Chapter 5 - Chapter 3

Chapter 3

Title: [In Disguise] Noxious Academy

Writer: Agatha_Aesis

WARNING: This is a RAW story, and has may typographical and grammatical errors. Again, if you want a perfect story then this story is CERTAINLY not for you.

This is my first-ever story please bear with it.

I wrote this when I was 14 years old ) April 2020(

********************************

[His POV]

Andito ako ngayon sa Japan. Yun Building. Napagtripan ko'ng pasukin ang hideout ng TOP 2 Mafia Clan.

Tumatakbo ako nang Makita ko ang isang dead-end at isang babaeng nakatayo. Binato ko ang dagger ko upang mabasag ang bintana sa likod ng babae, iniwasan niya ito. Siya ay naka-pula mgunit may maskara ang mga mata.

Siya si 'Crimson-Eyed Monster' ang pinaka-sikat, pinaka-astig, at pinaka-malakas na girl-mafia. Lagi lang siyang mag-isa, ang sabi sa underground ay wala siyang gang.

"Need any help?" tanong ko sa kanya.

"Well if you help me escape, I guess?" sagot naman niya.

"Then hold-tight" Nakita ko ang pagka-lito sakanya.

Nagulat siya nang bigla ko siyang hatakin at yakapin, bigla kong itinali ang isang lubid sa katawan ko at tumalon. Imbis na magulat siya sa pagkahulog ay nakatingin lang siya sa akin. Ang ganda ng mga mata niya, ngunit may maskara, hindi katulad ko na hindi kailangan itago ang identity.

Nang maka-apak na kami sa lupa ay hinalikan niya ako, smack lang. Nagulat ako sa ginawa niya.

"You're lucky that's the first-kiss of the Mafia Princess and the Gangster Queen" She smirked and run faster.

I promise, I will find that Girl!

"Get him!" agad naman akong kumaripas ng takbo nang matanaw ko ang mga humahabol saamin.

__________________________________

Video Call...

[Kelan ka ba babalik dito sa Pilipinas?] tanongg ni Jared.

"Nasa airport na ako ngayon" sabi ko naman.

Jared Silva one of my fighters in the gang. He is my childhhod friend, isa rin siya sa mga kasama ko na mamuno sa Black Angels Gang, Top1 gang sa Underground at sa Mafia World. Kami ang kalimitang nauurusan ng mga Mafia Clans, may sinusunod kaming Mafia Clan. Ang Yuriku Clan. Si Jared ay ang kanang kamay ko, kasangga ko siya sa kahit ano. Kilala siya bilang White.

[May chicks ba pre?] tanong naman ni Elijah.

Elijah Manuel siya ang cassanova ng grupo namin. SIkat na sikat ang gang namin pero siya talaga ang pansisinin. Oo, kasali rin siya sa gang. Siya ang nagha-handle ng contacts namin at suppliers. He is the son of the famous 'Manuel Clan' pero hindi siya pinapasali ng dad niya kaya naisipan niya na sumama sa Gang namin. Kilala siya bilang Jahjah.

"Elay, Maramiiiii pero may isa akong na-encounter" napangisi naman ako.

[Talaga?!]

"Oo si Crimson Eyed Monster"

[Yung walang gang? Tapos pula ang mata?]

"Yup!"

[Tss] Singhal ni Kobi

Kobi Vuerte kasali din samin. Tahimik at bihira magsalita, laging nagbabasa or nakikinig sa musika. Hindi ko nga alam kung bakit kasali siya samin eh muka siyang inosente. Pero siya ang pinaka-magaling gumamit ng bow and arrow saamin kaya siya din ang sniper namin. Anak siya ng kilalang business man, siya lang ang may maskara saamin kaya naman kilala siya bilang Masked Man.

[Ang ingay niyo naman!] sigaw naman ni Alfred na ikinatawa namin, nasa library daw kasi siya ng Bahay nila at nasa kabilang shelf daw ang tatay niya.

Alfred Suarez siya ang Joker ng barkada, siya ang may pinakamadaming kaibigan. Magaan ang loob sakanya ng mga estudyante sa school namin. Actually lahat kami ay lilipat sa isang boarding school dahil na-kickout kami sabay sabay sa school namin dahil nakaabot sa Dean ang pagiging gang namin dahil kay Alfred. Kilala naman siya bilang Joker.

[Mga pre! Lilipat daw tayo ng boarding school! Sa school ni Tito Manuel!] Sigaw naman yan ni Eric.

"Mga pre tinatawag na flight ko, text mo nalang muna!"

Eric Lui ay ang anak naman ng isang sikat na artista mula sa isang mayamang pamilya. Well lahat naman kami. Siya ang trainer ng mga junior namin. Ang Lui ay mayroong isang malaking boarding school sa Nueva Vizcaya, mukang doon kami lilipat. Known as Rapid. Because He's fast as hell.

