Annalyn Point of view
Maaga pa lang nag asikaso na ako dahil magsasama na kaming apat ng mga kaibigan ko sa iisang bahay parang sa PBB lang pero yung sa amin for school purpose. Nagliligpit ako ng gamit ko at mga damit ko lang ewan ko ba sa nanay ko bakit ako pinapaalis dito sa bahay sagabal daw kunno ako rito nahiya ako sa ako na lahat gumagawa sa gawaing bahay. Nung ginising ako ni mama hindi na ako nagreklamo e bahala siya basta wag niya ako sisihin kapag hindi ako matino kulang ako sa aruga e.
Ilang minuto lang din ay natapos na ako sa pag aayos inayos ko na muna yung maleta ko pagtapos ay lumabas na sa kuwarto ko para bumaba at kumain nagugutom na ako infairness akala niyo sa 'kin diet wala yun sa vocabulary ko atsaka sexy naman ako kaya no need na mga besh.
Naabutan ko si mama kasama kung abnormal ko na kuya magkaaway kami ngayon e paano ba naman kasi isumbong ako sa mga kalokohan ko kahit wala naman ebidensya pero ang totoo niyan tama siya kaso wala lang ebidensya pero syempre inosente kunno ako kaya hindi ako umamin bahala sila.
Umupo na lang ako kaagad tapos ay hindi na umimik pa.
"Tapos ka na sa pag aayos mo?" Biglang tanong ni papa
"Opo ready to pick up na lang po." Magalang na sagot ko
"Good,mag iingat ka roon." Sabi naman ni mama
"Yes po." Sagot ko
Hindi na lang ako umimik pa wala naman ako sasabihin sa kanila o ikukuwento e bahala sila.
Buong kainan namin ay wala nag uusap sa amin tahimik lang kami tanging kutsara at tinidor ang maririnig namin at pagnguya namin bukod roon wala ng iba pa. Nauna ako matapos kaya tumayo na ako para mag ayos at mamaya ay ihahatid na ako kasama ang mga kaibigan ko sa bago naming bahay.
"Mag aayos na po muna ako mauuna na po ako sa inyo." Sabi ko
"Sige anak make sure na wala ka maiiwan na mahalaga. Double check mo muna para sigurado." Sabi ni mama
"Yes po." Sabi ko
"Sige na umakyat ka na sa kuwarto mo." Sabi naman ni papa
"Opo."
Naglakad na ako pabalik ulit sa kuwarto ko nagpahinga na muna ako sandali habang tinitingnan ang kuwarto ko sa loob ng 15 years my god! mamimiss ko itong kuwarto ko kakaiyak huhuhu. Tumayo na ako at pumasok na sa banyo para maligo.
Makalipas ang isang oras ay natapos na ako magbibihis na ako ngayon at mag aayos ng pagmumukha ko maglalagay ako ng mga color sa pagmumukha ko habang nagbibihis ako ay nag ring ang cellphone ko na kasalukuyan nakalagay sa kama lumapit ako at kinuha ito nakita ko agad ang pangalan ng kaibigan ko na si Angelica kaya naman sinagot ko kaagad.
[Hello besh.]
[Anong oras mo balak pumunta rito sa bagong bahay?]
Tanong niya sa kabilang linya bigla ko na lang naisip na nandoon na siguro siya kaya niya ako tinatanong bahala sila maghintay doon.
[Later pa bakit?]
[Besh ikaw na lang kulang dito, bilisan mo na kaya.]
This time boses na ni Larryl ang nagsalita.
[Just wait me okay.]
[Bilisan mo.]
Boses naman ngayon ni Jasmin
Ako na ang pumatay sa tawag nila hindi na ako matatapos sa kanila lalo pa nila pinapatagal e nag umpisa na ako mag ayos at magbihis at the end naka tshirt at short lang ako ewan ko ba rito na lang talaga napunta ang bihis ko bahala na wag na tayo umarte pa bahay rin naman ang pupuntahan ko e kaya nag umpisa naman ako mag ayos ng mukha ko.
Ilang sandali lang ay natapos na ako palabas na dapat ako ng magbukas ang pintuan ng kuwarto nakita ko si kuya Angelo kaya naman hindi na ako nag react pa inayos ko na yung mga dadalhin ko at ibaba na ng hawakan ni kuya ang kamay ko.
"Ako na riyan mauna ka na bumaba." Sabi niya pero dahil nagtatampo pa rin ako ay hindi ako pumayag.
