Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The story of pinag-tagpo pero hindi tinadhana. Author: Tarin Prince

Prince_Tarin
--
chs / week
--
NOT RATINGS
8k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - The Story Of Pinag-tagpo Pero Hindi tinadhana part 1

Tauhan:

Franky: Ang hari ng apoy.

Carol: Ang reyna ng tubig.

King Cedrick: Ang unang hari at ama ni Franky

Queen Fiona: Ang unang reyna at ina ni Franky at Finona.

King Patrick: Ang hari ng araw at bagong asawa ni Queen Fiona at anak nila si Carol.

Maddy: Diwata ng kadiliman at ang nagbibigay ng kapangyarihan kay Franky.

Faith: Diwata ng liwanag at nag-handog ng kapangyarihan kay Carol.

....

Noong unang panahon si King Cedrick ay nagkaroon ng anak sa isang simpleng babae na naninirahan sa gubat ng pag-ibig.

Pagsapit ng ika-siyam na buwan nanganak na ang simpleng babae na naninirahan sa gubat ng pag-ibig ang ama nito ay si king Cedrick, Hindi ito hinarap ni King Cedirck dahil bilang hari hindi dapat siya magkaroon ng asawa nang sa ganon ay walang sagabal sa kaniyang pamumuno. Nanganak si Fiona nang siya lamang mag-isa at walang nag-aasikaso! tilah pinabayaan siya ng hari. Tuwang-tuwa ang reyna nang masilayan niya ang kaniyang anak kaya binigyan niya ito ng pangalan na Franky hango sa pangalan ng kaniyang Lolo. buong akala ni Fiona ay makakasama niya si Franky ng matagal pa sa isang araw ngunit hindi dahil nag-bigay utos ang hari na ibigay ang kaniyang ginawang liham para kay Fiona at kunin ang kaniyang anak nasi Franky dahil ang buong akala ng hari ay hindi kayang buhayin ni Fiona ang kanilang anak. Labis-labis ang pagmama-kaawa ni Fiona sa mga kawal ngunit hindi ito pinansin kaya nagbalak si Fiona na magtungo sa kaharian ng hari kahit na siya ay bagong panganak.

Sa pagpunta ni Fiona sa kaharian ito ay nagsisigaw, nagmamakaawa at hinahanap ang kaniyang anak. Sa huwangis ni Fiona makikita mo ang lungkot ng isang mapag-mahal na ina. ngunit walang pumapansin sa kaniya kahit na nakikita siya ng kaniyang dating kasintahan. Nagbigay utos ang hari sa kaniyang tapat na kawal na palayasin si Fiona sa kaharian kaya't

dali-dali itong pumunta kay Fiona at pinaalis.

Habang naglalakad si Fiona sa kagubatan siya ay panandaliang nawalan ng buhay dala ng kaniyang bagong panganganak. Matagal siyang nakahilata sa lupa ng kagubatan ng may biglang dumating na mandirigma na naglalakbay sa kagubatan na kaniyang pinag-tumbahan nang mapansin ng mandirigma si Fiona dali-dali niya itong tinulungan at dinala sa isang simple at hindi maayos na kaharian.

Pagsapit ng 3 oras si Fiona ay muli nang nagising ngunit laking gulat niya na nasa ibang lugar siya kung saan malayo sa gubat ng pag-ibig, Sa kaniyang kwarto pumasok ang mandirigma at pinakilala niya ang kaniyang sarili ' Ako si Patrick at ikaw ngayon ay nananatili sa aking binubuong kaharian'. Saad ni Haring Patrick. ngunit nagtataka si Fiona kung bakit niya binubuo ang kaharian na ito dahil ito ay ipinagbabawal ng unang hari na si King Cedrick kaya't tinanong niya sa Hari ng bagong kaharian.

Fiona: Ano ang pangalan ng kaharian na binubuo mo?

Haring Patrick: Ang kaharian ng kapayapaan. Dahil nais kong magkaroon ng kapayapaan dito sa ating mundo.

Fiona: Ngunit ito ay una sa batas ng ating hari nasi Cedrick.

Haring Patrick: Alam ko! Kaya dito ko ito binuo dahil alam kona hindi ito masyadong pinupuntahan ni King Cedrick.

Fiona: Pero bakit mo ito ginagawa?