[From:Eric]

[Mga pre, Noxious Academy: School of Delinquents]

[From:Eric]

[Noxious Academy: School of Delinquents, dyan nag-aaral ang kuya ko. Eskwelahan yan ng mga estudyante na may minor-crimes or mga gangsters, ang iba naman ay no choice na dyan mag-aral. Delikado dyan, may sarili silang Mall at Amusement park, may ranking system at sariling curriculum, wala masyadong nagtatransfer pero maraming dyan na nagsimula mag-aral, Eto ang branch sa buong mundo na may pinaka-maraming estudyante, yan rin ang branch na pinaka-delikado. Sa sobrang laki ng Academy ay imposibleng Makita mo ang kabuuan nito. Delikado pero alam ko'ng kaya natin yun]

Delikado?

Yung school o kami?

[To:Elay]

[Pre, give me all the information about 'Crimson Eyed Monster']

At syempre ako si, Zach Aerego, ang leader ng gang at pinaka-sikat na Gangster sa Underground. Kilala ako bilang Ruthless King. Ako ang hari sa Underground, at hinahanap ko ang aking reyna.

__________________________________

Sa Airport ng Pilipinas

"Pre!" sigaw saakin ni Elay na may kasama pang chicks niya.

"Pang-ilan na yan pre?" tanong ko sakanya.

"Shh, seryoso ako dito"

"Aba kelan ka pa naging seryoso?" sabat naman ni Alfred.

"Na saan na ba si Eric?" tanong ko.

"Parating na daw siya, dala na yung sasakyan papunta sa Nueva Vizcaya" Sabi ni Jared habang nakatingin sa cellphone niya.

"Ngayon na ba tayo pupunta dun?"

---BEEP--BEEP---

"Mga pre! maaga pa pasok natin bukas!" sigaw samin ni Eric.

"Bukas?!" sabay sabay kami maliban kay Kobi na tahimik lang na pumasok agad sa van.

"Paano yung mga gamit namin?" tanong ni Elay

"Napadala na lahat pati mga kotse, tsaka yung titirahan natin ay sa labas ng academy para safe" paliwanag ni Eric.

"Para safe?"

"Oo pre, pwede pumatay dun ang kahit sinong estudyante. May sarili ngang dome para sa mga gangsters ng underground eh"

"Ibig sabihin.."

"Oo, gangster school yun at delikado talaga doon"

"Matulog muna kayo, mahaba ang byahe"

__________________________________

"Mga pre gising!"

"Kanina pa kami gising!" nagtawanan naman kaming lahat.

"Yan na ba yung Bahay natin?"

"Oo pre, may anim na kwarto yan. Kaso lang wala tayong hideout dito sa Nueva Vizcaya"

"Ayus lang, hindi naman tayo nagamit ng deadly weapons eh"

"Maligo muna tayo, yung mga uniform nasa kwarto niyo na. 10am ang pasok natin at second day na ngayon" yan ang huling sinabi ni Eric bago siya pumasok sa kwarto niya.

After 30 mins...

8:30

"Oh Pre sainyo na ni Eric yung Pagani!" sigaw saakin ni Alfred at bato ng susi, samantalang silang dalawa ni Kobi ay Maserati ang dala. Si Jared at Elijah naman ay sa Jaguar.

"Tara na!" si Eric ang nag-drive ng sasakyan naming, naka-convoy nalang sila dahil hindi namin kabisado rito.

Sa school...

Lumapit ako kay Elijah at tinanong kung anong nakalap niya kay Crimson.

"Ang alam ko lang ay babae siya at may hideout siya dito sa Pilipinas, Phil-Japanese siya. Pero walang ibang info, huli lang siya Nakita sa Japan then wala na" sabi ni Elijah na ikina-dismaya ko.

Pumasok kami ng gate at Nakita namin agad ang kuya ni Eric, si Elrico Lui.

"omg! sila ba yung Black Angels?"

"ang gwapo nila sa personal!"

"natupad na ang mga pangarap ko!"

"Sino yung kasama nilang may glasses?"

"nasaan si Masked Guy?"

"Shunga! Syempre hindi yun magpapakita, Masked nga diba?"

Kilala na rin pala kami agad dito.

Halos lahat ng estudyante ay nakapalibot samin maliban sa isang babae na tila walang pakialam.

"Pre, may nagsabi na andito daw si Crimson, baka raw dito nag-aaral dahil dumalo daw ito kagabi sa Underground Dome" bulong ni Elijah.

"Pre, sa Class I-A daw tayo" sabi naman ni Jared.

Nawala sa paningin ko ang babae. Nagulat nalang ako nang may lumipad na shuriken sa harap ko at sa gitna nang babae na Nakita ko kanina.

WHOOSH

Nanatiling seryoso ito samantalang lahat kami sa gang ay nagulantang

"Ayos ba? Welcome!" sigaw saakin ni Elric.

"Miss, ayos ka lang ba?" tanong ko sa babae na nakatitig lang saakin.

"Tss" yun lang ang sinabi niya at umalis sa harapan ko.

********************************

Agatha_Aesis

Any suggestions? Please comment.

If you liked it please VOTE!