Chereads / can't fight this feeling / Chapter 1 - prologue

can't fight this feeling

🇵🇭Wardus_Dwight
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 8.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - prologue

Sikat na sikat ang araw, kaya't pawis na pawis ako. ganto ba talaga dito sa manila? Napakarami ring tao, siksikan pa sa terminal at naamoy ko pa ang napakabahong usok.

Mas maganda pa sa province namin napakasariwa ng hangin at punong puno ng mga puno. Hindi katulad dito parang pinagkaitan ng lupa at puro semento ang daanan puno rin ng mga pang transportation. eh, sa province uso pa ang kalesa at kabayo minsan nga lakad lang eh.

Naglalakad ako patungo sa bahay ng auntie ko dito kasi muna ako titira.

Bakit ba kasi dito pa ako kailangan magaral? Eh ang hirap na nga namin tapos dito pa ko pinagaral nila mama. Imbes na ipangbili nalamang ng mga makakain at magtayo ng kahit maliit na negosyo eh ayaw pang pumayag.

Maganda raw kasi dito maraming matututunan. Ano naman matututunan ko dito? Eh wala namang pinagkaiba ang turo sa manila pati sa province.

Sumakay muna ako ng bus bago nakarating sa bahay ni auntie. Medyo may kaloitan rin ang bahay nya ang pinagkaiba nga lang semento at may aircon ang bahay nito kaysa saamin. Ang saamin kasi kahoy lang at bentelador lamang ang gamit namin.

Knock knock

"Wait lang!" Sigaw ng tao sa loob.

Parang mga galit pa yata ang mga tao dito ah.

"Ohhh, ikaw na ba yan iza?" Tanong nito medyo may katandaan rin ito siguro mga fifty , may kaputian narin ang buhok, may katabaan rin, at kahit pa ganun makikita mo parin ang kagandahan nito may biloy sa kaliwa at kanan nyang mga pisnge at ang mata nito ay tila't maamo kaya hindi mo masasabi na sobrang tanda na nito.

"Opo, ako po si iza kayo po ba si auntie Dianna?" Saad ko.

"Oo ako nga, napakagalang mo naman palang bata." Saad nito kaya nginitian ko nalang.

Magalang naman talaga ako.

"Halina't pumasok na upang makapagpahinga ka narin, nagugutom ka naba?"

"Ok lang po ako auntie, kumain narin po ako bago po ako magtungo dito."

"Basta sabihin mo nalang saakin kung nagugutom kana, sumama ka saakin at ituturo ko sayo ang kwarto mo."

Sumama ako dito may tatlong kwarto lamang sila .

Maganda naman ang kwarto ko medyo light violet ang pintura nito, may kaliitan kaso ok na toh kaysa naman sa sala matulog, may isa ring drawer dito at sakto pwedeng lagyan ng mga gamit ko, at ang kama ay kasya naman ang dalawang tao.

"Ipagpaumanhin mo na hindi gaanong malaki ang kwartong ito."

"Ok lang po yun auntie, mas malaki pa nga po ito sa kwarto ko sa province eh."

"Ahh ganun ba, yang drawer na yan gamitin mo na para may malagyan yang mga damit mo."

"Sige po auntie thank you po."

"Ahh sige, mauna na ko at magluluto na ako ng hapunan."

Inayos ko muna ang mga damit ko, may apat na hugutan ang drawer na gagamitin ko kaya nagkasya ang mga dala ko.

Nahiga muna ako at tinignan ang paligid nakakapanibago.

Pinatugtog ko muna ang cellphone ko, keypad lamang ito hindi dahil sa wala kaming pambili kundi sayang lamang sa pera.

Maya maya lang naramdaman ko na ang pagod at tuluyan na nga akong nakatulog.