Tinitigan ko ang malaking
eskwelahan. Ang mga naglalakihang puno lamang ang kita dahil natatakpan ang kabuuan nito ng mataas na tarangkahan.
Kasing laki ito ng San Lorenzo, ang barangay namin, mula dito kitang-kita ang kinang ng logo ng Academia De Musica.
"Darating din ang araw na makakapasok ako diyan," bulong ko sa sarili bago sumakay ng trysikel.
Papunta ako sa coffee shop na pinagtratrabahuan ko. Isa akong working student, simula kasi noong namatay si nanay wala ng ibang bumubuhay sa akin kundi ang aking sarili.
Bata pa lamang ako, pinangarap ko nang mag-aral sa Academia de Musica. Siyam na taong gulang ako nang naisipan kong mag-ipon ng pera para sa pagdating ng panahon ay maaari na akong makapasok doon.
Pero kahit na gaano kasipag akong magtrabaho, napagtanto kong hindi ko kayang maipon ang isangdaang libo para sa Academia De Musica.
"Para lang manong," sabi ko, kinawayan ko muna si manong driver bago bumaba.
Nang makapasok agad sa coffee shop, agad akong dumiretso sa locker para kumuha nang apron para makapag-serve na.
"Athena, cup of cappucino at table 13!" sigaw ng katrabaho kong bakla.
"Hoy Athena! Maghugas kana doon. Bilisan mo ah, ang bagal mo pa naman kumilos," iritableng sabi ng isa ko pang katrabaho, na Jullie ang pangalan.
Mataray talaga siya pagdating sa akin, hindi ko pinansin ang kanyang sinabi at dumiretso na lamang sa kusina upang sundin ang kanyang iniutos.
Matagal ng galit si Jullie sa akin pero hindi ko naman alam kung ano ang dahilan niya. Ayaw ko ring patulan ang pagiging masungit niya sa akin pero huwag niya lang talaga ako sagarin dahil hindi talaga ako magdadalawang-isip na patulan siya.
Habang naghuhugas ay hindi ko mapigilang mapakanta.
I WON'T GIVE UP by : Jason Mraz
"When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise.
Well, there's so much they hold
And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?" pagkanta ko. Ewan ko ba pero feel ko talaga ang kumanta ngayon.
"You have a very beautiful voice," ani ng boses na nagmumula sa likod ko, batid ko na si ma'am Anna ito, ang manager namin.
Humarap ako at nag-bow, tanda ng paggalang ko sa kanya. "Hindi naman po."
Ngumiti siya. "You know what, you must study at the Academia De Musica."
"Hindi po ako nababagay doon, malayong-malayo po ang agwat ko sa mga estudyanteng naroon," malungkot kong sabi. Masakit man isipin, pero 'yon ang totoo.
Napataas ang kilay niya sa aking sinabi "Hindi mo ba nabalitaan na may audition ang Academia de Musica?"
Napakunot-noo ako, kailan man ay hindi nagpapa-audition ang ADM, ngayon lang. "Talaga po?"
Hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat. "Yes, kaya mag-audition kana, sayang eh. Pero isa lang ang dapat makapasa sa audition na 'yon. At alam ko namang kaya—"
"Ma'am, kahit naman po makapasa ako sa audition na sinasabi mo, hindi pa rin kaya ng pera ko ang makabayad ng isangdaang libo para sa ADM kahit nga isang set ng uniform nila ay hindi ko—" Pinutol niya ang aking sasabihin.
Nilagay ko na ang mga basong nahugasan sa lalagyan nito.
"Don't worry, kapag nakapasa ka, libre na ang lahat, wala ka ng kailangan bayaran," nakangiting sabi ni Ma'am Anna. What? Totoo ba?
Nagulat ako. "Are you sure po? Baka naman po fake news lang."
Humalakhak si ma'am Anna. "Ano ka ba, hindi ito fake news. Basta sumali ka sa audition ah, alam ko naman na kaya mo, magaling ka Athena."
Si ma'am Anna, siya lang ang nagbibigay lakas sa 'kin bukod kay nanay. Masaya ako at nagkamanager ako ng kagaya niya.
"Kailan po ba?"
Napangiti siya sa tanong ko. "Sa sabado na iyon, sasali ka na ba?"
"Opo, sasali na po ako," sagot ko. Buo na ang desisyon ko.
Niyakap niya ako. "Galingan mo ah, manonood ako."
Kumalas siya sa pagkayakap. "Oh sya, aalis na ako at may gagawin pa ako sa opisina. Mag practice ka ha?"
"Opo," sagot ko bago siya umalis sa kusina.
Gabi na nang makauwi ako galing sa trabaho. Hindi na muna ako pumasok sa skwela, bukas na lang siguro. Kakasimula pa lang naman ng school year ngayon, kaya panigurado na ang ginawa lang nila ngayon ay ang magpakilala.
Nanonood ako ng TV dahil wala naman akong ibang gagawin, natapos ko na naman lahat ang gawain sa bahay.
Breaking news ngayon ang sinabi ni ma'am Anna kanina na may audition nga ang ADM. Pagkakataon ko na ito, kaya gagalingan ko talaga sa sabado.