Chereads / SOLVING YURi / Chapter 4 - 4

Chapter 4 - 4

[Yuri]

"Bagong renovate na'rin ito katulad ng sinend mong mga designs, pinalinis ko na din ito sa housekeeper kanina kaya wala kanang ibang gagawin kundi ang mag-ayos na lang ng mga gamit mo." Nakangiti at masayang paliwanag ni Tita Lisa–I tried to call her Ma'am earlier but she insisted na Tita Lisa na lang daw ang itawag ko sa kanya.

Nandito ako ngayon sa apartment na tutuluyan ko habang nag-aaral ako sa SSU. I decided na sa labas na lang ng university tumira kaysa sa mga dormitory doon sa loob, alam ko kasing mas magiging kumportable ako dito sa labas malayo sa ibang mga estudyante.

And besides, ang parents ko din naman ang nag-desisyon na sa isang condominium unit na lang ako tumira, though I rejected their offer dahil masyado itong malayo sa university kaya they suggested this apartment instead—The Laxford Apartment. 20 minutes lang ang layo nito mula sa university, depende na lang kung public transportation ang sasakyan mo, but in my case na halos lahat ng pangangailangan ko ay inayos at ini-handa na ng parents ko bago pa man nila mapag-desisyunan na dito na lang ako pag-aralin. Pagpasok ko pa nga lang sa kwarto ng hotel na tutuluyan ko two days ago ay bumungad na agad sa akin ang isang susi ng kotse na nakalagay sa ibabaw ng kama ko. There were also a piece of paper saying that my car is already in the parking area of the hotel. Hindi ko lang talaga alam kung matutuwa ba ako dahil binigyan nila ako ng bagong kotse or malulungkot because I don't have my driver's license yet, and I didn't even know how to drive!

So after that, I decided na sa taxi na lang muna ako sasakay kapag papasok ng school or may pupuntahan akong lugar. Mag-e-enrol na lang ako sa pinaka-malapit na driving school kapag nakapag-adjust na ako at may libre nang oras para matutong mag-drive.

"Ah sige po, thank you po t-tita Lisa." Medyo awkward kong sagot dito habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng unit.

Tama nga ang sinabi niya na tapos na itong i-renovate, I immediately started to make a tour. The cream-tiled floor is definitely complimenting the light-grey wall and the white-colored ceiling. Maluwang din ang kwarto compared to any ordinary apartments na matatagpuan malapit sa university, alam ko'rin naman na hindi ito ire-recommend ng parents ko if hindi ganito kaayos at kaganda ang magiging kwarto ko.

Pagpasok ng pintuan ay bubungad agad ang isang mini hallway na sa tingin ko ay may lapad na mahigit three meters at may haba namang eight meters, mapapansin din ang mga paintings and other art materials na nakasabit sa pader nito.

"Nandito lang sa bungad yung comfort room," Dugtong pa ni tita Lisa at saka binuksan ang pintuan sa right side bago lumagpas sa mini hallway.

I peeked inside and my jaw almost literally dropped when I saw the entire 'comfort room'. Muka yatang napasobra sila ng renovation dito because it looks very classy just to be a comfort room. It was rectangular in shape and coated with a roughed and grey-colored tiles. The ceiling has similar color to the outside but the wall was painted in white. There were a fixed cabinet in the left side followed by a white circular sink with a large rectangular mirror on the wall and mini hanging cabinets. Sa bandang dulo ay nandoon naman yung shower area na pina-ikutan ng glass wall. The wall was divided into two part, the blurry part and the clear part. Obviously yung blurry part ay mula sa ibaba hanggang sa shoulder level na sinundan naman ng clear part from shoulder level up to the ceiling. And by just looking at this, pakiramdam ko ay mawawala agad lahat ng pagod ko kapag ginamit at pinag-paliguan ko na ito mamaya.

Matapos silipin ang comfort room ay sumalubong naman sa akin ang living area na nasa may gawing kanan pagka-lagpas lamang ng mini hallway, nasa taas na part naman nito ang isang split-type airconditioned unit. Katapat nito ang isang king size bed na nasa may gawing kaliwa naman. May bed-side table din sa gilid nito na sinundan naman ng study table at book shelves sa pinaka-dulong bahagi ng kwarto.

The dirty kitchen is in the opposite side, the sink which is designed with a long-grey tiled counter  and a four-burner electric stove that were fixed in the counter. On the upper part, the closed-white hanging cabinet and the exhaust system for the stove were installed. There were also a few cabinets, dishwasher and oven underneath the counter followed by the medium size fix-in refrigerator against the wall, naka-pwesto ito sa isang cabinet kaya hindi ito agad-agad mapapansin kung hindi bubuksan.

But the most interesting part for me was the bar counter, kalapit lang ito ng kitchen area at ito din yung nagsisilbing division ng living area sa mismong dirty kitchen. Sa labas na part nito nakalagay yung mga upuan na madalas ko lang nakikita sa mga coffee shop.

Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto ko.

"Napaka-gwapong bata, nag-mana ka nga talaga kay Greg nung kabataan nito." Bulong ni Tita Lisa matapos ako nitong mahuling nakangiti.

