Chapter 2 - Temper

Napamulat si Dowan mula sa isang panaginip. Tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Isabela.

Kinusot niya ang mga mata at napatingin sa bintana ng kwarto niya. Magtatanghali na rin at mataas na ang araw. Late na naman siya nagising.

"Hindi ka pa ba magla-lunch? Gusto kong umorder ng hamburger. Kaso wala na akong budget," Malambing na sabi ni Isabela at kumapit pa sa matipunong braso ni Dowan.

Bumangon si Dowan at naupo sa kama. "Ah... sure, gusto ko rin kumain." Kinukusot pa nito ang mga mata dahil parang gusto pang matulog ng mga iyon. Madaling araw na rin kasi siya nakatulog kaya ganoon.

"Yay! o-order na 'ko agad!" Masiglang sabi ni Isabela at dumiretso na sa kanyang kwarto para kuhanin ang phone.

Hindi nakatakas sa mga mata ni Dowan ang pagtalbog ng malulusog na dibdib ng dalaga nang tumakbo ito. Tanging isang malaking puting T-shirt lang ni Dowan ang suot nito at pakiwari ng binata ay wala itong suot na bra. Napailing nalang si Dowan at pinakalma ang sarili na muli na namang tinamaan ng kamunduhan.

Bumaling si Dowan sa suot na boxer at bakat na bakat ang kanyang pagkalalaki. Para bang gustong kumawala ng mga iyon sa masikip niyang boxer. Palibhasa'y kakagising niya palang.

Pinanood niya ang papaalis na si Isabela hanggang sa makalabas ito sa pinto ng kanyang dorm. Dahil ang kwarto na katabi lang ng kanya ay doon nakatira ang kaibigan na sobrang mahal na mahal niya. Ang taong iyon ay walang iba kundi si Isabela.

"Sigurado ka ba na mabubusog ka na diyan sa isang burger? Magugutom ka niyan mamaya..." Sabi ni Isabela habang nilalantakan ang mga inorder na pagkain. "Sabay nating kainin 'tong fries, Dowan." Aya pa ng dalaga sa binata.

"It's fine. Kakain nalang ako mamaya ng chicken breast pag nagutom." Sabi ni Dowan.

"Ugh... Hindi ka pa ba nagsasawa? I really hate chicken breast!" Sabi ni Isabela na patuloy sa paglantak ng burger at milk tea.

"Why?" Tanong ni Dowan.

"One time kasi, puro chicken breast lang ang kinakain ko dahil gusto kong i-maintan ung figure ko. Tapos dahil 'don, nagkasakit ako," Ngumuso si Isabela nang maalala ang pagkakataon na iyon lang ang kinakain niya.

Samantalang si Dowan ay pinapanood lang ang dalaga na kumakain.

"At tsaka wala namang lasa iyon. Feeling ko nga wala rin namang pinagbago ang katawan ko doon eh," Sabay angat ng sleeve ng T-shirt para ipakita ang maputing braso. "Pero marami pa rin akong kinain na ganon dati. I'm eating a variety of food nowadays, though. At ngayon, hindi na ako kakain ng kahit anong chicken dish unless it's fried.'

Malalim na tawa lang ang pinakawalan ni Dowan sa dalagang nagrereklamo sa pagkain. Kumagat si Isabela sa hawak na burger at pinasadahan ang katawan ng binata. Batak ang mga braso nito at kung titignan pa sa malapitan ay may mga ugat na nakaukit dito. Natatamaan pa ng sinag ng araw ang mga pandesal nito at ang malusog nitong dibdib. Parang inukit ng pinakamagaling na sculpture artist and katawan ng lalaking ito.

"Well, kung magiging tulad mo ako na napakaganda ng katawan, siguradong titiisin ko nalang ang ganong eating habit."

Inabot ni Dowan ang hawak na milk tea kay Isabela at humigop ito roon. Napatitig si Dowan sa mukha ng dalaga haba g humihigip sa straw na hawak niya.

"But that'll never happen anyway so I'm gonna eat what my tummy wants." Ani Isabela sabay Tikim ng ice cream.

Napaiwas nang tingin sa Dowan nang napapikit pa si Isabela habang sinubo ang kutsara na puno ng ice cream.

"Uwah, sobrang tamis ng isang 'to!" Impit nitong tili.

"Bagong labas lang ang isang iyan, tama? How is it? Is it good?" Tanong ni Dowan.

"Hmm? Itong ice cream ba? Matamis lang naman. Sobrang tamis."

Lumapit si Dowan nang bahagya at pumwesto sa harap ni Isabela. "Can I...try it...?"

"Haha, I knew you'll be like that." Nag-scoop si Isabela ng ice cream sa kutsara at inilahad kay Dowan. "Here,"

"N-no, just a little..." Sabi ni Dowan dahil halos puno ang kutsara sa ginawang pag-scoop ni Isabela.

"It's too sweet for me, too. Kaya di ko siya mauubos," Nag-aalinlangan pa ang binata kung kakainin ba ang ice cream dahil masyado talagang marami ang nasa kutsara. "Kainin mo nalang, hurry!"

Lumapit pa lalo si Dowan at kinain ang ice cream na hawak ni Isabela sa kutsara.

"Masarap, di ba?" Nakangiting sambit ni Isabela.

Samantalang napatakip ng bibig si Dowan dahil sa sobrang tamis ng nalasahan. The vanilla flavor's so strong... It felt like I just bit into a real vanilla bean...

"You like sweet stuff, don't you? Pero hindi mo lang madalas kainin dahil sa body management routine mo." Inubos nalang ni Dowan ang nasa bibig at napatitig nalang sa nakangiting dalaga. "Gusto mo pa isa?"