Haring Patrick: Dahil nais kong labanan ang hari gusto ko siyang alisin sa kaniyang pamumuno nang sa ganoon ay malaya nang mamuhay ang lahat ng naninirahan dito sa Fantastica.

Nagtaka si Fiona dahil hindi lang pala siya ang may galit kay King Cedrick. Kaya't nagdesisyon si Fiona na tumulong ito kay haring Patrick na ayusin ang kaharian ng kapayapaan.

Fiona: Nais kong tulungan ka sa pag-buo ng iyong kaharian.

Haring Patrick: Nais ko din sana na ikaw ang gawin kong reyna dito sa aking kaharian.

Fiona: Pag-iisipan ko at malalaman mo ang sagot sa pagsapit ng ika-labing siyam ng buwan ng abril.

Masaya si Fiona at Haring Patrick na gumagawa ng Kaharian.

Pagkatapos nila itong likhain sila ay nagyakapan at masayang nag-alay sa kanilang bathala.

Pag-tapos nilang mag-alay agad na nag-tanong si Fiona 'Haring Patrick buo na ang ating kaharian ngunit wala pa tayong mga tapat na tauhan?'. Mag-antay lang tayo sagot ng hari.

Sa pag-sapit ng ika-labing siyam ng buwan ng abril ito ang kaniyang kaarawan at tinadhanang buwan para sa kanilang kaharian.

Fiona: Haring Patrick, Oo! Ang aking sagot papayag na akong maging reyna mo at maging asawa.

Haring Patrick: Agad niyang niyakap at nag-pasalamat kay Fiona.

Sa gitna ng kanilang kasiyahan may isang Diwata ang dumalo sa kaharian ng Kapayapaan.

Haring Patrick: Diwata, Sino ka? Ano ang ginagawa mo sa aking kaharian?

Diwata: Ako si Faith ang tapat na tagapag-lingkod ng bathala.

Fiona: Kung ganoon bakit ka nandito?

Diwata: Nandito ako upang basbasan ang inyong kaharian at mag-handog ng kawal sa inyo na siyang makakatulong sa pagbabago ng Fantastica 'tawag sa kanilang mundo'.

Haring Patrick: Maraming salamat diwata.

Diwata: Nandito din ako upang kayo ay ikasal na dahil nakikita ko ang kapalaran at kinabukasan ng inyong pagsasama.

Fiona: Huh, Ngunit wala pang nakaka-alam na kami ay magkasintahan na.

Diwata: Kilala niyo si King Cedrick. matalas ang kaniyang paningin at pakiramdam lalo na at ang una mong anak na si Franky ay na kay King Cedrick.

Fiona: Kung sa ganoon kasal lang ba ang paraan upang hindi kami mapag-hiwalay ng aking pinaka-mamahal nasi Patrick?

Diwata: Hindi! Dahil bibigyan ko din kayo ng anak na siyang magiging tagapag-mana ng inyong kaharian at ito ay aking binabasbasan ng kapangyarihan ng tubig.

Fiona & Haring Patrick: Papayag kami.

Diwata: Kung sa ganoon halina't tayo ay mag-uumpisa na.

Fiona: Ngunit nais ko munang itanong ano ang kayang gawin ng kapangyarihan na ihahandog mo sa aming magiging anak?

Diwata: Marame!!!

Kinasal na nga ang unang hari at reyna ng bagong kaharian at pagtapos silang ma-ikasal agad na umalis ang diwata at binigyan niya ng liwanag ang bagong kaharian.

Sa palasyo ng unang kaharian nakarinig ang haring Cedrick ng malakas na pag-putok sa kalangitan. kaya't agad niyang tinawag ang diwata ng kadiliman "Maddy! Maddy! Maddy! Maddy!" sigaw ng hari. Sa pagdating ng diwata ng kadiliman agad niya itong kinausap.

King Cedrick: Ano ang nangyayare tilah hindi maganda ang aking pakiramdam?

Maddy: Dumating na, Nangyayre na ang tadhana ng bathala!.

King Cedrick: Anong tadhana?

Maddy: May nais na kalabanin ka hindi lang siya isa kundi dalawa siya ang una mong kasintahan at isang mandirigma na ngayon ay hari na nang bagong kaharian.

King Cedrick: Yun lang! wala naman pala akong dapat na ika-takot sa nangyayare.