"Wait–matagal niyo na pong kakilala ang daddy ko?" Medyo gulat kong tanong dito.

Yeah I know the fact na magka-kilala sila Tita Lisa at ang parents ko pero hindi ko alam na magkaka-kilala na pala sila noon pa, dahil kung tama nga ang narinig ko ay yuon nga ang ibig sabihin non–that they know each other eversince.

"Ha? Ah ano—of course I know your father! We are a good business partners after all–right?" Balisadong sagot nito sa akin. Tila bigla itong na-ilang at hindi makatingin sa akin ng diretso. Nagtataka akong tumingin dito, mababakas sa mukha ko na hindi ako kumbinsido sa naging sagot niya. I think that she's hiding something, there's more into it, I know.

"Sige mauuna na'ko ha, if you need anything, tawagan mo lang ako." Nakangiting paalam ni Tita Lisa at saka tuluyan nang lumabas ng pinto.

Hindi ko na lamang pinansin ang kaka-ibang kilos nito nang mabanggit ko ang tungkol kay dad. Siguro ay may na mis-interpret lamang ako, masiyado na yata akong nagiging obserbance sa mga taong naka-paligid sa akin. That was the perks of being a silent guy, the more I'm being timid–the more I've notice something. Sabi nga nila, kapag tahimik ka ay matututo kang obserbahan at pakinggan yung mga nasa paligid mo, intentional man ito or hindi.

I decided na i-ayos na muna lahat ng mga gamit ko, especially yung mga dala kong maleta na sinundo ko pa sa hotel na tinuluyan ko simula nung dumating ako. Nang matapos ako sa ginagawa ay dumiretso na ako kaagad sa comfort room upang maligo at magbabad. Nakapag dinner naman na ako sa labas kanina bago pa ako pumunta ng hotel kaya wala na akong ibang gagawin ngayon kundi ang ipahinga ang buong katawan at isip ko mula sa napaka-habang araw na ito.

***

Napahinga ako ng maluwag nang marinig kong 16 votes ang nakuha ko–kapantay ng nakuhang votes ni John Patrick, which means the voting between the two of us will be repeated. Ibig din sabihin ay may chance pa na mas mataas ang makuha niyang boto sa ikalawang ulit ng botohan, and besides, kaming dalawa na lang naman ang natitirang nominies kaya paniguradong malilipat sa kanya ang ibang boto ng mga kaklase namin. Buti na lang talaga at— "Wait–I'm giving my vote to Yuri!"

Tuluyan nang nawala ang natitirang ngiti at pag-asang nakaplaster sa aking mukha ng marinig ko ang mga katagang iyon na nagmumula sa nakabukas na pintuan sa gawing likod ng classroom. Gulat ding napalingon ang lahat dito na sinundan na sandaling katahimikan.

"What? I said I'm giving my vote to Yuri, lumabas lang ako saglit kanina." Nakangiting saad ni Patricia–the elected muse. Napansin kong tumingin ito sa harapan at saka bahagyang ngumisi.

"Which means that Yuri already got 17 votes in total right?" Dagdag pa nito at saka nag-simulang bumalik sa kanyang upuan.

After that unexpected turn of events, I was declared as the elected escort of the BSBIO 1-1 section. Yey great! I sarcastically screamed inside my head. When the clapping hands of my classmates to congratulate me settled down, sir Alfonso instructed us the elected officers to come and stand to the front for the picture taking and for the short message that will be coming from the elected president–Zachary Von Moore Bautista.

"As the elected president, I'm saying my thanks to all of you for giving me your trust as well as the unwavering support eversince," Panimula nito.

"And I will do my very best to fulfill my duty and obligations as your leader and president,"

"And to my fellow officers, I hope that you can all support me throughout the whole year, I'm also hoping that each one of you knows your position and obligations as well,"

"Learn on how to help and cooperate to every activities that we were going to perform," This time ay tumingin siya sa gawi ko at mabilis akong pinadaanan ng tingin.

"That's all, thank you." Pagtatapos nito sa napakahusay nitong mensahe na sinundan naman ng masigabong palakpakan ng lahat.

Pero bakit pakiramdam ko ay sa akin niya sinasabi yung mga huling mensaheng sinabi niya. Did he just mock me? My brows furrowed as I felt my blood flowing up to my face.

***

I stop my shameful reminiscing about on what happen yesterday on the election. I almost forgot that I already have a position and sooner or later it will actually be tested. Sa pag-iisip ko ay binalot nanaman ako ng frustration at nakalimutan kong kanina pa pala ako nandito sa harapan ng pintuan ng aming classroom.

I was finally about to hold the door knob when it suddenly open making my heart to jump a little bit.

"What are you doing?" Seryosong tanong ni Zach habang naka-kunot ang mga kilay at mari-ing nakatingin sa mga mata ko. Nakahawak pa'rin ang isang kamay nito sa door knob ng di-slide na pintuan habang ang isa naman ay nakasukbit sa bulsa ng itim niyang pantalon.

Ano nanaman ba?