalingon nalang ako sa likuran ko ng may narinig akong tahol...hanep na yan aso..at parang bagong takas pa..nagmadali nakong tumakbo pero sa kasawiang palad nadapa paako kaya'tnadumihan ang damit ko at napadapa pa.
"Are you ok?" Nagtanong pa. Ayos ba toh? Nakadapa na kasi nadapa tapos sasabihin lang kung ok lang?.. duh!
Mabilis akong tumawa at nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko laking gulat ko at si ranz iyon.
"Ranz." Mahinahon kong sabi.
"Tsk. Reckless, where are you going?" Sarkistong tanong nito.
"Hahanap ako ng trabaho"
"Bingo! Sakto may kulang na waitress ang juice bar."
"Ahh?"
" Bingi kaba? O sadyang walang utak?!.. sumama ka saakin."
"Ok."
Ano bang nasa isip ng lalaking ito? Pinaglalaruan nya bako? O baka naman may balak syang masama?..hay ewan, sasama nalang ako sa kanya wala naman sigurong mangyayari.
Nagtungo kami sa isang juice bar at akalain mo yun parang pangbongga..
"Ano?! Papasok ka o kakaladkarin pa kita?!"
Napakasungit naman nito.
"Oo na papasok na."
Nang pumasok na kami may biglang bumungad agad kay ranz apat na lalaki.
Mga makikisig at gwapo naman.
Kaso mas gwapo si park seo joon.
"Ranz! Sino yan bagong pet mo?! Hahahahhahah" sabi nung isa na kala mo espasol sa sobrang puti.
"Wardun tumigil ka nga! Sya si.....ano????? Hoy babae magpakilala kana!"
"Ahhh?"
"Ahahhahahhahah!!!! Ano ba yan kala ko manang lang binge rin pala!!!!! Hahahhahahah!!!!!"
"Stop!" Saway ng lalaking nasa tabi ni ranz.
"Ano na babae?!"
"Aytttt sorry, ako pala si iya zaira airish salazar."
"Hi Nice to meet you, my name is Casper Jade costillejo."
Sya yung lalaking nang saway kanina.
Ang gwapo nya kaso seryoso, may mapupungay na mga mata, umiigting na panga, may mahaba rin itong pilik-mata, magandang pangangatawan, at halatang mayaman kaso pustahan manloloko yan.
Tsk...hindi nyo ko maakit! Weirdo.
"Hoy babae!"
"Ahhh bakit?"
"Makinig ka!"
"Ehh✌️"
"May name is wardun Calliope... you're the one baby." Malanding sabi nito, Halatang babaero.
Sya yung tawa ng tawa kanina kala mo naman gwapo...eh unti lang naman.tsk....
May labi ito na kulay rosas medyo matangkad ito kaysa kay casper kaso mas matcho si casper, maputi ito, mayaman rin halata naman sa pananamit nya, may nunal rin ito sa gilid ng kanyang mta, at may isang biloy... Pero hindi porket may biloy inosente na...
Sabi don't judged the book by its cover pero sorry halata sa kanya ang pagiging manloloko.
"My name is emerson silva, kung may kalangan ka sabihin mo lang." Sinungaling!!!! Halata naman na badboy ka! Bait baitan kapa dyan tsk...
Moreno ito, medyo matangkad, umiigting rin ang panga, ngiti nya palang tunaw kana, hay ewan ano bang sinasabi ko?!
Tsk...
"Hi? My name is lhenard trinidad."
Tsk...kala mo talaga mabait..pakitang tao lang naman alam ko na yung mga ganyang rasyo noh! duh!
Mukha itong inosente, sa kanila sya yata ang pinakamagandang pumorma, moreno rin ito, medyo may kahabaan ang buhok, at nakasalamin..ano feeling ximen ng meteor garden?! Ah?!
"Sila ang boss mo iza."
Huh? Ngayon nya lamang akong tinawag na iza.
"Ok ranz."
"Ranz lang?" Saad ni wardun...sakanilang lahat sya siguro ang pinakamasama tsk..
"Bukas pwede ka nag pumasok, at galingan mo dahil wild ang mga boss mo." Bulok nito saakin kaya biglang tumaas ang balahibo ko.
oo nga pala sa kanilang lahat para sakin si casper ang pinaka poging oppa!!! bwisettt naman! ano ba tong iniisip ko?! tsk...
kailangan ko ng maghanda sakanila.
Mali yata ang napasukan ko?