Maddy: Mayroon Cedrick! Dahil ang tapat na tagapag-lingkod ng bathala ay nagbigay na nang basbas sa mag kasintahan at batid kong magkaka-anak na sila mula sa bathala at ito ay binigyan ng kapangyarihan na siyang magpapa-bago sa fantastica.

King Cedrick: Hindi maaari!

Maddy: Dalhin mo ako sa anak mo at siya ay aking bibigyan ng kapangyarihan

Habang sila ay naglalakd makikita sa itsura ng hari sa unang pagkakataon ang takot.

Pumasok ang diwata ng kadiliman sa silid ni Franky at siya ay nagbigay ng ritwal at kapangyarihan ng apoy na magagamit sa anong oras ng digmaan at siya ay itinadhana na para patayin ang anak ng reyna at hari ng kapayapaan.

Sa pag-usbong ng isang taon malaki na ang dalawang bata nasi Franky at Carol. Si Franky ay nasa edad na labing-lima habang si Carol naman labing-apat.

Si Franky ay gaya ng kaniyang ama nasi King Cedrick mahilig maglakbay sa kagubatan para magnilay-nilay ngunit hindi niya pinangarap na maging hari ng Fantastica. Habang si Carol naman ay nag-mana sa kaniyang ina at nakuha niya ang kagandahan nito at pagiging mapag-mahal sa lahat ng bagay. tilah silang dalawa talaga ang pinagtagpo.

Sa kagubatan kung saan naglalakbay si Franky may nakita siyang isang babae na naliligo sa batis ng mga Diwata. Ngunit nasilayan siya ni Carol.

Carol: Mandirigma ano ang ginagawa mo dito?

Franky: Wala pinapanood kolang ang pagaspas ng mga halaman sa puno.

Carol: Hindi mo ako maloloko.

Franky: Huh!

Carol: Wala na siya sa ilog.

Franky: Ang bilis mo paano mo nagawa iyon.

Carol: Simple lang lumangoy ka nang mabilis tapos nasa lupa kana.

Franky: Halika turuan mo ako.

Carol: Hindi kita kilala mandirigma kaya diyan ka mag-isa mo.

Agad na umalis si Carol sa Batis ng mga diwata at iniwan si Franky ngunit sinundan siya nito at tinanong ang pangalan.

Franky: Hi! magandang binibini nais kobang malaman ang iyong ngalan?

Carol: Sino? kaba para malaman ang aking ngalan.

Franky: Ako, Ahhhhm!!

Carol: Paumanhin! Ngunit pagdating sa pangalan sensitibo ako dahil sinasabi ko lamang ang aking pangalan sa mga kaibigan ko at magiging asawa ko.

Franky: Pwede mo naman akong maging kaibigan!

Carol: Paumanhin ngunit babae lang ang kaibigan ko.

Franky: Sige ako nga pala sa si Franky nagagalak akong makita ka.

Carol: Sige nilalang.

Sa pagtalikod ni Carol patago siyang kinilig sa ginawa at mga sinabi ni Franky. Ngunit nakita ni Franky ang kaniyang naging reaksyon.

Kinabukasan... mabilis na bumalik si Franky sa Batis ng mga diwata habang naka-suot pambabae habang siya ay naglalakad siya ay pinag titinginan ng mga tao sa paligid niya. Pagpunta niya sa batis ng mga diwata ang buong akala niya nagbalik dito si Carol ngunit hindi "Ayts!! Grabe itong kahihiyan na ginawa ko malaman kolang pangalan mo tapos wala ka". Hindi tumigil sa paghahanap si Franky kahit na ang suot niya ay masyadong nakakahiya para sa iba. sa pag-sapit ng dalawang oras nakita niya si Carol na nakikipag-laro sa mga hayop na malapit sa batis.

Franky: binibini?

Carol: Ano yang suot mo nakaka-ilang tignan...

Franky: Diba sabi mo babae lang pwedeng maka-alam ng pangalan mo kaya nag-panggap ako na babae baka sakaling sabihin mo pangalan mo.

Carol: Sinabi koba yun?

Franky: Oo! sa una na nating pagkikita.

Carol: Naniniwala ka naman.

Franky: naku! grabe ito huh gusto kolang naman malaman pangalan mo naging ganto pa ako.

Carol: Kasalanan mo ang kulit mo ehk.

Franky: Ano ba pangalan mo?

Carol: Tara sasabihin ko habang tayo ay naglalakbay, Ngunit mag-palit ka muna ng iyong kasuotan.