"Kaya ko naman na po e ako na bahala rito." Sagot ko
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya mo ang mga bagay kahit sabihin mo sa iba kaya mo alam mo hindi mo kaya." Serysong sabi ni kuya alam ko naman na para sa akin yan e. Wala na akong nagawa kung hindi bitawan ang pagkakahawak sa maleta.
"Okay." Sagot ko
Pagkatapos ay sa lumabas na ako sa kuwarto ko at dumeretsyo sa sala. Naabutan ko sila mama at papa na nag uusap lumapit ako sa kanila.
"Anak tatawag ka sa amin araw araw para alam namin nangyayari sa'yo, wag ka papalipas ng gutom mag aaral ka ng mabuti." Sabi naman ni mama
"Opo alam ko na yan mama, tapos wag ako magpapagod kasi baka masobrahan wala kasi kayo para alagaan ako atsaka yung gamot ko kailangan tamang oras ko inumin para mas madali akong gumaling." Sabi ko
"Good mag iingat ka roon wala na kami sa tabi mo malayo na kami sa'yo nasa States kami kaya mag iingat ka wag ka lumabas ng gabi delikado." Sabi ni papa
"Opo alam ko na po yun mama at papa,kayo po ang mag iingat dahil hindi niyo kabisado ang States pasalubong ko po." Natatawang sabi ko
"Ikaw pa kahit hindi mo sabihin automatic na yan." Sagot ni mama
"Tama na drama aalis ka na si kuya no maghahatid sa'yo, chance niyo na para magkaayos." Sabi ni papa
Kahit nag aalangan ako ay ngumiti na lang ako at tumango sa kanila niyakap ko sila ng mahigpit nag abot din sila ng allowance ko para daw magastos ko papadala na lang sila sa pasukan namin na ilalagay ko sa bangko para hindi maubos gastador pa naman ako hindi uso sa akin ang salitang tipid. Pagkatapos ng paalaman ay lumabas na ako at sumakay sa kotse na maghahatid sa bagong tahanan ko kasama mga tinuturing kung kapatid.
Habang nasa biyahe kami ay walang nagsasalita sa amin ni kuya nasa harapan din ako nakaupo ngayon alam ko naman hindi siya papayag na mag mukhang alalay or driver ko siya baka hindi ako ihatid mahirap magcommute lalo na marami akong dalang gamit for sure pagod lang ang aabutin ko.
"Hmm,kuya wala ka ba gusto sabihin?" Tanong ko
"Alam ko naman nagtatampo ka sa akin e dahil sa nangyari e pero nag sorry na ako sa'yo." Sabi niya habang nakatingin sa minamaneho niya.
"Okay fine ayos na wag na natin palakihin pa dahil tapos naman na e. Sorry din po sa ginawa ko." Sabi ko
"Okay lang tapos na magmove on ka na lang." Sabi pa niya tapos tumingin sa akin
Hindi ko alam saan ulit ako mag uumpisa pagtapos ng break up namin ni Aljon hindi ko alam saan at paano ulit babangon at magsisimula sa simpleng ako at masayang ako ang gulo nang buhay ko after ng break up pakiramdam ko panibagong adjustment na naman.
Buong biyahe wala ako sa sarili ko hindi ko alam na nakarating na pala kami.
"Nandito na tayo Anna baka gusto mo na bumaba di ba." Sabi ni kuya nakababa na pala siya
Umaayos ka naman Annalyn wag mo ipakita na apektado ka pa rin come on moving forward. Nakita ko na lang si kuya na binababa ang mga maleta ko samantalang nakatayo lang ako rito sa may labas ng bagong bahay namin nakatingin lang hindi ganoon kalaki hindi rin naman ganoon kaliit sakto sa mga katulad namin na apat sana sa paglipat ko maiwan na rin sa kahapon yung sakit napapagod na ako umiyak napapagod na yung puso sa sakit.
"Ano ready ka na ba sa bagong tahanan mo?" Tanong ni kuya
"Yes po tara na kuya." Sabi ko
Pumasok na kami pagkapasok ko wala akong naabutan na tao nasaan na ang mga kaibiga ko? nagulat ako kasi biglang may bumuhos na confetti at sabay nilang sabi ng
"WELCOME ANNALYN GARCIA." Sigaw ng tatlo kaya naman hindi agad ako nakapag react nagulat kasi ako sa kanila bigla silang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit.
