"Bakit sila nakapasok? Tas pagbabawalan niyo kami?"
Nakarinig ako ng sumisigaw habang nag lalakad ako papunta sa entrance ng Insomnia NightClub.
May dalawa na lalaki na nakikipag away sa guard. Mukhang hindi pinapasok. Although I can only see their backs, ramdam ko na medyo hindi fitting yung mga suot nila for this bar.
I mean... Come on, this club is a high end one, di nila pinapapasok ang kung sino-sino lang na nakasout ng.... Normal clothings.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa 'kin, pero tumigil ako sa tapat nila. This is a first. I don't know why pero bahala na.
"They're with me." sabi ko sa bouncer at tinanggal ang sout ko na salamin to reveal my face.
"Ikaw po pala, ms. Jeriel." magalang na bati ng bouncer.
Naglakad na ulit ako papasok pero hindi ko naramdaman na sumunod sa 'kin yung dalawa na lalaki, kaya naman tumigil ulit ako sa paglalakad.
"Bakit hindi kayo sumusunod?" I already gave them the chance para makapasok sa club tas mag tititig lang sila?
Agad namang naalimpungatan ang dalawa na lalaki at mabilis na naglakad papunta sakin.
"Thank you."
The loud music welcomed us once na makapasok na kami sa club.
I smiled.
This club never fails to excite me. I could already feel the adrenaline rush coursing through my veins.
"So..." I trailed as I looked back at them, "First time clubbing?"
"Hi-hindi ah! Ilang beses na kaya kaming nakapuntang club." Sabi nung isang guy. May itsura ito pero hindi pa rin enough para ma tawag na gwapo. Siguro mas aayos pa siyang tignan pag mas maayos ang kasuotan nito.
Of course, para sa 'kin.
Siguro sa ibang babae gwapo siya. Sabi nga ng mga kaibigan ko ang taas daw masyado ng standard ko.
"Yeah right," I chuckled. Maski naman hindi na niya i-confirm, halatang halata naman na first time nila to. Tinignan ko yung isa pang lalaki. Nakababa ang ulo nito at mukhang nahihiya.
Ang inosente niyang tignan. Napaka refreshing sa pakiramdam, unlike sa mga nakakasalamuha ko na kalibugan ang palaging nasa utak.
Kumbaga lust over everything ang mentality nila.
As for me... Well, hindi ko rin naman ma de-deny na nagpapatalo rin ako sa lust PAGMINSAN. Sinong bang hindi?
"Jeriel nga pala," Linahad ko ang kamay ko sa kanila, "Kayo?" tanong ko dito.
"Ah! Nolan. Ako si Nolan," Flustered na pakilala nung 'ordinary-looking guy' at inabot ang kamay ko. Agaran din naman nitong kinuha ang kamay niya na parang nakuryente.
Definitely a first timer.
Hinintay kong abutin nung lalaki na nakayuko yung kamay ko pero mangangalay na lang ako hindi pa rin inabot at nag pakilala.
Kinaway ko ang kamay ko sa harap nito para kuhain ang attention niya.
"Ganyan talaga yan, masyadong mahiyain," sabi ni Nolan. Siniko nito ito at sinenyasan na mag pakilala.
"A-ang lambot," nanglaki ang mata nito ng maramdaman na iba ang nasabi niya. "Ah-ano...uhm, Kahel... Kahel ang pangalan ko," Nauutal nitong sabi.
Ang cute niya tignan.
Napatawa ako. Mukha namang mas lalo pa itong nahiya. I could see him blushing. Pati sa tainga nito ay may bahid na pula.
"Don't worry, I get that alot," I winked at him at tuluyan ng pumasok. Dumiretso ako sa bar counter at umupo.
"Napaaga ata tayo ngayon, ah?"
Biglang may humalukipkip sa harapan ko. Si Klyde, isang bartender dito sa Insomnia.
11:30 pa lang kasi ng gabi. Usually, pumupunta ako dito ng mga around 12:00 or 5 minutes before mag twelve, kasi sa mga oras na yun ang peak hours.
"Ang boring sa dorm, puro aral lang ng aral mga tao dun," sagot ko dito.
Malapit na kasi ang exams kaya naman todo aral na ang mga roommates ko. Wala naman akong pakialam dun sa exam na yon. Pwede namang mag house wife na lang di ba? Papakahirap pa sila mag-aral.
"Si Kiana... Anong balita sa kanya ngayon?"
I knew it, tatanungin nanaman ako nito tungkol kay Kiana.
"Akala ko ba wala na? Di ka pa rin maka move-on?" I teased.
Ex kasi nitong si Klyde si Kiana. Hindi ko rin alam ang nangyari sa kanila at kung bakit sila nag break. Ayaw din naman nilang sabihin kung bakit. For what I know, napaka sweet nga nila sa isa't isa.
Pero...
One day pagbalik ni Kiana sa dorm namin, umiiyak siya tas break na daw sila. Ayon, the end of the story.
"Pano kung di pa nga?" He sighed at umayos ng tayo.
"Ano ba kasing nangyari?" Mas lalo nanaman tuloy akong na curious.
"Basta."
"Nako, kung ayaw mo pa ring sabihin, bigyan mo na lang ako ng Piña colada."