Habang naglalakad.

Franky: Bakit ba ayaw mong sabihin ang pangalan mo?

Carol: Turo kase saken ng aking Ina. ingatan ko ang aking pangalan. dahil hindi lang ikaw ang may dala nang pangalan na iyan kundi buong pamilya bukod pa doon sinabi sa akin ng aking ama na kapag hindi ko iningatan ang aking ngalan maaaring gamitin ito sa mali.

Franky: Grabe!

Carol: Pero sige sasabihin ko sayo ang aking pangalan ngunit mangako ka na iingatan mo ito.

Franky: Sige! Pangako.

Carol: -Ako si Carol anak ako ng...

- Paumanhin ngunit magdidilim na kailangan konang magbalik sa amin baka magalit ang aking Ina.

Franky: Pasigawa niyang sinabi na sana tayo Ang itadhana.

Carol: Ang bilis mo naman.

Franky: Sige Carol paalam.

Habang naglalakad si Franky pauwi nang kanilang palasyo iniisip niya kung paano niya paiibigin si Carol lalo na at ipinagbabawal ang pag-iibigan ng dalawang tinadhanang hari at reyna ng dalawang palasyo.

Nagtanong ang inang reyna ni Carol kung saan siya nag-punta?

Reyna Fiona: Saan ka nagpunta?

Carol: Naglakad-lakad lamang po ako ina.

Reyna Fiona: Sana iyon ang totoo. alam mo ang bawal mong gawin dahil ikaw ang susunod na reyna ng kaharian naten.

May gumugulo sa isip ni Carol kaya't tinanong niya ang kaniyang mga tanong sa reyna.

Carol: Ina! Bakit poba bawal akong umibig?

Reyna Fiona: Dahil magiging sagabal lamang ito sa iyong pamumuno.

Carol: Ngunit ina batid niyo din na kasama sa ating pamumuhay ang mag mahal.

Reyna Fiona: Alam ko yun Carol ngunit ang pagiging reyna ay isang malaking responsibilidad.

Carol: Ngunit kayo di ba ina ay umibig kay ama..

Reyna Fiona: Oum anak nagka-ibigan kame ngunit hindi pa kame hari at reyna ng panahon na iyon.

Ngunit nagtataka si Carol kung nasaan ang kaniyang ama at kung kailan at paano gamitin ang kaniyang kapangyarihan.

Carol: Ina! Nasaan po ang ama?

Reyna Fiona: Ang iyong ama ay naghahanda ng nga sandata na gagamitin sa pakikipag digma naten sa lumang kaharian.

Carol: Ngunit ina madami ang masasaktan.

Reyna Fiona: Dito sa Fantastica umiikot lamang ang ating pamumuhay .

1. Pakikipag digma

2. mag hanap buhay.

Carol: Ina huling katanungan po. paano ko po magagamit ang aking kapangyarihan?

Reyna Fiona: kapag ikaw ay nasa edad na dalawampu doon mo malalaman at lalabas ang iyong kapangyarihan.

Carol: Sige po ina . babalik na po ako ng aking silid.

Sa lumang kaharian ay. napansin ni King Cedrick na masaya ang kaniyang anak.

King Cedrick: Ano at masaya ka Franky?

Franky: May nakita po kase akong magandang binibini sa batis ng mga diwata ama.

King Cedrick: Kung ganoon wag kanang mag punta sa batis na iyon.

Franky: Bakit ama?

King Cedrick: limang taon nalang at lalabas na ang iyong kapangyarihan.

Franky: Wala naman sigurong masama kung iibig ako ama.

King Cedrick: Ang pag-ibig sasaktan kalang niyan paiiyakin ka lang, kaya itigil mo ang nais mo.

Franky: Sige ama.

King Cedrick: mag-handa ka at mag-eensayo tayo para maging handa ka sa kapag sumabak kana sa digmaan.

Franky: Paumanhin ama ngunit wala akong gana para mag-ensayo

agad na nag-tungo si Franky sa kaniyang silid

at siya ay nag nilay ng mag-isa.

Franky: Sana naging ordinaryong nilalang nalang ako para malaya akong umibig sa nagugustuhan kong nilalang.

kaya't nag-panggap si Franky na isa siyang ordinaryong nilalang na naninirahan sa fantastica. ganoon din si Carol.

kinabukasan ay nagkitang muli si Carol at Franky sa sikretong gubat ng fantastica doon sila laging nagkikita para walang maka-alam.

nagkwentuhan ang dalawa at naunang magtanong si Franky.

