Chereads / Not Now But Forever / Chapter 24 - Chapter 24

Chapter 24 - Chapter 24

"Miss Montes, office, please." Agad akong napatayo ng marinig ang tawag ni Sir Arnel.

I fixed myself and went inside his office. I remained standing in front of him. Naramdaman ko ang tensyon.

"Miss Montes -" I cut him off. Alam ko naman kung bakit niya ako pinayagan.

"If this is about what happened between me and Mr. Pangilinan, I promised, I won't let our past affects this project, Sir." Sunod-sunod kong saad.

Pakiramdam ko tuloy ay pilit kong hinahabol ang hininga ko. My hands aren't shaking. Maybe because I know that I need to not to lose anything.

Napatango sa sinabi ko si Sir Arnel, "I see."

"I'll fix this, Sir." Desidido kong tugon.

He let me go after that talk. Pabagsak akong umupo sa cubicle ko at saka napahilamos na lang.

Nakakafrustrate!

"Unwind tayo, later?" Mahinang bulong sa akin ni Rose.

Masama ko itong tiningnan, "Ang hirap niyong kasama lalo na kapag lasing kayo."

"We won't get drunk." She said trying to persuade me.

Wala rin akong nagawa nang magsipuntahan na sila sa condo namin para sabay sabay na raw kami sa bar.

"Ang putla mo, Ali." Puna ko kay Ali na tahimik lang na nakaupo sa couch.

"Stress lang sa law school." She said and let her head rest.

Ipinagkibit balikat ko na lang ang sinabi niya tsaka nag-ayos na ng aking sarili.

We went to the bar, ngunit mas kalmado ang mga tao dito. Nagpareserve na kami ng VIP room. Nakapagtataka lang dahil they ordered light drinks.

"May mga problema ba kayo?" Usisa ko sa kanila.

"Ikaw ang may problema rito" Joy said and drank her tequila. Siya lang ang nag order nun.

"Wala namang problema. We just need to compromise with the situation." I casually told them.

Tahimik lang kami sa couch. Hindi ko nga alam kung nagpapakiramdaman ba kami o ano.

"Oh no!" I saw Ella panicking. Hindi ko alam kung bakit pero nang sundan ko ang tinitingnan niya, my eyes widened.

"What's with you and Von?" Hindi ko napigilang tanong sa kanya.

She groaned, "Nothing! He just keeps on...pestering me!"

Nagulat naman ako ng makita ang biglaang pagtayo ni Ali. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Restroom lang." She said and hurriedly went there.

Joy followed her. Jerard is also quiet in his seat. Now, my friends are all acting weird!

Kinabukasan, I told Joy na siya na muna ang mag attend ng script reading. Last script reading na iyon tapos magsisimula na sila mag shoot. Hindi ko na ulit si Dale makikita pa. Oh I can't wait!

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng mga stores na dadalhan ng mga bagong published na libro.

Nakita kong nagsilabasan na sila. Joy went on us, mad. I don't know.

"Ang hina mag acting ni Amanda!" Inis niyang bulalas sa amin ni Rose.

"Well, tamang ganda lang naman yan." Rose seconded.

Niyaya ko na silang maglunch. Napakunot ang noo ko ng makita ang food delivery para sa akin.

I didn't order any food. What is this?

"Ay secret ho, Ma'am!" Pabiro na saad sa akin ng delivery boy.

"Yie! Ikaw ha! May secret admirer ka na!" Asar nila sa akin.

I made a face, "Hindi nakakatuwa."

Dahil mapilit ang nagdeliver ay wala rin akong nagawa kundi tanggapin iyon. To my surprised, kasya sa amin ang pagkain na pinadala.

Instead of going out, we ate on the cafeteria.

"Okay na to, at least tipid tayo!" Rose said while chewing her food.

I nodded at her, "Oo nga rin pero baka mamaya may lason na to eh!"

Sinamaan naman nila ako ng tingin, "Di sana patay na tayo." Joy mocked me.

Ilang beses na naulit ang palunch na iyon. Curious na tuloy ako sa kung sino ang nagpapadala nun.

"Talaga ha! Hindi ko na to tatanggapin pa ulit, Sir. Kapag hindi mo sinabi sa akin sinabi kung sino to sa susunod na magdedeliver ka, hindi ko na po to kukunin." Panenermon ko saka kinuha ang delivery.

God, two weeks nang may nagpapadala sa akin ng mga packed lunch!

"Grabe naman talaga ang admirer! Ikaw pa letter lang tapos ito palunch pa!" Rose said that made me rolled my eyes.

"Try ko rin kaya style mo, Charm! Baka magkaroon din ako ng admirer." Maarte saad ni Joy.

"Akala ko ba may Mr. Model ka na?" Usisa sa kanya ni Rose.

"Mr. Model?" I curiously asked.

"Oo! Model nadagit niyan eh! Kaya inis kay Amanda kasi -" Napatigil sa pang-aasar si Rose. Halos manlaki ang mga mata nito.

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ang pamilyar na boses.

"Hi! Can we sit here?" Pormal niyang tanong.

"Maraming vacant seats ah." Halos mapaawang ang bibig ko sa biglaang pagtataray ni Joy.

"Aren't we welcome to sit here?" Tanong ng kasama ni Dale gamit ang pangmalakasang accent.

"No, you are not." Joy casually said.

I can see how Rose smirked habang ako ay hindi naiintindihan ang mga nangyayare. Like, what did I miss?

"Come on, Joy. You sound so bitter." The guy resorted back at Joy.

"Because you look like a walking bitter gourd" Singhal ni Joy.

"Who is he?" I mouthed at Joy who's face right now is unexplainable.

"Ady, let's go." I heard Dale said.

Oh, so Ady is the name?

Hindi na rin naman umapila ang Ady. Agad din naman siyang sumunod kay Dale.

Tinaasan ko ng kilay si Joy. Kaya pala tukmulin ang isang to.

"Yun na yun?" Asar ko sa kanya.

"As if," She scoffed. "Hindi ako pumapatol sa bata." She added.

"Talaga ha," I said, not believing her.

"Dale!" Nanlaki ang mata ko sa biglaang pagtawag ni Joy dito.

"Miss ka na raw ni Charm. Usap naman daw kayo." Joy said while looking at me.

Masama ko itong tiningnan. Nilingon ko rin si Ady. Kala niya ha.

"Hi, Ady, right? Joy looks like she's head over heels on you. Might wanna do something about the feeling of my friend?" I cutely asked Ady.

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Joy at saka siya matamis na nginitian.

"Gaga ka, kala mo hindi ako gaganti ha?" Pabulong kong saad sa kanya.

I looked at Ady again to get his answer but all I see is Dale's crumpled face in front of me.