"Ehem ehem hindi makahinga ang pinakamamahal kung kapatid." Sabi bigla ni kuya kaya naman napabitaw sila sa pagkakayakap.
"Kaloka ka naman kuya Angelo syempre namiss lang namin siya tagal namin hindi nagkita e." Sagot ni Larryl
Close nila si kuya kaya ganiyan sila mag usap.
"Alam ko yun pero wag naman sa paraan na masasaktan siya nasaktan na siya emosyonal wag naman kasama pisikal." Sagot ni kuya
"Ay oo nga pala don't worry kami na bahala kay Anna kuya." Sagot naman ngayon ni Ange
"Truth kuya sa ngayon samahan na namin kayo sa kuwarto ni Anna para maayos na yung mga gamit niya." Sabi naman ni Jasmin
Naglakad na kami paakyat sa mga kuwarto ko pinagtulungan na namin bitbitin lahat ng dala ko para wala ng balikan pa parang siya hindi na kailangan balikan kasi wala ng pag asa charot lang puro ako hugot e iba talaga nagagawa kapag broken ka nagiging madrama ka sa buhay mo.
Makalipas ang minuto ay nagpaalam na si kuya na aalis siya kaya naman hinatid ko na siya palabas sa bagong bahay naiwan yung tatlo sa loob dahil may aasikasuhin daw kaya ako na naghatid kay kuya kukuha pa ako ng allowance sa kaniya.
"Paano mauuna na ako mag iingat ka rito, atsaka tumawag kapag may kailangan ka." Sabi niya
"Opo alam ko na po yun." Sagot ko
"Sige, heto dagdag sa allowance mo wag ka papagutom bumili ka kapag gutom ka." Sabi niya sabay abot sa sobre
"Opo kuya promise po yan, ingat po kayo sa pag uwi text me pag nakauwi na po kayo."
"Oo sige mauuna na ako pumasok ka na sa loob."
"Opo."
Nagwave na ako sa kaniya at naglakad na papasok sa loob umakyat na ako para naman mag asikaso ng gamit at ayusin ito hindi naman malaki ang kuwarto ko mas malaki yung sa bahay pero hayaan na natin hindi naman kailangan malaki basta komportable makatulog keri na mga besh.
Pagtapos ko sa pag aayos ay palabas na dapat ako ng pagbukas ko sa pintuan ay mukha agad ng tatlo nakita ko.
"Ano ba ginagawa niyo sa pintuan." Tanong ko
"Kasi baka alam mo na yun e." Sabi ni Larryl
"My gosh! hindi ko yun balak gawin tara alis tayo." Sabi ko
"Yayayain ka na rin talaga namin e pero sige tara." Sagot ni Larryl
"Arat mga te." Sabi ni Angelica
Bumaba na kami at sabay sabay na naglakad palabas sa bahay habang nag uusap alam ko naman na alam nila papunta sa Mall kasi malapit lang sila rito e.
"Anong balak niyo maglakad ang init kaya." Sabi ko
"Maglalakad kasi tayo papunta sa terminal malapit na lang yun dito tuleg." Sabi ni Ange
"Ay gano'n linawin kasi para alam ko." Sabi ko
"Common na kasi yun parang hindi tumira ng subdivision." Sabi naman ni Jasmin
"Gago baka maliit lang yung amin." Sabi ko
"Ay bobo kaya pala." Kamot pa sa ulo ni Larryl
Hindi na lang kami nagtalo talo dahil nandito na kami sa terminal ang nakasama ko rito sa may labas ay si Lala (Larryl) ganiyan namin siya tawagin para mas madali tapos sa loob si Jaja naman kasama si Ange, Jasmin Faith as Jaja katulad ng kay Lala tapos Angelica for Ange o kaya minsan Lica/Ica basta bahala na kami pare pareho kami na four letters lang ang nn pero kami lang nakaisip ng ganoon kasi ako nn ko talaga Nalyn e tinanggal lang yung A sa name ko.
Ilang sandali lang naging biyahe namin nakarating na kami sa may Mall kaya naman agad agad kaming pumasok sa may loob ng Mall habang nag uusap sa mga posibleng gawin namin dito pero most common window shopping tamang tambay lang pero hindi naman ganoon ang ugali namin e ang tumambay rito kakahiya kaya my gosh. Naglibot na lang muna kami habang wala pa kaming magawa.