Franky: Ano ang pangalan ng ina mo?

Carol: Huh!pwede bang iba nalang ang itanong mo gaya kase ng ina iniingatan niya ang kaniyang pangalan.

Franky: Sige! Pasensya kana Carol.

Carol: Parang Ang hirap maging reyna at hari noh?

Franky: Kaya nga ehk buti nalang at hindi tayo naging tulad nila.

Carol: Huh!! ahhh..... Oo nga ehk!

Franky: Alam mo Carol simula palang nagustuhan na kita.

Carol: Ako din naman ehk.

Franky: Kaso baka d mo ako magustuhan.

Carol: Paumanhin Franky nagugustuhan na kita ngunit d ko nais na maging madali ang lahat.

Franky: D ko naman sinabi na maging magkasintahan na tayo agad.

Carol: Halika na Franky mag didilim na batid kona mapapagalitan na naman ako ng aking ina.

Franky: Sige! hatid na kita Carol.

Carol: Huh.... Ano kase!!!! wag na.

Franky: Sige Carol.

agad na tumayo si Carol at umalis na. ngunit sa kaniyang pagbabalik sa kaharian nakita niyang naghahanda na ang reyna at hari na nag-aasikaso para sa gaganapin na digmaan bukas.

Haring Cedrick: Anak! Nariyan kana pala.

Carol: Ama! tuloy po ang digmaan?

Reyna Fiona: Oo anak para matahimik na ang lumang kaharian.

Haring Cedrick: kaya't maiiwan ka dito para alagaan ang ating kaharian.

Carol: Sige Ina (Malungkot niyang saad)

sa pag-uwi naman ni Franky sa kaharian ay agad siyang kinausap ni King Cedrick.

King Cedrick: Franky!

Franky: Bakit po ama?

King Cedrick: Bukas na gaganapin ang unang digmaan kaya nais kong maiwan ka dito para alagaan ang kaharian.

Franky: Sige ama masusunod.

kinabukasan naganap na nga ang unang digmaan ng dalawang kaharian mapapansin na patas ang labanan ng dalawang kaharian. ngunit ang dalawang naiwan sa mag-kaibang kaharian ay hindi mapakali kaya agad silang nag-tungo sa lugar ng digmaan para tumulong ngunit naka-takip ang kanilang mga mukha.

sa pagpunta nila sa lugar ng digmaan agad silang lumalit sa kanilang mga magulang at kinamusta nila ito.

....

Carol: Ina! Paumanhin ngunit hindi ako mapakali kaya nais kong tumulong.

Reyna Fiona: Ngunit delikado.

Haring Patrick: Hayaan na naten nandito na siya at baka sakaling magamit na niya ang kaniyang kapangyarihan.

Reyna Fiona: Sige basta mag ingat.

.....

Franky: Ama?

King Cedrick: Bakit ka nandito, Hindi mo na naman sinunod ang aking utos.

Franky: Paumanhin ama, nag-aalala lamang ako.

King Cedrick: Sige! Sundan mo ang babaeng naka-takip ang mukha siya ang iyong kalabanin.

Franky: Sige ama, Mag-iingat kayo.

.....

nag-simula na nga ulit ang digmaan at naging magka-tuos ang dalawang tinadhana.

naglalaban na nga ang dalawang tinadhana sa mag-kaibang kaharian naging seryoso ang kanilang labanan dahil hindi nila batid ang kanilang isa't isa.

habang nag lalaban ang dalawang tinadhana ay naging magka-tuos ang dalawang ama. habang ang reyna Fiona naman ay nagbalik ng kaharian upang pumalit sa tungkulin ni Carol.

pala-gitnaan ng digmaan, habang nagtutuos ang dalawang itinakda ay napaslang ang ama ni Carol ng ama ni Franky. Mukhang ito na ang simula ng kagustuhan ni Carol na maging isang reyna' Nasubaybayan ni Carol ang pag-paslang kay Haring Patrick at sa sobrang galit biglang lumabas ang tunay niyang kapangyarihan at lakas agad din siyang nagpunta sa ama ni Franky para kalabanin ito.

Biglang umulan ng malakas dahil sa galit ni Carol.

Carol: King Cedrick, Ano ang ginawa mo sa aking ama?