Umiling ang binata."No, I'm good."

"Bakit? Just one more bite!" Ani pa ni Isabela at nakalahad na sa harap ni Dowan ang kutsara na puno ng ice cream.

"I'm really fine... ah, it's falling!"

Hindi na namalayan ni Isabela ang pagdausdos ng ice cream sa kutsara. Sinubukan ng dalagang kainin nalang ang ice cream para hindi na kumalat sa sahig pero huli na siya dahil tumapon na iyon sa pisngi niya.

"I was trying to feed you pero nahulog sa mukha ko." Natatawang sambit ng dalaga. Nakaramdam siya ng hiya dahil natapunan siya sa mukha at sa harap pa ni Dowan. "Tissue, please,"

Saglit na napatitig ang binata sa malapot na krema na nasa pisngi ng dalaga. Nakaramdam siya ng paninikip ng boxer kaya naman agad siyang tumalikod para kuhanin ang tissue at para ilayo na rin ang kanyang bukol.

"Here..." Sabay abot ng tissue sa dalaga.

Hindi na nilingon pa ni Dowan ang mukha ng dalaga dahil baka mas magalit pa ang kanyang alaga. Ngunit ilang segundo nang nasa ere ang kamay niya para iabot ang tissue sa dalaga pero hindi pa rin ito tinatanggap. Nang lingunin niya ito ay natigilan siya nang makita ang dahan dahan na pagdausdos ng malapot na krema papunta sa labi ng dalaga at dinidilaan niya iyon.

"Thanks," At kinuha ni Isabela ang tissue para punasan ang nanlalagkit na pisngi at gilid ng labi.

Samantalang ang binata ay napalunok nalang at mariing napapikit sa kanyang nakita. Shit, that's hot. Hindi na rin niya mapigilan ang patuloy na pagtigas ng kanyang alaga kaya agad siyang tumayo.

"Where are you going?" Inosenteng tanong ng dalaga habang dinidilaan pa ang ibang krema na dumikit sa daliri.

Mabilis na isinuot ni Dowan ang kanyang sweat pants at sweat shirt nang nakatalikod sa dalaga. Ayaw niyang ipakita ang hitsura niya dahil nakakahiya para sa dalaga. Mabilis rin nitong isinuot ang sapatos at binuksan ang pinto ng kwarto niya.

"I'll just get some exercise. I'll be back. Just gotta burn what I ate." Paalam ni Dowan at nagmamadaling lumabas ng kwarto nito.

"Huh? Out of nowhere? Pero di pa natin nauubos 'to!" Sabi ni Isabela.

"I'll be back right away." Mariin nitong bigkas at hindi na nilingon pa si Isabela. Dahil sa oras na lumingon ito ay siguradong magugulat ang dalaga sa galit na galit na alaga ng binata kahit na nakasuot na siya ng sweat pants.

Biglang naalala ni Isabela na magiging maulan ang panahon. Narinig niya iyon mula sa balita.

"Dowan!" Pipigilan pa sana niya ang binata sa pag-alis pero malakas na sumarado ang pinto at nakalabas na ang binata. "Is he for real?" Di makapaniwalang sabi ni Isabela. Hindi niya alam kung bakit nagmamadaling unalis ang binata. Siguro ay seryoso talaga ito sa pageexercise at kailangang masunod ito sa tamang oras. "He's really dedicated to it, huh."

Samantala, paglabas ng dorm building ay pawis na pawis si Dowan habang tumatakbo sa open track na malapit sa university. Hindi niya pinapansin ang bumubuhos na ulan at patuloy lang sa pagtakbo. Saglit itong tumigil sa pagtakbo at isinandal ang dalawang braso sa kanyang tuhod. Ngayon ay nararamdaman niya ang mga patak ng ulan sa kanyang likuran.

Napamura siya sa isip. Aminado siya na tinitigasan pa rin siya kapag napapatingin siya kay Isabela. At hindi niya rin alam kung ano ba ang dapat niyang gawin.

"I gotta pull myself together. I can't let this go on any longer." Sabi niya sa sarili.

Tumayo siya nang maayos at kumuyom ang mga kamao. Hindi pwedeng ganito nalang siya palagi.

"Tonight, for sure...! It has to stop!" Mariin niyang sabi.

Nahihirapan si Dowan sa kanyang sitwasyon. Sa katabing kwarto niya lang kasi nakatira ang kanyang matagal nang mahal. Pero hindi niya pinapaalam sa dalagang ito ang nararamdaman niya. Masaya na siya na kasama ang dalagang walang alam sa nararamdaman niya. Dahil ang tingin ng dalaga kay Dowan ay isang mabuting kaibigan lamang.

Napapikit nang mariin ang binata at nagpatuloy sa pagtakbo. Tumatakbo lang siya na para bang ito ang solusyon sa problema niya. Na para bang ang pagtakbo ang makakapagpabawas sa nararamdaman niya.

Pero mali. Walang tamang solusyon para sa problemang dinadala niya.

Nakatitig lang sa puting kisame ng kanyang kwarto si Dowan habang pinapakinggan ang tunog na nililikha ng orasan. Oras na para matulog ngunit hindi sanay ang kanyang diwa na matulog nang ganito kaaga. Dahil ang body clock niya ay hindi tulad ng pangkaraniwan.

Pumkit siya upang hayaang madala ng antok. Pero ilang oras na ang nakalipas pero naririnig pa rin niya ang tunog ng orasan. Gising pa rin siya.

Bigla niyang narinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya. Napamura siya sa isipan.

Goodness, here we go again..