Agad naman nitong sinunod ang order ko at nag simula ng i-prepare ito.
Nakita ko ulit sila Nolan at Kahel. Nakaupo sila sa isang table na hindi kalayuan sa 'kin.
I frowned. May kumakausap sa kanila, pero from the looks of it, hindi 'usap' yung nangyayari. More like threatening. May tama na ata tong lalaki. If he was in his right mind, he wouldn't have the guts to start a fight. Kilala kasi ang Insomnia dahil sa tight security nito.
Kung ayaw mong may bumabastos sayo pero persistent yung tao, isang tawag lang sa mga bouncer paniguradong bugbug na yung tao na 'yun.
Normaly, hindi ko papansinin ang mga bagay na ganito pero naiinis ako sa nakikita ko lalo na nung dinuro niya si Kahel.
I don't know what got into me. Pagkalapag na pagkalapag ni Klyde nang order ko ay kinuha ko ito at uminom ng unti, sabay tayo. Linapitan ko yung lalaki na 'kumakausap' kina Nolan at Kahel.
"Ang lakas mong makatitig sa girlfriend ko! Umayos-ayos ka nga! Di mo ata ako nakikilala."
"Bro, hindi ko naman inaano girlfriend mo ah," depensa ni Nolan.
"Iimik ka pa? Anong karapatan mong tumingin sa mata ko? Ibaba mo nga yang tingin mo."
Dinuro ulit nito si Kahel, "At ikaw, kanina pa masama yang tingin mo sa akin."
Habang papalapit ay mas naintindihan ko ang pinag-uusapan nila.
Medyo malaki ang katawan nito at may malaki pang hiwa sa mukha na mas lalong ikinatakot ng itsura nito.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Tinapik ko ito ng malakas.
"Ano ba!?" singhal nito at hinawi ng malakas ang kamay ko.
"Aray!" I yelp.
Medyo masakit yun, ah! Nakita kong namula ng unti yung kamay ko na hinawi ng lalaki.
Mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa inasal nito.
"Hoy! Gago to!"
Nakita kong lumapit kaagad si Klyde ng makita ang pangyayari.
"Pre, nakakalalaki ka ata, ah." Nakipagtitigan si Klyde dito at tinulak ang braso. "Hindi mo ba alam kung nakaninong teritoryo ka?"
Nakita kong mas nanlisik ang mata nung lalaki. If looks could kill, paniguradong patay na kami dito ngayon.
Tinignan nito ang braso niya na tinulak ni Klyde.
"Okay ka lang?" Tanong ni Klyde. Kinuha nito ang kamay ko at tinignan yung namumulang parte ng kamay ko.
Tumango ako dito.
Nang laki ang mata ko ng makita ang kamao ng lalaki na patama na sa likod ng ulo ni Klyde
I did the most plausible thing. Tinulak ko sa Klyde patagilid at sinipa ng malakas ang private part nung lalaki.
I heared the guy hissed, pati ang mga nasa gilid na nanunuod samin ay napasinghap din.
Napaluhod itong lalaki at hinawakan ang private part niya.
Mukhang napalakas ata sipa ko.
I looked at him with pity, naka heels pa naman ako.
Well he deserves it.
No one has ever treated me like that, not in my house and definitely not in this club.
Bahala na siya kung mabaog man siya. It's his fault in the first place.
"Salamat sa tulong pero you need to worry about yourself too," Sabi ko kay klyde.
He definitely looked cool when he intervened pero ang tanga, hindi man lang inintindi yung lalaki.
"Alam mo nakakatakot ka din pag minsan," Sabi nito at pumunta na sa pwesto niya sa bar to serve the other customers.
Dumating na ang mga bouncers at kinuha yung nakaluhod pa rin na lalaki.
"Sorry po talaga ms. Jeriel, hindi na po ito mauulit."
I waved my hands at him, signalling him to leave.
Tinignan ko yung dalawa at umupo sa tabi nila.
Medyo awkward...
Nakayuko itong mga ito na parang nakagawa ng malaking kasalanan.
"uhm... Okay lang kayo?"
"Sorry nadamay pa kayo dun... Pero thank you," mahinang sabi ni Nolan.
"Wala yun."
Pero ang totoo hindi ko rin alam kung bat ko ba yon nagawa. Maybe dahil gusto ko silang tulungan?
I've been there before.
Nung una hindi ko rin alam ang gagawin ko. Para lang akong tuod na nakaupo sa isang gilid habang binabastos na ng mga lalaki.
If it wasn't for a guy who helped me that time siguro mas lalo lang akong nabastos and worse case na take advantage.
"Maalam ba kayo mag inom?"
What a silly question, self.
Ngayon ko lang na realized na ang tanga nung question. Of course they can. Ano pang bisa ng pagpunta nila sa club.
"Actually, first time namin to maginom." medyo nahihiyang sabi ni Nolan.
"Wait, hindi nga?"
"Totoo"
"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Nakota kong nag nod din si Kahel. Mukhang first time nga talaga nila.
"Well there's always a first time 'di ba?" Sabi ko sa kanila at hinanap ng paningin ko yung pinakamalapit na bartender. "Josh! Bigyan mo nga kaming beer dito!" sigaw ko sa isa sa mga bartender.