King Cedrick: Umalis ka diyan hindi ikaw ang nais kong makalaban.

Carol: galit na galit at sinabing, sumagot ka?

King Cedrick: Wala akong nais ipaliwanag sayo.

Carol: sa sobrang galit ay nilunod ni Carol ang ama ni Franky sa tubig.

Agad na dumating si Franky at muli siyang nakipag tuos kah Carol.

.....

Franky: Hindi ka patas makipag laban nilalang.

Carol: Umalis ka diyan nais kong paslangin hari ng lumang kaharian.

....

Gaya ni Carol biglang nag-usok ang katawan ni Franky at lumalabas na nga ang kaniyang tunay na lakas at kapangyarihan.

Sa sobrang galit ni Franky ay sumabog ang mga bulkan sa Fantastica at nagtagisan ng lakas ang dalawang tinadhana.

sobra na nga ang naidudulot ng digmaan kaya agad na nag-tungo muli ang reyna ng kaharian ng Kapayapaan upang patigilin ang digmaan. kaya't sa kaniyang pag-punta sa lugar ng digmaan ay nagulat siya ng nakita niyang nagamit na nga ni Carol ang kaniyang kapangyarihan ng wala pa sa edad na itinakda. bukod pa doon ay nalungkot si Reyna Fiona ng makitang patay na ang kaniyang asawa nasi Patrick.

Tama na!!!! Carol Tama na!!!!!!!! "Sigaw ni Reyna Fiona"

Hindi tumitigil ang dalawa dahil sa galit.

Ang dalawang diwata ay agad ang diwata ng kadiliman at liwanag ay tumulong para mapahinto ang digmaan gumamit nga ng enkantasyon ang dalawang diwata para mapatigil Ang l digmaan.

kinabukasan pagkatapos ng digmaan ay burol na nga ng hari ng kaharian ng Kapayapaan kasabay nito ito din ang araw kung saan magiging reyna na si Carol.

PAGKATAPOS NG BUROL...

Agad na nagpulong ang mga nakakataas na kawal pinuno ng kaharian na kakampi nila upang ianunsyo na ang bagong Reyna.

Reyna Fiona: Kamusta kayong lahat! Pinatawag ko kayo upang malaman Ang magandang balita. dahil tinanggap na ni Carol ang tungkulin .

Mga bisita: Ngunit d niya pa naaaral ang kaniyang kapangyarihan.

Agad na nagpunta ang diwata ng liwanag.

Faith: Mali ka! dahil ang aking kapangyarihan na handog kay Carol ay mabilis niya lamang matututunan dahil ang kapangyarihan ng tubig ay madaming nagagawa at sa tuwing gagamitin niya ito ay hindi siya nag-iisa dahil si Haring Patrick ay tinandhana para mamatay ng maaga nang sa ganoon ay maalagan niya si Carol at laging makasama sa oras ng digmaan at sa tuwing gagamitin niya ang kaniyang kapangyarihan.

Carol: Kung sa ganoon nasa tabi ko lang siya?

Faith: Oo! Carol. Siya ang mag-kokontrol sa iyong katawan upang magamit mo ang kapangyarihan.

Carol: Napakasaya ko! makakausap koba si ama?

Faith: Makakausap mo siya, maririnig ka niya ngunit hindi mo siya maririnig pero mararamdaman mo siya.

Reyna Fiona: Kung ganon sinugal niya ang kaniyang buhay para sa kaligtasan ng lahat.

Faith: Oo! Mahal na reyna dahil malakas ang inyong makakalaban dahil nasa kanila ang kapangyarihan ng apoy.

Carol: Paanong malakas?

Faith: Ang apoy ang pinaka malakas na elemento ng mundo.

....

Reyna Fiona: Kung ganoon maari kobang iutos sa inyo na ikaw Diwata ang mag-anunsyo ng ngalan bagong reyna.

.....

Faith: Ang inyong bagong reyna ay walang iba kundi si Carol. Kaya't hindi na lamang Carol ang itatawag niyo sa kaniya kundi Mahal na reyna.

Mga bisita/kawal: 'pasigaw' Kapayapaan para sa fantastica...

Simula ng maging reyna si Carol ay naging madalas na lamang ang kanilang pagkikita ni Franky.

habang naglalakad si Franky sa kagubatan ay nakita niya si Carol na nasa bundok ng kahirapan at tumutulong ngunit nagtataka si Franky dahil may korona at naka suot pang reyna ang kaniyang minamahal agad niya itong nilapitan.

Franky: Ikaw ba Yan? Carol?

Carol: Reyna ang itawag mo saken?

Franky: Pero diba hindi mo nais na maging reyna?

Carol: Wala kana doon pwede bang lubayan muna ako.

Franky: Pero Carol Mahal kita 'Malungkot'

Carol: Nilalang! Hindi kita mahal hindi tayo pwede dahil mandirigma kalang at reyna ako alam mong bawal yun dito sa Fantastica.

Franky: Baguhin naten ang pananaw na iyon!

Carol: Hindi! Kaya makaka-alis kana.

....

Agad na siyang umalis at makikita sa itsura ng dalawang tinadhana ang lungkot at pang-hihinayang.

.....

Mabilis na nagpunta si Franky sa kanilang kaharian at nakita niya ang kaniyang ama at kinausap siya nito.

...

King Cedrick: Franky!!!!

Franky: bakit po ama?

King Cedrick: Maupo ka!

Agad siyang umupo at sila ay nag-usap.

Franky: ano po yun ama?

King Cedrick: malapit ka nang maging hari anak!

Franky: Ngunit ama alam mong ayaw kong maging hari.

King Cedrick: pero!

Franky: Pag-iisipan ko ulit ama.

Nagpunta si Franky sa kaniyang silid upang mag-isip ng hakbang kung paano niya ulit paiibigin ang kaniyang nagugustuhan nasi Caro.

Pumunta si Carol sa kaharian ng unang hari para magbigay ng mensaheng babala para sa kanila.

Carol: King Cedrick! ako ang bagong reyna ng kaharian ng Kapayapaan Kung ang akala mo ay madali kong makakalimutan ang pag-paslang mosa aking ama nagkaka-mali ka sa pag-sapit ng ika-apat na buwan mag handa kasa ikalawang digmaan.

Narinig ni Franky ang tinig ng kaniyang nagugustuhan kaya agad siyang lumabas ng silid.

paalis na nang kaharian si Reyna Carol ngunit naabutan siya ni Franky sa pagbaba ni Franky ng silid tinanong niya ang ama niya.

Franky: Ama sino siya?

King Cedrick: Siya ang bagong reyna ng bagong kaharian siya si Reyna Carol.

habang nagsasalita si Franky panandaliang napa-hinto ng lakad si Reyna Carol.

Reyna Carol: ikaw?

Franky: Anak ka ng reyna at hari?

King Cedrick: kilala mo siya?

Franky: Opo! ama siya ang napupusuan ko.

King Cedrick: Ngayon palang d ko nais na magka-ibigan kayo bukod pa doon nakatakda kayo para maging magkalaban.

Franky: Kung ganoon ikaw ang nakalaban kosa unang digmaan?

Reyna Carol: Oo! Pero hindi ko alam na ikaw yun.

Franky: Hindi ko nais na maging magkalaban tayo.

Reyna Carol: Hindi natin mapipigilan ang tadhana Franky!

Agad na dumating ang inang Reyna ni Carol.

Reyna Fiona: Ano at ang tagal mo anak?

King Cedrick: Nagulat!!!!

Reyna Fiona: Ikaw pala taksil kong dating asawa.

Reyna Carol & Franky: Magka-kilala kayo at dating mag-kasintahan?

King Cedrick: Hindi!

Reyna Fiona: Oo! Minahal niya ako at may anak kame.

Tilah! malalaman na ang katotohan.

...........

King Cedrick: Umalis kana?

Reyna Fiona: Nasaan ang anak naten?

Franky: nagtataka!!!!

Reyna Carol: pwede ba namen malaman ang katotohan.?

Reyna Fiona: Nasaan ang anak naten 'Pasigaw niyang pagsasaad'

Franky: Ako ba ama?

King Cedrick: Oo anak ina mo siya.

Franky: Kung ganoon!!

Reyna Carol: Mag-kapatid tayo?

Franky: Kahit pala hindi itadhana na paslangin namen ang isa't isa hindi padin kame pwedeng maging mag-kasintahan.

Reyna Fiona: Oo! Dahil Mag-kapatid kayo.

Disclaimer

Abangan sa part 2 ang pwedeng mangyare Lalo na at alam na nila ang katotohanan.